📖 0%
Until We Became Five
Love StoryFamilyComedyDramaFriendship

Until We Became Five

✍️ By AlphaRomantiko
📖 General•Ongoing•Oct 2, 2026
ⓘ
Love Story•Family•Comedy•Drama•Friendship•⚠ Giving Birth, Intimacy
Charlotte "Cha" Tiu-Tolentino thought she already understood what motherhood meant after giving birth to her fraternal twins, Hunter Orion and Stella Athena. But when she and her husband, Francis "Kiko" Tolentino, discover they are expecting another child, they soon realize that no two pregnancies are ever the same.

As Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.

More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.

Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
📅 September 21, 2026👁 189 total reads📖 Chapter 31 of 60⏱ 16 min read
CHAPTER 31 OF 60

A-hiya And Achi

☰ Chapters
📖 Reading progress: 31 of 60 chapters · 52%
f Facebook

Linggo ng umaga.

Mas maaga akong nagising kaysa kay Daddy.

Mahimbing pa rin ang tulog niya sa likod ko.

Ang kaliwang braso niya ay nakapalibot sa baywang ko.

Habang ang kamay niya ay nakapatong sa ilalim ng tiyan ko—parang kahit tulog, hindi niya nakakalimutang suportahan ang bigat ni Lyra.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Hindi pa maliwanag nang tuluyan ang kwarto.

May kaunting sinag lamang na pumapasok mula sa pagitan ng kurtina.

Tahimik ang workstation sa kaliwang bahagi ng kama.

Patay ang tatlong monitor.

Walang keyboard.

Walang notification.

Walang kailangang tapusin.

Weekend.

Maaari siyang matulog nang mas mahaba.

At gusto kong hayaan siyang gawin iyon.

Sinubukan kong magpalit ng posisyon.

Maingat.

Mabagal.

Ngunit sa sandaling bahagya kong iniangat ang balakang ko...

May matinding pressure na agad akong naramdaman sa ibabang bahagi ng tiyan.

Parang bumagsak ang buong bigat ni Lyra sa pelvis ko.

Napahinto ako.

Napapikit.

Isang kamay ko ang kusang humawak sa ilalim ng tiyan ko.

Habang ang isa ay kumapit sa kumot.

"Hm..."

Mahina akong napasinghap.

Hindi iyon contraction.

Hindi rin matalim na sakit.

Mabigat.

Parang hinihila pababa ang buong katawan ko.

Agad gumalaw si Daddy sa likod ko.

"Cha?"

Paos ang boses niya.

Halatang galing siya sa pagkakatulog.

"I'm okay."

Automatic kong sagot.

Ngunit hindi niya agad tinanggap iyon.

Mas inilapat niya ang palad niya sa ilalim ng tiyan ko.

"Pressure?"

Tumango ako.

"Lower."

"Strong?"

"Just heavy."

Bahagya siyang bumangon.

Inayos ang unan sa pagitan ng mga hita ko.

Pagkatapos ay inilapit pa ang maternity pillow sa tiyan ko.

"Better?"

Huminga ako nang malalim.

"A little."

Hinaplos niya ang gilid ng tiyan ko.

"Stay here first."

"Don't stand yet."

"Daddy, go back to sleep."

"I am sleeping."

Napalingon ako sa kanya.

Nakadilat na ang mga mata niya.

"That's not sleeping."

"Resting with active monitoring."

Napatawa ako nang mahina.

"You really can't stop."

"I can."

Hinalikan niya ang balikat ko.

"I just don't want to."

Makalipas ang ilang minuto...

May narinig kaming marahang katok sa pinto.

Hindi malakas.

Tatlong maingat na tapik lamang.

"Mommy?"

Mahinang tawag ni Stella mula sa labas.

"Are you awake?"

Sumunod ang boses ni Hunter.

"Daddy sleeping?"

Nagkatinginan kami ni Kiko.

Napangiti ako.

"Come in, babies."

