
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Sleepless Promises
☰ Chapters
Five months.
Kung may isang salitang maglalarawan sa ikalimang buwan ng pagbubuntis ko...
Siguro...
Masaya.
Pero hindi ibig sabihin noon ay naging madali.
Mas lumaki pa ang tiyan ko.
Mas mabigat na rin ang dibdib ko.
Mas malapad na ang balakang ko.
Mas madalas na ring gumalaw si baby.
At habang lumalaki siya...
Mas lalo kong nararamdaman ang bawat pagbabago sa katawan ko.
Kapag babangon ako sa kama...
Hindi na ganoon kadali.
Kapag maglalakad ako nang matagal...
Napapagod agad ako.
Kapag matagal akong nakatayo habang naghuhugas ng plato...
Parang kusang nagsasabi ang katawan ko...
"Enough."
At siyempre...
May isang taong mas mabilis pa sa katawan kong makapansin.
"Mommy."
Napalingon ako.
Naroon si Daddy.
Galing pa lang sa night shift.
Halatang puyat.
Pero nakangiti pa rin.
Lumapit siya agad sa akin at marahang hinalikan ang noo ko.
"Let me help you."
Napatingin ako sa dalawang plato na lang ang natitira.
"It's only two."
"I know."
"But you've been standing for almost fifteen minutes."
Napabuntong-hininga ako.
"You noticed."
"Of course I did."
Napangiti ako nang mahina.
Lumapit siya at maingat na inilagay ang kaliwang kamay niya sa likod ko.
Hindi niya ako tinulak.
Hindi niya ako binuhat.
Ginabayan lang niya ako papunta sa dining chair.
"Sit, love."
"You sound like the doctor."
"I just want you comfortable."
Napailing na lang ako habang nakaupo.
At siya naman...
Tinapos ang dalawang plato gamit ang kaliwang kamay.
Mabagal.
Pero determinado.
At bawat galaw niya...
Parang sinasabi niyang mahalaga sa kanya ang pagod ko.
Hindi pa rin nagbabago ang umaga namin.
Ako pa rin ang gumagawa ng paborito niyang iced coffee.
At siya pa rin...
Ang gumagawa ng pregnancy milk ko.
Kahit isang kamay lang ang halos nagagamit niya.
Nang lumabas ako ng kusina...
Nakita ko na naman ang eksenang paulit-ulit nang nangyayari nitong mga nakaraang araw.
May konting gatas sa mesa.
May konting gatas sa counter.
At may konti ring tumulo sa labas ng baso.
Napangiti ako.
Lumapit ako sa kanya at marahang hinawakan ang braso niya.
"Daddy..."
He looked over his shoulder.
"Sorry, love. I wanted to make it perfect."
Napuno ng lambing ang dibdib ko.
"You're already making it perfect."
He softened at that.
"I just want to take care of you the way you take care of me."
Napatingin ako sa kanya.
At sa simpleng sinabi niyang iyon...
Parang may kung anong mainit na dumaloy sa puso ko.
Lumapit ako at hinalikan siya sa labi nang mabilis at banayad.
Then I smiled.
"Then let me help you clean this up."
He nodded, eyes warm.
"Thank you."
Habang pinupunasan ko ang mesa...
Siya naman ang maingat na inilagay ang baso sa harapan ko.
"Pregnancy milk first."
"And vitamins."
Tumango ako.
"As ordered."
Pagkatapos kong uminom...
Ako naman ang nag-abot ng iced coffee niya.
Inamoy muna niya.
Napapikit.
Then smiled.
"I don't think anyone can make this better than you."
Napangiti ako.
"I've had years of practice."
"And I'm grateful every single day."
Lumapit siya at hinalikan ako sa noo.
"Thank you for always taking care of me."
Napakurap ako.
Minsan, kahit simpleng salita lang niya...
Parang napapawi ang lahat ng pagod ko.
"Always," mahina kong sagot.
Unti-unti na ring bumabalik ang lakas ng kanang braso niya.
Hindi pa rin niya kayang gamitin nang normal.
Pero ngayon...
Nakakagalaw na ang ilan niyang daliri.
Nakakaya na niyang bahagyang yumuko ang siko.
Maliit na progress.
Pero napakalaking bagay para sa amin.
Minsan...
Nahuhuli ko siyang paulit-ulit na sinusubukan ang mga exercise na itinuro ng clinician.
Hindi para madaliin ang paggaling.
Kundi para maging mas maayos ito.
Kapag napapansin niya akong nakatingin...
Ngumingiti lang siya at lumalapit para halikan ako sa noo.
"Small progress."
"Still progress."
Tumatango lang ako.
At sa loob-loob ko...
Oo.
Napakalaking progress.
At napakalaking bagay na hindi siya sumusuko.
May isa pa akong napansin nitong mga nakaraang gabi.
Pagkatapos ng night shift niya...
Hindi na agad siya natutulog.
Naririnig ko pa rin ang marahang pag-click ng keyboard mula sa workstation niya.
Minsan...
Nagigising ako bandang alas-sais ng umaga.
Naroon pa rin siya.
Tahimik.
Nakatingin sa monitor.
At sa screen niya...
May ginagawa siyang parang makulay na dashboard o program ata.
Puno iyon ng numbers.
May iba't ibang charts.
May mga boxes na magkakaibang kulay.
At may mga sections pa kung saan puwedeng magsulat ng notes o reminders.
May mga numerong hindi ko pa maintindihan.
Pero kapag lalapit ako...
Mabilis niyang isinasara ang window.
Hindi dahil may itinatago siyang masama.
Kundi dahil gusto niyang maging espesyal ang ginagawa niya para sa amin.
"Daddy?"
He turned immediately.
"You're awake."
Lumapit ako at hinaplos ang pisngi niya.
"What are you doing?"
He smiled softly.
"Just organizing something for us."
"Something for us?"
Tumango siya.
"You'll know soon."
Napangiti ako.
Hindi ko na siya pinilit pang magsalita.
Sa halip, yumuko ako at hinalikan siya sa labi.
Mahina.
Mabagal.
Punong-puno ng pasasalamat.
He held my waist gently with his left hand.
Then kissed my forehead after.
"Go back to bed, love."
"Only if you come with me."
He nodded.
"After I finish this."
Hindi lang iyon ang napansin ko.
Tuwing gabi...
Parang pare-pareho ang mga tanong niya.
Habang magkatabi kaming nakaupo sa kama...
Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa tiyan ko.
Marahang hinahaplos ang balat nito.
Tinitingnan niya ang bawat maliit na paggalaw ni baby.
Pagkatapos...
Isa-isa niyang itinatanong.
"Any nausea today?"
"A little after lunch."
He nodded.
"Did you rest after that?"
"Yes."
"Good."
"Appetite?"
"Much better."
"Water intake?"
"I finished almost three liters."
He smiled.
"That's my wife."
"Vitamins?"
"I took them after breakfast."
"Thank you."
"Any unusual pain?"
"My lower back."
"For how long?"
"Maybe twenty minutes."
He nodded again.
"What made it better?"
"Rest."
"I see."
"How many strong movements today?"
"I honestly lost count."
He chuckled softly.
"That's a good sign."
Napangiti ako.
"Daddy."
"Hm?"
"You've been asking me these questions every day."
"I have."
"Why?"
He looked at me.
Smiled.
Then gently kissed my forehead.
"Because I love you."
Napakurap ako.
"And because I love our baby."
His thumb brushed lightly over my belly.
"I just like knowing how you two are doing."
Simple lang ang sagot niya.
Pero sapat iyon.
Hindi na ako nagtanong pa.
Kasi sa bawat tanong niya...
Naroon ang pag-aalala.
Naroon ang pagmamahal.
Naroon ang pag-aalaga na hindi kailangang ipaliwanag pa.
Nang gabing iyon...
Pagkatapos naming mabasa ang bedtime story nina A-hiya at Achi...
Mahimbing na silang natulog.
Tahimik na ulit ang bahay.
Lumapit si Daddy sa akin.
Marahan niyang iniangat ang laylayan ng maternity dress ko hanggang lumitaw ang bilugan kong tiyan.
Lumuhod siya sa pagitan ng mga hita ko habang nakaupo ako.
Katulad ng paborito niyang gawin.
Ang kaliwang palad niya...
Marahang dumampi sa hubad kong tiyan.
Tahimik lang muna siyang nakatingin.
Parang bawat araw...
May bago siyang nadidiskubre.
"You're growing beautifully."
Mahina niyang sabi sa tiyan ko.
"I think Mommy is taking very good care of you."
Napangiti ako.
"I think Daddy is taking very good care of Mommy."
He looked up.
"I just try my best."
"You do more than that."
Hindi siya sumagot.
Ngumiti lang.
Pagkatapos ay yumuko at marahan niyang hinalikan ang tiyan ko.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Pagkatapos ay ipinatong niya ang noo niya roon.
"Keep growing, little one."
"We're all waiting for you."
Napahawak ako sa buhok niya.
At sa sandaling iyon...
Ramdam ko ang buong puso niyang nakasandal sa amin.
Lumapit ako sa kanya at marahang hinaplos ang buhok niya. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko, saka niya ako maingat na inangat at inupo sa kandungan niya. Inayos ko ang mga binti ko sa magkabilang gilid ng baywang niya, at agad niyang inalalayan ang bewang ko gamit ang kaliwang kamay niya. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa balikat niya, at siya naman ay yumakap sa akin nang mahigpit ngunit banayad sa may baywang ko.
Sa pagitan naming dalawa, ramdam naming pareho ang munting buhay na nasa tiyan ko—ang banayad na paggalaw ni baby na para bang nakikisali rin sa lambing naming dalawa. Napangiti ako nang sumipa siya, at mahina ring natawa si Daddy habang idinampi ang noo niya sa akin.
"Did the baby move?" mahina niyang tanong.
"Yeah," I whispered. "Looks like someone wants to join us."
At bago pa ako makasagot nang maayos, nagtagpo na ang mga labi namin sa isang halik na mas matagal, mas mainit, at mas puno ng pananabik kaysa kanina. Dahan-dahan, parang ayaw naming masira ang sandaling iyon. Hinawakan ko ang batok niya, at siya nama'y mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin, para bang gusto niyang ilapit pa ako sa kanya kahit wala nang pagitan ang mga katawan namin.
Sa bawat munting paggalaw ni baby sa pagitan namin, mas lalo kaming napapangiti sa gitna ng halik. Nang maghiwalay ang mga labi namin, pareho kaming hingal na hingal, nakangiti, at tahimik na nakatingin sa isa't isa na para bang wala nang ibang mahalaga sa mundo kundi ang tatlo naming magkakasama sa sandaling iyon.
Nang makatulog na ako nang gabing iyon...
May isang beses akong nagising.
Marahil dahil sa paggalaw ni baby.
Bahagya kong iminulat ang mga mata ko.
At nakita ko ang ilaw mula sa workstation.
Naroon pa rin si Daddy.
Tahimik.
Isang kamay lang ang ginagamit.
Nakatutok sa monitor.
May mga linya.
May mga kahon.
May mga graph.
May mga salitang hindi ko mabasa mula sa layo.
Sandali ko siyang pinagmasdan.
Napangiti ako.
Hindi ko alam ang eksaktong ginagawa niya, pero kilala ko siya.
Si Daddy—si Kiko—ay ganoon talaga.
Matalino. Masipag. Masigasig.
Kapag may iniisip siyang mahalaga, hindi siya basta tumitigil.
Hindi siya marunong magbigay ng kalahati lang.
Hindi siya nagbibigay ng basta-basta.
Lagi siyang may paraan para sorpresahin ako.
At iyon ang isa sa mga pinakamagandang bagay sa kanya.
Ang kaalaman at karunungan niya ang sandata niya.
Hindi siya nagpupuyat para sa sarili niya.
Ginagawa niya iyon...
Para sa amin.
Para sa akin.
Para sa maliit na buhay na tahimik na natutulog sa loob ng tiyan ko.
At sa unang pagkakataon...
Hinayaan ko lang siyang gawin kung ano man iyon.
Hinayaan ko siyang tapusin ang kung anumang ginagawa niya.
Dahil kilala ko ang asawa ko.
Kapag may sinimulan siyang gawin para sa pamilya niya...
Hindi siya titigil...
Hanggang hindi niya naibibigay ang pinakamagandang bersyon nito.




♥️