
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Recovery
☰ Chapters
Kinabukasan.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog.
Ang alam ko lang...
Nakatulog akong umiiyak.
At nagising pa rin akong umiiyak.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Awtomatiko kong ipinatong ang isang kamay ko sa tiyan ko.
Four months.
Mas prominente na ang baby bump ko.
Mas mabigat na rin itong dalhin kapag bumabangon ako.
Maingat akong tumagilid.
Naroon pa rin ang bahagyang kirot sa ibabang likod ko.
Humawak ako sa kama upang dahan-dahang makaupo.
Instinct.
Automatic.
Bago ko pa man tingnan ang sarili ko...
Hinawakan ko muna ang tiyan ko.
"Good morning, little one..."
Mahina kong bulong.
Naramdaman kong maayos lang ako.
Maayos din siya.
Huminga ako nang malalim.
Pagkatapos...
Napalingon ako sa kanan.
Naroon si Daddy.
Nakaupo na sa kama.
Maputla pa rin.
Makapal pa rin ang mga benda sa kanang kamay, kanang braso, kanang bahagi ng leeg, at kanang bahagi ng dibdib niya.
Nakaangat ang kanang braso niya sa mga unan.
Halatang hindi niya ito maigalaw.
Pero...
Nang makita niyang gising na ako...
Ngumiti pa rin siya.
Parang walang nangyari.
Parang siya pa ang gustong magpagaan ng umaga ko.
"Good morning, Mommy."
Hindi ako nakasagot agad.
Napansin niya agad ang mga mata ko.
"I can see your eyes..."
"They're swelling."
Mahina siyang ngumiti.
"Have you been crying all night?"
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.
"Daddy..."
Iniabot niya ang kaliwang kamay niya sa akin.
"Come here."
Lumapit ako agad.
Maingat akong yumakap sa kaliwang bahagi ng katawan niya upang hindi madagdagan ang sakit niya.
Nararamdaman ko ang init ng katawan niya.
Ang pagod.
Ang panghihina.
At kahit ganoon...
Siya pa rin ang unang nagsalita.
"I just did some 'The Flash' moves last night..."
Bahagya siyang napangiti.
"...but I'll be fine."
Napatawa ako sa gitna ng pag-iyak.
"You really chose to joke right now?"
"I have another one."
Napailing ako.
"Daddy..."
"I'm still here."
Tinaas niya nang bahagya ang kaliwang balikat niya.
"I'm just in 'The Mummy' mode currently."
Napatingin ako sa makakapal na benda sa katawan niya.
At sa pagkakataong iyon...
Tumawa ako habang umiiyak.
Mahina.
Pero totoo.
Nang muli kong makita ang mga benda...
Hindi ko na napigilan.
Napahikbi ako.
Agad niyang hinawakan ang pisngi ko gamit ang kaliwang kamay niya.
"Hey..."
"Look at me."
Pinilit kong tumingin sa kaniya.
"I told you I'm okay right?"
"We're okay."
"The twins are okay."
"Even the baby is okay."
"That's what matters most."
Napailing ako.
"You almost..."
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
Hindi ko kayang banggitin.
Hindi ko kayang isipin.
"I know."
Mahina niyang sagot.
Pero nanatili siyang kalmado.
"I'm sorry..."
Mahina kong bulong.
"Maybe if I wasn't in the kitchen..."
"Cha."
Mahina pero firm ang boses niya.
"No."
"None of this is your fault."
"It was just an accident."
"Nothing more... nothing less."
Napayuko ako.
"Even the twins..."
"None of what happened was theirs as well."
"It's just my Superdad mode in me I think?"
Napangiti siya nang mahina.
Parang gusto lang talaga niyang pagaanin ang bigat ng dibdib ko.
Hindi ko napigilan.
Yumakap ulit ako sa kaniya.
Mas maingat.
Mas mahigpit.
"I love you..."
Mahina kong sabi.
"I love you too."
Sandali kaming natahimik.