Dahan-dahang bumukas ang pinto.

Sumilip muna si Stella.

Kasunod si Hunter.

Pareho silang nakapajama pa.

Magulo ang buhok.

At bitbit ni Hunter ang maliit niyang water bottle.

Habang si Stella naman ay may hawak na isa sa mga unan mula sa sarili nilang kwarto.

Hindi sila agad tumakbo papunta sa kama.

Huminto muna sila sa tabi nito.

Tumingin sa mukha ko.

Pagkatapos sa kamay kong nakasuporta sa tiyan.

"Mommy uncomfortable?"

Tanong ni Stella.

Nagulat ako.

Hindi ako nagsalita tungkol doon.

Hindi rin ako gumawa ng malaking reaksyon.

Pero napansin nila.

"A little."

Mahina kong sagot.

Hunter looked at my legs.

"Pressure down?"

Tumango ako.

"Yes."

Inangat niya ang water bottle na hawak niya.

"Mommy needs water."

Napangiti ako.

"Thank you, A-hiya."

Maingat niyang inilapag iyon sa bedside table.

Lumapit naman si Stella sa kabilang bahagi ng kama.

"Mommy needs pillow?"

Inangat niya ang dala niya.

Napatawa ako nang mahina.

"I think Mommy already has many pillows."

Pinagmasdan niya ang pagkakaayos ng mga unan.

Pagkatapos ay itinuro ang likod ko.

"That side has space."

Napatingin si Daddy.

Sinuri rin niya ang pagitan ng likod ko at ng maternity pillow.

May maliit ngang puwang.

"You are correct."

Sabi niya.

Ngumiti si Stella.

"Put here."

Maingat niyang inabot ang unan kay Daddy.

Inilagay niya iyon sa puwang sa likod ko.

Nang masandalan ko...

Bahagyang nabawasan ang strain sa bewang ko.

Napahinga ako nang mas maayos.

"That actually helped."

Napangiti si Stella.

"Achi helped Mommy."

"You did."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Thank you, baby."

Umakyat sila sa kama nang maingat.

Hindi tumalon.

Hindi sumiksik sa tiyan ko.

Si Hunter ay naupo malapit sa mga paa ko.

Habang si Stella ay pumwesto sa tabi ng balikat ko.

Parang pareho nilang alam kung aling bahagi ang ligtas.

"Daddy..."

Mahinang tawag ni Hunter.

"Hm?"

"Lyra heavy now?"

"Yes."

Sagot ni Kiko.

"She's growing bigger every week."

"So Mommy body works more."

"Correct."

Tumango si Hunter.

"Then Mommy needs more rest."

Napatingin ako kay Daddy.

May maliit na ngiti sa labi niya.

"Also correct."

Humiga si Stella sa tabi ko.

Hindi siya sumandal nang mabigat.

Ipinatong lamang niya ang maliit na kamay sa braso ko.

"Mommy..."

"Hm?"

"If Lyra kicks hard..."

Tumigil siya.

Parang hinahanap ang tamang salita.

"We tell her gentle?"

Napangiti ako.

"You can."

Inilapit niya ang mukha sa tiyan ko.

Hindi niya hinawakan agad.

Tumingin muna siya sa akin.

"Can I?"

"Of course."

Marahan niyang inilagay ang palad sa gilid ng tiyan ko.

"Lyra..."

Mahina niyang sabi.

"Mommy tired."

"Kick gentle, okay?"

Parang sinadya ng anak ko...

May isang maliit na galaw sa ilalim ng palad niya.

Hindi malakas.

Parang mahinang pagtulak lamang.

Nanlaki ang mga mata ni Stella.

"She listened."

Napatawa si Daddy.

"Maybe."

"No, Daddy."

Seryoso niyang sagot.

"She listened to Achi."

Napangiti kaming dalawa.

"Then good job, Achi."

Sabi ko.

Hindi nagtagal...

Nagising na rin nang tuluyan si Daddy.

Kahit sinabi kong matulog pa siya...

Bumangon pa rin.

Pero bago siya tuluyang tumayo...

Hinawakan ko ang braso niya.

"Slowly."

Napatingin siya sa akin.

Bahagyang napataas ang kilay.

"That sounds familiar."

"Because accurate data applies to Daddy too."

Napangiti siya.

"Noted."

Paglabas namin ng kwarto...

Mas mabagal ang lakad ko.

Isang kamay ko ang nasa ilalim ng tiyan.

Habang ang isa ay nakahawak sa braso ni Daddy.

Hindi ko napansing nakasunod pala agad sa amin ang kambal.

Nang marating namin ang hallway...

Biglang naunang tumakbo nang kaunti si Hunter.

Ngunit hindi para maglaro.

Inalis niya ang isang maliit na toy car na naiwan sa sahig.

Pagkatapos ay inilagay iyon sa gilid.

"Clear path."

Mahina niyang sabi.

Napahinto ako.

Tumingin sa kanya.

"Thank you, A-hiya."

Tumango siya.

"Mommy cannot step on toy."

"Correct."

Dagdag ni Daddy.

"That would be unsafe."

Sa kusina...

Nagsimula akong kumuha ng mga plato.

Pero bago ko pa maabot ang pangatlo...

Narinig ko ang boses ni Stella.

"Mommy, sit."

Napalingon ako.

Nakatayo siya sa tabi ng dining chair.

Hawak ang sandalan.

"Why?"

"You hold back."

Hindi ko namalayang nakalapat na pala ang isang kamay ko sa bewang ko.

Mahina kong minamasahe ang masakit na bahagi.

Napatingin sa akin si Daddy mula sa coffee maker.

Hindi siya agad nagsalita.

Hinayaan niyang si Stella muna.

"Mommy back hurts."

Dagdag niya.

"You sit."

May lambing ang boses niya.

Pero may kakaibang firmness na malinaw na nakuha niya sa akin.

Napangiti ako.

"Okay, Achi."

Umupo ako.

Agad niyang itinulak nang kaunti ang chair upang mas maayos ang posisyon ko.

Hindi sapat ang lakas niya para igalaw nang todo.

Kaya lumapit si Hunter at tumulong.

Pareho nilang itinulak nang kaunti.

"Careful."

Paalala ni Daddy.

"Slowly."

Nang maayos na ang upuan...

Tumingin sa akin si Stella.

"Better?"

Napangiti ako nang mas malalim.

"Much better."

Napangiti si Kiko at napailing nang bahagya.

"I think you're learning ergonomics early."

"You really are a child of an Industrial Engineer."

Nagkatinginan ang kambal.

"Ergo... what?" tanong ni Hunter.

"Is that like pillows?" dagdag ni Stella.

Napatawa ako.

"Something like that."

Napatawa rin si Kiko.

At sabay-sabay kaming nagtawanan.

Si Daddy ang naghanda ng simpleng almusal.

Toast.

Eggs.

Prutas.

At gatas.

Hindi niya ako pinatayo.

Ngunit mas ikinagulat ko ang kambal.

Hindi sila nagreklamo.

Hindi sila nagmadali.

Hindi rin sila paulit-ulit na humingi ng kung ano-ano.

Si Hunter ang nagdala ng napkin—isa-isa, dahil iyon lamang ang kaya niyang hawakan nang hindi nahuhulog.

Si Stella naman ang naglagay ng spoon sa tabi ng bawat plato.

Hindi pantay ang pagkakaayos.

May isang spoon na nakabaliktad.

May isang napkin na halos nasa ilalim ng baso.

Pero tahimik nilang ginawa.

Buong ingat.

"Why are you helping so much today?"

Tanong ko nang makaupo na silang dalawa.

Nagkatinginan sila.

Si Hunter ang unang sumagot.

"Mommy body works more."

Pagkatapos ay si Stella.

"And Daddy tired sometimes."

Napahinto si Kiko.

May hawak siyang baso ng iced coffee.

Hindi niya agad iyon naibaba.

"So we help small."

Dagdag ni Hunter.

"Not heavy."

"Only safe things."

Napatingin ako kay Daddy.

Pareho kaming natahimik.

Hindi dahil wala kaming sasabihin.

Kundi dahil may init na biglang pumuno sa dibdib namin.

Umupo si Daddy sa tabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

Mahina.

Pamilyar.

"They've been observing."

Bulong niya.

Tumango ako.

"They always do."

Napatingin kami sa kambal.

Si Hunter ay maingat na hinihiwa gamit ang spoon ang scrambled egg niya.

Habang si Stella ay pinapalamig muna ang gatas bago humigop.

Tatlong taong gulang pa lamang sila.

Maliit.

Minsan magulo.

Madalas maraming tanong.

Pero sa paraan nilang kaya...

Natututo na silang tumingin sa paligid.

Hindi lamang para malaman kung ano ang nangyayari.

Kundi para malaman kung sino ang nangangailangan.

Habang kumakain...

Biglang sumipa si Lyra nang malakas sa ilalim ng tadyang ko.

Napasinghap ako.

Napahawak sa gilid ng tiyan.

Agad bumaba ang kutsara ni Daddy.

"Pain?"

"Kick."

"Where?"

Tinuro ko ang kanang bahagi sa itaas.

Bago pa siya makalapit...

Tumayo na si Hunter.

Hindi nag-panic.

Hindi sumigaw.

Lumapit lamang siya sa akin.

"Mommy breathe."

Mahina niyang sabi.

Parang ginagaya ang mga naririnig niyang paalala ni Daddy.

Napatingin ako sa kanya.

"In..."

Huminga siya nang exaggerated.

"And out."

Hindi ko napigilang matawa.

Pero sumunod ako.

Huminga nang mabagal.

Papasok.

Papalabas.

Makalipas ang ilang segundo...

Gumalaw muli si Lyra.

Bumaba ang paa niya mula sa tadyang ko.

Napabuntong-hininga ako.

"Better."

Tumango si Hunter.

"Breathing works."

Napangiti si Daddy.

"Sometimes."

Tumingin si Hunter sa kanya.

"Accurate?"

"Accurate enough."

Pagkatapos ng almusal...

Naupo kami sa mattress sa sala.

Weekend family setup.

Sofa ang headboard.

May mga unan sa likod ko.

May educational toys sa sahig.

At nasa tabi ko si Daddy.

Hindi niya ako niyakap agad dahil nag-aayos pa ako ng posisyon.

Ngunit napansin ni Stella ang paraan ng paulit-ulit kong paggalaw.

Umupo.

Sumandal.

Muling umangat.

Naghanap ng mas komportableng anggulo.

"Mommy cannot find spot?"

Tanong niya.

Napatawa ako nang mahina.

"Yes."

Mabilis niyang kinuha ang maliit na pillow mula sa gilid.

"Here?"

Inilagay niya iyon sa kaliwang bahagi ko.

"Maybe lower."

Sabi ko.

Maingat niyang ibinaba.

"Here?"

"Yes."

Sumandal ako.

Bahagyang gumaan ang pressure.

Ngumiti siya.

"Achi knows pillows."

Napatawa kami ni Daddy.

"You really do."

Sabi niya.

Si Hunter naman ay nakaupo sa harap ko.

Pinagmamasdan ang tiyan ko.

Hindi siya humahawak nang walang pahintulot.

Naghihintay lamang.

Nang gumalaw si Lyra at makita ang maliit na umbok...

Tumuro siya.

"Foot?"

"Maybe."

Sagot ko.

"Can touch?"

"Yes."

Maingat niyang inilapat ang dalawang daliri sa bahagi ng umbok.

Biglang sumipa si Lyra.

Napaatras siya nang kaunti.

Ngunit hindi natakot.

Napangiti lamang.

"Strong."

"Very strong."

Sang-ayon ko.

Tumingin siya sa akin.

"Does strong hurt Mommy?"

"Sometimes."

Napaisip siya.

"Baby doesn't know."

Napangiti ako.

"No."

"She's not trying to hurt me."

Tumango siya.

"Then we don't get mad."

Mas lalong lumambot ang dibdib ko.

"Exactly."

Makalipas ang ilang minuto...

Naramdaman kong nanigas nang bahagya ang tiyan ko.

Hindi malakas.

Isang maikling Braxton Hicks lamang.

Ngunit automatic na napahinto ang paghinga ko.

Napansin agad ni Stella.

"Mommy belly hard?"

Tumango ako.

"A little."

Hindi siya nag-panic.

Hindi rin tumawag nang malakas.

Tumingin lamang siya kay Daddy.

"Daddy, timer?"

Napatingin si Kiko sa kanya.

Halatang nagulat.

Pagkatapos ay kinuha niya ang phone niya.

"Good observation."

Pinindot niya ang timer.

Lumapit ang kambal ngunit hindi sumiksik.

Si Hunter ay kumuha ng water bottle ko.

Si Stella naman ay humawak sa kamay ko.

"Breathe, Mommy."

Mahina niyang sabi.

"Slow."

Tumingin ako kay Daddy.

Nasa mga mata niya ang parehong paghanga na nararamdaman ko.

Sabay kaming huminga.

Makalipas ang tatlumpung segundo...

Lumambot muli ang tiyan ko.

"Done."

Sabi ko.

Tiningnan ni Daddy ang timer.

"Thirty-four seconds."

"Pain?"

"None."

Tumango siya.

"Practice tightening."

Sabi ni Hunter.

"Yes."

"Not Lyra coming."

"Not yet."

Nang tuluyan nang mawala ang paninigas...

Parehong bumalik ang kambal sa dati nilang pwesto.

Walang drama.

Walang takot na ikinalat sa buong bahay.

Sinunod lamang nila ang nakita nilang ginagawa namin.

Nag-observe.

Tumulong.

At nang malaman nilang okay na...

Nagpatuloy sa paglalaro.

Napatingin ako kay Daddy.

"Did we teach them that?"

Mahina kong tanong.

Tumingin siya sa kambal.

"Some of it."

Sagot niya.

"But some of it is them."

Tahimik naming pinagmasdan ang dalawa.

Si Hunter...

Na laging naghahanap ng dahilan.

Ng pattern.

Ng tamang gagawin.

Si Stella...

Na laging unang nakakaramdam kung may pagbabago sa mukha o boses ng isang tao.

Magkaiba.

Pero parehong may malasakit.

Parehong marunong huminto.

Parehong marunong tumingin.

Parehong natututong hindi lamang sila ang sentro ng mundo.

"Do you think they understand how much life will change?"

Tanong ko.

"Not fully."

Sagot ni Daddy.

"They know Lyra is coming."

"They know Mommy's body is working harder."

"They know they'll become A-hiya and Achi."

"But they can't fully imagine what having a newborn means yet."

Tumango ako.

"Neither could we before them."

Bahagya siyang natawa.

"Correct."

"We had theoretical expectations."

"And they destroyed every model."

Napatawa ako.

"But we learned."

"We did."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"And they will too."

Nagsimulang antukin si Daddy.

Hindi niya agad inamin.

Pero napansin ni Stella ang mabagal niyang pagkukurap.

"Daddy eyes heavy."

Mahina niyang sabi.

Agad umiling si Kiko.

"I'm awake."

Napatingin sa akin ang kambal.

Pareho silang tila hindi naniwala.

Napatawa ako.

"He's tired."

Lumapit si Hunter sa sofa.

Kinuha ang unan.

Inilagay sa tabi ni Daddy.

"Daddy can sleep."

"No questions first."

Dagdag ni Stella.

"We ask later."

Napatingin si Kiko sa kanilang dalawa.

Parang may kung anong tumama sa kanya.

Hindi lamang antok.

Kundi emosyon.

"You don't have to stop asking questions."

Mahina niyang sabi.

"But Daddy needs rest."

Sagot ni Hunter.

"You answer later."

Dagdag ni Stella.

"Daddy never forgets."

Napatingin ako kay Kiko.

Alam kong naalala niya ang sinabi ko sa kanila noong nakatulog siya sa workstation.

At ngayon...

Ibinabalik nila iyon sa kanya.

Humiga si Daddy sa sofa.

Hindi lubos.

Pahilis lamang.

Nakaharap pa rin sa amin.

Inabot niya ang kamay ko.

Parang kahit nagpapahinga...

Kailangan niyang maramdaman na malapit ako.

Hinawakan ko iyon.

"Sleep."

Mahina kong sabi.

"You're all okay?"

"We're all okay."

"Any pressure?"

"Manageable."

"Tightening?"

"Gone."

"Lyra?"

Parang sakto namang sumipa siya.

Napangiti ako.

"Active."

Tumango siya.

"Okay."

Ilang segundo lamang...

Pumikit na ang mga mata niya.

Tahimik na naglaro ang kambal.

Hindi sila tuluyang walang ingay.

Mga bata pa rin sila.

May mahihinang bulungan.

May pagtama ng wooden blocks.

May paminsan-minsang maliit na tawanan.

Pero bawat mararamdaman nilang gumagalaw si Daddy...

Kusa nilang hinihinaan ang boses nila.

Hindi ko na kailangang paalalahanan.

Napatingin ako sa kanilang tatlo.

Kay Kiko na nakatulog sa sofa...

Ang isang kamay ay hawak ko pa rin.

Kay Hunter na gumagawa ng maliit na structure gamit ang blocks.

Kay Stella na nagpapanggap na pinapatulog ang stuffed toy niya.

At sa loob ko...

Kay Lyra na patuloy na gumagalaw.

Hindi pa nakikita ng kambal ang kapatid nila.

Hindi pa nila nahahawakan.

Hindi pa nila naririnig ang iyak niya sa labas ng katawan ko.

Pero mahal na nila siya.

Hindi lamang dahil palagi naming sinasabing kapatid nila si Lyra.

Kundi dahil natutunan nilang mahalin ang lahat ng kasama ng pagdating niya.

Ang mas mabagal kong paglakad.

Ang bigla kong paghinto kapag may sipa.

Ang pangangailangan kong maupo.

Ang pagod ni Daddy.

Ang mga checkup.

Ang mga sandaling kailangan naming tumahimik at mag-observe.

Hindi sila perpekto.

May araw pa ring makulit sila.

May pagkakataong kailangan silang sawayin.

May mga laruan pa ring naiiwan sa sahig.

May mga tanong pa ring sabay-sabay nilang sinisigaw.

Pero hindi naman doon nasusukat ang empathy.

Hindi sa pagiging laging tahimik.

Hindi sa pagiging laging tama.

Kundi sa kakayahang mapansin na may ibang taong nararamdaman din.

At piliing huminto para sa kanila.

Lumapit si Stella sa akin.

Umupo sa tabi ko.

"Mommy?"

"Hm?"

"Good Achi ba ako?"

Parang napisil ang puso ko sa tanong niya.

Hinawakan ko ang mukha niya.

"You're already a very good Achi."

"Even Lyra inside?"

"Even while she's still inside."

Napangiti siya.

"I protect Mommy."

"And by protecting Mommy, you also help protect Lyra."

Mas lumaki ang ngiti niya.

Lumapit din si Hunter.

"A-hiya good too?"

Inabot ko siya.

Hinaplos ang buhok niya.

"The best A-hiya."

Napaisip siya.

"But I don't carry Lyra."

"No."

Sabi ko.

"But you bring my water."

"You clear the floor."

"You remind me to breathe."

"You ask before touching my tummy."

"Those are ways of caring."

Tumango siya.

"So carrying has different forms."

Napatingin ako kay Daddy na mahimbing ang tulog.

Naalala ko ang sinabi ng kambal sa park.

Si Mommy ang nagdadala sa loob.

Si Daddy ang tumutulong magdala mula sa labas.

At ngayon...

Pati sila.

Sa maliliit nilang paraan.

Tumango ako.

"Yes."

"Carrying has many forms."

Lumapit silang dalawa sa tiyan ko.

Hindi nila agad hinawakan.

Nagpaalam muna sila gamit ang tingin.

Tumango ako.

Sabay nilang inilapat ang maliliit nilang palad sa magkabilang bahagi ng tiyan ko.

"Hi, Lyra."

Mahinang sabi ni Stella.

"Achi here."

"A-hiya here."

Dagdag ni Hunter.

"We help Mommy."

Parang narinig sila ni Lyra.

Isang mabagal na paggalaw ang dumaan sa ilalim ng mga kamay nila.

Pareho silang napangiti.

Hindi sumigaw.

Hindi tumalon.

Tumingin lamang sa isa't isa na parang may lihim silang tatlo.

At sa sandaling iyon...

Mas malinaw kong nakita kung anong klaseng mga anak ang pinalalaki namin ni Kiko.

Hindi lamang matatalino.

Hindi lamang curious.

Hindi lamang kayang magtanong tungkol sa puso, planeta, cervix, contractions, at kung bakit sumusunod ang buwan sa sasakyan.

Kundi mga batang marunong makaramdam.

Marunong maghintay.

Marunong umunawa na minsan...

Ang pinakamalaking tulong ay nasa pinakamaliit na bagay.

Isang basong tubig.

Isang unan sa likod.

Isang laruang inalis sa daraanan.

Isang paalalang huminga.

Isang mahinang boses upang may ibang makatulog.

Napatingin ako kay Daddy.

Mahimbing pa rin.

Hindi niya nakikita ang sandaling iyon.

Pero alam kong kapag nagising siya...

Sasabihin ko sa kanya.

Kung paano ako tinulungan ng kambal.

Kung paano nila napansin ang discomfort ko bago pa ako humingi.

Kung paano nila piniling alagaan kaming dalawa ni Lyra.

At kung paano nila pinrotektahan pati ang pahinga niya.

Maingat kong hinawakan ang kamay niya.

Pagkatapos ay hinaplos ko ang tiyan ko gamit ang isa pa.

Sa kanan ko...

Naupo si Hunter.

Sa kaliwa...

Sumandal si Stella.

Walang kailangang magsalita.

Kumpleto ang sandali sa ganoong paraan.

A-hiya.

Achi.

Hindi lamang mga titulong itatawag sa kanila kapag lumabas na si Lyra.

Unti-unti na nilang isinasabuhay ang mga iyon ngayon pa lamang.

Hindi bilang responsibilidad na ipinilit namin.

Hindi bilang trabaho na kailangang gampanan.

Kundi bilang pagmamahal na kusa nilang natututunang ibigay.

At habang pinagmamasdan ko silang dalawa...

Alam kong hindi lamang isang baby sister ang naghihintay sa loob ko.

May naghihintay rin sa kanya sa labas.

Isang A-hiya na magtuturo sa kanya kung paano mag-observe.

Isang Achi na magtuturo sa kanya kung paano makinig sa puso.

At isang Daddy na sasagot sa bawat tanong niya...

Kapag nakapagpahinga na siya.

Napangiti ako.

Tahimik.

Puno ng pagmamahal.

Dahil bago pa man kami maging lima...

Natuto na kaming lahat kung paano magbigay ng espasyo para sa isa't isa.

Reader Community

Comments 1

Comments are reviewed before appearing publicly.
C
CarlSep 21, 2026

♥️

Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat →