
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Approaching The Third Trimester
☰ Chapters
Six months and four weeks.
May mga hangganang hindi naman biglang dumarating.
Hindi sila tulad ng pinto na isang araw ay bubuksan mo...
At agad kang nasa panibagong silid.
Minsan...
Unti-unti mo lang silang nararamdaman.
Sa pagbigat ng bawat hakbang.
Sa pag-ikli ng distansyang kaya mong lakarin nang hindi hinihingal.
Sa paraan ng pag-upo mo...
Na kailangan mo nang pag-isipan bago mo gawin.
Sa pagkirot ng likod mo pagkatapos tumayo nang matagal.
At sa bawat gabing kailangan mong magpalit-palit ng posisyon...
Dahil hindi mo na alam kung saan magiging komportable ang katawan mo.
Papalapit na ako sa third trimester.
At kahit hindi pa iyon opisyal na nagsisimula...
Nararamdaman ko nang papunta na roon ang katawan ko.
Mas malaki na ang sinapupunan ko—halatang lumalaki si Lyra, patuloy na lumalaki nang maayos at malusog sa loob ko.
Mas mabigat na ang dibdib ko—unti-unti nang naghahanda ang katawan ko, darating ang panahon na maglalabas ito ng gatas para mapasuso ko siya.
Mas malapad ang balakang ko—dahan-dahang lumalapad, naghahanda para sa araw na muli kong ibubuka ang mga hita ko nang malawak, at magtutulak hanggang sa mailabas ko siya sa pamamagitan ng aking katawan—isang panibagong buhay na daraan sa parehong daan na dinaanan ng mga nauna.
Mas namamaga ang mga paa ko kapag matagal akong nakatayo.
At si Lyra...
Hindi lang siya basta gumagalaw ngayon.
Mas ramdam ko na siya.
Mas malakas.
Mas malinaw.
Mas madalas.
May mga sandaling parang kumakatok siya mula sa loob.
May mga sandaling parang sumisipa siya nang buong lakas—parang gusto niyang ipaalam na nandito siya.
Na buhay siya.
Na lumalaki siya.
At bawat galaw niya...
Hindi na lang basta pakiramdam.
Isa na itong presensya.
Parang unti-unti na niyang ipinapaalala sa amin...
Na hindi na lamang siya isang pangalang nakasulat sa tablet.
Hindi na lamang siya isang constellation na hinahanap namin sa langit.
Isa siyang munting buhay.
Lumalaki.
Gumagalaw.
At papalapit nang papalapit sa mga bisig namin.
Maagang-maaga pa nang magising ako.
Madilim pa ang labas.
Tahimik ang buong kwarto maliban sa marahang tunog ng keyboard mula sa kaliwang bahagi ng kama.
Nandoon si Kiko.
Nakasuot pa rin ng headset.
Nakatutok sa tatlong monitor.
Dati dalawa lang iyon.
Dalawang screen na sapat na para sa trabaho niya.
Pero mula nang malaman namin ang pagbubuntis ko...
Dinagdagan niya ang clients niya.
Dinagdagan niya ang workload niya.
Dinagdagan niya ang responsibilidad niya.
At ngayon...
Tatlong monitor na ang kaharap niya.
Tatlong magkakaibang trabaho na sabay niyang hinahawakan.
May spreadsheet sa isa.
May design file sa isa pa.
At sa pangatlo...
May meeting window na katatapos lang niyang isara.
Hindi siya gumagalaw agad.
Hindi siya tumatayo.
Hindi siya humihinga nang malalim para magpahinga.
Sa halip...
May tina-type pa rin siyang huling note.
May inaayos pang file name.
May sine-save pang dokumento.
Parang hindi niya kayang iwan ang kahit isang bagay na hindi pa tapos.
Sa gilid ng workstation...
Nandoon ang baso ng iced coffee na ginawa ko bago magsimula ang shift niya kagabi.
Kaunti na lang ang laman.
Halos puro tunaw na yelo.
Tumingin ako sa oras.
Five o'clock.
Tapos na ang shift niya.
Pero hindi pa siya tumitigil.
Hindi pa rin siya bumibitaw.
At kahit pagod na pagod na siya...
Hindi siya pumapalya.
Hindi siya nagkukulang.
Hindi siya bumibigay.
He never fails.
Pinagmasdan ko siya.
Ang seryoso niyang mukha.
Ang paraan ng pagkipot ng mga mata niya habang nakatutok sa screen.
Ang bahagyang pagyuko ng ulo niya.
At sa likod ng eyeglasses niya...
Kitang-kita ko ang pagod.
Hindi lang simpleng antok.
Hindi lang puyat.
Kundi iyong pagod na naiipon araw-araw.
Iyong pagod ng isang lalaking hindi tumitigil dahil may pamilya siyang inuuna.
May mga sandaling gusto ko siyang tawagin.
Sabihin na sapat na.
Na pwede na siyang humiga.
Na pwede na siyang magpahinga.
Na hindi niya kailangang tapusin lahat ngayon.
Pero kilala ko siya.
Alam kong hindi siya mapapakali hangga't may alam siyang kulang.
At kahit gusto ko siyang pigilan...
Mas naiintindihan ko kung bakit niya ginagawa ito.
Dahil mahal niya kami.
Dahil gusto niyang siguraduhin na wala kaming kakulangan.
Dahil kahit pagod na pagod na siya...
Pinipili pa rin niyang magpatuloy.
Dahan-dahan akong gumalaw.
Pero pagkiling ko pa lamang...
Kumirot agad ang ibabang bahagi ng likod ko.
Napasinghap ako nang mahina.
Hindi naman sobrang sakit.
Pero sapat para mapahinto ako.
At sapat din...
Para marinig niya.
Agad siyang lumingon.
Tinanggal niya ang headset.
Isinara ang huling window.
Pagkatapos ay mabilis na tumayo mula sa office chair.
Lumapit siya agad sa akin, yumuko, at marahang hinalikan ang noo ko bago inilapat ang kamay niya sa tiyan ko at dahan-dahang hinaplos iyon.
"Good morning, Mommy."
Lumapit siya sa kama.
"Why are you awake this early?"
Hinawakan niya ang kamay ko habang maingat akong bumabangon.
"Did Lyra wake you up?"
"A little."
Ngumiti ako nang bahagya.
"She's been moving a lot."
Bahagyang lumiwanag ang mukha niya.
"Really?"
Tumango ako.
"She kicked earlier."
Hindi na niya napigilan ang ngiti niya.
Iyong ngiting kahit pagod siya...
Biglang nagiging magaan ang lahat.
"Can I feel?"
Marahan niyang inilagay ang kamay niya sa tiyan ko.
Tahimik kaming naghintay.
Ilang segundo lang...
May isang malinaw na galaw.
Isang sipa.
Napasinghap ako nang mahina.
"She did that?"
Napatawa ako.
"Yes."
Hindi niya agad inalis ang kamay niya.
Parang ayaw niyang mawala ang sandaling iyon.
Parang kahit ilang segundo lang...
Sapat na para mabura ang pagod niya.
"You always do this after work, huh?"
Mahina niyang sabi sa tiyan ko.
"Make Daddy forget everything."
Napangiti ako habang pinagmamasdan siya.
At totoo nga.
Sa bawat galaw ni Lyra...
Parang nawawala ang lahat ng pagod niya.
Ang puyat.
Ang stress.
Ang pressure.
Napapalitan ng isang bagay na mas simple.
Mas totoo.
Mas mahalaga.
Tiningnan niya agad ang mukha ko.
"How long have you been uncomfortable?"
"Just a little while."
Bahagyang tumaas ang isang kilay niya.
Hindi galit.
Hindi mahigpit.
Pero alam kong hindi siya nasiyahan sa sagot ko.
"Cha, don't say 'just a little.' If it's data, then it won't be accurate."
Napangiti ako nang mahina.
Kahit nag-aalala...
Talagang engineer pa rin.
"I know."
Bahagyang lumambot ang ekspresyon niya.
Hinaplos niya ang pisngi ko.
"I do understand, though."
"But next time, okay?"
"I love you."
"I love you too."
Marahan niya akong hinalikan sa noo.
Pagkatapos ay sa labi.
Isang maikling halik.
Mainit.
Parang mas mahalaga muna sa kanya na maramdaman kong hindi niya ako pinapagalitan...
Kundi inaalagaan.
Maingat niyang inayos ang mga unan sa likod ko.
Nagdagdag siya ng support sa may baywang.
Pagkatapos ay lumuhod sa gilid ng kama para tingnan ang mga paa ko.
"Your lower back again?"
"Yes."
"Any tightening?"
"Not really."
"Does it come and go, or does it stay?"
"It stays for a while, then it gets better when I change position."
Tumango siya.
Parang nagtatala sa isip.
Hinawakan niya nang marahan ang isang paa ko.
Pinisil nang bahagya ang balat malapit sa bukung-bukong para tingnan ang pamamaga.
Hindi niya iyon ginawa nang masakit.
Dahan-dahan lang.
Maingat.
"Okay."
Tumingala siya sa akin.
"No sudden movement today."
"And no cooking while standing for too long."
"I can still cook."
"I know you can."
"But capability and advisability are not the same thing."
Napatawa ako.
"There you are."
"What?"
"Engineer Daddy."
He smiled.
"Always available."
Lumapit siya muli, mas malapit kaysa kanina.
Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay—maingat, parang may hawak siyang bagay na hindi niya kailanman gustong masaktan.
"Mommy..."
Mahina ang boses niya.
Hindi utos.
Hindi paalala.
Kundi isang tawag na puno ng pag-aalala.
Tumingin ako sa kanya.
Naramdaman ko agad ang bigat ng titig niya.
"Yes?"
Bahagyang kumunot ang noo niya.
"I hope I'm not making you feel less capable."
Huminto siya sandali.
Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.
"Have I?"
Tahimik akong tumingin sa kanya.
Hindi agad sumagot.
Hindi dahil hindi ko alam ang sasabihin ko...
Kundi dahil ramdam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang sagot ko.
"Please tell me if you feel that way."
Mas bumaba ang boses niya.
Mas naging marahan.
"...because never a time that's my intention."
Huminga siya nang malalim.
"And I just want both of you safe."
Tumingin siya sa tiyan ko sandali.
Pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa akin.
"Okay?"
Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata niya.
Pero higit doon...
Punong-puno ng pagmamahal.
Ng pag-iingat.
Ng takot na baka sa kagustuhan niyang protektahan ako...
Ay hindi niya namamalayang nasasaktan niya ako.
Napangiti ako nang mahina.
Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko.
"Daddy..."
Marahan kong hinaplos ang likod ng kamay niya.
"You never made me feel less capable."
Umiling ako nang bahagya.
"Not even once."
Lumambot ang mga mata ko habang tinitingnan siya.
"You make me feel supported."
"You make me feel seen."
"You make me feel like I don't have to carry everything alone."
Bahagya akong lumapit.
Idinikit ko ang noo ko sa kanya.
"And I appreciate that more than you know."
Hinaplos ko ang pisngi niya.
"You're not taking anything away from me."
"You're just making sure I don't have to struggle unnecessarily."
Ngumiti ako nang mas malinaw.
"And I love you for that."
Bahagyang napapikit siya.
Parang may nabawas na bigat sa dibdib niya.
"I love you too."
Mahina niyang sagot.
At sa sandaling iyon...
Mas lalo kong naintindihan—
Na ang pag-aalaga niya...
Hindi kontrol.
