📖 0%
Until We Became Five
Love StoryFamilyComedyDramaFriendship

Until We Became Five

✍️ By AlphaRomantiko
📖 General•Ongoing•Oct 2, 2026
ⓘ
Love Story•Family•Comedy•Drama•Friendship•⚠ Giving Birth, Intimacy
Charlotte "Cha" Tiu-Tolentino thought she already understood what motherhood meant after giving birth to her fraternal twins, Hunter Orion and Stella Athena. But when she and her husband, Francis "Kiko" Tolentino, discover they are expecting another child, they soon realize that no two pregnancies are ever the same.

As Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.

More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.

Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
📅 September 21, 2026👁 190 total reads📖 Chapter 29 of 60⏱ 14 min read
CHAPTER 29 OF 60

Learning Together

☰ Chapters
📖 Reading progress: 29 of 60 chapters · 48%
f Facebook

Linggo ng gabi.

Tahimik na ang apartment.

Nakapag-dinner na kaming lahat.

Malinis na rin ang kusina.

Napaliguan na ni Daddy sina Hunter at Stella habang ako ang nagligpit ng mga pinagkainan.

Pagkatapos ng sarili naming paliligo...

Sabay naming binasahan ang kambal ng bedtime story.

Hindi mahaba ang napili naming kuwento.

Pero tulad ng dati...

Humaba iyon dahil sa mga tanong nila.

"Why did the character become scared?"

"Can brave people still cry?"

"If someone is afraid, can they still do the thing?"

Ako ang nagpaliwanag tungkol sa tapang.

Si Daddy naman ang nagdagdag tungkol sa natural na response ng katawan kapag nakakaramdam ng takot.

Hanggang sa tuluyan nang bumigat ang mga mata ng dalawa.

Matapos ang kanilang goodnight kisses...

Tahimik naming isinara ang pinto ng kwarto nila.

Pagbalik namin sa sariling kwarto...

Hindi agad pumunta si Daddy sa workstation.

Wala ring tablet sa kamay niya.

Wala siyang binuksang checklist.

Wala siyang sinimulang panibagong record.

Sa halip...

Kinuha lamang niya ang isang maliit na papel na ibinigay sa amin ni Dr. Angeles.

Nakasulat doon ang ilang basic breathing exercises na maaari naming simulan bago pa dumating ang labor.

Napatingin ako sa kanya.

"Tonight?"

Ngumiti siya nang bahagya.

"Only if you still have energy."

"I'm okay."

"Back?"

"Manageable."

"Any tightening?"

"None."

"Then we can try."

Umupo siya sa gilid ng kama.

"But no pressure."

"If anything feels uncomfortable, we stop."

Tumango ako.

"Okay."

Inayos muna niya ang mga unan sa likod ng kama.

Pagkatapos...

Umupo siya sa pinakadulo nito.

Malapad ang pagitan ng mga hita niya upang magkaroon ako ng sapat na espasyo sa gitna.

"Come here, Mommy."

Lumapit ako nang dahan-dahan.

Humawak ako sa balikat niya habang maingat akong umupo sa pagitan ng mga hita niya.

Dahil sa laki ng tiyan ko...

Kailangan kong ibuka rin nang komportable ang sarili kong mga hita.

Hindi sobrang lapad.

Sapat lamang upang hindi naiipit ang tiyan ko at manatiling stable ang balakang ko.

Pagkaupo ko...

Dahan-dahan akong sumandal sa dibdib niya.

Agad niyang ipinalibot ang mga braso niya sa akin.

Ang kaliwang kamay niya ay inilagay sa ilalim ng tiyan ko.

Habang ang kanan ay nakapatong sa gilid nito.

Hindi niya binubuhat nang husto.

Sinusuportahan lamang ang bigat.

Parang ginagawa niya sa park.

Ngunit ngayon...

Mas tahimik.

Mas malapit.

At mas intentional.

"Comfortable?"

Tanong niya.

Inayos ko nang bahagya ang mga hita ko.

Mas ibinuka nang kaunti upang mabawasan ang pressure sa balakang.

"Yes."

"Any pulling underneath?"

"None."

"Back?"

"Supported."

"Good."

Isinandal ko pa ang ulo ko sa balikat niya.

Hinawakan ko ang magkabilang hita ko upang mapanatili ang stable na posisyon.

Mula sa likod...

Ramdam ko ang steady niyang paghinga.

