
Until We Became Five
βοΈ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
A Little Sister
β° Chapters
Limang buwan at dalawang linggo.
May mga araw na parang ang bilis lumipas.
At mayroon ding mga araw...
Na gusto mong huminto muna ang oras.
Hindi dahil may gusto kang takasan.
Kundi dahil gusto mong namnamin ang bawat sandali.
Ganito ang nararamdaman ko habang papunta kami sa susunod kong prenatal check-up.
Ngayong araw...
May espesyal kaming mga kasama.
"A-hiya, seatbelt."
"I'm done!"
"Achi?"
"I'm done too!"
Napangiti ako habang nakaupo sa passenger seat.
Ngayon lang nakasama sa prenatal visit sina Hunter at Stella.
Matagal na naming gustong isama sila.
At ngayong mas malaki na ang baby...
Mas naiintindihan na rin nila ang nangyayari.
Nasa driver's seat si Daddy.
Isang kamay pa rin ang madalas niyang gamitin.
Pero mas maayos na ang paggalaw ng kanan niyang braso kaysa noong nakaraang linggo.
Hindi pa rin normal.
Ngunit sapat na para makita naming unti-unti siyang bumabalik sa dati.
Bago niya pinaandar ang sasakyan...
Inabot niya ang kaliwang kamay ko.
Marahan niya iyong hinalikan.
"Ready, Mommy?"
"Ready na ako," sagot ko, nakangiti.
Napatawa siya nang mahina.
"Well, I think the twins are more excited than us."
Napatawa rin ako.
Sa likod, sabay na sumigaw sina Hunter at Stella.
"Gender Reveal Day!"
"Gender Reveal Day!"
Mas lalo akong natawa habang mahigpit kong hinahawakan ang baby bump ko.
"Oo na," sabi ko, umiiling habang nakangiti. "Mukhang sila nga ang pinaka-excited sa ating lahat."
Kiko grinned.
"I think so too."
Pagdating namin sa clinic...
Agad kaming sinalubong ng staff.
"Good morning po."
"Good morning."
Sabay naming bati.
Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa reception, napansin na agad nila sina Hunter at Stella.
"Ay, sila 'yung twins ni Mommy Cha noon!"
"Oo nga, sila 'yung mga babies ni Mommy Cha!"
"Ang laki na nila!"
"Ang cute-cute pa rin!"
"Parang clones talaga nina Mommy at Daddy!"
"Kamukhang-kamukha!"
Napatingin sina Hunter at Stella sa isa't isa, tapos sabay na ngumiti nang malapad.
"We are cute!"
"We are clones!"
"We know!"
Napatawa ang nurse.
"I believe you do."
"Very cute clones, indeed."
Hunter smiled proudly.
"We're big now."
Stella nodded excitedly.
"And we're here for the gender reveal!"
Pagkatapos ng ilang minuto, habang naghihintay kami sa clinic, lumingon si Daddy sa kambal na maayos na nakaupo malapit sa desk ng doktor.
"Twins, just stay here at the desk of the Doctor okay?"
Sabay na tumingin sina Hunter at Stella sa kanya.
"Daddy should attend Mommy first."
Tumango si Hunter agad.
"Mommy first."
Ngumiti si Daddy.
"Remember, Mommy is equal to baby right?"
Napatango si Stella, seryoso ang mukha.
"Yes."
"Then if I attend to Mommy, then I attend to baby."
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Exactly."
Lumapit pa siya nang kaunti sa kambal at marahang ginulo ang buhok nila.
"And regarding the questions, later reserve those on our way home, for now."
"Behave microbots, okay?"
Sabay na tumango ang dalawa.
"Okay, Daddy."
"Behave."
At gaya ng sinabi niya...
Tahimik lang silang nanatili at umupo sa tabi ng desk kanina.
Nakaupo nang maayos.
Nakatingin lang.
Walang kulit.
Walang ingay.
Parang dalawang maliit na bantay na masayang nanonood lang sa paligid.
Nang tinawag na ang pangalan ko makalipas ang ilang minuto.
"Mommy Cha."
"Good morning po."
"Good morning, Doc."
Magiliw na bati ni Daddy.
Tumingin ang doktor sa kambal.
"So these are the very protective siblings."
Hunter nodded immediately.
"I'm A-hiya."
"And I'm Achi."
"We came for baby."
Napangiti ang doktor.
"I'm glad you're here."
Katulad ng bawat prenatal visit...
Pumasok muna ako sa changing room.
Tahimik na tinulungan ako ni Daddy.
Marahan niyang tinanggal ang cardigan ko.
Inayos ang maternity dress.
At ibinigay sa akin ang hospital gown.
Pagkatapos kong makapagpalit...
Maingat niyang tinali ang likod ng gown.
"Too tight?"
I shook my head.
"It's perfect."
He smiled.
"Good."
Then gently kissed my forehead.
Humiga ako sa examination bed.
Nasa isang tabi sina Hunter at Stella.
Tahimik na nakatingin.
Curious.
Pero maayos ang kilos.
"Mommy, expose natin tummy."
Marahan kong iniangat ang hospital gown.
Lumitaw ang bilugan kong tiyan.
Mas malaki na naman ito ngayon.
Halos hindi na maitago.
Napangiti ang doktor.
"Ang laki na ni baby."
"Beautiful growth."
Naramdaman kong marahang hinawakan ni Daddy ang kaliwang kamay ko.
Parang lagi niyang sinasabing...
"You're doing well."
"Mommy, palpate ko lang po kayo at susukatin din natin ang fundal height."
Maingat na kinapa ng doktor ang tiyan ko.
"Baby is in a very nice position."
"Fundal height is measuring beautifully."
"Everything is consistent with five months."
Napangiti ako.
Hindi ko napansing napaluha na pala ako.
Agad na inabot ni Daddy ang mukha ko. Marahan niyang pinunasan ang mga luha ko, pagkatapos ay hinalikan ang noo ko.
"Don't worry, I know those were just happy tears."
Napangiti ako at bahagyang tumango.
"I know," mahina kong sagot. "I'm just really happy."
He smiled warmly.
"So am I."
Inihanda ng doktor ang ultrasound.
Pinatay nang bahagya ang ilaw.
Tahimik ang buong silid.
Pagkalagay ng probe...
Agad lumitaw ang maliit naming himala.
Mas malinaw.
Mas malaki.
Mas aktibo.
"There you are..."
Mahina kong bulong.
Hunter gasped.
"Baby!"
Stella's eyes widened.
"So tiny..."
"So cute..."
Daddy smiled from beside me.
"Hello, little one."
"We're all here today."
Habang gumagalaw ang baby sa monitor...
Tahimik kaming apat na nakatingin.
Parang walang gustong magsalita.
Ayaw naming masira ang sandali.
Makalipas ang ilang minuto...
Napangiti ang doktor.
Tinanggal niya nang bahagya ang probe.
Pagkatapos ay tumingin sa amin.
"I have a question."
"Would you like to know the baby's gender today?"
Napatingin ako kay Daddy.
Siya rin sa akin.
Pagkatapos ay sabay kaming tumingin sa kambal.
Sa bahay, madalas ko na ring sinasabi sa kanila na kahit ano pa ang maging gender ni baby, basta healthy siya, masaya na kami.
Mabilis nila iyong naiintindihan.
Hindi lang dahil matalino sila para sa edad nila...
Kundi dahil alam nilang iyon ang pinakamahalaga.
Hunter nodded enthusiastically.
"Yes!"
"We know!"
Stella clapped softly.
"Baby secret!"
"We know today!"
Napatawa kaming lahat.
Tumango ako.
"Yes, Doc."
Daddy squeezed my hand gently.
"We'd love to."
Binalik ng doktor ang probe.
Tahimik niyang pinagmasdan ang screen.
May ilang segundo ng katahimikan.
Pakiramdam ko...
Mas mabilis ang tibok ng puso ko.
Napahawak ako sa kamay ni Daddy.
Mas humigpit din ang hawak niya sa akin.
Pagkatapos...
Ngumiti ang doktor.
"Congratulations."
Tahimik ang buong kwarto.
"Mommy..."
"Daddy..."
"You are having..."
Isang maikling paghinto.
"...a healthy baby girl."
Parang tumigil ang mundo.
Hindi ako agad nakapagsalita.
Napaluha na lang ako.
Ramdam kong hinigpitan ni Daddy ang hawak sa kamay ko.
Paglingon ko sa kanya...
Tahimik lang siyang umiiyak.
Hindi niya pinapansin ang mga luha na dumadaloy sa pisngi niya.
Agad kong inabot ang kamay ko at marahang pinunasan ang mga luha niya.
"Why are you crying?"
Mahina akong nagtanong habang nakatingin sa kanya.
Napangiti siya sa gitna ng luha.
"It's another girl, Cha.."
Tumingin siya sa akin nang buong lambing.
Pagkatapos ay ngumiti nang mas malawak.
Lumapit siya sa akin.
At marahan niya akong hinalikan sa labi.
I closed my eyes for a moment, smiling through my own tears.
"I love you."
Mahina kong hinawakan ang pisngi niya.
"I love you too."
Sa kabilang tabi...
Masaya ang kambal.
Hunter looked at the screen.
"Baby sister..."
"We have sister."
Stella clasped both hands together.
"Little sister..."
"I'll share toys."
Hunter nodded seriously.
"I'll protect."
Daddy chuckled softly.
"I know you both will."
Lumuhod siya sa tabi ng examination bed.
Marahan niyang inilapat ang kaliwang palad niya sa tiyan ko.
Pagkatapos ay yumuko.
At marahang hinalikan ang baby bump ko.
"Hello..."
"Baby girl."
"We've been waiting for you."
Hindi ko napigilan ang pagluha.
Hindi dahil sa hormones.
Kundi dahil...
Sa paraan ng pagtanggap niya sa anak namin.
Parang mula pa lang sa unang salitang narinig niya...
Mahal na mahal na niya agad.
Habang tinatapos ng doktor ang ultrasound...
Patuloy niyang ipinapaliwanag ang bawat measurement.
"Growth is very promising."
"Heartbeat is beautiful."
"Everything looks healthy."
Napatingin ako sa monitor.
May isang maliit na batang babae.
Lumalaki.
Humihinga.
Gumagalaw.
Sa loob ko.
At sa unang pagkakataon...
Hindi ko na lang siya tinawag na...
"Baby."
Sa isip ko...
Wala pa kaming napipiling pangalan.
At hindi naman kailangang madaliin.
May panahon pa para doon.
Sa ngayon, sapat nang alam naming babae siya.
Sapat nang naroon siya, malusog at ligtas.
Paglabas namin ng clinic...
Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti namin.
Tahimik kaming naglalakad.
Hawak ni Daddy ang kaliwang kamay ko.
Habang ang kanan niyang braso ay maingat pa ring nakasuporta.
Sa kabilang kamay namin...
Nakahawak sina A-hiya at Achi.
Lahat kami ay masaya.
Tahimik kami ni Daddy...
Pero ramdam na ramdam ang pagmamahalan sa pagitan namin.
At sina Hunter at Stella naman...
Sobrang excited sa kapatid nila.
Halos hindi nila mapigilan ang saya.
Paulit-ulit silang nagtatawanan habang naglalakad.
At dahil kitang-kita iyon ni Kiko...
Napangiti siya nang mas malalim.
Tumingin siya sa aming lahat at marahang nagsalita.
"Who wants ice cream?"
Biglang napalingon sina Hunter at Stella.
Pagkatapos ay sabay nilang itinaas ang mga kamay nila nang sobrang excited.
"Me!"
"Ice cream!"
Napatawa si Kiko.
Pagkatapos ay masayang tumingin sa amin.
"Okay, we'll celebrate!"
"Ice cream day for a successful gender reveal day!"
Mas lalong nagsigawan sa tuwa sina Hunter at Stella.
"Yay!"
"Ice cream day!"
At habang patuloy silang tumatawa...
Ramdam ko ang saya, ang pagmamahal, at ang pasasalamat na bumabalot sa aming lahat.
Sa simpleng sandaling iyon...
Alam kong isa na namang napakagandang alaala ang nabuo para sa aming pamilya.
Habang nakaupo kami sa loob ng FJ Cruiser, tahimik kong pinagmamasdan si Kiko sa rearview mirror habang maingat niyang inaayos sina Hunter at Stella sa likod. Naka-seatbelt na silang dalawa, pero hindi pa rin maalis sa mga mukha nila ang excitement.
Minsan, nakakalimutan ng ibang tao na mga bata pa rin sila.
Oo, curious sila palagi.
Oo, advance thinkers sila para sa edad nila.
Minsan, para silang dalawang munting matanda kung magsalita at magtanong.
Pero sa mga sandaling tulad nito, habang paulit-ulit nilang binabanggit ang baby sister at nagtatanong kung kailan nila siya makikita, mas malinaw kong nakikita na kahit gaano pa sila ka-advanced mag-isip, mga bata pa rin sila na natutuwa sa simpleng balita, sa ideyang may bago na namang kasama sa pamilya, at sa bawat maliit na paliwanag na ibinibigay ni Kiko sa kanila.
At sa gitna ng lahat ng iyon...
Si Kiko ang marunong magbalanse.
Marunong siyang sumagot sa mga tanong nila nang hindi sila minamaliit.
Marunong siyang magpaliwanag nang simple pero totoo.
Marunong siyang magbigay ng espasyo para maging mausisa sila, habang pinapaalala ring may hangganan pa rin ang pagiging bata nila.
Hindi niya sila pinipilit maging mas matanda kaysa sa nararapat.
Hindi rin niya sila hinahayaang maligaw sa sobrang dami ng iniisip.
Ginagabayan niya lang sila.
Tahimik.
Matiyaga.
At puno ng pagmamahal.
At habang nakikita ko silang dalawa sa likod ng sasakyan na masayang-masaya para sa kapatid nila, lalo kong naramdaman kung gaano ako kaswerte.
Dahil sa pangalawang beses...
Hindi lang kami naghihintay ng isang anak.
Naghihintay kami ng isa na namang munting buhay ng babae sa mundong puno ng pagmamahal, sa ilalim ng gabay ng Daddy nilang marunong magmahal nang buong-buo.




β₯οΈ