Parang sa pagitan ng mga salitang iyon, mas naging malinaw ang lahat ng hindi namin masabi.
Maingat akong lumapit sa kaniya.
At bago pa ako makapag-isip nang matagal, iniangat niya nang bahagya ang kaliwang kamay niya para gabayan ako palapit sa kandungan niya.
"Careful," mahina niyang bulong.
Tumango ako.
Dahan-dahan akong umupo sa lap niya, ibinuka ang mga hita ko at iniyakap ang mga binti ko sa baywang niya, maingat pa rin para hindi maipit ang mga benda at hindi madagdagan ang sakit niya.
Agad niyang inalalayan ang bewang ko gamit ang kaliwang kamay niya.
At nang magtama ang mga mata namin...
Wala nang ibang sinabi.
Hinila niya ako palapit.
At hinalikan niya ako nang matagal.
Hindi nagmamadali.
Hindi rin nag-aapura.
Parang gusto lang naming damhin ang isa't isa pagkatapos ng lahat ng takot, pagod, at sakit na pinagdaanan namin.
Napapikit ako habang unti-unti niyang inililipat ang mga halik niya sa pisngi ko, sa gilid ng panga ko, hanggang sa leeg ko.
Mahina akong napasinghap.
Agad kong nahawakan ang buhok niya gamit ang kaliwang kamay ko.
"Cha..."
Mahina niyang tawag, halos bulong lang sa pagitan ng mga halik.
Ngunit hindi niya ako pinilit na magsalita.
Sa halip, mas lalo lang niyang iningatan ang bawat galaw niya.
Mas marahan.
Mas maingat.
Mas puno ng lambing.
Nang muli niyang salubungin ang labi ko, mas lalo akong napahawak sa kaniya.
Parang doon lang ako muling nakahinga nang maayos.
Parang sa bawat halik niya, unti-unting bumabalik ang tibok ng puso ko sa tamang ritmo.
Paglayo niya nang kaunti, magkadikit pa rin ang noo namin.
"You're shaking," mahina niyang sabi.
Napangiti ako nang bahagya.
"Ikaw rin."
Bahagya siyang natawa.
"Maybe because I missed you."
Napayuko ako, saka muling hinalikan ang labi niya nang mabilis at maingat.
"I missed you too."
Hinaplos niya ang likod ko gamit ang kaliwang kamay niya.
At sa katahimikan ng umaga, mas lalo akong dumikit sa kaniya, hinahanap ang init at katiyakang tanging siya lang ang nakapagbibigay.
Niyakap lang namin ang isa't isa nang mas mahigpit.
Hindi na kailangang magsalita pa.
Dahil sa sandaling iyon, sapat na ang init ng katawan niya, ang tibok ng puso niya, at ang tahimik na pangakong pareho naming alam:
Nandito pa rin kami.
Magkasama pa rin.
Paglayo ko...
Ako na naman ang una niyang tinanong.
Hindi ang sarili niya.
Hindi ang sugat niya.
Hindi ang sakit niya.
Kundi kami.
"How's our little one this morning?"
I smiled faintly.
"I think the baby's okay."
"Any nausea?"
"A little."
"Did you eat breakfast?"
"Not yet."
"Did you drink your pregnancy milk?"
I shook my head.
"Not yet."
"Any pain?"
"My lower back."
"Any movement?"
"I felt her a little while ago."
Napangiti siya.
"Good."
"She's already saying good morning."
Makalipas ang ilang minuto...
May narinig kaming kumatok.
Pagbukas ko ng pinto...
Nandoon si Mama.
May dala nang malaking bag.
At nang makita niya ako...
Yumakap agad siya.
"Anak..."
"I came as soon as I could."
Napaluha na naman ako.
"I don't want you handling everything alone."
Napatingin siya kay Daddy.
Tapos sa tiyan ko.
"You shouldn't be running after the twins while you're carrying another baby."
"I'll stay."
"Until Daddy gets stronger."
Lumapit si Daddy sa abot ng kaya niya at bahagyang ngumiti.
