📖 0%
Until We Became Five
Love StoryFamilyComedyDramaFriendship

Until We Became Five

✍️ By AlphaRomantiko
📖 General•Ongoing•Oct 2, 2026
ⓘ
Love Story•Family•Comedy•Drama•Friendship•⚠ Giving Birth, Intimacy
Charlotte "Cha" Tiu-Tolentino thought she already understood what motherhood meant after giving birth to her fraternal twins, Hunter Orion and Stella Athena. But when she and her husband, Francis "Kiko" Tolentino, discover they are expecting another child, they soon realize that no two pregnancies are ever the same.

As Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.

More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.

Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
📅 September 21, 2026👁 186 total reads📖 Chapter 12 of 60⏱ 8 min read
CHAPTER 12 OF 60

Healing Hearts

☰ Chapters
📖 Reading progress: 12 of 60 chapters · 20%
f Facebook

Isang linggo matapos ang aksidente.

May mga sugat na hindi mo nakikitang naghihilom.

At mayroon ding mga sugat na kitang-kita mo...

Pero araw-araw ay unti-unti ring gumagaling.

Ganito ang naging isang linggo namin.

Hindi naging madali.

Pero naging mas magaan...

Dahil magkakasama kami.

Mas lumaki na ang tiyan ko.

Kapag humaharap ako sa salamin tuwing umaga...

Napapangiti na lang ako.

Mas bilog.

Mas prominente.

Mas halatang may batang lumalaki sa loob ko.

At hindi lang iyon.

Mas puno na rin ang dibdib ko, at mas madalas nang nakaangat ang mga utong ko.

Sa bawat pagbabagong iyon...

Mas lalo lang akong napapangiti.

Hindi ako naiilang.

Hindi rin ako nahihiya.

Sa totoo lang...

Mas proud pa ako.

Parang sinasabi lang ng katawan ko na tama ang lahat ng nangyayari.

Na ginagawa nito ang dapat nitong gawin.

Paminsan-minsan...

May mahihinang pitik na akong nararamdaman.

Hindi na katulad noong unang beses.

Mas madalas na.

Mas malinaw.

Parang bawat galaw niya ay nagsasabing...

Mommy... I'm growing.

Mas malakas na rin ang gana kong kumain.

Hindi na katulad noong unang trimester na halos lahat ng pagkain ay sinusukuan ng sikmura ko.

Pero mas mabilis na rin akong mapagod.

Minsan habang naglalakad...

Napapahinto ako.

Napapahawak sa bewang ko.

At bago pa ako tuluyang makapagsalita...

Naroon na agad si Kiko.

Kahit hindi pa maayos ang kanang braso niya, ginagawa pa rin niya ang lahat ng kailangan niya gamit ang kaliwa.

"Mommy, slow down okay?"

"We are not in a hurry."

"I'll guide your waist okay?"

Hindi niya ako minamadali.

Hindi rin niya ako pinapagalitan.

Ginagabayan niya lang ako gamit ang kaliwang kamay niya.

Hanggang sa makapagpahinga ako.

Isang linggo na rin...

At unti-unti nang gumaganda ang lagay ni Daddy.

Mas bumaba na ang pamamaga.

Unti-unti na rin niyang naigagalaw ang ilang bahagi ng kanang kamay niya.

Hindi pa buo.

Hindi pa normal.

Pero bawat maliit na galaw...

Isa nang malaking tagumpay.

Mas kapansin-pansin na rin ang mga peklat.

Sa leeg.

Sa dibdib.

Sa kanang braso.

Sa kamay.

Noong una...

Masakit silang tingnan.

Ngayon...

Hindi na.

Hindi dahil nawala ang nangyari.

Kundi dahil...

Mas nakikita ko na ngayon ang dahilan kung bakit naroon ang mga iyon.

Pagkatapos ng night shift niya...

Hindi pa rin nagbago ang routine namin.

Ako pa rin ang gumagawa ng paborito niyang iced coffee.

Habang dinudurog ko ang yelo...

Narinig ko ang isang pamilyar na kaluskos.

Napalingon ako.

At agad kong nakita si Daddy...

Abala pa rin sa paggawa ng pregnancy milk ko.

Gamit lang ang kaliwang kamay.

Mabagal.

Maingat.

Halatang hirap na hirap.

At...

May natapon na naman sa mesa.

Napailing ako habang lumalapit.

Hindi dahil natawa ako.

Kundi dahil alam kong sinusubukan niya talaga.

"Daddy..."

He looked at me and smiled, a little sheepish.

"I almost got it."

Tiningnan ko ang mesa.

"You spilled a lot."

"I know."

He glanced at the glass, then at the mess he made.

"But it's still going."

Napangiti ako nang mahina.

Hindi ko siya pinagtawanan.

Hindi ko rin siya pinahiya.

Kasi alam kong ginagawa niya ito nang buong pagsisikap.

"You really don't give up."

He gave me a small, proud smile.

"I promised I'd always make your pregnancy milk."

"So I'll keep trying."

Lumapit ako at marahang hinawakan ang kaliwang kamay niya.

"You don't have to force yourself."

"I know."

"But I want to."

Tinapos naming dalawa ang paghahanda.

Ako ang nagpunas ng mesa.

Siya naman ang nag-abot sa akin ng baso.

Medyo magulo.

Medyo may natapon pa sa gilid.

Pero tapos na.

Nagawa niya.

"Pregnancy milk first."

"And vitamins."

Tumango ako, habang nakatingin sa kanya nang may lambing.

"Yes, Daddy."

Napangiti ako habang tinitingnan siya. Alam kong hindi madali para sa kaniya ang bawat maliit na gawain ngayon—lalo na ang mga bagay na dati niyang ginagawa nang walang kahirap-hirap gamit ang kanang kamay niya. Ngayon, kaliwa lang ang halos maaasahan niya, at kahit halatang pagod na siya, hindi siya sumusuko. Sa bawat pag-abot niya ng baso, sa bawat paghalo niya ng gatas, sa bawat munting pagtatangkang gamitin ang kanang braso niya kahit hindi pa ito maayos... mas lalo ko lang siyang hinahangaan.

"You know," mahina kong sabi, "I see how hard you're trying."

Tumingin siya sa akin, pagod pero banayad ang ngiti.

"I know."

"Pero hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo nang sobra."

"I want to do it."

"Even if it's slow?"

"Even if it's slow."

"Even if you have to use the hand you don't usually use?"

Napangiti siya nang mas malambing.

"Especially then."

"Because it's for you."

At sa sandaling iyon, mas lalo kong naramdaman kung gaano ko siya kamahal—hindi lang dahil ginagawa niya ang lahat para sa amin, kundi dahil ginagawa niya iyon kahit hirap na hirap siya.

Lumapit ako nang dahan-dahan sa kanya, ayaw kong masira ang tahimik na sandaling iyon. Hinawakan ko nang marahan ang pisngi niya gamit ang kaliwang kamay ko, saka ko siya hinalikan sa labi—banayad, mainit, at puno ng pagmamahal.

Pag-angat niya ng mukha niya, nakangiti siya nang mahina.

"I love you."

Napangiti ako pabalik, halos hindi ko maipaliwanag kung gaano kainit ang pakiramdam sa dibdib ko.

"I love you more," bulong ko.

Tumingin siya sa akin nang may lambing, parang alam na alam niyang totoo ang sinabi ko.

"You know that, right?"

Habang iniinom ko ang gatas...

Siya naman ang umiinom ng iced coffee.

Napapikit siya.

"This is perfect."

I smiled softly.

"I'm glad your favorite barista is still around."

He looked at me with that tired but affectionate smile.

"The only one I want."

Bandang tanghali...

Bumisita muli ang clinician.

Matapos ang pagsusuri...

Ngumiti siya.

"Doing good naman po."

"The swelling has improved."

"We'll continue gentle guided movement."

"Progress is encouraging."

Napahinga ako nang maluwag.

Pagkaalis nila...

Napangiti si Daddy.

"I told you."

"We're getting there."

Habang nagpapahinga kami sa sala...

Naroon sina A-hiya at Achi.

Ngayon...

Mas maingat na sila.

Hindi na sila basta tumatakbo papunta sa akin.

Kapag gusto nila akong yakapin...

Humihinto muna sila.

"Daddy."

Hunter looked at my tummy.

"We hug Mommy here?"

He pointed above my bump.

Daddy nodded.

"Exactly."

"We protect Mommy's tummy."

Stella carefully hugged my side.

"Hi, baby."

"We're gentle."

Naramdaman kong kumirot ang puso ko.

Sa sobrang lambing.

Makalipas ang ilang minuto...

Nagsimula na naman ang tanungan.

"Daddy."

"Hm?"

"Why scars stay?"

"They're how the skin remembers healing."

Hunter nodded.

"So body remember?"

"It does."

Stella tilted her head.

"Does it hurt forever?"

Daddy smiled gently.

"Not forever."

"Sometimes the scar stays."

"But the pain leaves."

Hunter looked at his right arm.

"So your arm remembers saving us?"

Tahimik kaming lahat.

Napangiti si Daddy.

"It remembers healing."

"And it reminds me that you're safe."

Tahimik na yumakap si Hunter sa kaliwang bahagi niya.

"Thank you..."

"I love you, Daddy."

"I love you too, A-hiya."

Stella smiled.

"Daddy..."

"You superhero."

Daddy chuckled softly.

"I don't know about superhero."

"I'm just your Daddy."

Kinagabihan...

Isa na naman sa mga paborito kong sandali.

Pagkatapos naming mapatulog sina A-hiya at Achi...

Tahimik na ulit ang kwarto.

Lumapit si Daddy sa akin.

Marahan niyang itinupi paitaas ang laylayan ng maternity dress ko hanggang lumitaw ang hubad kong tiyan.

Mas malaki na ito ngayon.

Mas bilog.

Mas buhay.

Dahan-dahan siyang lumuhod sa pagitan ng mga hita ko, bahagyang nakabuka ang mga iyon—hindi pa kasinglapad ng magiging pagitan kapag oras na ng panganganak, pero sapat para mailapit niya ang sarili niya sa akin.

Hindi pa rin niya kayang gamitin nang maayos ang kanan niyang kamay.

Kaya ang kaliwa lang ang marahan niyang ipinatong sa tiyan ko.

Parang iyon pa rin ang pinakaligtas na lugar sa mundo para sa kaniya.

"Hello, little one."

"Daddy's here."

"We felt you move a lot today."

"I think you're becoming stronger."

I rested one hand on his shoulder.

The other gently combed through his hair.

"You've been making Mommy very hungry lately."

He laughed softly.

"I think you got Mommy's appetite."

Napatawa rin ako.

Pagkatapos ay yumuko siya.

Marahan niyang hinalikan ang tiyan ko.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Hindi nagmamadali.

Punong-puno ng pagmamahal.

Bago siya bumalik sa workstation niya...

Lumapit muna siya sa akin.

Maingat niyang niyakap ang bewang ko mula sa likod gamit ang kaliwang braso niya upang hindi madikitan ang mga peklat sa kanan.

Ipinatong niya ang pisngi niya sa balikat ko.

Pagkatapos ay marahan niyang hinalikan ang noo ko.

"I love you a lot."

Napangiti ako.

"I love you too."

Napailing siya nang mahina, saka marahang hinaplos ang tiyan ko gamit ang kaliwang kamay niya.

"Never a time I will get tired of taking care of you, and that includes them, okay?"

Napatingin ako sa kaniya.

"Remember always, the umbilical cord always connects you to them, so then I should love them as well.."

Bahagya siyang ngumiti, saka muling yumuko para halikan ang noo ko.

"But.. you first. Always"

Mahina akong napangiti habang nakasandal sa kaniya.

"Thank you."

"For everything."

Noong unang nakita ko ang mga peklat sa katawan niya...

Puro sakit ang nakita ko.

Puro takot.

Puro alaala ng araw na muntik ko siyang mawala.

Pero habang lumilipas ang mga araw...

Nagbago iyon.

Hindi na sila mga peklat ng aksidente.

Hindi na sila mga marka ng sakit.

Sa bawat tingin ko sa mga iyon...

Ang nakikita ko ay ang lalaking piniling unahin ang mga anak namin.

Ang lalaking hindi nagdalawang-isip na ilagay ang sarili niya sa panganib para sa pamilya namin.

At habang nararamdaman ko ang munting pitik ng munting buhay sa loob ng tiyan ko...

Habang naririnig ko ang tawanan nina A-hiya at Achi sa kabilang kwarto...

Habang nakikita kong nakangiti pa rin si Daddy kahit isang kamay lang ang halos ginagamit niya...

Mas lalo kong naunawaan...

Na ang ilang peklat...

Hindi kailanman naging simbolo ng pagkawala.

Minsan...

Nagiging simbolo sila ng pagmamahal.

Ng sakripisyo.

At ng isang amang pipiliing protektahan ang pamilya niya...

Sa bawat pagkakataong kailangan nila siya.

Reader Community

Comments 1

Comments are reviewed before appearing publicly.
C
CarlSep 21, 2026

♥️

Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat →