
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
The One Who Also Needs Rest
☰ Chapters
Pagkatapos naming kumain ng lunch at tuparin ang ipinangakong banana split sa kambal...
Dumiretso na rin kami pauwi.
Masaya sina Hunter at Stella sa likod ng sasakyan.
Paulit-ulit nilang pinag-uusapan ang heartbeat ni Lyra.
Kung gaano iyon kabilis.
Kung bakit mas mabilis iyon kaysa sa tibok ng puso nila.
At kung narinig din ba ni Lyra ang sarili niyang heartbeat mula sa loob ng tiyan ko.
Karaniwan...
Sasagutin agad ni Daddy ang bawat tanong nila.
Isa-isa.
May kasamang explanation.
May comparison.
At kung minsan...
May mini-lecture pa.
Pero ngayon...
Mas tahimik siya.
Nakatutok lamang ang mga mata niya sa kalsada.
Pareho pa rin ang maingat niyang pagmamaneho.
Pareho pa rin ang kamay niyang paminsan-minsang lumalapit sa akin kapag naka-stop ang sasakyan.
Ngunit mas malinaw sa akin ngayon ang pagod niya.
Ang pamumula sa paligid ng mga mata niya.
Ang mabagal niyang pagkukurap.
Ang bahagyang paghikab na pilit niyang itinatago.
Katatapos lamang niya ng night shift bago ang appointment.
At nitong mga nakaraang linggo...
Mas dumami pa ang tinatanggap niyang clients.
Mas mahahabang oras.
Mas kaunting pahinga.
Hindi dahil kailangan niyang patunayan ang sarili niya—
kundi dahil gusto niyang siguraduhin na wala kaming kakulangan.
Na maayos ang lahat para sa amin.
Na hindi kami mag-aalala.
At kahit ganoon...
Hindi niya nakakalimutang tuparin ang isang bagay na paulit-ulit niyang sinasabi sa akin—
"I got you."
At totoo iyon.
Palagi.
"Daddy?"
Tawag ni Hunter mula sa likod.
"Why baby heart faster?"
Bahagyang ngumiti si Daddy habang nakatingin sa rearview mirror.
"Because babies have smaller hearts, and their bodies need—"
Napahinto siya sa paghikab.
Mabilis niyang tinakpan ang bibig niya.
"—need the heart to pump faster."
Tumango si Hunter.
"So small heart, faster work?"
"Correct."
Napangiti si Stella.
"Daddy heart tired?"
Sandaling natahimik si Daddy.
Pagkatapos ay napatawa nang mahina.
"Daddy's heart is fine."
Tumingin ako sa kanya.
"But Daddy is tired."
Dagdag ko.
Napatingin siya sa akin saglit.
"I'm okay."
Alam kong automatic ang sagot niya.
Pareho ng sagot niya sa tuwing naninigas ang balikat niya.
Sa tuwing pumipikit siya habang nakaupo.
Sa tuwing halos hindi na niya nauubos ang iced coffee niya dahil mas nanaig na ang antok kaysa caffeine.
Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya habang naka-stop kami sa traffic light.
"You're tired."
Mahina kong ulit.
Hindi bilang tanong.
Kundi bilang katotohanang hindi na niya kailangang itanggi.
Bahagya niyang pinisil ang kamay ko.
"I'll rest when we get home."
"You will."
Ngumiti ako sa kanya.
"That wasn't a suggestion."
Napatawa siya nang mahina.
"Manager Mom activated."
"Exactly."
Pagdating namin sa apartment...
Siya pa rin ang unang bumaba.
Binuksan ang pinto ko.
Inalalayan ako.
Kinuha ang mga bag.
At sinigurong nakababa nang maayos ang kambal.
Ganoon siya palagi.
Pagod man o hindi—
inuuna pa rin kami.
Bago pa man ako makalapit sa mga dala namin...
Umiling na siya.
"No."
Napataas ang kilay ko.
"I haven't even touched anything."
"I saw the intention."
"I was just going to take the small bag."
"You just had a full examination."
Mahina ngunit matatag ang boses niya.
"You were measured, palpated, examined, and made to lie in uncomfortable positions."
"You're resting."
Napangiti ako nang kaunti.
"And what about you?"
"I'm carrying the bags."
"That's not what I asked."
Hindi siya sumagot.
Dinala lamang niya ang lahat papasok.
Pagkapasok namin...
Agad niyang inilatag ang mattress sa sala.
Inayos ang mga unan sa sofa.
At kumuha pa ng isang support pillow mula sa kwarto.
"Sit here na muna, Mommy."
Inalalayan niya akong maupo.
Pagkatapos ay inilagay ang unan sa likod ko.
Isa sa ilalim ng braso ko.
At isa sa gilid upang may masasandalan ako kapag humiga sa kaliwang tagiliran.
"Feet up."
Mahina niyang sabi habang inilalapit ang ottoman.
Sumunod ako.
Maingat niyang hinubad ang flat sandals ko.
Pagkatapos ay iniangat ang mga paa ko.
"Any discomfort from the cervical check?"
Napaisip ako.
"A little pressure."
"Pain?"
"No."
"Cramping?"
"Very mild."
"Bleeding?"
"None."
Tumango siya.
"Tell me immediately if that changes."
Hinaplos niya ang ibabaw ng paa ko.
"And how does your back feel?"
"Tired."
"Lower abdomen?"
"Heavy."
"Lyra?"
Parang sakto namang gumalaw siya.
Napahawak ako sa tiyan ko.
"Still active."
Bahagyang gumaan ang mukha ni Daddy.
"Good."
At sa simpleng salitang iyon...
Ramdam ko kung gaano niya kami iniingatan.
Lumapit ang kambal sa mattress.
Bitbit ni Hunter ang maliit na space book.
Habang may hawak namang ultrasound printout si Stella na ibinigay sa kanya ni Daddy kanina.
"Mommy rest?"
Tanong ni Stella.
"Yes, baby."
"Because doctor checked Mommy?"
Tumango ako.
"Yes."
Hunter sat carefully beside my legs.
"Mommy tired from open legs?"
Napatingin ako kay Daddy.
Bahagya siyang napahinto.
Ngunit hindi niya pinagalitan si Hunter.
Hindi rin niya ginawang nakakahiya ang tanong.
Lumuhod siya sa tabi ng mattress upang kapantay ang kambal.
"Mommy had to position her legs so the doctor could safely examine her cervix."
Mahinahon niyang paliwanag.
"That can feel uncomfortable and vulnerable."
"But Mommy allowed it because the doctor needed to confirm that Lyra is still safe inside."
Napatingin si Hunter sa akin.
"Cervix closed?"
"Yes."
Sagot ko.
"So Lyra stay inside."
Dagdag ni Stella.
"For now," sabi ni Daddy.
"She needs more time to grow."
Lumapit si Stella at marahang hinalikan ang tiyan ko sa ibabaw ng maternity dress.
"Stay inside, Lyra."
Napangiti ako.
Tumayo muli si Daddy.
"I'll get your water."
"Daddy."
"And maybe a warm compress for your back."
"Daddy."
"I'll also prepare something light in case you're hungry later."
"Daddy."
Sa pagkakataong iyon...
Napahinto siya.
Tumingin sa akin.
"Come here."
Lumapit siya sa mattress.
Inabot ko ang kamay niya.
Hinila ko siya nang marahan upang maupo sa tabi ko.
"You said you would rest when we got home."
"I will."
"When?"
"After I make sure you're comfortable."
Napangiti ako nang mas malambot.
"I am comfortable."
"I still need to—"
"No."
Mahina kong sagot.
Hinawakan ko ang mukha niya.
"You've already made sure I'm comfortable."
"You drove us."
"You stayed through every examination."
"You held my hand."
"You fed us."
"You carried everything."
"You brought us home safely."
Bahagya akong napahinga.
Mas naging malambing ang boses ko.
"And you've been working so hard lately..."
"You've been taking more clients."
"More hours."
"Less sleep."
"All for us."
Hinaplos ko ang ilalim ng mga mata niya.
"And even then... you still keep your word."
"You still show up."
"You still say 'I got you'—and you mean it."
Napatingin siya sa akin.
Mas lumambot ang mga mata niya.
"Now it's my turn to make sure you're okay."
"I'm fine, Mommy."
"You're exhausted, Daddy."
"I can still function."
"I know."
Pinisil ko ang pisngi niya nang marahan.
"And you've been doing so well."
"As a husband."
"As a father."
"Always."
"But being able to function doesn't mean you should keep forcing yourself."
Saglit siyang tumingin sa kambal.
Pareho silang tahimik na nakatingin sa kanya.
Stella hugged the ultrasound printout against her chest.
"Daddy sleep."
Sabi niya.
Hunter nodded.
"We behave."
Napangiti ako.
"You heard your children."
Napabuntong-hininga si Daddy.
"Okay."
Muli niyang hinaplos ang tiyan ko.
"Alright."
"But I'm staying here."
"That's allowed."
Umupo siya sa sofa sa likod ng mattress.
Inayos niya ang pwesto upang tanaw pa rin niya ako at ang kambal.
Kumuha siya ng isang unan.
Inilagay sa tabi niya.
Ngunit hindi siya humiga.
Sa halip...
Kinuha niya pa rin ang tablet.
Napatingin ako sa kanya.
"What are you doing?"
"Just recording the appointment findings."
"Daddy."
"Two minutes."
"One minute."
"Negotiation rejected."
Napangiti siya nang mahina.
"I married a strict manager."
"You married someone who knows when her husband is about to fall asleep while typing."
"I'm not—"
Hindi niya natapos ang sasabihin.
Muli siyang napahikab.
Napataas ang kilay ko.
"Evidence submitted."
Tahimik siyang tumingin sa akin.
Pagkatapos ay isinara rin ang tablet.
"Fine."
Nagsimula akong magbasa ng storybook sa kambal.
Hindi pa bedtime.
Pero gusto nilang ipagpatuloy ang kuwentong hindi namin natapos noong weekend.
Naupo sila sa magkabilang gilid ko.
Si Hunter sa kanan.
Si Stella sa kaliwa.
Habang si Daddy ay nasa sofa lamang.
Nakikinig.
O sinusubukang makinig.
Sa simula...
Sumasagot pa siya kapag may tanong ang kambal.
"Daddy, why the moon follow the car?"
"Because your viewing angle changes while the moon is extremely far away, so—"
Huminto siya.
Pumikit sandali.
Pagkatapos ay muling dumilat.
"So it appears to move with you."
Ilang minuto pa...
Mas mabagal na ang mga sagot niya.
Mas mahina.
Mas paos.
Hanggang sa tuluyan nang walang sumagot sa sumunod na tanong ni Hunter.
Napatingin kaming tatlo sa sofa.
Nakatulog na si Daddy.
Nakaupo pa rin.
Nakasandal ang ulo sa gilid ng sofa.
Bahagyang nakabuka ang labi.
Nasa kandungan ang dalawang kamay niya.
At nakasuot pa rin ang salamin.
Napangiti ako.
"See?"
Mahina kong sabi sa kambal.
"Daddy needed rest."
Tumango si Hunter.
"He worked hard."
Napangiti ako lalo.
"Yes."
"He always does."
"And he does it for us."
Maingat akong tumayo mula sa mattress.
Mabigat pa rin ang tiyan ko.
May kaunting pressure pa rin sa pagitan ng mga hita ko mula sa examination.
At bahagyang sumakit ang balakang ko nang tuluyan akong tumayo.
Kaya ilang segundo akong huminto.
Hinawakan ang ilalim ng tiyan ko.
Huminga nang malalim.
Hindi ako nagmadali.
Hindi ko kailangang magmadali.
Dahan-dahan akong lumapit sa sofa.
Una kong inalis ang salamin niya.
Pagkatapos ay inilapag iyon sa side table.
Inayos ko ang unan sa gilid ng ulo niya.
Ngunit nang subukan kong baguhin ang pwesto niya...
Bahagya siyang nagising.
"Mommy?"
Paos niyang tawag.
"I'm here."
Agad siyang tumingin sa tiyan ko.
"Are you okay?"
"I'm okay."
"Any pain?"
"None."
"Pressure?"
"Still mild."
Tumango siya.
Babangon sana.
Ngunit inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya.
"No."
"I need to check—"
"You already checked."
"But—"
"Daddy."
Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Go back to sleep."
"I'm just staying here."
"Then stay here."
Ngumiti ako.
"But sleep while you stay."
Hinayaan niyang iayos ko ang pwesto niya.
Humiga siya nang pahilis sa sofa.
Ang ulo niya ay nasa unan.
Ang isang braso ay nakalaylay sa gilid.
Inilapit ko ang mattress upang maabot niya ako kahit hindi siya bumabangon.
Pagkatapos ay umupo akong muli sa tabi niya.
Parang automatic...
Hinahanap ng kamay niya ang akin.
Nang matagpuan iyon...
Hinawakan niya.
Mahina.
Mainit.
"Wake me if you need anything."
Bulong niya.
"Okay."
"Even if it's small."
"I know."
"Especially—"
"Especially if I think it's small."
Tinapos ko para sa kanya.
Bahagya siyang ngumiti.
"Good."
Mabigat na ang talukap ng mga mata niya.
Ngunit pinilit pa rin niyang tingnan ako.
"I love you."
Hinaplos ko ang buhok niya.
"I love you too."
"Rest."
Hindi pa rin siya tuluyang bumitaw.
Mahigpit pa rin ang mga daliri niya sa kamay ko kahit mabilis na siyang nakatulog.
Tahimik kong pinagmasdan ang mukha niya.
Mas malinaw ang pagod kapag tulog siya.
Wala ang pilit na ngiti.
Wala ang alertong tingin.
Wala ang automatic niyang pagsagot na okay lang siya.
Naroon lamang ang isang lalaking ubos na ubos ang lakas...
Ngunit kahit ganoon...
Hindi niya kami pinabayaan.
Hindi niya kami pinakawalan.
Lumapit ang kambal.
Tahimik.
"Mommy..."
Bulong ni Stella.
"Can we cover Daddy?"
Tumango ako.
Kinuha ni Hunter ang manipis na kumot.
Magkasama nilang inilatag iyon sa katawan ni Daddy.
Hindi pantay.
May bahagi sa paa na hindi natakpan.
At halos matakpan ang mukha niya sa taas.
Pero maingat nilang ginawa.
Buong-buo ang intensyon.
Inayos ko na lamang nang kaunti.
"Good job."
Mahina kong sabi.
Stella gently touched Daddy's hair.
"Daddy rest."
Hunter sat on the floor beside the sofa.
"We guard."
Napangiti ako.
"We'll all watch over him."
Bumalik kami sa mattress.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa.
Mas mahina na ang boses ko.
Ang kambal ay nakinig nang tahimik.
Paminsan-minsan...
Napapahawak ako sa tiyan ko dahil sa paggalaw ni Lyra.
May mabagal na pag-unat.
Isang sipa sa kanan.
Pagkatapos ay parang gumulong ang likod niya sa ilalim ng balat ko.
Hindi na ganoon kasakit ang pressure mula sa examination.
Ngunit ramdam ko pa rin ang pagod ng katawan ko.
Ang bigat ng tiyan.
Ang pamamaga ng paa.
Ang pagkapagod ng likod matapos ang mahabang umaga.
Kailangan ko rin ng pahinga.
At alam iyon ni Daddy.
Pero sa pagkakataong iyon...
Mas malinaw sa akin kung gaano niya rin iyon kailangan.
Hindi ibig sabihin na mas mahalaga ang pagod niya kaysa sa akin.
Hindi rin ibig sabihin na kailangan kong kalimutan ang sarili kong discomfort.
Ibig sabihin lamang...
Pareho kaming marunong magmahal sa paraang nagbibigay at tumatanggap.
Kapag ako ang nanghihina...
Siya ang sumasalo.
At kapag siya naman ang nauubos...
Ako ang magpapaalala sa kanya—
na hindi niya kailangang ubusin ang sarili niya para lang mapatunayan kung gaano niya kami kamahal.
Dahil alam na namin.
Makalipas ang halos isang oras...
Nakatulog na rin sina Hunter at Stella sa mattress.
Magkatabi.
Hawak pa ni Stella ang ultrasound printout.
Habang nakapatong ang kamay ni Hunter malapit sa gilid ng tiyan ko.
Ako lamang ang gising.
At si Lyra.
Patuloy siyang gumagalaw sa loob ko.
Hindi malakas.
Parang marahang nagpapaalala lamang na naroon siya.
Napatingin ako kay Daddy.
Mahimbing pa rin ang tulog niya sa sofa.
Bahagyang nakatagilid sa direksyon namin.
Kahit tulog...
Parang sinisigurong nakaharap pa rin siya sa amin.
Dahan-dahan akong lumapit muli.
Umupo sa sahig sa tabi ng sofa.
Hinaplos ang buhok niya.
Hindi siya nagising.
"You're allowed to rest."
Mahina kong bulong.
Hindi ko alam kung narinig niya.
Pero kailangan kong sabihin.
"You're allowed to be tired."
"You're allowed to close your eyes without checking us every minute."
Hinawakan ko ang kamay niya at inilapit iyon sa pisngi ko.
"We're safe."
"Lyra is safe."
"The twins are safe."
"And I'm right here."
Bahagyang gumalaw ang mga daliri niya sa kamay ko.
Parang narinig niya.
Parang kahit tulog...
Sinubukan pa rin niyang sumagot.
Hinaplos ko ang permanenteng mga peklat sa kanang kamay niya.
Ang kamay na minsang hindi niya maigalaw.
Ang kamay na muling natutong humawak.
Magtrabaho.
Magmaneho.
Magbuhat.
At mag-alaga.
Napuno muli ng pasasalamat ang dibdib ko.
Pero kasabay ng pasasalamat...
May paalala rin.
Hindi porke kaya niyang gawin ang lahat...
Kailangan niyang gawin ang lahat nang sabay-sabay.
Hindi porke bumalik ang lakas ng kamay niya...
Wala nang hangganan ang katawan niya.
Hindi porke mahal niya kami...
Kailangan niyang ubusin ang sarili niya para patunayan iyon.
Bahagya akong yumuko.
Hinalikan ko ang noo niya.
Pagkatapos ang pisngi niya.
"I don't need you awake all the time to know you love us."
Mahina kong sabi.
"I already know."
"You've shown me every day."
Hinaplos ko ang buhok niya.
"So sleep, Daddy."
"You've done more than enough."
"And you've always been more than enough."
"Let Mommy take care of you too."
Bumalik ako sa mattress.
Humiga sa kaliwang tagiliran sa tabi ng kambal.
Inayos ko ang unan sa ilalim ng tiyan ko.
Bahagyang gumaan ang pressure.
Mula sa sofa...
Abot pa rin ng kamay ko ang mga daliri ni Daddy.
Kaya hinawakan ko iyon.
Sa kabilang kamay...
Hinaplos ko ang tiyan ko.
Tahimik ang buong sala.
Natutulog ang kambal.
Natutulog si Daddy.
Patuloy na gumagalaw si Lyra.
At ako...
Nasa gitna nilang lahat.
Hindi bilang babaeng kailangan lamang alagaan.
Hindi lamang bilang buntis.
Hindi lamang bilang Mommy.
Kundi bilang asawa ring marunong magmahal pabalik.
Dahil iyon ang pagiging mag-asawa namin.
Hindi palaging si Daddy ang matatag.
Hindi palaging ako ang nagpapahinga.
Hindi palaging siya ang nagbibigay at ako ang tumatanggap.
Nagpapalitan kami.
Humahawak.
Bumibitaw kapag kailangan.
At muling sumasalo.
Kung minsan...
Ang pagmamahal ay pagmamaneho papunta sa ospital.
Paghawak ng kamay sa gitna ng examination.
Pag-aayos ng unan.
Pagbibigay ng tubig.
Pero kung minsan...
Ang pagmamahal ay mas simple.
Pag-alis ng salamin sa mukha ng asawa mong nakatulog.
Pagtakip sa kanya ng kumot.
Pagpapaalala na ligtas ang pamilya niya.
At pagsasabi sa kanya—
na hindi niya kailangang labanan ang antok.
Na hindi niya kailangang maging gising upang maging mabuting asawa.
Na hindi niya kailangang ubusin ang sarili upang maging mabuting ama.
Dahil maging sa pagpapahinga...
Mahal pa rin namin siya.
Mahal na mahal.




♥️