📖 0%
Kwento Natin PH KWENTO NATIN PHMagbasa. Magsulat. Magbahagi.
Daddy In The Rain
Love StoryFamilyComedyInspirationalDrama

Daddy In The Rain

✍️ By AlphaRomantiko
📖 General•Ongoing•Nov 23, 2026
ⓘ
Love Story•Family•Comedy•Inspirational•Drama•
Set during a severe Signal No. 3 typhoon, this story in the Kiko-Cha universe follows a pregnant Cha waiting out the tempest with her highly analytical twins, Hunter and Stella, while Kiko braves flooded roads and rising waters to secure essential calcium vitamins for the kids. As Kiko's journey progresses, intermittent voice messages give way to total cellular signal loss, sending Cha and the twins into an anxious state of waiting. To maintain composure, Cha prompting the children to channel their father's logical mindset by setting up a dry "recovery station" and preparing warm amenities. Kiko eventually arrives home drenched but victorious with the vitamins intact, though he soon collapses on Cha's lap with an oncoming fever. When the twins naively chuckle at his snoring, Cha and a briefly awakened Kiko gently guide them through a heartfelt lesson in empathy, respect, and gratitude for quiet sacrifices. As Cha prepares a comfort meal for her resting husband, she is filled with a deep appreciation for a partner whose unwavering love and commitment consistently shield their family through life's storms.
📅 November 21, 2026👁 1,450 total reads📖 Chapter 1 of 11⏱ 5 min read
CHAPTER 1 OF 11

Chapter 1

☰ Chapters
📖 Reading progress: 1 of 11 chapters · 9%
f Facebook
📚 My Reading List

Umaga pa lang, medyo maaliwalas pa ang hangin sa loob ng bahay namin. Yung tipong tahimik pero hindi empty—may laman, may buhay. Yung usual Saturday morning namin na hindi minamadali, pero hindi rin tamad. Parang lahat nasa tamang pace lang.
Si Kiko nasa kusina, naka-focus na naman sa pagkain. Alam ko na agad ‘yon kahit hindi ko pa siya nakikita, kasi naririnig ko yung soft na galaw ng mga plato niya, yung controlled na movements niya na parang lahat may system. Ganun siya even sa bahay—organized, pero hindi stiff. Natural lang sa kanya.
Ako nakaupo sa dining table, nakatingin sa mga twins na kumakain. Si Hunter seryoso, parang mini version ni Kiko kapag nag-iisip. Si Stella naman calm din pero mas expressive yung eyes, parang laging may ini-scan sa paligid.

“Mommy, dagdagan ko pa food mo. Remember, four months ka na, and that means you are eating for two, needed to hit the target nutrients mo today. Please Mom?”
Napangiti ako bago pa man ako makasagot. Inilapit niya sa akin yung plato niya na parang wala nang space for argument. Si Kiko talaga, kahit simple breakfast, may structure.
“Daddy…” mahina kong sabi, soft lang talaga, “okay na ‘to. Pero thank you ha… ikaw talaga.”
Tumingin siya sa’kin habang nilalagay pa rin yung pagkain, parang hindi niya tinatanggap yung “okay na” ko.

Nagsalita si Kiko
“Good morning anak. Please cooperate kay Mommy today, okay? Behave ah? Kahapon kasi ang daming customers sa resto, ayan paguran si Manager Cha.”
Napahawak ako sa tiyan ko, marahan, parang reflex. Four months pa lang pero alam ko na minsan nararamdaman ko na siya, parang presence na mas aware na sa world.
“Hear that, baby?” bulong ko, nakangiti kahit pagod pa rin sa katawan. “Daddy’s reminding you… behave ka muna today ha.”

“Okay. Breakfast checkpoint.”
Yung tono niya agad nag-shift. Business-like pero gentle pa rin. Si Kiko ganun—kahit playful, may control pa rin.
“Hunter, done?”
“Ubos, Daddy.”
“Good.”
“Stella?”
Tumingin lang si Stella sa plato niya, then slowly finished it. Tahimik lang, pero sure.
“Very good, baby.”

Pagkatapos ng breakfast, ako yung unang tumayo para kunin yung tubig. Automatic na routine ko na rin. Pero pag-open ko ng fridge, natigilan ako.
“Daddy… wala na pala ‘yung calcium nila.”
Narinig ko agad yung upo niya na nag-adjust. Parang switch.
“Naubos na?”
Lumapit siya agad, tiningnan mismo. “Oo nga…” may konting pause. “Sorry, hindi ko na-check kahapon.”
Kahit ganun, hindi siya nagtagal sa guilt. Straight to solution agad.
“I’ll buy some.”

Napatingin ako sa labas habang nagsasalita siya. Doon ko unang napansin yung ulap. Hindi lang basta maulap—yung klase ng ulap na mabigat, parang may bagyo talaga.
“Daddy… ang lakas ng ulan,” sabi ko, medyo mahina na yung boses ko.
“Yeah…” sagot niya, sabay tingin sa bintana. “Mukhang lalakas nga.”
May konting ngiti pa rin siya, parang ini-evaluate lang niya. Parang weather data lang. Pero ako… iba yung pakiramdam ko.
“Later na lang?” tanong ko, mas soft, mas careful.
“Normally oo,” sagot niya agad.
Tumingin siya sa twins bago siya nagpatuloy.
“Pero calcium necessary vitamin intake ‘yan. You know that I don't like na nami-miss nila yung mga ganyang vitamins. Not when Daddy is here.”

Tumahimik ako. Hindi dahil hindi ako sumasang-ayon. Kundi dahil alam kong hindi siya basta-basta nagde-decide lang. May logic lahat.
Pero sa labas… gumagalaw na yung hangin.
“Daddy…” lumapit ako sa kanya, parang instinct.
“Hm?”
“I’m worried.”
Hindi ako nag-exaggerate. Hindi rin dramatic. Just honest.
“I know,” sagot niya agad.
Hinawakan niya parehong kamay ko. Warm. Stable. Parang hindi nagbabago kahit ano pang weather sa labas.
“Pero bibili lang ako.”
“I’ll be back before you even start missing me.”

Napakurap ako. Gusto ko siyang pigilan, pero kilala ko rin siya.
“Daddy… ingat ka ha,” sabi ko na lang, mahina.
“Oo, Mommy,” sagot niya, may maliit na ngiti.

Lumapit siya sa twins.
“Hunter… rain.”
“I know.”
“Stella… flood?”
“Possible.”
“Pero Daddy won't do anything reckless. Kapag unsafe, hihinto ako. Rule number one?”
“Safety,” sabay nilang sagot.
“Exactly.”

Doon ko siya mas tinitigan. Yung confidence niya hindi arrogant. Controlled lang. Parang alam niya yung limits niya.
Pero kahit ganoon, hindi nawawala yung bigat ng panahon sa labas.

Lumuhod siya sa harap ng twins.
“Habang wala si Daddy… protect Mommy. Protect baby.”
“Mission,” sabi ni Hunter agad.
“Yes,” Stella added, calm pero firm.
“Good. Actually very good,” tumawa siya nang mahina.

Tapos tumayo siya ulit, lumapit sa’kin.
“Mommy.”
Hinalikan niya yung forehead ko. Mainit, sandali lang pero ramdam ko.
“I’ll message you. Every chance I get.”
“Kapag hindi ako nakapag-reply agad… most likely mahina lang signal. Not because something happened.”

Tumango ako, pero hindi ko agad maalis yung kamay ko sa sleeve niya.
“Daddy… mag-iingat ka talaga ha. Hihintayin ka namin.”
“Oo, Mommy,” sagot niya agad.

Hinawakan niya yung tiyan ko ulit, mas gentle this time.
“Behave ka muna diyan, anak ah?”
Tumingin siya sa’kin.
“Take care of Mommy for me.”

“I love you,” sabi niya, diretso lang, walang dagdag.
Napangiti ako kahit may bigat sa dibdib ko.
“I love you too… Daddy.”

“See you in a bit.”

Paglabas niya ng pinto, sumara yun nang mahinahon. Pero yung tunog ng ulan sa labas, mas lumakas.
At doon ako naiwan.
Nakaupo pa rin sa dining table.
Kasi sa isip ko, simple lang naman dapat.
Bibili lang siya.
Babalik lang siya.
Pero habang tumatagal yung katahimikan, parang yung “lang” na word… biglang lumalaki sa isip ko.
At hindi ko alam kung bakit biglang ang bigat ng hininga ko.

Reader Community

Comments 0

Comments are reviewed before appearing publicly.
Wala pang approved comment. Ikaw ang maunang mag-iwan ng reaksyon.
Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat →