📖 0%
Until We Became Five
Love StoryFamilyComedyDramaFriendship

Until We Became Five

✍️ By AlphaRomantiko
📖 General•Ongoing•Oct 2, 2026
ⓘ
Love Story•Family•Comedy•Drama•Friendship•⚠ Giving Birth, Intimacy
Charlotte "Cha" Tiu-Tolentino thought she already understood what motherhood meant after giving birth to her fraternal twins, Hunter Orion and Stella Athena. But when she and her husband, Francis "Kiko" Tolentino, discover they are expecting another child, they soon realize that no two pregnancies are ever the same.

As Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.

More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.

Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
📅 September 29, 2026👁 142 total reads📖 Chapter 2 of 60⏱ 8 min read
CHAPTER 2 OF 60

Unexpected

☰ Chapters
📖 Reading progress: 2 of 60 chapters · 3%
f Facebook

Nagising ako nang mas maaga kaysa sa karaniwan.

Hindi dahil sa alarm.

Hindi dahil sa ingay.

Kundi dahil sa pakiramdam.

May kakaiba.

Tahimik ang kwarto namin. Tanging mahina lang na ugong ng air conditioner at ang regular na paghinga ni Kiko ang naririnig ko sa likuran ko.

Nakangiti akong pumikit muli.

Kahit halos araw-araw ganito ang gising ko, hindi pa rin ako nagsasawa.

Niyayakap niya pa rin ako.

Mahigpit.

Mainit.

Ligtas.

Nasa likod ko siya, nakatagilid din, gaya ng lagi naming posisyon sa pagtulog.

Nakayakap ang kanan niyang braso sa akin, ang palad niya nakapatong nang magaan sa tiyan ko habang ang kaliwang braso niya ay nakapulupot sa bewang ko. Nakabaon ang mukha niya sa balikat ko, mahimbing na natutulog matapos ang isa na namang overnight work shift.

Napangiti ako.

"Daddy..." bulong ko.

Hindi siya nagising.

Pero mas humigpit pa ang yakap niya.

Reflex na yata iyon.

Mahina akong natawa.

Ganito siya.

Kahit tulog, hinahanap pa rin ako.

Dahan-dahan kong hinaplos ang kamay niyang nakapatong sa tiyan ko.

"Kung alam mo lang..."

Napakurap ako.

Kanina pa ako hindi mapalagay.

Tatlong araw na.

Late.

Mas sensitibo ang pang-amoy.

Mas mabilis mapagod.

At kagabi...

Hindi ko naubos ang paborito kong ulam.

Huminga ako nang malalim.

Hindi...

Huwag muna akong mag-assume.

Ayokong umasa agad.

Ayokong masaktan kung mali lang pala ang lahat ng nararamdaman ko.

Pero bago ko pa man tuluyang mapigilan ang sarili kong mag-isip, biglang sumikip ang sikmura ko.

Napahawak ako sa bibig ko.

Isang alon ng pagkahilo at pagsusuka ang biglang umakyat sa lalamunan ko.

"Ah—"

Mabilis akong bumangon, maingat na inalis ang braso ni Kiko sa bewang ko para hindi siya magising, at halos tumakbo papunta sa banyo.

Hindi ko na napigilan.

Pagkabukas ko ng pinto, agad akong yumuko sa lababo habang sinusubukang huminga nang maayos.

Ilang segundo lang, saka ako tuluyang sumuka.

Napapikit ako habang hinihingal.

Pagkatapos noon, napahawak ako sa gilid ng sink at dahan-dahang tumingala.

Tahimik ang banyo.

At sa ibabaw ng maliit na cabinet sa tabi ng lababo, nandoon pa rin ang pregnancy kit.

Matagal na namin iyong binili.

Hindi dahil may plano agad.

Kundi dahil napag-usapan na namin noon...

Kapag handa na ang kambal.

Kapag kaya na nilang umintindi.

Kapag handa na ulit kami.

Hindi namin minadali.

Hindi rin namin ipinagpaliban.

Hinayaan lang naming dumating kung kailan ito dapat dumating.

Huminga ako nang malalim.

Pero ngayon, habang nakatingin ako roon, mas lalo lang bumigat ang dibdib ko.

Paano kung positive?

Paano kung hindi?

Paano kung nag-aalala lang ako nang wala?

Paano kung tama ang kutob ko?

Paano kung hindi pa ako handa sa sagot?

Napahawak ako sa tiyan ko.

"Okay..."

Mahina ang boses ko.

"Whatever the result is..."

"We'll receive it together."

Pero kahit sinabi ko iyon, hindi pa rin nawawala ang kaba.

Maingat kong kinuha ang pregnancy kit mula sa cabinet.

Nakatitig lang ako roon nang ilang segundo bago ko ito binuksan.

Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang ginagawa ko ang lahat nang dahan-dahan.

Pagkatapos kong sundin ang mga nakasulat, kumuha ako ng malinis na disposable cup at maingat na sinalo roon ang unang ihi ko sa umaga. Pagkatapos, gamit ang maliit na dropper na kasama ng kit, naglagay ako ng ilang patak sa sample well ng test at inilapag iyon sa gilid ng lababo.

Naupo ako sa toilet seat, nakapulupot ang mga kamay ko sa tiyan ko habang naghihintay.

Hindi ako mapakali.

Minsan napapatingin ako sa test.

Minsan naman sa sahig.

Minsan sa pinto.

Parang kahit saan ako tumingin, mas lalo lang lumalakas ang kaba ko.

Ilang minuto ang lumipas.

Pakiramdam ko, isang oras.

Nakaupo lang ako.

Tahimik.

Nakatingin.

Ayaw kong kumurap.

Ayokong mauna ang isip ko sa resulta.

Ayokong maghanda para sa isang bagay na baka hindi naman totoo.

Hanggang...

Unti-unting lumitaw ang pangalawang guhit.

Napatakip ako sa bibig ko.

Hindi ako agad umiyak.

Hindi rin ako agad nakahinga.

Tinitigan ko lang.

Dalawang guhit.

Positive.

Positive.

Positive.

Paulit-ulit iyong umiikot sa isip ko.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Unti-unting tumulo ang luha.

Hindi dahil sa takot.

Kundi dahil sa biglang pag-angat ng lahat ng kaba ko sa isang iglap.

Sa loob ng ilang segundo, parang hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak nang tuluyan.

"We're going to have another baby..."

Hindi ko namalayang napahawak ako sa tiyan ko.

Wala pa namang makikita.

Wala pa akong baby bump.

Pero alam kong may panibagong buhay nang nagsisimula.

At ang una kong naisip...

Hindi ang sarili ko.

Hindi ang magiging hirap.

Kundi si Kiko.

"Daddy..."

Ngumiti ako habang umiiyak.

"You'll be so happy."

•

Paglabas ko ng banyo, nakita kong gising na siya.

Nakaupo siya sa gilid ng kama, magulo ang buhok, inaayos ang salamin habang inaabot ang tubig sa bedside table.

Pagkakita niya sa akin, agad siyang ngumiti.

"Good morning, Mommy."

"Good morning."

Napansin niyang namumula ang mga mata ko.

Agad siyang tumayo.

Isang hakbang.

Dalawa.

Pagkatapos ay walang sabi-sabing niyakap ako.

Mahigpit.

Mainit.

Parang alam niyang may sasabihin ako.

At lalo lang akong kinabahan sa kung paano niya ako tinitingnan, parang naghihintay din siya ng sagot na hindi ko pa masabi nang diretso.

"Daddy?"

"Hm?"

May nanginginig na tawa akong pinigil.

"I have... something to show you."

Hindi siya nagtanong.

Hindi siya nangulit.

Hinawakan lang niya ang magkabilang kamay ko.

"I'm here."

Kinuha ko ang pregnancy test mula sa likod ko.

Iniabot ko iyon sa kanya.

Tahimik siyang tumingin.

Isang segundo.

Dalawa.

Tatlo.

Habang nakatitig siya roon, lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko.

Parang ako ang mas kinakabahan kaysa sa kanya.

Nakita kong bahagyang lumaki ang mga mata niya.

Pagkatapos...

"What?" bulong niya, halos hindi makapaniwala.

Tumango ako habang umiiyak.

"I'm going to be a Daddy again?"

Bago ko pa siya masagot, napahawak siya sa mukha niya at tuluyang napaiyak. Hindi iyon iyak ng lungkot. Iyak iyon ng sobrang tuwa, ng pagkamangha, ng biglang pag-apaw ng damdamin.

Agad akong lumapit at pinunasan ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko.

"Hey, Mom, don't cry," sabi niya sa pagitan ng mga hikbi, pilit na ngumiti kahit basang-basa na rin ang mga mata niya. "It's just perfect."

Napatawa ako nang mahina habang umiiyak din.

"Daddy..."

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon.

"Don't be afraid. The twins are just at the perfect age, though..." Huminga siya nang malalim, saka tumingin sa akin nang buong lambing. "They would understand... And for sure, they'll be happy as well."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Lumapit ako at niyakap siya nang mahigpit.

Pagkatapos, hinalikan ko siya sa noo, sa pisngi, at sa labi.

At hinalikan niya rin ako pabalik, marahan at puno ng pasasalamat, na para bang pareho naming gustong tiyaking totoo ang lahat ng ito.

Paglayo niya, nakayakap pa rin siya sa bewang ko habang ang mga braso ko ay nakapulupot sa balikat niya.

Nakangiti siya.

"Mommy..."

"Yes?"

"Thank you."

Napatawa ako habang umiiyak.

"For what?"

"For letting our family grow again."

Napahawak ako sa pisngi niya.

"We're both doing this."

Tumango siya.

"We are."

Inilapat niya ang isang kamay niya sa tiyan ko.

Napangiti siyang muli.

"Hello, little one."

Tahimik kaming dalawa.

Walang engrandeng selebrasyon.

Walang sigawan.

Kami lang.

Mag-asawa.

Magkayakap.

Habang unti-unti naming tinatanggap na may panibagong tibok na namang magpapabago sa buhay naming apat.

At sa unang pagkakataon...

Naramdaman kong muli ang parehong pagkamanghang naramdaman ko noong ipinagbuntis ko sina Hunter at Stella.

Hindi dahil pareho ang pagbubuntis.

Kundi dahil pareho ang lalaking nasa tabi ko.

Noon.

Ngayon.

At alam kong...

Hanggang sa huli.

Palagi niyang pipiliing samahan ako sa bawat hakbang ng paglalakbay na ito.

Dahan-dahang itinaas ni Kiko ang magkabilang kamay niya at hinawakan ang mukha ko, parang gusto niyang siguraduhing nakatingin ako sa kanya nang maayos. Mainit ang palad niya sa pisngi ko, at sa simpleng haplos na iyon, lalo lang akong napaiyak.

"Cha..."

Napasinghap ako nang marinig ko ang lambing sa boses niya.

"Yes?"

"I love you."

Napapikit ako sandali, saka ngumiti sa gitna ng luha ko.

"I love you too, Daddy."

Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang mga hinlalaki niya, marahang pinupunasan ang mga luhang hindi ko na napigilan.

"I promise that I'll be with you again with this..."

Tumango ako agad, kahit nanginginig pa ang labi ko.

"Okay."

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

Hindi ko kaya.

"Okay?" ulit niya, parang gusto niyang marinig iyon mula sa akin nang malinaw.

"Okay," sagot ko, mas matatag na ngayon. "With you. Always."

Ngumiti siya nang malumanay, iyong ngiting punong-puno ng pag-ibig at pangakong hindi kailanman bibitaw.

"Another fruit of our love again."

Napatawa ako nang mahina, umiiyak pa rin, habang nakahawak ang mga kamay ko sa mga pulso niya.

"Yes," bulong ko. "Another fruit of our love again."

Napangiti siya lalo, at dahan-dahan niyang idinikit ang noo niya sa noo ko.

"Thank you for giving me this chance again," sabi niya.

Umiling ako, marahang hinawakan ang mga kamay niya sa mukha ko.

"Thank you too, Daddy. For staying. For loving me. For loving all of us."

Sa mga salitang iyon, mas lalo siyang lumambot ang tingin.

"Always," sagot niya.

"Always," ulit ko.

At sa gitna ng tahimik naming yakap, sa pagitan ng mga luha at ngiti, alam naming pareho na nagsisimula na naman ang isang bagong kabanata ng aming pamilya.

Reader Community

Comments 1

Comments are reviewed before appearing publicly.
C
CarlSep 21, 2026

♥️

Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat →