
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
The Difficult Weeks
☰ Chapters
Minsan...
Hindi ko alam kung paano ko natatapos ang isang araw.
Akala ko, dahil pangalawang pagbubuntis ko na, alam ko na ang aasahan ko.
Akala ko handa na ako.
Akala ko...
Mas magiging madali.
Nagkamali ako.
Mas matindi pala.
•••
Eksaktong alas sais ng umaga.
Nagising ako sa parehong pakiramdam.
Parang may alon na unti-unting umaakyat mula sa sikmura ko.
Mainit.
Nakakahilo.
Bigla akong napaupo sa kama.
Napahawak ako sa bibig ko.
"Daddy..."
Hindi ko na kailangang lakasan ang boses.
Halos kasabay ng pagtawag ko ay bumukas na ang mga mata niya.
Kahit kitang-kita ang pagod sa mukha niya matapos ang nine-hour night shift, agad siyang bumangon.
Hindi siya nagtanong.
Hindi siya nagsalita.
Basta agad siyang sumunod sa akin nang tumayo ako at halos takbuhin ang banyo.
Pagdating doon...
Hindi ko na naman napigilan.
Napapikit ako habang sunod-sunod akong sumusuka.
Minsan ay halos wala nang laman ang tiyan ko, pero tuloy pa rin ang pag-angat ng sikmura ko na para bang ayaw pa ring tumigil.
Ramdam ko lang ang isang kamay niyang nakahawak sa buhok ko para hindi ito bumagsak sa mukha ko.
Ang isa naman...
Marahang humahaplos sa likod ko.
Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko habang sumusuka ako.
At bago pa ako tuluyang manghina, naramdaman ko na lang ang mga braso niyang yumakap sa akin mula sa likod.
Napahawak ako agad sa kanya, umiiyak habang nakasubsob ang noo ko sa dibdib niya.
Hinayaan niya lang ako.
Hinayaan niya akong huminga nang pira-piraso.
Hinayaan niya akong kumapit sa kanya nang mahigpit.
Patuloy lang ang marahan niyang paghaplos sa likod ko, paikot-ikot, paulit-ulit, na para bang sinusubukan niyang pakalmahin ang buong katawan ko.
Nang tuluyan akong mapahinto, isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
Ramdam ko ang init ng katawan niya.
Ramdam ko ang tibok ng puso niya.
"You did well.."
Mahina ang boses niya, pero malinaw sa pandinig ko.
Napapikit ako lalo.
"You'll be fine."
Pagkatapos ay marahan niya akong hinalikan sa mga templo ko.
Parang...
Napakadali niyang sabihin.
Parang wala iyong bigat.
Pero para sa akin...
Napakalaking bagay noon.
•••
Lumipas ang mga araw.
At halos ganoon ang naging umaga namin.
Minsan dalawang beses.
Minsan lima.
May mga araw na kahit tubig lang ang ininom ko...
Isinusuka ko pa rin.
At bawat pagsusuka...
Laging matindi.
Laging nakakapanghina.
Laging parang inuubos ang lakas ko.
May mga gabing gigising ako dahil sa amoy ng niluluto ng kapitbahay.
May mga pagkakataong umiiyak na lang ako dahil gusto kong kumain pero wala akong maipasok sa bibig ko.
At sa bawat pagkakataong iyon...
Hindi siya umaalis.
Hindi siya nagmamadali.
Hindi niya ako hinahayaang mag-isa sa pakiramdam na iyon.
Pagkatapos ng bawat pagsusuka...
Yayakapin niya ako.
Mahigpit.
Tahimik.
Parang gusto niyang ipaalala sa katawan ko na ligtas ako.
Na hindi ako nag-iisa.
Na nandiyan siya.
Hindi minsan.
Hindi paminsan-minsan.
Palagi.
•••
Napansin na rin iyon ng kambal.
Lumabas ako isang umaga mula sa banyo.
Pagod.
Namumutla.
At may mga luha na naman sa gilid ng mga mata ko na hindi ko na napigilang punasan agad.
Naupo ako sa sofa.
Ilang segundo lang...
May dalawang maliliit na paa nang tumakbo papunta sa akin.
"Mommy..."
Si Hunter ang unang yumakap sa hita ko.
"You crying again?"
Si Stella naman ang agad na humawak sa kamay ko.
"Mommy sad?"
Hindi ko agad nasagot.
Ngumiti ako kahit nanghihina.
"A little, babies."
Nagkatinginan silang dalawa, halatang nag-aalala.
Hindi sila umalis sa tabi ko.
Sa halip, sabay silang umakyat sa sofa at yumakap sa akin nang mahigpit.
Parang gusto nilang takpan lahat ng pagod ko.
Parang gusto nilang alisin lahat ng bigat na nararamdaman ko.
Napahawak ako sa kanila.
"Mommy..."
mahina na sabi ni Hunter.
"Why you crying every day?"
Napatingin ako kay Kiko, na kasalukuyang naghahanda ng gatas nilang dalawa at ng pregnancy milk ko.
Lumapit siya sa amin at lumuhod sa harap ng kambal.
"Mommy is just having a hard time lately," mahinahon niyang sabi.
Tumango ako, pilit na ngumiti.
"Yeah, babies. Mommy is having a hard time lately."
Nag-alala lalo ang mga mata nila.
"Can we help?" tanong ni Stella.
Napangiti ako nang mas malambot.
"A hug would be helpful always, twins."
Hindi na sila nag-atubili.
Mas lalo pa nilang hinigpitan ang yakap sa akin.
At sa unang pagkakataon sa araw na iyon...
Hindi ko na napigilan ang luha ko.
Pero hindi iyon dahil sa sakit.
Kundi dahil sa lambing.
Dahil sa dalawang munting bisig na kusang yumakap sa akin.
Yumakap ako pabalik.
Mahigpit.
"Thank you, my babies," bulong ko.
•••
Habang nagpapahinga ako sa sala, napansin kong tahimik si Kiko.
Hindi iyong tahimik na walang ginagawa.
Iyong tahimik na may iniisip na naman siyang paraan para mapagaan ang lahat para sa akin.
Naka-open ang laptop sa harap niya.
May mga tab na sunod-sunod.
May spreadsheet.
May mga column na maayos ang pagkakaayos.
May mga notes na parang isa-isa niyang inaayos ang lahat ng posibleng kailangan ko sa mga susunod na araw.
Paminsan-minsan ay may tina-type siya.
Minsan naman ay may binubuksang bagong file.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang nahuling gumagawa ng kung anu-anong listahan at database tungkol sa pregnancy.
Hindi para magmukhang alam niya ang lahat.
Hindi para mag-overthink.
Kundi para siguraduhing mas madali para sa akin ang bawat araw na daraan.
Para may maisagot siya kapag may tanong ako.
Para may maihanda siya bago ko pa man hingin.
Para may masolusyunan siya bago pa ako mapagod.
Napangiti ako.
Ganito siya magmahal.
Hindi maingay.
Hindi dramatic.
Praktikal.
Tahimik.
Pero buong-buo.
•••
Makalipas ang ilang linggo...
Dumating na rin ang araw ng una naming prenatal check-up.
Weekend.
Maaga kaming gumising.
Pagkatapos kong gumawa ng paborito niyang iced coffee, siya naman ang naghanda ng pregnancy milk ko.
Habang iniinom ko iyon, pinagmamasdan niya ako.
"You don't have to finish it quickly."
"I know."
"Small sips."
"Yes, Daddy."
Ngumiti siya.
"Good."
Pagkatapos naming mag-almusal, inihatid muna namin sina Hunter at Stella sa bahay ni Mama.
Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, yumakap agad ang kambal sa amin.
"Just behave with Lola, okay?" sabi ni Kiko, marahang ginulo ang buhok ni Hunter.
"Mom and Dad will tell you later where we'll go," dagdag ko, sabay haplos sa pisngi ni Stella.
"That's a promise."
Nagtinginan ang dalawa at sabay tumango.
Pagpasok namin sa gate, agad kaming sinalubong ni Mama.
Lumapit ako sa kanya at marahang bumulong, sapat lang para hindi kami marinig ng kambal.
"Ma, we are having a baby again."
Kaagad niya akong niyakap nang mahigpit.
Nang bumitaw siya, may ngiti na sa labi niya at halatang naiiyak din siya sa tuwa.
"I'm so happy for you both."
Ngumiti ako at marahang tumango.
Paglingon niya kay Kiko, mahinahon siyang nagsalita.
"Drive safely, anak."
"We will po."
Ngumiti si Mama at kumaway sa amin bago kami tuluyang umalis.
•••
Tahimik ang biyahe.
Hindi dahil wala kaming gustong pag-usapan.
Kundi dahil pareho kaming kinakabahan.
Paminsan-minsan...
Inaabot lang ni Kiko ang kamay ko.
Pinipisil.
Saka bibitaw.
Hanggang sa isang pagkakataon, marahan niyang tinawag ang pangalan ko.
"Cha.."
Lumingon ako sa kanya.
"Nervous?"
Mahina akong tumango.
"Oo..."
Hindi siya agad nagsalita.
Sa halip, dinala niya ang kamay ko sa labi niya at marahang hinalikan iyon.
Pagkatapos ay pinisil niya ulit ang mga daliri ko.
"Everything's gonna be fine, okay?"
Tumingin siya sa akin nang diretso, kalmado, parang siya na mismo ang sasalo ng lahat ng kaba ko.
"I got you."
Napakurap ako.
Parang biglang lumuwag ang dibdib ko.
"If you'll be nervous everytime, then hold my hand everytime.."
Mas hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko.
"Grip it as long as you want."
Napangiti ako, kahit nangingilid na ang luha ko sa sobrang lambing ng boses niya.
"Ang swerte ko talaga sa'yo," mahina kong sabi.
Ngumiti siya pabalik, saka marahang pinisil ulit ang kamay ko.
"Always."
At sa pagkakataong iyon...
Hindi na ako gaanong natakot.
•••
Pagdating namin sa clinic, matapos ang registration at ilang routine measurements, tinawag na ang pangalan ko.
"Mommy Cha?"
Tumayo kami ni Kiko.
"Pasok na po tayo."
Ngumiti ang OB.
"Congratulations ulit."
"Thank you po, Doc," sabay naming sagot.
Matapos ang maikling kumustahan, mahinahon akong inabisuhan ng doktor.
"Mommy, kailangan po nating magpalit ng hospital gown para sa ultrasound."
Tumango ako.
"Sige po."
Pinapasok ako ng nurse sa changing area at tinulungan akong isuot ang hospital gown.
Tahimik lang akong sumunod.
Nang makabalik ako sa examination room, maingat na inaayos ni Kiko ang gown para sa akin.
Hindi siya nagmamadali.
Hindi rin ako minadali.
"Comfortable?"
"Mm-hm."
"Too tight?"
"No."
"Okay."
Marahan niya akong hinalikan sa noo.
"You look beautiful."
Napailing ako.
"In a hospital gown?"
"You."
Isang salita lang.
Pero sapat na para mapangiti ako.
Paglabas namin, inalalayan niya akong humiga sa examination bed.
Ngumiti ang doktor.
"Mommy, higa ka na po."
Humiga ako.
"Exposed natin nang kaunti ang tummy mo ah."
"Okay lang po."
Pag-angat ng gown ko nang bahagya, agad nang lumitaw ang maliit kong umbok—halata na agad dahil pangalawa ko na itong pagbubuntis. Napatingin ako roon saglit, parang hindi pa rin ako sanay na may bahagyang nakausli na sa tiyan ko.
Habang inihahanda ang ultrasound, hindi ko namalayang mahigpit ko na palang hawak ang kamay ni Kiko.
Hindi niya iyon inalis.
Sa halip, mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa akin.
Tahimik kaming pareho.
Naghihintay.
Hanggang sa maramdaman ko ang malamig na gel na ipinahid ng doktor sa tiyan ko.
Napasinghap ako nang bahagya.
"Cold po, no?" mahinang tanong ng OB.
"Oo nga po," sagot ko, napangiti kahit bahagyang nanginginig.
"Sandali lang po 'yan."
Dahan-dahang iginiya ng doktor ang ultrasound probe sa tiyan ko.
Sa maliit na screen sa harap namin, unti-unting lumitaw ang malabong hugis.
Napahigpit lalo ang hawak ko kay Kiko.
Hindi ako agad nakapagsalita.
Hindi dahil sa takot.
Kundi dahil sa bigat ng sandaling iyon.
Parang sa isang iglap, naging totoo na naman ang lahat.
Hindi na lang siya basta pakiramdam.
Hindi na lang siya basta pagod, hilo, at pagsusuka.
Nandoon siya.
Nasa loob ko.
Lumalaki.
Buhay.
"Okay, Mommy," mahinahong sabi ng doktor habang nakatingin sa screen. "Hanapin lang natin si baby."
Napatingin ako kay Kiko.
Tahimik lang siyang nakamasid sa monitor, pero kitang-kita ko ang pag-iingat sa mukha niya.
Parang ayaw niyang kumurap.
Parang ayaw niyang may mamiss kahit isang segundo.
"Doc..." mahina kong sabi, halos pabulong. "Kita na po ba?"
Ngumiti ang OB.
"Yes, Mommy. Nandiyan na po siya."
Napasinghap ako ulit.
Hindi ko alam kung bakit biglang nanlambot ang pakiramdam ko.
Siguro dahil sa salitang iyon.
Nandiyan na po siya.
Hindi pa namin siya nakikita nang malinaw.
Pero naroon na siya.
At sapat na iyon para mapuno ng luha ang mga mata ko.
"May heartbeat na po ba?" tanong ni Kiko, mas mahinahon pa sa dati, pero halatang may kaba sa bawat salita.
Tumango ang doktor.
"Yes, Daddy. Let's listen."
Parang tumigil ang mundo ko nang sandaling iyon.
Lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Kiko.
Pagkatapos ay may pinindot ang doktor sa machine.
Sandali lang akong nakinig sa mahinang tunog ng static.
Hanggang sa...
May lumitaw na mabilis, malinaw, at paulit-ulit na tunog.
Lub-dub.
Lub-dub.
Lub-dub.
Napasinghap ako nang tuluyan.
Hindi ko napigilan ang luha ko.
Naramdaman ko ring biglang nanigas si Kiko sa tabi ko.
Hindi siya nagsalita.
Hindi siya gumalaw.
Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng ingay sa paligid niya.
Tanging ang tunog ng heartbeat lang ang tila naririnig niya.
At nang mapatingin ako sa kanya...
Doon ko nakita ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.
Tahimik lang iyong bumabagsak.
Isa-isa.
Parang hindi niya namamalayang umiiyak na pala siya.
"Kiko..." mahina kong tawag, agad na inaabot ang mukha niya.
Napakurap siya nang maramdaman ang daliri kong marahang pumapahid sa luha sa pisngi niya.
"Why are you crying?" tanong ko, halos pabulong, habang pinupunasan ko pa rin ang mga mata niya. "Okay naman si baby."
Napangiti siya nang bahagya, pero hindi pa rin nawawala ang luha sa mga mata niya.
"I'm just happy."
At sa mga salitang iyon...
Parang may bumigay sa loob ko.
Napapikit ako habang tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang narinig ang salitang heartbeat sa mga pelikula, sa mga kuwento, sa mga video.
Pero iba pala kapag ikaw na mismo ang nakarinig.
Iba pala kapag alam mong ang tunog na iyon ay galing sa batang matagal mo nang hinihintay.
Sa batang nasa loob ng sinapupunan mo.
Sa batang unti-unti nang bumubuo ng sarili niyang mundo.
Napatingin ako kay Kiko.
Tahimik lang siyang nakatingin sa screen, pero may luha na rin sa gilid ng mga mata niya.
Hindi niya iyon itinago.
Sa halip, marahan niyang hinawakan ang kamay ko, saka dinala iyon sa labi niya.
Isang marahang halik sa likod ng kamay ko.
Pagkatapos ay yumuko siya at hinalikan ang noo ko nang napakalambing.
Parang sinasabing narinig niya rin.
Nararamdaman niya rin.
At hindi niya kayang itago ang saya niya.
"That's the heartbeat," mahinang sabi ng doktor.
Ngumiti ako sa gitna ng luha ko.
"Okay naman po siya?" tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko.
"Yes, Mommy. So far, everything looks good."
Napapikit ako ulit.
"Thank you po..."
"You're welcome."
Sa tabi ko, naramdaman kong yumuko si Kiko.
Marahan niyang hinalikan ang noo ko, saka ang kamay kong hawak niya.
"Did you hear that?" bulong niya.
Tumango ako, umiiyak pa rin.
"Yes."
"That's our baby... our third baby," dagdag niya nang mahina.
Napangiti ako sa gitna ng pagluha ko.
"Oo."
"Another baby made from our love."
At sa sandaling iyon...
Hindi ko na kailangan ng kahit ano pa.
Dahil narinig ko na siya.
Dahil nakita ko na siya.
Dahil sa unang pagkakataon, mas malinaw ko nang naramdaman na hindi lang pala ako basta buntis.
Isa pala akong ina na muling nakikinig sa tibok ng buhay na unti-unting lumalaki sa loob ko.




♥️