"Good morning po, Ma."
"Thank you for coming."
"I'm sorry you had to leave everything because of what happened."
Mama smiled warmly.
"Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo, Kiko."
"Ang lalaking pinakasalan ng anak ko ay napakatapang."
"Hindi lang dahil handa kang magsakripisyo para sa kanila..."
"Kundi dahil minamahal mo si Cha at ang mga anak ninyo nang higit pa sa sarili mong buhay."
"Thank you for loving them more than your own life."
Napangiti si Daddy, bahagyang yumuko bilang paggalang at pasasalamat.
"Ma, that's my vow in the altar remember?" mahina niyang sagot, may ngiting hindi maitatago kahit pagod na pagod siya. "I just did what I should do."
Tumingin siya sa tiyan ko, saka kay Mama.
"And really... coming here po is a great help for us."
"I don't want Cha getting hurt especially now."
"The twins are really makulit lately..."
"Advance apologies for that, Ma."
Napaluha si Mama sa sinabi niya, sabay haplos sa pisngi niya gamit ang kamay na bakas ang pag-aalala at pagmamahal.
"Anak..." malambing niyang sabi. "Wala kang dapat ihingi ng paumanhin."
"Mas lalo lang naming nakikita kung gaano mo kamahal ang asawa mo at ang mga anak ninyo."
"At kung gaano ka kabuting asawa at ama."
Lumapit ako nang kaunti at hinawakan ang kaliwang kamay niya.
"Thank you, Daddy," mahina kong sabi, puno ng pagmamahal. "For always thinking of us first."
Ngumiti siya sa akin, saka sa tiyan ko.
"Always, Mommy."
"That's what family is for," dagdag ni Mama, puno ng lambing. "Magpahinga lang kayo. Nandito lang ako."
Tahimik ang buong bahay.
Mas tahimik kaysa dati.
Parang alam ng lahat na kailangan ng pahinga.
Makalipas ang ilang sandali...
Narinig ko ang maliliit na yabag.
Dahan-dahang sumilip sina A-hiya at Achi sa pintuan.
Parehong namumugto ang mga mata.
Parehong halatang umiyak.
Nagkatinginan muna sila.
Pagkatapos ay lumapit.
Hunter ang unang nagsalita.
"Daddy..."
"...sorry."
Kasunod si Stella.
"Sorry..."
"Daddy hurt..."
Napangiti si Kiko.
Iniabot niya ang kaliwang kamay niya.
"A-hiya..."
"Achi..."
"Come here."
Maingat silang lumapit sa kama.
Takot na takot silang madikitan ang mga benda.
Kaya si Kiko na mismo ang yumuko nang bahagya.
Isa-isa niya silang hinalikan sa noo.
"It's okay."
"I know you didn't mean to hurt me."
"You're both just curious."
"That's completely valid."
Tahimik silang dalawa.
"Daddy chose to protect you anyway."
"And I'd make that same choice every single time."
Tahimik si Hunter.
Pagkatapos ay mahina siyang nagtanong.
"Again?"
Ngumiti si Kiko.
"Always."
Napayakap si Stella sa kaliwang braso niya.
"I love you..."
"I love you too, sweetheart."
Napansin kong gumaan ang mga mukha ng kambal.
Hindi dahil nakalimutan nila ang nangyari.
Kundi dahil alam nilang...
Pinatawad na sila.
At mula noon, parang bumalik na rin sila sa dati.
Hindi na sila umiiyak.
Hindi na sila natatakot lumapit.
Sa halip, sunod-sunod na ulit ang mga tanong nila kay Kiko.
Curious na curious.
Parang biglang naging maliit na scientists ang dalawa.
"Daddy, what happened to your arm?"
"Why is it wrapped like that?"
"Why do wounds need bandages?"
"Does the skin grow back?"
"Why does it hurt when you move it?"
"Why can't you use your right hand yet?"
"What's inside the bandage?"
"Did the doctor clean the cut?"
"Why do stitches help?"
"How does the body know how to heal?"
Napangiti si Kiko sa dami ng tanong.
Hindi siya nainis.
Hindi rin siya napagod.
Sa halip, isa-isa niyang sinagot ang bawat isa.
"Because the skin got hurt and needs time to heal."
"The bandage protects it from dirt and germs."
"Yes, the skin grows back, but slowly."
"It hurts when I move it because the muscles and skin are still recovering."
"I can't use my right hand much yet because it needs rest."
"The doctor cleaned the wound so it wouldn't get infected."
"Stitches help hold the skin together while it heals."
"And the body knows how to heal because that's what it was made to do."
Tahimik lang silang nakikinig.
Pagkatapos ay muling nagtanong si Hunter.
"So the bandage is like armor?"
Napangiti si Kiko.
"Yes."
"Like armor for healing."
Tumango si Stella.
"Then the stitches are like tiny helpers?"
"Exactly."
"Very tiny helpers."
Napangiti silang dalawa.
"Can we see it?"
"Not too close," maingat na sagot ni Kiko.
"But I can show you the bandage."
Lumapit sila nang kaunti.
Maingat.
Curious.
Hindi na takot.
Tiningnan nila ang mga benda sa kanang kamay at braso niya.
"Wow..."
"That's a lot."
"Yes," sabi ni Kiko.
"But it's helping me get better."
"Will it disappear?"
"Eventually."
"Will your arm be normal again?"
"That's the goal."
"Will it still work?"
"Yes."
"After it heals, it should work again."
Nagkatinginan ang kambal.
Parang may bagong natutunan.
Parang may bagong mundo silang naintindihan.
"Science is cool," mahina ni Stella.
Napatawa si Kiko.
"Yes, it is."
"Especially when it helps people heal."
Muli silang nagtanong.
At muli siyang sumagot.
Pasensyoso.
Maingat.
Maalaga.
Hanggang sa unti-unti nang bumalik ang dating sigla ng bahay.
Hindi na mabigat ang hangin.
Hindi na puro takot ang nasa paligid.
Dahil kahit may benda pa rin si Kiko...
Nandoon pa rin ang boses niyang kalmado.
Nandoon pa rin ang ngiti niyang nagpapagaan ng lahat.
At sa mga mata ng kambal...
Hindi na siya ang lalaking nasaktan.
Siya na ulit ang Daddy nilang matiyagang sumasagot sa bawat tanong.
At sa pagkakataong iyon...
Mas lalo nilang minahal ang pag-aaral.
Mas lalo nilang minahal si Kiko.
Bandang tanghali...
Dumating ang home medical team para sa dressing change.
Maingat nilang inalis ang ilang benda.
Nilinis ang mga sugat.
Sinuri ang bawat tahi.
Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Daddy.
Mahigpit ang hawak ko sa kaliwang kamay niya.
Habang ginagawa nila ang lahat...
Napansin niyang unti-unti akong kinakabahan.
Kaya marahan niyang inabot ang tiyan ko at hinaplos ang baby bump ko.
"Cha.. If Mommy is stressed, it is equal to baby is stressed."
"We don't want that, right?"
Napatingin ako sa kaniya, tapos mahina akong ngumiti.
"Right..."
Mahina kong sagot.
At sa pagkakataong iyon...
Napatawa rin ang medical team.
Ngumiti ang clinician at tumango.
"Exactly."
"Let's keep Mommy calm."
"Kiko will be fine soon."
Pagkatapos linisin ang mga sugat...
Tahimik na nagsalita si Daddy.
"May I ask something?"
Tumango ang clinician.
"Which wounds should I monitor most closely?"
"What changes should prompt us to contact you immediately?"
"Is the swelling consistent with today's stage of healing?"
"Would you recommend gentle finger movement now, or should I continue resting it?"
Matagal silang nag-usap.
Ipinaliwanag ng clinician ang mga dapat bantayan at ang kahalagahan ng pahinga, dressing changes, at follow-up observations.
Tahimik lang akong nakikinig.
Habang iniisip...
Kahit siya ang pasyente...
Nag-aaral pa rin siya.
Hindi para magduda.
Kundi para mas makatulong sa sarili niyang paggaling.
Nang matapos ang paliwanag...
Ngumiti siya.
"Thank you for explaining everything clearly."
Pagkaalis ng medical team...
Tahimik ulit ang kwarto.
Sinubukan niyang abutin ang baso ng tubig gamit ang kanang kamay.
Pag-angat pa lang...
Napahinto siya.
Napapikit.
At agad na ibinaba ulit.
"...Guess my right arm is on AFK mode for now."
Hindi na ako nagsalita.
Ako na ang kumuha ng tubig.
Ako na ang nag-abot.
Ako na rin ang nag-ayos ng unan niya.
Tahimik lang akong kumikilos.
Napangiti siya.
"Thank you."
"I'm really sorry you have to help me with everything today."
Napatingin ako sa kaniya.
"You've done this for me every single day."
Mahina siyang tumango.
"I know you'd do the same."
Sandali siyang ngumiti.
"You're my equal right?"
Napangiti rin ako.
"Always."
Kinagabihan...
Tahimik na ang bahay.
Mahimbing nang natutulog sina A-hiya at Achi.
Nasa kwarto ng kambal naman si Mama, mahimbing ding natutulog kasama nila.
Ako at si Daddy na lang ang gising.
Lumapit siya sa akin.
"Mommy."
"Come here for a second."
Lumapit ako.
Marahan niyang hinalikan ang noo ko.
Matagal.
Tahimik.
Punong-puno ng pagmamahal.
Paglayo niya...
Ngumiti siya.
"Promise me something."
"What is it?"
"Please be safe okay?"
Marahan niyang ipinatong ang kaliwang kamay niya sa tiyan ko.
"...and take care of our little one."
"I'll take care of getting better."
Napaluha ako.
"I know you will."
Bago kami matulog...
Maingat akong humiga sa kaliwang bahagi ng kama.
Si Kiko naman ang nasa kanan—sa ngayon, hanggang sa gumaling ang braso niya.
Hindi tulad ng nakasanayan naming magkayakap.
Hindi pa puwede.
Ayokong madagdagan ang kanan niya.
Pero hindi ibig sabihin noon ay wala nang lambing.
Iniabot niya ang kaliwang kamay niya.
Hinawakan ko iyon.
Mahigpit.
"I love you."
Mahina niyang sabi.
"Thank you for staying beside me."
"I know this wasn't how we imagined this trimester."
"But we'll still enjoy it."
"Together."
Lumapit ako.
Marahan kong ipinalibot ang mga braso ko sa leeg niya hangga't kaya ko nang hindi siya nasasaktan.
At muli ko siyang hinalikan.
Mas matagal.
Mas maingat.
Mas puno ng pasasalamat.
Nang magdikit ang mga noo namin pagkatapos...
Napapikit ako.
Sa gitna ng mga benda.
Sa gitna ng mga tahi.
Sa gitna ng takot na hindi pa rin tuluyang nawawala...
Nandoon pa rin ang lalaking piniling ngumiti para gumaan ang loob ko.
Mahina siyang napangiti.
"This left arm is still functional.."
"So, you can still lean to me."
"It's still me okay?"
Bago pa ako makasagot...
Marahan niyang iniikot ang kaliwang braso niya sa akin.
At dahan-dahan akong sumandal sa kaliwang dibdib niya.
Tahimik.
Komportable.
Parang kahit may sakit siya, siya pa rin ang pinakaligtas na lugar ko.
At habang hawak niya ang kamay ko at ang isa niyang palad ay nakapatong sa tiyan naming dalawa...
Mas lalo kong naunawaan...
Na kahit pansamantalang hindi niya maigalaw ang kanang braso niya...
Hindi kailanman nasugatan ang pinakamalakas niyang bahagi.
Ang puso niyang araw-araw...
Pinipiling mahalin kaming apat.




♥️