Kundi pagmamahal na gustong siguraduhin na ligtas kami.
At hindi iyon kailanman magiging mali.
Nang makaupo ako nang maayos...
Napansin ko kung gaano kabigat ang mga mata niya.
May pamumula.
May mga aninong mas malalim kaysa kahapon.
Mas tahimik din ang kilos niya.
Iyong klase ng pagod na hindi na kailangang sabihin...
Dahil kita na sa bawat segundo bago siya kumurap.
"You need to sleep."
"I will sleep."
"But let me make sure you're comfortable first."
"Daddy—"
"I can rest better when I know you're okay."
Pagkatapos ay ngumiti siya nang bahagya.
"Besides, you already knew that anytime you just make me lay down on your lap, tendency is to fall asleep."
Napatawa ako.
"That is true."
"Very effective method."
"Then maybe I should use it more often."
"I support that plan."
Hinawakan ko ang mukha niya.
"I mean it."
"I know."
"After breakfast."
"After breakfast," he promised.
Narinig namin ang pagbukas ng pinto ng kambal.
Kasunod noon...
Ang maliliit na yabag sa hallway.
Naunang lumitaw si Hunter.
Kasunod si Stella na hinihila pa ang maliit niyang kumot.
Pareho silang sabog ang buhok.
Pareho ring antok na antok.
"Daddy..."
Hunter rubbed one eye.
"Morning."
"Good morning, A-hiya."
Stella walked closer.
"Milk?"
Daddy smiled.
"Yes."
"Milk."
Tinulungan niya akong tumayo.
Isang kamay sa likod ko.
Ang isa ay nakasuporta sa braso ko.
Hindi niya ako minadali.
Hindi rin niya ako binitiwan hanggang sa matiyak niyang matatag ang mga paa ko.
Pagdating sa kusina...
Agad siyang naghanda ng tatlong baso.
"Twins, sit properly first."
"Milk is coming."
Sabay na umupo ang dalawa.
Hunter sa sariling chair.
Si Stella naman ay inayos muna ang damit bago umakyat sa upuan.
"Mommy's glass first."
Napangiti ako.
"Twins first."
He shook his head.
"Mommy first."
"Why?"
Tanong ni Hunter.
Daddy continued measuring the milk.
"Because Mommy needs hers prepared before she becomes distracted taking care of everyone else."
Tumango si Hunter.
"Logical."
Napatawa ako.
"Of course you would agree."
Nang mailagay na niya ang tatlong baso sa tray...
Inabot ko sana iyon.
Agad niya itong inilayo nang bahagya.
"No, Mommy cannot carry the tray."
"It's only three glasses."
"Three glasses are still three glasses."
"I can carry them."
"You can supervise me instead."
Napailing ako habang natatawa.
"Fine."
"Excellent management decision."
Dinala niya ang tray sa mesa.
Maingat.
Ginagamit ang dalawang kamay.
Kahit mas maayos na ang kanan niyang braso...
Nakikita ko pa rin kung gaano siya kaingat.
May ilang kilos na hindi pa ganap na natural.
May bahagyang pagbagal.
May sandaling kailangan niyang ayusin ang hawak.
Pero hindi niya iyon ikinahihiya.
Hindi rin siya nagmamadali.
Parang natutunan na niyang hindi kahinaan ang pag-iingat.
Habang umiinom ang kambal...
Kinuha ko ang mga sangkap para sa iced coffee niya.
Hindi ako tumayo nang matagal.
Inayos ko lang ang coffee concentrate.
Milk.
Sweetener.
At yelo.
Nang makita niya akong gumagawa...
Agad siyang lumapit sa likod ko.
"You still made this?"
Napalingon ako.
"Of course."
"You really love me, aren't you?"
Napatawa ako.
"Unfortunately."
He placed one hand dramatically over his chest.
"Painful."
"Binigyan na nga kita ng coffee."
"I know."
Lumapit siya.
Hinawakan ang bewang ko.
At marahan akong hinalikan sa labi.
"You're just making me the luckiest husband in the world, Cha."
Napangiti ako laban sa labi niya.
"That's a very dramatic reaction to coffee."
"It's not just coffee."
Yumuko siya nang bahagya.
Hinalikan ang balikat ko.
Isa.
At isa pang mas matagal.
"You know this isn't only coffee to me, right?"
Tiningnan ko siya.
"I know it matters to you."
"It feels like you still found a way to take care of me, even while I'm trying to take care of everyone."
Marahan niyang hinawakan ang kamay ko.
"But sit down next time."
"I can bring everything to you."
"I wasn't standing for long."
"Still."
He pulled the nearest dining chair closer.
"Sit."
Napatawa ako.
"You're very bossy this morning."
"Preventive action."
Umupo ako.
Lumapit siya mula sa likod.
Yumakap sa akin.
Maingat na nakapalibot ang mga braso niya sa itaas at ibabang bahagi ng tiyan ko.
Idinikit niya ang pisngi niya sa sentido ko.
"Thank you, Mommy."
Hinawakan ko ang mga kamay niya.
"You're welcome."
Pagkatapos ng almusal...
Bumalik kami sa kwarto.
Gusto ko sana siyang patulugin agad.
Pero bago pa siya humiga...
Napansin kong tinitingnan niya ako.
Hindi basta nakatingin.
Pinagmamasdan.
Mula sa mukha ko...
Pababa sa katawan ko.
Sa dibdib kong mas mabigat na ngayon.
Sa sinapupunan kong halos hindi na maitago ng maternity dress.
Sa balakang kong mas malapad.
At sa mga binti kong kailangang mas matatag dahil sa dagdag na bigat.
Napangiti ako nang bahagya.
"What?"
He stepped closer.
"You're much heavier now."
Napatigil ako.
Hindi dahil nasaktan ako.
Kundi dahil bihira niyang sabihin nang ganoon kadiretso.
Agad niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko.
"And I don't mean that negatively."
"I know."
"I mean Lyra is growing."
"Your body is adjusting."
Marahan niyang inilagay ang isang kamay sa tiyan ko.
Ang isa...
Sa gilid ng bewang ko.
"Your breasts are preparing to feed her."
"Your hips are carrying more weight."
"Every change has a purpose."
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko.
"And Cha..."
"You are beautiful."
Bahagyang ngumiti siya.
"Actually, more of gorgeous."
Napatawa ako.
"Gorgeous?"
"Yes."
"Not despite the changes."
"Because every change tells me what your body is doing for our daughter."
Hindi ko alam kung hormones lang.
O kung talagang may mga araw na mas sensitibo ako.
Pero naramdaman kong uminit ang mga mata ko.
Napatingin ako sa sarili kong katawan.
Sa mga bahagi nitong nagbago na mula pa noong pagbubuntis ko sa kambal.
Sa dibdib na nagpasuso kina Hunter at Stella.
Sa balakang na lumapad para maipanganak sila.
Sa balat na hindi na katulad ng dati.
Sa tiyan na minsan nang lumaki para sa dalawang anak...
At ngayo'y muling lumalaki para sa ikatlo.
Hindi ako nahihiya rito.
Matagal ko nang natutunang ipagmalaki ang katawan ko.
Pero minsan...
Masarap pa rin palang marinig mula sa taong mahal mo...
Na nakikita niya ang lahat.
At hindi siya lumalayo.
Mas lalo pa siyang lumalapit.
"Do you still want me the same way?"
Mahina kong tanong.
Biglang naging seryoso ang mukha niya.
"Next time, please don't ask me that again, okay?"
Lumapit siya.
Marahang hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay.
"Charlotte Tiu-Tolentino..."
Buo niyang sinabi ang pangalan ko.
Parang paalala.
Parang pangako.
"You're my wife."
"You're carrying my child."
"And every day, I look at you and somehow find another reason to love your body more."
"You don't have to return to an older version of yourself for me."
"I love the woman in front of me."
Hinaplos ng mga hinlalaki niya ang mga pisngi ko.
"This version."
"The one carrying Lyra."
Unti-unting bumalik ang ngiti niya.
"And I don't want something not upgraded, Mommy."
Napatawa ako sa gitna ng pagluha.
"Upgraded?"
"You know your husband is also upgraded."
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Where exactly?"
He looked offended.
"Everywhere."
"I need evidence."
"Seven years of accumulated evidence."
Napatawa ako nang tuluyan.
"I love you."
"I love you more."
Hinila niya ako palapit.
Isang kamay sa likod ko.
Isa sa gilid ng tiyan ko.
At marahan niya akong hinalikan sa labi.
Hindi nagmamadali.
Hindi rin mapang-angkin.
Kundi pamilyar.
Parang halik ng isang lalaking kabisado ang bawat bersyon ko...
At pinili ang lahat ng iyon.
Pagkatapos...
Inalalayan ko siyang humiga.
Naupo ako sa kama.
Ipinatong niya ang ulo niya sa kandungan ko.
Parang kusa na lang.
Parang ang katawan niyang sobrang pagod...
Alam kung saan ligtas bumitaw.
Hinaplos ko ang buhok niya.
Tinanggal ko rin nang maingat ang salamin niya.
"You were right."
"Hm?"
"About what happens when I lie down on your lap."
His eyes were already closing.
"Very effective."
"I haven't even started."
"You don't have to."
Makalipas lang ang ilang minuto...
Mahimbing na siyang natulog.
Mahigit apat na oras siyang nakatulog.
Hindi ko siya ginising.
Hindi ko rin pinayagang guluhin siya ng kambal.
Tahimik kaming nanatili sa sala.
Naglalaro sila sa tabi ko habang binubuksan ko ang tablet.
May bagong update sa Bump app.
Third Trimester Preparation
Napangiti ako.
Kahit bago pa siya matulog...
May naiwan na naman siyang bagong sistema.
May mga bagong sections.
May mga priority labels.
May time estimates.
May mga kulay para sa urgency.
At siyempre...
May backup plan sa halos bawat item.
Nang magising siya...
Diretso siyang pumunta sa sala.
Magulo ang buhok.
Suot pa rin ang eyeglasses na bahagyang tabingi.
Pero mas malinaw na ang mga mata niya.
Agad siyang lumapit sa akin.
Yumuko.
Hinalikan ako sa noo.
Pagkatapos ay maingat na yumakap mula sa likod.
"How are you feeling?"
"Better."
"Any pain?"
"Still a little."
"Swelling?"
"Same."
"Lyra?"
"Active."
"Good."
Napatingin siya sa tablet na hawak ko.
"You saw the update."
"I did."
Umupo siya sa tabi ko.
Kinuha ang tablet.
Pagkatapos ay binuksan ang bagong nesting section.
"I updated the checklist."
"We're approaching the third trimester."
"So I divided everything into priorities."
Isa-isa niyang pinindot ang mga category.
"Hospital documents."
"Lyra's essentials."
"Your postpartum needs."
"The twins' routine while we're at the hospital."
"Emergency contacts."
"Transportation."
"And backup plans."
Napatingin ako sa haba ng listahan.
May nakalagay nang mga pangalan.
Mga deadline.
Mga taong puwedeng tawagan.
May primary arrangement.
May secondary arrangement.
May backup ng backup.
"Daddy..."
"It's still early."
"Early preparation means less pressure later."
"I don't want you organizing things when you're already too heavy and uncomfortable."
Tiningnan niya ako.
"You choose."
"I research."
"We decide together."
"Then I handle the lifting."
Napangiti ako.
"So I only choose?"
"You choose and approve."
"Very managerial."
"Exactly."
Sa gilid ng sala...
May ilang kahon na naiwan mula sa nesting shopping namin.
May lamang maliliit na organizers.
Mga bagong linens.
At ilang items para sa space ni Lyra sa tabi ng kama namin.
Tumayo ako.
May maliit na kahon sa pinakataas.
Hindi naman mukhang mabigat.
Kaya inabot ko.
Hindi ko pa man tuluyang naiaangat...
Narinig ko agad ang boses niya.
"Charlotte."
Napahinto ako.
Tahimik na napatingin sa kanya.
"Put it down."
"It's light."
"No negotiation."
Lumapit siya.
Maingat niyang kinuha ang kahon mula sa mga kamay ko.
"You may point at where it should go."
"You may tell me I'm doing it wrong."
"You may even redesign the whole arrangement."
"But you are not lifting it."
Napailing ako.
"You're very strict."
Ngumiti siya.
"Just be Manager Cha and I'll be the worker."
"Your job is already that of a big responsibility."
Tumingin siya sa tiyan ko.
"Carrying my third microbot."
Napatawa ako.
"Lyra is a microbot now?"
Hunter immediately looked up from his toys.
"Three microbots!"
Stella raised both hands.
"Baby microbot!"
Daddy smiled proudly.
"Exactly."
Lumapit ang kambal sa amin.
Napatingin si Stella sa kahong hawak ni Daddy.
"Why Mommy no carry?"
Inilapag muna ni Daddy ang kahon sa ligtas na bahagi ng sahig.
Pagkatapos ay lumuhod para kapantay sila.
"Because Mommy is already carrying Lyra."
"Her muscles and joints are working harder now."
"So when you want Mommy, you don't ask her to lift you."
"You sit beside her."
"You hug her gently."
"Or you ask Daddy to carry you near her."
Hunter nodded.
"Mommy carry baby."
"Daddy carry us."
"Correct."
Tumingin si Stella sa akin.
"Mommy sick?"
Umiling si Daddy.
"Mommy isn't sick."
"Pregnancy is not a sickness."
Bahagya siyang nag-isip bago ipagpatuloy ang paliwanag.
"It falls more under a condition of the body when someone has to bring another life again."
Tumingin siya sa kanilang dalawa.
"A life."
"A baby."
"But growing a baby requires a lot of energy."
"That means we help Mommy protect her strength."
Hunter looked at my stomach.
"Lyra heavy?"
"She's getting heavier."
"But there is also fluid, the placenta, and other changes in Mommy's body."
"Mommy isn't only carrying the weight of one baby."
"Her whole body is working differently."
Nag-isip si Hunter nang ilang segundo.
Pagkatapos ay tumingin kay Daddy.
"Who carries Mommy?"
Hindi nagdalawang-isip si Kiko.
"Daddy does."
Pero makalipas ang isang segundo...
Bahagya siyang ngumiti.
"Actually..."
"All of us do."
"How?"
Tanong ni Stella.
"Daddy helps physically, mentally, and emotionally."
"You help by behaving and staying gentle."
"And Mommy helps us by telling us honestly what she needs."
Tumingin siya sa akin.
May kahulugan ang titig niya.
Hindi lang iyon paliwanag para sa kambal.
Paalala rin iyon para sa akin.
Na kailangan kong magsabi.
Hindi magtiis.
Hindi magkunwaring kaya ko lahat.
Lumapit si Hunter.
Umupo sa tabi ko.
Si Stella naman ay sumandal sa kabilang gilid.
Hindi sila nagpabuhat.
Hindi rin nila ako dinaganan.
Hinawakan lang nila ang mga kamay ko.
"Twins carry Mommy."
Mahina niyang sabi.
Napangiti ako.
"You do."
Hinalikan ko ang ulo nilang dalawa.
"Every day."
At sa sandaling iyon...
May kung anong lumambot sa loob ko.
Hindi dahil sa pagod.
Hindi dahil sa sakit ng likod ko.
Kundi dahil sa paraan ng mga anak ko na unti-unting natututo kung paano magmahal.
Hindi sa malalaking bagay.
Hindi sa engrandeng paraan.
Kundi sa simpleng pag-upo sa tabi ko.
Sa paghawak ng kamay ko.
Sa hindi paghingi na buhatin ko sila.
Sa pag-intindi na may dala akong isa pang buhay.
At sa pagnanais na maging bahagi ng pag-aalaga sa akin.
Tahimik kaming nanatili roon sandali.
Si Hunter ay nakasandal sa braso ko.
Si Stella naman ay nakayakap sa gilid ko.
At si Kiko...
Nakatayo sa harap namin.
Pinagmamasdan kami.
Hindi nagsasalita.
Pero kitang-kita ko sa mga mata niya—
Iyong uri ng saya na hindi kailangang ipaliwanag.
Iyong uri ng pagmamahal na hindi kailangang ipakita nang malakas.
Tahimik lang.
Pero buo.
Lumapit siya.
Dahan-dahang lumuhod sa harap namin.
Inabot niya ang kamay ko.
Hinawakan iyon nang marahan.
Pagkatapos ay tumingin sa kambal.
"You two are doing a very good job."
Ngumiti si Hunter.
"Helping Mommy."
"Yes."
Sagot ni Daddy.
"Helping Mommy."
Tumingin siya kay Stella.
"And being gentle."
Tumango si Stella.
"Gentle."
Pagkatapos ay tumingin siya sa akin.
Mas malalim.
Mas tahimik.
Mas personal.
"And Mommy..."
Mahina ang boses niya.
Pero malinaw.
"You're doing an amazing job."
Napakurap ako.
Hindi ko inaasahan iyon.
Hindi sa hindi niya ako pinupuri.
Kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi niya.
Hindi basta compliment.
Kundi parang pagkilala.
Pagkilala sa lahat ng ginagawa ng katawan ko.
Sa lahat ng dinadala ko.
Sa lahat ng pinagdaraanan ko araw-araw.
"You carry so much."
Dagdag niya.
Hindi lang pisikal ang ibig niyang sabihin.
Alam ko iyon.
"You carry Lyra."
"You carry the twins."
"You carry this home."
"You carry me too."
Napailing ako nang bahagya.
"Daddy—"
"No."
Mahina niyang pinisil ang kamay ko.
"Let me say this."
Huminga siya nang malalim.
"And I don't say this enough."
Tumingin siya sa tiyan ko.
Pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa akin.
"I see everything you're doing."
"Even the things you don't say."
"Even the things you try to hide."
Bahagyang nangilid ang luha ko.
Hindi dahil sa lungkot.
Kundi dahil sa pakiramdam na...
Nakikita ako.
Buong-buo.
"And I appreciate you."
Dagdag ko.
Hindi nagmamadali.
Hindi nagbibiro.
Hindi naglalagay ng kahit anong humor para pagaanin.
Diretso.
Totoo.
"I appreciate your strength."
"Your patience."
"Your body."
"Your heart."
"And the way you love all of us... even when you're tired."
Hindi ko na napigilan ang pagluha ko.
Tahimik lang.
Hindi hikbi.
Hindi malakas.
Pero sapat para maramdaman ko kung gaano kalalim ang mga salitang iyon.
Lumapit siya.
Hinawakan ang pisngi ko.
Pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.
"You don't have to be strong all the time."
Mahina niyang sabi.
"You just have to be you."
"And that's already more than enough for us."
Napangiti ako sa gitna ng pagluha.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"I love you."
"I love you more."
Biglang nagsalita si Hunter.
"Daddy emotional."
Napatawa ako.
Si Stella naman ay tumingin kay Daddy.
"Daddy cry?"
Napangiti si Kiko.
"Maybe a little."
Hunter nodded.
"Okay."
"Allowed."
Napatawa kaming lahat.
At sa gitna ng simpleng sandaling iyon...
Walang engrandeng nangyayari.
Walang espesyal na okasyon.
Walang milestone na kailangang ipagdiwang.
Pero ramdam ko—
Ito ang isa sa mga sandaling hindi ko makakalimutan.
Dahil dito...
Hindi lang ako isang buntis.
Hindi lang ako isang ina.
Hindi lang ako isang asawa.
Ako ay isang taong minamahal.
Pinapahalagahan.
At pinipiling makita araw-araw.
At habang hawak ko ang kamay ng asawa ko...
At yakap ako ng mga anak ko...
At may isa pang buhay na gumagalaw sa loob ko...
Mas lalo kong naintindihan—
Na kahit papalapit na ang mas mabigat na yugto...
Hindi ako nag-iisa.
Hindi kailanman.
Dahil sa bawat bigat na darating...
May mga kamay na handang sumalo.
May mga pusong handang umintindi.
At may isang lalaking...
Hindi lang ako minamahal—
Kundi pinaparamdam sa akin araw-araw...
Kung gaano ako kahalaga.
At marahil...
Iyon ang pinakamahalagang paghahanda bago pa man dumating ang third trimester.
Hindi lang ang checklist.
Hindi lang ang mga gamit.
Hindi lang ang plano.
Kundi ang paraan ng pagmamahalan namin.
Ang paraan ng pag-aalaga namin sa isa't isa.
Ang paraan ng pakikinig namin—
Hindi lang sa salita...
Kundi sa katahimikan.
Dahil darating ang mga araw na mas magiging mabigat ang katawan ko.
Mas magiging mahirap ang paghinga.
Mas magiging limitado ang galaw ko.
Mas magiging madalas ang sakit.
At darating din ang araw...
Na muli akong manganganak.
Muli kong haharapin ang sakit.
Ang pagod.
Ang takot.
Ang paghihintay.
Pero sa pagkakataong iyon...
Hindi na ako katulad ng dati.
Hindi na ako nag-iisa sa pagdadala ng lahat.
Hindi na ako tahimik na nagtitiis.
Hindi na ako nag-aalangan magsabi ng kailangan ko.
Dahil ngayon...
May asawa akong hindi lang handang tumulong—
Kundi handang makinig.
Handang matuto.
Handang mag-adjust.
Handang umamin na natatakot siya...
Pero hindi kailanman aalis.
At may mga anak akong...
Unti-unti nang natututo kung paano magmahal nang may pag-iingat.
Kung paano maging mahinahon.
Kung paano maging bahagi ng pag-aalaga.
At sa loob ko...
May isang munting buhay...
Na araw-araw ay nagpapaalala—
Kung bakit namin ginagawa ang lahat ng ito.
Kung bakit kami naghahanda.
Kung bakit kami nagsisikap.
Kung bakit kami nagmamahal nang ganito kalalim.
Pumikit ako sandali.
Hinaplos ko ang tiyan ko.
Ramdam ko ang isang marahang galaw mula sa loob.
Parang sagot.
Parang paalala.
Parang pangako.
"We're ready for you, Lyra."
Mahina kong bulong.
At sa paligid ko...
Naroon ang pamilya ko.
Hindi perpekto.
Hindi laging madali.
Pero buo.
At sapat.
At habang papalapit ang third trimester...
Hindi ko na ito tinitingnan bilang isang yugto na kailangan kong lampasan mag-isa.
Kundi bilang isang yugto...
Na sabay naming haharapin.
Isang araw.
Isang hakbang.
Isang tibok ng puso...
Sa bawat pagkakataon.
Kinagabihan...
Tahimik na ang buong bahay.
Mahimbing nang natutulog sina Hunter at Stella sa kanilang kwarto.
Ang ilaw sa hallway ay mahina na lamang.
At sa loob ng kwarto namin...
Nakahiga na ako sa kama.
Nakaayos ang maternity pillow sa paligid ko.
Nakatalikod ako nang bahagya—
At ilang segundo lang...
Nararamdaman ko na ang presensya niya sa likod ko.
Dahan-dahan siyang humiga.
Maingat.
Hindi niya ako ginagalaw nang biglaan.
Hindi niya ako ginugulat.
Parang alam na ng katawan niya kung paano ako lapitan ngayon.
Kung paano ako hawakan nang hindi ako nasasaktan.
Kung paano ako yakapin nang hindi ako naiipit.
Ipinasok niya ang isang braso niya sa ilalim ng tiyan ko.
Marahan.
Sapat lang para saluhin ang bigat.
"Let me support it."
Napabuntong-hininga ako nang mahina.
Hindi dahil sa pagod...
Kundi dahil sa ginhawang dala ng simpleng galaw na iyon.
"Is that better?"
"Yes..."
Mahina kong sagot.
Mas lumalim ang paghinga ko.
Mas naging komportable ang posisyon ko.
Hinaplos niya nang bahagya ang ilalim ng tiyan ko.
Hindi madiin.
Hindi rin magaan.
Sakto lang.
"Tell me if my arm feels too heavy."
Mahina ang boses niya.
Malapit sa tenga ko.
"I don't want you tolerating discomfort just because you want me close."
Hinawakan ko ang kamay niya.
Pinisil ko nang bahagya.
"I will."
Tahimik kaming sandali.
Ramdam ko ang init ng katawan niya sa likod ko.
Ang dibdib niya na marahang sumasabay sa paghinga ko.
At ang kamay niya...
Na patuloy na sumusuporta sa ilalim ng sinapupunan ko.
"And also..."
Mahina niyang dagdag.
"I like holding your bump here on the lower part."
Bahagya siyang ngumiti laban sa balikat ko.
"Feels like I am lifting her somehow."
Napangiti ako.
"You like carrying her."
"I do."
Tahimik ulit.
Pero hindi mabigat ang katahimikan.
Hindi awkward.
Kundi iyong klase ng katahimikan na puno ng presensya.
Ng pag-aalaga.
Ng pagmamahal.
"Daddy..."
Mahina kong tawag.
"Hm?"
"Are you afraid of the third trimester?"
Nararamdaman kong bahagya siyang tumigil.
Hindi niya agad sinagot.
Parang pinili muna niya ang mga salitang sasabihin niya.
Pagkatapos...
"Yes."
Mahina.
Diretso.
Walang pag-iwas.
"Not because I doubt you."
Mas hinigpitan niya nang bahagya ang hawak niya sa tiyan ko.
"I'm afraid because I remember what your body went through when you delivered the twins."
Huminga siya nang malalim.
"I remember your pain."
"I remember waiting and wishing I could take even half of it."
Napapikit ako.
Tahimik lang akong nakikinig.
"And I know you'll have to do something difficult again."
Bahagyang nanginig ang hininga niya.
"Sometimes my mind will give me a glimpse of that night of delivery with Hunter and Stella..."
Mas bumaba ang boses niya.
Mas naging marupok.
"How painful your labor and pushing is..."
Tumigil siya sandali.
At nang magsalita ulit...
Basag na ang boses niya.
"And God, Cha..."
"It hurts to just see you that way and I can't do a thing."
Unti-unti akong lumingon.
Hangga't kaya ng katawan ko.
At doon ko nakita—
Ang mga luha niya.
Tahimik.
Hindi niya pinipigilan.
Hindi niya tinatago.
Hinawakan ko ang mukha niya.
Pinunasan ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.
"But fear doesn't mean I want to stop this."
Mahina niyang sabi.
"It means I understand how much this will ask from you."
"And I want to be ready."
Hinawakan niya ang kamay ko.
Inilapit sa dibdib niya.
"I will always be for you, even if every fear is in here."
Napangiti ako nang mahina.
Kahit may luha rin sa mga mata ko.
"I know you're strong."
Mahina kong sabi.
Umiling siya nang bahagya.
"But you don't have to prove your strength by hiding pain from me."
Hinaplos ko ang pisngi niya.
"When you're tired, tell me."
"When you're scared, tell me."
"When your body says stop, we stop."
Mas lumapit ako sa kanya.
"You are not just Lyra's mother."
"You're Cha."
"You're my wife."
"And your safety will never become secondary."
Bahagya siyang ngumiti sa gitna ng luha.
"Remember that you married a former risk management officer, Mommy."
Napatawa ako nang mahina.
"How could I forget?"
Tahimik kaming sandali.
Magkalapit ang noo namin.
Magkahawak ang kamay.
Magkakabit ang paghinga.
"We still have time."
Mahina niyang sabi.
"We'll prepare slowly."
"One checklist at a time."
"One appointment at a time."
"One day at a time."
Hinaplos niya ang tiyan ko.
"You carry Lyra."
"I'll carry everything else I reasonably can."
Hinawakan ko ang kamay niya.
Mas mahigpit.
"But not until you destroy yourself doing it."
Tahimik siya sandali.
Pagkatapos ay tumango.
"Please keep reminding me."
Mahina niyang sabi.
"Because sometimes loving all of you makes me forget that I'm included in the family I need to protect."
Napaluha ako.
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
"I love you, Mommy."
Mahina niyang bulong.
"And I love the life growing inside you."
Marahan niyang hinaplos ang ilalim ng tiyan ko.
"Both of my girls are safe here."
Makalipas ang ilang minuto...
Naramdaman kong bumagal ang paghinga niya.
Mas naging pantay.
Mas naging mabigat.
Unti-unti siyang nakatulog...
Habang yakap ako mula sa likod.
Habang hawak ang tiyan ko.
Habang sinusuportahan ang bigat na hindi niya kayang alisin...
Pero pinipili niyang saluhin kahit paano.
At sa gabing iyon...
Hindi ko na inisip ang lahat ng darating.
Hindi ang sakit.
Hindi ang panganganak.
Hindi ang takot.
Kundi ang yakap niya.
Ang kamay niya.
Ang presensya niya.
Dahil sa bawat bigat...
Hindi ako nag-iisa.
At sa bawat hakbang papunta sa susunod na yugto...
May isang lalaking...
Tahimik na nagsasabing—
Kaya namin ito.
Magkasama.
At habang nakapikit ako...
Hindi ko maiwasang balikan ang mga maliliit na bagay na matagal ko nang napapansin.
Iyong paraan ng pag-iwas niya sa pagtulog kapag alam niyang masakit ang likod ko.
Iyong pagdagdag niya ng clients kahit hindi niya sinasabi kung gaano na siya kapagod.
Iyong tatlong monitor na hindi naman niya kailangan noon...
Pero ngayon ay parang naging sandata niya laban sa takot.
Iyong mga gabing gising siya habang tulog kaming lahat...
Hindi dahil may deadline lang—
Kundi dahil may iniisip siyang hindi niya masabi.
May mga pagkakataon na nahuhuli ko siya.
Hindi niya alam.
Kapag akala niya tulog na ako.
Kapag tahimik na ang buong bahay.
Kapag wala nang kailangang ayusin.
Kapag wala nang kailangang ipakitang lakas.
Nakaupo siya sa gilid ng kama.
Tahimik.
Nakatitig sa akin.
Sa tiyan ko.
Sa paghinga ko.
Parang binibilang niya.
Parang tinitiyak niya na maayos ako.
Na ligtas ako.
Na wala akong nararamdamang sakit.
At minsan...
Nakikita ko kung paano niya pinipikit ang mga mata niya nang mariin.
Parang may pinipigilan.
Parang may alaala na bumabalik.
Parang may eksenang ayaw niyang makita ulit—
Pero hindi niya mapigilan.
Iyong gabing iyon.
Ang panganganak ko sa kambal.
Ang bawat sigaw ko.
Ang bawat pag-ire ko.
Ang bawat sandaling hindi niya ako matulungan.
At kahit hindi niya sinasabi...
Alam ko.
Nararamdaman ko.
Na dala-dala pa rin niya iyon.
Na hindi pa rin siya nakakalimot.
Na hindi pa rin siya nakaka-move on sa sakit na nakita niya sa akin.
Kaya ginagawa niya ang lahat.
Lahat.
Para hindi na iyon maulit nang ganoon.
Para kahit papaano...
May kontrol siya.
May magagawa siya.
May maiaambag siya laban sa takot.
Kaya siya nagdadagdag ng trabaho.
Kaya siya halos hindi natutulog.
Kaya siya nagiging mas maingat.
Mas mahigpit.
Mas alerto.
Mas present.
Hindi dahil gusto niyang maging perpekto.
Hindi dahil gusto niyang patunayan ang sarili niya.
Kundi dahil...
Hindi niya kayang makita akong nasasaktan ulit.
At doon ako napapahinto.
Napapaisip.
Napapaluha.
Dahil sa lahat ng ginagawa niya...
Hindi iyon tungkol sa pera.
Hindi iyon tungkol sa pagiging provider.
Hindi iyon tungkol sa pagiging "strong."
Tungkol iyon sa pagmamahal.
Sa lalim ng pagmamahal niya sa akin.
Sa takot niyang mawala ako.
Sa takot niyang hindi ako maprotektahan.
Sa takot niyang hindi sapat ang kaya niyang gawin.
At sa kabila ng lahat ng iyon...
Hindi siya umaalis.
Hindi siya sumusuko.
Hindi siya bumibitaw.
Mas lalo pa siyang kumakapit.
Mas lalo pa siyang nagsisikap.
Mas lalo pa siyang nagmamahal.
At ako...
Nandito lang.
Nakayakap sa kanya.
Nakaramdam ng bawat pagod niya.
Ng bawat takot niya.
Ng bawat tahimik niyang laban.
At hindi ko maiwasang mapuno ng paghanga.
Ng pasasalamat.
Ng pagmamahal na halos hindi ko na kayang ilagay sa salita.
Dahil hindi lahat ng lalaki...
Kayang mahalin nang ganito.
Hindi lahat ng lalaki...
Kayang matakot at manatili pa rin.
Hindi lahat ng lalaki...
Kayang ibigay ang sarili nila nang buo...
Kahit walang kasiguraduhan.
Pero siya...
Ginagawa niya.
Araw-araw.
Tahimik.
Totoo.
Buong-buo.
At sa bawat sandaling iyon...
Mas lalo kong nararamdaman—
Kung gaano ako kamahal.
Kung gaano ako kaimportante sa kanya.
Kung gaano niya ako pinipiling piliin...
Sa bawat paghinga.
Sa bawat desisyon.
Sa bawat sakripisyo.
At sa gitna ng lahat ng pagbabago sa katawan ko...
Sa lahat ng sakit...
Sa lahat ng pagod...
Sa lahat ng darating pa...
May isang bagay na hindi nagbabago.
Hindi kumukupas.
Hindi nababawasan.
Ang pagmamahal niya sa akin.
At ang paraan ng pagpaparamdam niya nito...
Na para bang ako ang pinakamahalagang bagay sa mundo niya.
At doon...
Sa yakap niya...
Sa tahimik niyang paghinga sa likod ko...
Sa kamay niyang patuloy na sumusuporta sa tiyan ko...
Napapikit ako.
Mas humigpit ang kapit ko sa kanya.
At sa loob-loob ko...
Isang bagay lang ang malinaw.
Hindi lang ako handa harapin ang susunod na yugto.
Handa akong harapin iyon...
Dahil siya ang kasama ko.




♥️