Ang dibdib niyang bahagyang umaangat sa likod ko.

Ang init ng mga kamay niyang nakapalibot sa tiyan ko.

"We'll start slowly."

Mahina niyang sabi.

"Box breathing."

"Inhale for four."

"Hold for four."

"Exhale for four."

"Then hold again for four."

Napalingon ako nang bahagya.

"Isn't holding the breath bad during labor?"

"Prolonged breath-holding while pushing is different."

Mahinahon niyang paliwanag.

"This is only a relaxation exercise."

"But if holding feels uncomfortable, we remove that part."

Tumango ako.

"Okay."

"And during actual contractions..."

Dagdag niya.

"We'll follow whatever breathing pattern helps you stay relaxed and properly oxygenated."

Napangiti ako.

"You already sound like you're conducting a briefing."

"I am trying to sound calm."

Umangat ang isang kamay ko upang haplusin ang pisngi niya.

"You are calm."

"Externally."

Mahina niyang sagot.

Inayos niya muli ang hawak sa ilalim ng tiyan ko.

"Ready?"

"Ready."

"Inhale."

Sabay kaming huminga.

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

Nararamdaman ko ang paglawak ng dibdib ko.

Ang bahagyang pagtaas ng tiyan ko sa ilalim ng mga kamay niya.

"Hold."

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

"Exhale slowly through your mouth."

Dagdag niya nang mahina.

"Let it go."

Unti-unti naming inilabas ang hangin.

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

"Hold."

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

Tahimik ang kwarto sa pagitan ng bawat bilang niya.

Walang ibang tunog kundi ang boses niya...

At ang sabay naming paghinga.

Hindi perpekto ang unang cycle.

Masyado akong mabilis huminga paloob.

Napigil ko rin nang sobra ang balikat ko.

Napansin niya agad.

"Relax here."

Marahan niyang hinaplos ang balikat ko.

"Don't pull them upward."

"Let them drop."

Sumunod ako.

Unti-unti kong niluwagan ang katawan ko.

Mas isinandal ang bigat sa kanya.

"That's better."

Mahina niyang sabi.

"You don't have to hold yourself upright alone."

"I'm behind you."

"Just follow my voice, Mommy."

Mahina niyang dagdag.

"And if you want, you can close your eyes."

Bahagya akong napapikit.

"That way, you will feel your body more."

Mas lumalim ang paghinga ko habang sinusubukan kong sundan ang sinabi niya.

"Because I know next time, it's all focus on the pain."

Hindi siya nagmamadali.

Hindi rin siya nagtaas ng boses.

"As far as I have researched, this works especially with anxieties and also if you can't breathe."

Napangiti ako nang bahagya kahit nakapikit.

"I've tried this once when I had an anxiety and it worked."

Dahan-dahan akong huminga.

Mas naging aware ako sa bawat galaw ng dibdib ko.

Sa pag-angat ng tiyan ko.

Sa init ng mga kamay niya.

"I'll try that."

Mahina kong sagot.

"I'll follow your voice."

Mas isinandal ko ang sarili ko sa kanya.

"And I'll close my eyes."

Huminga ako nang mas malalim.

"I want to feel my body more."

Bahagya akong napangiti.

"And if it helps with the pain..."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Then I'll trust it."

Sandaling natahimik ang kwarto.

"Especially if it worked for you."

Mahina kong dagdag.

"Then maybe it will work for me too."

Muli kaming huminga.

"Inhale."

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

Mas maayos ngayon.

Mas malalim.

Hindi lamang sa dibdib.

Parang hanggang sa ilalim ng tiyan ko.

"Hold."

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

"Exhale through your mouth."

Mahina niyang paalala.

"Let the tension leave with it."

Dahan-dahan.

Mahaba.

Kontrolado.

Sa bawat paglabas ng hangin...

Parang nababawasan ang tensyon sa likod ko.

Sa balakang.

Sa panga.

Sa mga kamay kong kanina ay mahigpit na nakahawak sa sarili kong mga hita.

"Good."

Bulong niya.

"Again."

Sa ikatlong cycle...

Biglang gumalaw si Lyra.

Isang malawak na pag-unat sa kaliwang bahagi ng tiyan ko.

Napasinghap ako.

Agad tumigil sa pagbilang si Daddy.

"Movement?"

Tumango ako.

"She's stretching."

Hinaplos niya ang bahagi kung saan umumbok ang balat.

"Hi, anak."

May kasunod na sipa.

Hindi masakit.

Ngunit sapat upang mapangiti ako.

"Maybe she's breathing with us."

Sabi ko.

"Technically, she isn't breathing air yet."

Napalingon ako sa kanya.

"Daddy."

Bahagya siyang natawa.

"But she can feel changes in Mommy's movement and rhythm."

"Better."

Ngumiti ako.

"That's the answer I wanted."

Muli kaming nagsimula.

Ngayon...

Mas natural na.

Hindi ko na kailangang isipin ang bawat segundo.

Sinusundan ko lamang ang boses niya.

Ang bilang.

Ang paghinga niya sa likod ko.

"Inhale."

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

"Hold."

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

"Exhale."

"Slowly."

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

Matapos ang ilang cycles...

Pinahinga niya muna ako.

Hindi niya inalis ang yakap.

Nanatili ang dalawang kamay niya sa tiyan ko.

Habang ako ay nakasandal pa rin sa dibdib niya.

"How do you feel?"

Tanong niya.

"Calmer."

"Any dizziness?"

"None."

"Tightening?"

"None."

"Then the position is working."

Tumango ako.

"And I like this."

"The breathing?"

"This."

Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakapalibot sa tiyan ko.

"You behind me."

"You counting."

"You holding us."

Mas lumambot ang hawak niya.

"I'll do the same during labor."

Sandaling natahimik ang kwarto.

Hindi namin kailangang punuin agad iyon ng salita.

Nararamdaman ko lamang ang paghinga niya sa likod ko.

Ang steady na tibok ng puso niya.

Ang bigat ng tiyan kong sinusuportahan ng dalawang kamay niya.

At si Lyra...

Na paminsan-minsang gumagalaw sa loob.

"Are you scared?"

Mahina kong tanong.

Hindi siya agad sumagot.

"Yes."

Direkta niyang sagot.

Mas hinigpitan ko nang bahagya ang hawak sa mga kamay niya.

"Of the labor?"

"Of what it will ask from you."

Huminga siya nang malalim.

"Of seeing you in pain."

"Of hearing you tell me that it hurts and knowing I can't remove it."

"Of making the wrong decision."

"Of being too slow."

"Or not knowing what to do."

Lumingon ako nang kaunti.

"You know me."

"I do."

"Then you'll know."

Bahagya siyang napailing.

"I want to believe that."

Inangat ko ang kanang kamay niya mula sa tiyan ko.

Inilapat iyon sa dibdib ko.

"Feel that."

"Your heartbeat."

"Yes."

"It's calm now because you're here."

Napatingin siya sa akin mula sa gilid.

"During labor, I might not be able to explain everything clearly."

"I might cry."

"I might shout."

"I might tell you that I can't do it."

"I know."

"But when I say that..."

Huminga ako nang malalim.

"I don't need you to agree with me."

"I need you to remind me that I can."

Agad siyang tumango.

"I will."

"Not like a lecture."

"No lecture."

"Not a long explanation."

"No long explanation."

"Just tell me—"

Hinawakan niya nang mas mahigpit ang kamay ko.

"'You're safe.'"

"'I'm here.'"

"'Breathe with me.'"

"'You can do this.'"

Napangiti ako.

"Exactly."

Bahagya siyang yumuko upang mahalikan ang balikat ko.

"Then that's what I'll say."

"Again and again."

"Even if you become angry with me."

Napatawa ako.

"I might."

"I expect reasonable emotional variance."

"Daddy."

"I'm serious."

Napailing ako habang tumatawa.

At sa gitna ng usapang puno ng takot...

May espasyo pa rin para sa lambing.

Para sa biro.

Para sa pagiging kami.

Muli niyang inayos ang posisyon ko.

Mas inilapit ang likod ko sa dibdib niya.

Mas inalalayan ang ilalim ng tiyan ko.

"Let's try without holding the breath this time."

"Just slow inhale and longer exhale."

Tumango ako.

"Okay."

"Inhale through your nose."

Sabay kaming huminga.

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

"Now exhale longer."

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

"Five."

"Six."

Mas magaan iyon.

Mas natural.

Hindi ko kailangang isipin ang paghinto.

Tuloy-tuloy lamang.

Pasok.

Labas.

Kasabay niya.

"Again."

Ulit niya.

"Inhale."

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

"Exhale."

"One."

"Two."

"Three."

"Four."

"Five."

"Six."

Sa pangatlong ulit...

Ramdam kong mas bumaba ang mga balikat ko.

Lumuwag ang panga ko.

Mas naging mabigat ang katawan ko sa kanya.

Parang tuluyan ko nang ipinagkatiwala ang sarili kong bigat sa dibdib at mga hita niya.

"You're doing well."

Mahina niyang sabi.

"We're doing well."

Pagwawasto ko.

Bahagya siyang ngumiti.

"We are."

"Do you think I'll remember this when the contractions become painful?"

Tanong ko.

"You might not remember the counting."

Sagot niya.

"But your body may remember the rhythm."

"And if it doesn't?"

"I'll be there."

"I'll count for both of us."

Napapikit ako sandali.

"Promise?"

"Promise."

Muli na namang gumalaw si Lyra.

Ngayon ay parang may maliit na paa na dumulas sa ilalim ng balat ko.

Napahawak ako sa ibabaw ng tiyan ko.

"She's moving."

Hinaplos ni Daddy ang ilalim nito.

"Maybe she likes the rhythm."

"Or she's asking why we're disturbing her."

"Formal complaint again?"

"Most likely."

Mahina kaming natawa.

Nagpatuloy kami nang ilang minuto.

Walang pagmamadali.

Walang expectation na kailangan naming maging magaling agad.

Kapag nagkamali ako sa bilang...

Uulit kami.

Kapag masyadong mabilis ang paghinga ko...

Hihinto muna kami.

Kapag naninigas ang balakang ko...

Aayusin namin ang pagkakabuka ng mga hita ko at ang anggulo ng pagkakasandal ko.

Hindi iyon exam.

Hindi iyon performance.

Practice lang.

Dalawang taong natututo kung paano haharapin ang araw na alam naming darating...

Ngunit hindi pa namin lubos na kayang isipin.

Makalipas ang ilang sandali...

Napansin kong mas mabagal na ang pagbilang ni Daddy.

"Inhale..."

Mahina niyang sabi.

"One..."

"Two..."

May kaunting pagitan bago ang susunod.

"Three..."

Napangiti ako.

"Sleepy?"

"No."

Napatawa ako.

"You took almost five seconds between two and three."

"Strategic pacing."

"That's not box breathing anymore."

"Adaptive methodology."

Napailing ako.

"Daddy."

"Hm?"

"You're tired."

Hindi siya sumagot agad.

Isinandal lamang niya ang mukha sa gilid ng ulo ko.

"I'm okay."

"Automatic answer."

"I'm comfortable."

"Different answer."

"Still true."

Hinawakan ko ang mga kamay niya sa tiyan ko.

"Then we stop here."

"But we can do one more cycle."

"No."

Mahina ngunit malambing kong sagot.

"Training complete."

"Rest phase begins."

Napatawa siya nang mahina.

"Manager Mom again."

"Always."

Hindi namin agad binago ang posisyon.

Nanatili akong nakaupo sa pagitan ng mga hita niya.

Nakasandal sa dibdib niya.

Ang mga hita ko ay bukas pa rin sa komportableng anggulo.

Ang mga kamay ko ay nakapatong sa ibabaw ng mga kamay niyang nakapalibot sa tiyan ko.

Unti-unting bumigat ang katawan niya sa likod ko.

Mas bumagal ang paghinga.

At ang baba niya ay tuluyang sumandal sa balikat ko.

"Daddy?"

"Hm?"

"Still awake?"

"Yes."

Mahina.

Halos bulong.

"Tell me one thing you're afraid of."

Tahimik siya nang ilang segundo.

"That you'll look for me during labor..."

Mahina niyang sabi.

"And I won't know how to help."

Hinaplos ko ang kamay niya.

"Then just let me find you."

"Stay where I can see you."

"I will."

"Hold me."

"I will."

"Breathe with me."

"I will."

"That's already helping."

Huminga siya nang malalim.

Mas mabigat na ngayon.

Mas antok.

"Your turn."

Mahina niyang sabi.

"What are you afraid of?"

Napatingin ako sa malaking tiyan ko.

"That the pain will become bigger than me."

Hindi niya agad sinagot.

"That I'll forget everything we practiced."

"That I'll panic when I feel my body opening again."

"That I'll say I can't push."

Mas hinigpitan niya nang bahagya ang yakap.

"Then I'll remind you."

"Of what?"

"That you don't need to conquer the whole labor at once."

"Only one breath."

"One contraction."

"One position."

"One push."

"Then the next."

Nangilid ang luha sa mga mata ko.

"You really thought about that."

"I think about everything involving you."

Lumapit ako nang kaunti sa dibdib niya.

Hinayaan kong suportahan niya ang buong bigat ng likod ko.

"Then we'll do it together."

"We will."

"Even if I'm scared."

"Especially when you're scared."

"Even if you're scared too?"

Huminga siya nang malalim.

"Especially then."

Muli naming sinubukan ang isang huling paghinga.

Hindi na niya binilang nang malakas.

Sabay lamang kaming huminga.

Mabagal.

Malalim.

Magkasabay.

Ang dibdib niya ay umaangat sa likod ko.

Ang tiyan ko ay bahagyang gumagalaw sa loob ng mga kamay niya.

At si Lyra...

Tahimik sa loob.

Parang nakikinig din.

Pagkatapos ng mahabang exhale...

Hindi na nagsalita si Daddy.

Naghintay ako.

Ilang segundo.

Hanggang sa maramdaman kong mas bumigat ang ulo niya sa balikat ko.

"Daddy?"

Walang sagot.

Bahagya akong lumingon.

Nakapikit na siya.

Nakarelax ang mukha.

Bahagyang nakabuka ang labi.

Tuluyan nang nakatulog habang nakaupo pa rin sa likod ko.

Habang yakap pa rin ako.

Habang ang mga kamay niya ay nakasuporta pa rin sa tiyan ko.

Napangiti ako.

Hindi ko agad siya ginising.

Hindi rin ako agad gumalaw.

Hinayaan ko muna siyang manatili roon.

Ang lalaking nagsabing siya ang magbibilang para sa aming dalawa...

Hindi na natapos ang huling cycle dahil nanaig na ang pagod.

Ngunit hindi iyon kabiguan.

Hindi namin kailangang matapos ang bawat practice nang perpekto.

Hindi namin kailangang maging handa sa lahat sa loob ng isang gabi.

Marahan kong hinaplos ang kanyang mga kamay.

"Rest, Daddy."

Mahina kong bulong.

"You did well."

Bahagyang gumalaw ang hinlalaki niya sa tiyan ko.

Hindi ko alam kung gising pa siya nang kaunti...

O instinct lamang iyon.

Pero nanatili ang hawak niya.

Maingat akong lumipat nang kaunti upang mas komportable kaming dalawa.

Inalalayan ko ang ulo niya papunta sa balikat ko.

Isinandal ko rin ang sarili ko sa dibdib niya.

Hindi muna kami humiga.

Nanatili lamang kami sa gilid ng kama.

Magkayakap.

Tahimik.

Ako sa pagitan ng mga hita niya.

Siya sa likod ko.

Ang anak namin sa loob ng tiyan kong hawak pa rin niya.

Hindi hospital bag ang inihanda namin nang gabing iyon.

Hindi records.

Hindi gamit.

Hindi listahan.

Inihanda namin ang aming mga sarili.

Ang paghinga ko.

Ang boses niya.

Ang paraan ng pagsuporta niya sa katawan ko.

Ang paraan ng paghingi ko ng kailangan ko.

Ang paraan ng pag-amin namin ng takot nang hindi hinahayaang lamunin kami nito.

Hindi ko alam kung magiging kasingkalma ako sa araw ng labor.

Hindi ko alam kung matatandaan ko ang apat na bilang.

O ang mahabang pagbuga ng hangin.

O ang bawat pangakong sinabi namin habang tahimik ang kwarto.

Pero alam ko ang isang bagay.

Matatandaan ng katawan ko ang pakiramdam ng pagyakap niya mula sa likod.

Ang mga kamay niya sa ilalim ng tiyan ko.

Ang dibdib niyang masasandalan ko.

At ang boses niyang magsasabi—

"Breathe with me."

Hinawakan ko ang kamay niya sa ibabaw ng tiyan ko.

"One breath at a time."

Mahina kong bulong.

"One contraction at a time."

"One push at a time."

Mula sa likod ko...

Mahimbing na ang paghinga ni Daddy.

At mula sa loob ko...

Marahang gumalaw si Lyra.

Parang pareho silang sumasang-ayon.

Matututunan namin.

Hindi agad.

Hindi nang perpekto.

Pero magkasama.

Reader Community

Comments 1

Comments are reviewed before appearing publicly.
C
CarlSep 21, 2026

♥️

Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat →