
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Afternoon Peace
☰ Chapters
Sabado ng hapon.
Nasa sala kaming lahat.
Nakalatag ang mattress sa harap ng sofa, gaya ng karaniwang weekend setup namin.
May mga unan sa likod ko.
May maliit na kumot sa gilid.
At nakakalat sa harap nina Hunter at Stella ang educational toys nila.
Tahimik ang araw.
Walang lakad.
Walang appointment.
Walang kailangang tapusin agad.
Katatapos lamang ni Daddy ng night shift nang umaga.
Nakakuha siya ng ilang oras na tulog sa kwarto...
Pero alam kong hindi pa rin sapat iyon.
Kita sa mabagal niyang pagkukurap.
Sa paulit-ulit niyang paghikab.
At sa paraan ng pagkakasandal niya sa sofa na para bang isang segundo lamang ang kailangan bago tuluyang bumigay ang katawan niya.
Gayunpaman...
Naupo pa rin siya sa tabi ng kambal.
May hawak na maliit na space book si Hunter.
Habang si Stella naman ay gumagawa ng bahay gamit ang blocks.
"Daddy..."
Mahinang tawag ni Hunter.
"Why stars look small?"
Tumingin si Daddy sa pahina.
"Because they're very far away."
"Some stars are much larger than Earth."
"But distance makes them appear small from where we are."
Tumango si Hunter.
"Like far building?"
"Similar principle."
Pagkatapos ay si Stella naman ang lumapit.
"Daddy, house falling."
Tiningnan ni Daddy ang blocks niya.
"Your base is too narrow."
Maingat niyang inilipat ang dalawang block.
"Make the bottom wider."
"Then the structure becomes more stable."
Napangiti si Stella.
"Ergonomics?"
Bahagyang natawa si Daddy.
"Structural stability."
"Different concept."
Hindi man niya ito lubos na naintindihan...
Tumango pa rin si Stella na parang napakahalagang lesson noon.
Nakasandal lamang ako sa sofa habang pinapanood silang tatlo.
Isang kamay ko ang nakapatong sa ibabaw ng tiyan.
Ang isa ay nasa ilalim nito.
Hindi mapakali si Lyra.
May sipa sa kaliwa.
Pagkatapos ay isang mabagal na pag-unat sa kanan.
Minsan ay parang may dumadausdos sa ilalim ng balat.
Minsan naman ay buong tiyan ko ang bahagyang nagbabago ng hugis.
"Still moving?"
Tanong ni Daddy.
Tumango ako.
"Constantly."
Lumapit ang kamay niya sa tiyan ko.
Ngunit bago pa niya tuluyang maabot iyon...
Huminto siya.
Pumikit nang ilang segundo.
Muling dumilat.
"I'm awake."
Wala naman akong sinasabi.
Napangiti ako.
"I didn't ask."
"I know what that look means."
Hindi nagtagal...
Sumandal siya nang mas malalim sa sofa.
Nanatili ang isang kamay niya malapit sa akin.
Habang ang isa ay nasa tabi ni Hunter.
"Daddy, Orion is hunter?"
Tanong ng anak namin.
"Orion is that strong constellation. Daddy's favorite actually."
Paos na ang sagot ni Daddy.
"Astronomers gave Orion a nickname 'Hunter' because it looks like an archer."
"And Lyra?"
Dagdag ni Stella.
"Lyra is..."
Huminto siya.
Masyadong mahaba ang pagitan.
Napatingin kaming tatlo sa kanya.
Nakapikit na siya.
Mahimbing.
Hindi na niya natapos ang explanation.
Napangiti ako.
"Daddy needs rest."
Mahina kong sabi.
Tumango si Hunter.
"Sleep important."
Lumapit si Stella sa sofa.
Maingat niyang kinuha ang maliit na unan sa tabi.
Inilagay iyon sa ilalim ng ulo ni Daddy.
Hindi siya nagising.
Bahagya lamang siyang gumalaw.
At sa pagkilos na iyon...
Kusang napunta ang kamay niya sa tiyan ko.
Parang kahit tulog...
Hindi niya kami binibitawan.
Parang kahit wala siyang malay...
Nandito pa rin siya.
Umupo si Hunter sa tabi niya.
Maingat.
Hindi sumandal nang mabigat.
Habang si Stella ay humiga sa kabilang gilid.
Ilang minuto lamang...
Nagsimula na ring bumigat ang mga mata nila.
Una si Stella.
Pagkatapos si Hunter.
Hanggang sa pareho na silang mahimbing sa tabi ni Daddy.
Tahimik ang buong sala.
Si Daddy sa gitna.
Si Hunter malapit sa kanyang braso.
Si Stella nakasandal sa gilid ng dibdib niya.
Tatlong katawan na magkakalapit.
Tatlong taong mahal na mahal ko.
At sa loob ko...
Patuloy na gumagalaw ang pang-apat.
Isang malakas na sipa ang tumama sa ilalim ng palad ni Daddy.
Hindi siya nagising.
Ngunit bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri.
Parang hinaplos niya si Lyra nang hindi namamalayan.
Napangiti ako.
"Your Daddy is sleeping."
Mahina kong bulong sa tiyan ko.
"But he still knows you're there."
"Don't be jealous, baby..."
"Daddy loves you too."
"Kahit pagod siya... kahit kulang sa tulog..."
"Ikaw pa rin ang hinahanap ng kamay niya."
"Even in sleep... he keeps reaching for you."
"He promised, remember?"
"I got you."
At kahit hindi niya sinasabi ngayon...
Nararamdaman pa rin iyon ng katawan niya.
May isa pang paggalaw.
Mas banayad.
Parang sagot.
Pinagmasdan ko silang tatlo.
Ang mukha ni Hunter na payapa habang natutulog.
Ang maliit na kamay ni Stella na nakapatong sa shirt ni Daddy.
At si Daddy...
Halatang pagod.
Ngunit nakaharap pa rin sa amin.
Parang kahit sa pagtulog...
Ang katawan niya ay kusang pumipili ng direksyong pinakamalapit sa pamilya niya.
At habang tinitingnan ko sila...
Hindi ko maiwasang mapangiti.
Ang dalawang batang iyon—
mga tanong pa lang nila, alam mo nang iba ang takbo ng isip.
Curious.
Observant.
Mabilis umintindi.
Katulad ng lalaking pinakasalan ko—si Kiko—
na kahit pagod, kahit halos hindi na makadilat—
nandoon pa rin ang paraan niya ng pagsagot.
Diretso.
Malinaw.
May laman.
Iyon ang naglapit sa amin noon.
Hindi kami pareho ng iba.
Mas madali kaming magkaintindihan.
Mas mabilis naming nahuhuli ang iniisip ng isa't isa.
At ngayon...
nakikita ko iyon sa kambal.
Parang may sariling mundo ang isip nila—
at naiintindihan nila iyon.
Kasama ang Daddy nila.
Napatingin ako sa tiyan ko.
At marahil...
ang batang ito rin.
Tahimik kong hinaplos ang tiyan ko.
"You're going to be like them too, aren't you?"
Mahina kong bulong.
"Smart... just like your Daddy."
"Just like your A-hiya and Achi."
At marahil...
katulad din namin.
Wala naman atang espesyal na nangyari nang hapong iyon.
Walang malaking usapan.
Walang family activity.
Walang dramatic na pangyayari.
Nakatulog lamang silang tatlo sa sala.
Habang ako ay nanatiling gising.
Pinagmamasdan sila.
At nararamdaman si Lyra sa loob ko.
Pero marahil...
Sa mata ng iba, wala ritong kakaiba.
Isang tahimik na hapon lamang.
Isang simpleng pahinga sa bahay.
Pero sa akin...
Bawat ganitong sandali ay espesyal.
Dahil ang bawat weekend na magkakasama kami sa iisang mattress...
Ay bunga ng pagmamahalan namin ni Kiko.
Ng lahat ng pinili naming ipaglaban.
Ng lahat ng pinili naming buuin.
Hinawakan ko ang kamay ni Daddy sa ibabaw ng tiyan ko.
Kasabay noon...
Muling gumalaw si Lyra.
Napangiti ako.
Apat silang natutulog o nagpapahinga sa paligid ko.
Ako lamang ang gising.
Ngunit hindi ako nag-iisa.
Hindi kailanman.
Dahil sa katahimikan ng hapong iyon...
Nasa paligid ko ang buong tahanan ko.




♥️