
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
The Tightening
☰ Chapters
Miyerkules ng gabi.
Ordinaryong weekday lamang sana iyon.
Katatapos naming kumain ng hapunan.
Ako ang naghuhugas ng mga plato habang si Daddy naman ang nagpapaligo kina Hunter at Stella.
Mula sa banyo...
Naririnig ko ang tawanan nila.
Naririnig ko rin ang boses ni Daddy na paulit-ulit silang pinapaalalahanang huwag magtilamsik ng tubig sa sahig.
"No, microbots."
"The bathroom is not an experimental wave pool."
"But Daddy, water makes waves!"
Sagot ni Hunter.
"Yes, but the floor should not participate."
Napatawa ako nang mahina habang inilalagay ang huling plato sa dish rack.
Pareho pa rin ang apartment.
Pareho pa rin ang routine namin.
Pero mas mabagal na ako ngayon.
Mas madali na akong mapagod.
At mas ramdam ko na ang bawat pagbabago sa loob ng katawan ko.
Nang yumuko ako nang bahagya upang kunin ang nahulog na kitchen towel...
Biglang nanigas ang buong tiyan ko.
Napahinto ako.
Hindi iyon sipa.
Hindi rin simpleng pag-unat ni Lyra.
Parang sabay-sabay na humigpit ang buong matris ko.
Mula sa itaas ng tiyan...
Hanggang sa ilalim.
Matigas.
Masikip.
Mabigat.
Napahawak ako sa countertop.
Huminga nang dahan-dahan.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Makalipas ang ilang segundo...
Unti-unti ring lumuwag.
Napatingin ako sa tiyan ko.
"That was strong..."
Mahina kong bulong.
Nakaranas na ako ng pag-tighten nitong mga nakaraang linggo.
Pero hindi ganoon kalakas.
Hindi ganoon kalinaw.
Sinubukan kong ituloy ang ginagawa ko.
Kinuha ko ang baso ko para uminom ng tubig.
Ngunit bago pa ako makalakad pabalik sa sala...
Muli na namang humigpit ang tiyan ko.
Mas mabilis ngayon.
Napapikit ako.
Napahawak ang isang kamay ko sa ilalim ng tiyan.
Habang ang isa ay nanatiling nakasandal sa counter.
Hindi iyon matalim na sakit.
Pero sapat para mapahinto ako.
Sapat para ilapat ko ang mga hita ko nang mas maayos sa sahig at ayusin ang paghinga ko.
Habang bahagya pa rin akong nakayuko, muli kong inindayog ang balakang ko—dahan-dahan, paulit-ulit—umaasang luluwag ang higpit.
Parang may malawak na sinturon na biglang humigpit sa paligid ng buong tiyan ko.
Mas naramdaman ko rin ang bigat sa ibabang bahagi ng balakang.
"Daddy..."
Mahina kong tawag.
Hindi sapat ang lakas para marinig niya mula sa banyo.
Huminga ako ulit.
Unti-unti ring nawala ang tigas.
Pero may kaba nang naiwan sa dibdib ko.
Ilang minuto lamang...
Lumabas si Daddy mula sa banyo kasama ang kambal.
Basang-basa pa ang buhok nina Hunter at Stella.
May nakasabit na tuwalya sa balikat niya.
At hawak niya ang kanilang malilinis na damit.
Ngunit nang makita niya akong nakatayo pa rin sa kusina...
Agad siyang napahinto.
Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa mukha ko.
Marahil ang paraan ng paghawak ko sa tiyan.
O ang tensyon sa balikat ko.
O ang paghinga kong mas maingat kaysa dati.
Pero nawala agad ang ngiti niya.
"Cha?"
Lumapit siya nang mabilis.
"What's wrong?"
"I had tightening."
"How strong?"
"Stronger than before."
"Painful?"
"Not exactly."
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
"How many?"
"Twice."
"How far apart?"
"I don't know."
Napapikit siya sandali.
Hindi dahil naiirita.
Kundi dahil malinaw na pinipigilan niyang mag-panic.
"Okay."
Mahina niyang sabi.
"Let's sit down first."
Inalalayan niya ako papunta sa sofa.
Hindi niya ako minadali.
Isang kamay niya ang nakasuporta sa likod ko.
Habang ang isa ay nasa ilalim ng braso ko.
"Slowly."
"I got you."
Pagkaupo ko...
Agad niyang inayos ang unan sa likod ko.
Inangat ang mga paa ko sa ottoman.
Pagkatapos ay lumuhod siya sa harap ko.
"Any bleeding?"
"None."
"Fluid?"
"None."
"Lower-back pain?"
"A little."
"Constant or only during the tightening?"
"Mostly during."
"Any pressure down there?"
Tumango ako nang kaunti.
"Heavier than usual."
Napansin kong bahagyang nanigas ang panga niya.
Ngunit hindi nagbago ang boses niya.
Nanatiling mahinahon.
"Okay."
"Lyra moving?"
Napahawak ako sa tiyan ko.
Ilang segundo kaming naghintay.
Pagkatapos ay naramdaman ko ang isang malinaw na sipa sa kanan.
"There."
Agad niyang inilapat ang palad niya roon.
Muli na namang gumalaw si Lyra.
Bahagyang lumuwag ang mukha niya.
"Good."
Nakatayo lamang sa tabi namin ang kambal.
Tahimik.
Halatang alam nilang may kakaiba.
"Mommy hurt?"
Mahinang tanong ni Stella.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang marahan.
"Mommy's belly became very tight."
"Lyra coming out?"
Tanong ni Hunter.
Agad siyang nilingon ni Daddy.
Hindi matigas ang tono niya.
Pero malinaw at kontrolado.
"We don't know yet."
"Most likely, Mommy's uterus is practicing."
"But Daddy and Mommy will check properly."
Napatingin si Stella sa tiyan ko.
"Practice?"
"Sometimes the uterus tightens before real labor."
Paliwanag ni Daddy.
"It helps the muscle prepare."
"But if the tightening becomes regular, painful, or comes with bleeding or fluid, we call the doctor."
Tumango si Hunter.
"So we observe."
"Exactly."
Tinulungan muna ni Daddy ang kambal na makapagbihis.
Ngunit hindi niya ako inalis sa paningin niya.
Halos bawat ilang segundo...
Lumingon siya mula sa sofa.
"Still okay?"
"Yes."
"Any tightening?"
"Not yet."
Pagkatapos niyang maisuot ang damit ng kambal...
Inilapit niya sa kanila ang educational toys.
"Stay here."
"No running."
"If Mommy says she feels something, call Daddy immediately."
"Yes, Daddy."
Sabay nilang sagot.
Kumuha siya ng tubig para sa akin.
Inabot iyon.
"Small sips."
Sumunod ako.
Habang umiinom...
Umupo siya sa tabi ko.
Kinuha ang phone niya.
Binuksan ang timer.
"I'll record the next one."
Napatingin ako sa kanya.
"You look scared."
Hindi siya agad sumagot.
Nakatingin lamang siya sa screen.
"I'm being attentive."
"Daddy."
Mahina kong tawag.
Doon lamang siya tumingin sa akin.
Kalmado ang mukha niya.
Pero ang mga mata niya...
Hindi.
Mas dilat kaysa karaniwan.
Hindi siya halos kumukurap.
At bahagyang nanginginig ang hinlalaki niyang nakapatong sa gilid ng phone.
Hinawakan ko iyon.
"It's okay to be scared."
Huminga siya nang malalim.
"I know."
"But I don't want you absorbing my fear while you're the one feeling this."
Wala pang limang minuto...
Muli na namang humigpit ang tiyan ko.
Napasinghap ako.
Agad niyang pinindot ang timer.
"Okay."
"Look at me."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Don't hold your breath."
Sinubukan kong huminga nang mabagal.
Mas matindi iyon kaysa sa unang dalawa.
Mas malinaw ang pagkapulupot ng tigas sa buong tiyan ko.
Naramdaman kong bahagyang gumalaw si Lyra sa loob habang sumisikip ang paligid niya.
Hindi siya sumipa nang malakas.
Parang nag-adjust lamang.
"How painful?"
Tanong ni Daddy.
"Maybe three."
"Out of ten?"
"Yes."
"Any sharp pain?"
"No."
"Pressure below?"
"A little."
Hinaplos niya ang mga knuckles ko.
"I'm here."
Makalipas ang halos isang minuto...
Unti-unting lumuwag muli ang tiyan ko.
Napabuntong-hininga ako.
Hinaplos niya ang noo ko kahit wala naman akong pawis.
Parang kailangan lamang niyang hawakan ako upang masigurong naroon pa rin ako.
"That was less than ten minutes."
Mahina niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya.
"Does that mean—"
"Not necessarily."
Mabilis ngunit mahinahon niyang sagot.
"Braxton Hicks can still happen close together, especially if you're tired, dehydrated, or active."
Pero napansin kong nagsimula na siyang mag-type ng message kay Dr. Angeles.
Hindi ko siya pinigilan.
Habang naghihintay kami ng sagot...
Pinahiga niya ako sa kaliwang tagiliran sa mattress.
Inilagay ang unan sa ilalim ng tiyan ko.
Isa sa pagitan ng mga tuhod ko.
At isa sa likod ko.
"Comfortable?"
"As much as possible."
Tumango siya.
Hinaplos ang tiyan ko.
Matigas pa rin nang kaunti mula sa natitirang tension.
"Stay there, anak."
Mahina niyang bulong.
"It's too early."
Napatingin ako sa kanya.
Doon ko narinig ang takot.
Hindi sa lakas ng boses niya.
Kundi sa paraan ng pagbasag nito sa huling salita.
Lumapit ako at hinawakan ang pisngi niya.
"She's staying."
Tumango siya.
"I know."
Pero hindi pa rin tuluyang naniwala ang mga mata niya.
"Twenty-eight weeks is too early."
Mahina niyang sabi.
"We know that."
"And that's why we're checking."
Pinilit niyang ngumiti.
"Correct."
"Accurate information first."
"And no conclusions without enough data."
Napangiti ako nang kaunti.
"That's my engineer."
Pero habang nakatingin ako sa kanya...
Mas malinaw kong nakita ang hindi niya sinasabi.
Ang paraan ng paggalaw ng mga mata niya—mabilis, parang patuloy na nagca-calculate.
Mula sa tiyan ko...
Papunta sa phone niya...
Sa pinto...
Sa bag na nakahanda sa gilid.
Parang bawat segundo, iniisip niya ang susunod na hakbang.
Kung kailangan ba naming umalis agad.
Kung sapat ba ang tubig na nainom ko.
Kung tama ba ang posisyon ko.
Kung may nakaligtaan ba siya.
Hindi siya nagsasalita tungkol doon.
Pero ramdam ko.
Sa bawat higpit ng hawak niya sa phone.
Sa bawat bahagyang pag-igting ng balikat niya.
Sa paraan ng pag-upo niya—nakahanda, hindi lubos na nagpapahinga.
Parang kahit nakaupo siya sa tabi ko...
Handa siyang tumayo anumang oras.
Handa siyang buhatin ako.
Handa siyang dalhin kami sa ospital kahit walang kasiguraduhan.
Hinawakan ko ang kamay niya nang mas mahigpit.
"Daddy..."
Mahina kong tawag.
Tumingin siya agad.
"Yes?"
Ngumiti ako nang marahan.
"I'm safe."
Sandali siyang natahimik.
Parang pinipilit niyang ipasok sa sarili niya ang sinabi ko.
Tumango siya.
"You are."
Pero kahit sinabi niya iyon...
Hindi pa rin nawala ang pag-aalala sa mga mata niya.
At doon ko lalo siyang minahal.
Dahil kahit pinipilit niyang maging kalmado...
Ang buong isip niya ay umiikot lamang sa iisang bagay—
Kung paano niya kami mapapanatiling ligtas.
Tumunog ang phone niya.
Agad niyang binuksan ang message ni Dr. Angeles.
Tinawagan niya rin ang doktor upang mas malinaw naming maipaliwanag ang nangyayari.
"Good evening, Doc."
"Sorry po for calling."
"Cha has had three stronger tightenings."
"The last one came less than ten minutes after the previous episode and lasted close to a minute."
"No bleeding."
"No fluid leakage."
"Lyra is moving."
"Pain is around three out of ten, with mild lower pressure."
Tahimik siyang nakinig.
Tumango kahit hindi siya nakikita ng doktor.
"Yes, Doc."
"She's lying on her left side now."
"She already had water."
"Okay."
"We'll continue timing."
"Yes, we'll go immediately if they become regular, stronger, or if any warning sign appears."
"Thank you, Doc."
Pagkababa niya ng tawag...
Lumapit ang kambal.
"What doctor say?"
Tanong ni Hunter.
Tumabi si Daddy sa kanila.
"Dr. Angeles said Mommy should rest, drink water, and let us observe."
"If the tightening becomes stronger or regular, we go to the hospital."
"But for now..."
Tumingin siya sa akin.
"We stay calm."
Tumango si Stella.
"We stay calm."
Makalipas ang ilang minuto...
May isa pang tightening.
Ngunit mas mahina na.
Hindi na kasing tigas.
Hindi rin kasing tagal.
Inilagay ni Daddy ang kamay niya sa ibabaw ng tiyan ko habang tini-time iyon.
"Thirty-two seconds."
Mahina niyang sabi.
"Pain?"
"One."
Tumango siya.
"Better."
Pagkaraan noon...
Wala nang sumunod agad.
Lumipas ang sampung minuto.
Labinlima.
Dalawampu.
Mas malambot na ulit ang tiyan ko.
At mas malinaw na rin ang mga sipa ni Lyra.
May isang sipa sa kaliwa.
Pagkatapos ay sunod na dalawa sa ilalim ng palad ni Daddy.
Napahinga siya nang mas malalim.
"Hi."
Mahina niyang sabi sa kanya.
"Thank you for moving."
Habang unti-unting bumabalik sa normal ang lahat...
Napansin kong hindi pa rin kumikilos si Daddy mula sa tabi ko.
Nakapirmi ang katawan niya.
Isang kamay nasa tiyan ko.
Ang isa ay nakahawak sa phone.
Naka-ready pa rin ang emergency contacts.
Naka-ready ang sasakyan.
Naka-ready ang mga records.
Lahat.
Maliban sa sarili niyang puso.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Come closer."
Lumapit siya.
Inilagay ko ang mga braso ko sa balikat niya.
Hinila siya sa akin hanggang sa ang noo niya ay sumandal sa noo ko.
"They stopped."
Mahina kong sabi.
"Yes."
"Lyra is moving."
"Yes."
"No bleeding."
"None."
"No fluid."
"None."
"And Dr. Angeles said we observe."
Tumango siya.
Pero hindi pa rin siya nagsasalita.
"Tell me."
Mahina kong sabi.
Napapikit siya.
"I thought..."
Huminto siya.
Nilunok ang natitirang salita.
"I thought we might have to rush you to the hospital."
Hinaplos ko ang pisngi niya.
"And if we did, you would have brought me there."
"I know."
"But I also thought..."
Muli siyang napahinto.
"That she might come too early."
Mas humina ang boses niya.
"And that you might have to go through labor before either of you is ready."
Doon ko tuluyang nakita ang takot na kanina pa niya itinatago.
Hindi siya umiiyak.
Pero namumula na ang mga mata niya.
At mas mahigpit na ang hawak niya sa kamay ko.
"Daddy..."
Mahina kong tawag.
"I'm here."
"We're okay."
Tumango siya.
"We are."
"Then breathe with me."
Inilagay ko ang kamay niya sa dibdib ko.
Huminga ako nang malalim.
Sumunod siya.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Unti-unting lumuwag ang panga niya.
Bumaba ang balikat niya.
At sa wakas...
Parang pinayagan niyang maniwala ang sarili niya na lumipas na ang panganib.
Nang tumawag muli si Dr. Angeles makalipas ang halos isang oras...
Mas maayos na ang kondisyon ko.
Wala nang regular na tightening.
May paminsan-minsang paninigas...
Ngunit maikli.
Hindi masakit.
At mabilis nawawala kapag nagpapahinga ako.
"That sounds consistent with Braxton Hicks contractions," paliwanag ng doktor sa speakerphone.
"They can become stronger during the third trimester."
"Rest, hydration, and changing position often help them settle."
"But because Cha is only twenty-eight weeks, please continue to be cautious."
"Come to the hospital immediately if the contractions become regular and progressively stronger, if there is bleeding, leaking fluid, severe pelvic pressure, persistent back pain, or reduced fetal movement."
Tumango si Daddy.
"We understand, Doc."
"And Daddy?"
Napangiti si Dr. Angeles sa kabilang linya.
"Try to breathe too."
Napatingin ako kay Kiko.
Bahagya siyang napatawa.
"Yes, Doc."
Pagkatapos ng tawag...
Mas naging magaan ang apartment.
Hindi lubos.
Pero sapat.
Nagpatuloy ang kambal sa tahimik nilang laro.
Ako ay nanatiling nakahiga.
At si Daddy...
Hindi pa rin umalis sa tabi ko.
Hinaplos niya ang tiyan ko nang marahan.
"Practice only."
Mahina niyang sabi kay Lyra.
"No early deployment."
Napatawa ako.
"Deployment?"
"She needs to complete production."
"Daddy."
"I'm coping."
Napailing ako habang natatawa.
At sa wakas...
Ngumiti rin siya nang totoo.
Makalipas ang ilang sandali...
Naglagay si Stella ng maliit na unan sa tabi ng tiyan ko.
"For Mommy."
Habang si Hunter naman ay nagdala ng water bottle.
"Hydration."
Tinanggap iyon ni Daddy.
"Good observation."
Tumabi ang kambal sa mattress.
Hindi sumiksik.
Hindi tumalon.
Maingat silang humiga malapit sa mga paa ko.
"Lyra stay inside."
Bulong ni Stella.
"More weeks."
Dagdag ni Hunter.
Hinaplos ko ang kanilang buhok.
"She will."
Nang oras na ng pagtulog ng kambal...
Si Daddy ang naghatid sa kanila sa kanilang kwarto.
Ngunit bumalik din agad sa akin matapos niyang basahan sila ng maikling kuwento.
Nag-cold shower siya nang mabilis.
Ako naman ay nakapag-warm shower sa tulong niya bago muling humiga.
Hindi na siya nagtangkang magtrabaho kahit malapit na ang simula ng night shift niya.
Nag-message siya sa clients.
Nagpaalam na kailangan niyang mag-delay ng ilang oras.
Wala siyang mahabang paliwanag.
Wala ring guilt na ipinakita sa akin.
Pero alam kong mabigat para sa kanya ang iwan ang trabaho.
Kaya hinawakan ko ang kamay niya nang bumalik siya sa kama.
"Thank you for staying."
"There's nowhere else I should be."
Humiga siya sa likod ko.
Ang kaliwang braso niya ay nakapalibot sa baywang ko.
Habang ang palad niya ay nakapatong sa ilalim ng tiyan ko.
Hindi mahigpit.
Sapat lamang upang saluhin ang bigat.
Paminsan-minsan...
Bahagyang tumitigas ulit ang tiyan ko.
Pero mabilis ding lumuluwag.
Sa bawat pagkakataon...
Nararamdaman kong bumabagal ang paghinga ni Daddy.
Parang hinihintay niyang malaman kung lalakas iyon.
Kaya bawat beses...
Hinahawakan ko ang kamay niya.
"Still okay."
Mahina kong sinasabi.
At bawat beses...
Hinahalikan niya ang balikat ko.
"I'm here."
Tahimik ang kwarto.
Patay ang monitors sa workstation niya.
Walang keyboard.
Walang client call.
Walang notes.
Kami lang.
Ang katawan kong patuloy na naghahanda.
Ang anak naming kailangan pang manatili sa loob.
At ang lalaking kanina ay pilit naging kalmado para sa aming lahat...
Kahit siya mismo ang pinakamatinding natakot.
Muli na namang gumalaw si Lyra.
Isang mabagal na pag-unat.
Pagkatapos ay isang malakas na sipa sa ilalim ng palad niya.
Napangiti ako.
"She knows you're there."
"Good."
Mahina niyang sagot.
"Because Daddy isn't going anywhere."
Pinisil ko ang kamay niya.
"I know."
Braxton Hicks lamang.
Practice contractions.
Hindi pa totoong labor.
Hindi pa oras.
Pero sapat ang nangyari upang ipaalala sa amin na papalapit na talaga kami.
Na ang katawan ko ay nagsisimula nang magsanay.
Na hindi lahat ng paghahanda ay makikita sa hospital bag o sa records.
May paghahandang nangyayari sa loob ko.
Sa mismong matres na humahawak kay Lyra.
Sa mga kalamnang balang araw ay magtutulak sa kanya palabas.
Sa katawan kong unti-unting inaalala kung paano muling manganak.
Nakakatakot.
Ngunit hindi dahil mahina ako.
Nakakatakot dahil totoo na.
Malapit na.
At kahit kanina...
Sa gitna ng paninigas ng tiyan ko...
Nakita ko muli kung sino si Daddy kapag natatakot.
Hindi siya sumigaw.
Hindi siya nawalan ng kontrol.
Hindi niya inilagay sa akin ang bigat ng panic niya.
Nagtanong siya.
Nag-time.
Tumawag sa doktor.
Hinawakan ako.
At nanatili.
Pero pagkatapos...
Nang ligtas na kami...
Hinayaan din niyang makita ko ang takot niya.
Hindi bilang kahinaan.
Kundi bilang tiwala.
Dahil alam niyang kaya ko ring saluhin iyon.
Hinawakan ko ang braso niyang nakapalibot sa akin.
"Daddy?"
"Hm?"
"You did well."
Tahimik siya sandali.
"So did you."
"I only had the contractions."
"And you told me."
Hinalikan niya ang noo ko mula sa likod.
"You didn't hide them."
"You let me help."
Ngumiti ako.
"Accurate data."
Mahina siyang natawa.
"Exactly."
Mas inilapit niya ako sa dibdib niya.
Ang kamay niya ay nanatili sa tiyan ko.
Ang mukha niya ay nasa balikat ko.
At habang unti-unting bumibigat ang mga mata niya...
Mahina niyang kinausap si Lyra.
"Stay with Mommy for a little longer, okay?"
"Keep growing."
"Keep moving."
"And when you're ready..."
Huminga siya nang malalim.
"Daddy will be ready too."
Hindi ko sinabi sa kanya na alam kong hindi kailanman magiging ganap na handa ang puso niya.
Hindi rin ako.
Pero marahil...
Hindi naman iyon ang kailangan.
Hindi namin kailangang mawala ang takot.
Kailangan lamang naming manatiling magkasama habang naroon iyon.
At sa gabing iyon...
Habang lumalambot na muli ang tiyan ko...
Habang normal ang galaw ni Lyra...
Habang ligtas ang kambal sa kabilang kwarto...
Nanatili kami sa yakap ng isa't isa.
Hindi pa labor.
Hindi pa oras.
Ngunit kapag dumating iyon...
Alam kong haharapin namin.
Magkasama.




♥️