
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Growing Exactly As She Should
☰ Chapters
Miyerkules ng umaga.
Araw ng prenatal checkup.
Hindi na namin isinama ni Daddy sina Hunter at Stella sa ospital.
Mas magiging madali ang buong checkup kung hindi muna niya kailangang bantayan ang dalawang makukulit na tatlong taong gulang habang may ongoing checkup.
Kaya bago kami dumiretso sa hospital sa BGC...
Huminto muna kami sa bahay ni Mama.
Pagkabukas pa lamang ng gate...
Tumakbo agad ang kambal.
"Lola!"
Masayang sigaw ni Stella.
"Good morning!"
Kasunod si Hunter.
"We brought Lyra too."
Napatawa si Mama.
"O siya, nasa tummy pa rin si Lyra."
Lumapit siya sa akin.
Mahigpit niya akong niyakap, marahang hinahaplos ang likod ko na parang sinusukat kung gaano na ako kabigat.
"Kamusta ka na, anak?"
"I'm okay, Ma."
"Lakad mo?"
"Slower."
Tumango si Mama.
"Normal na 'yan."
Bigla siyang napatingin sa tiyan ko, mas lalong lumiwanag ang mukha niya.
"Ay, naku—mukhang malapit na makita si baby ah!"
May halong excitement ang boses niya.
Napangiti ako, bahagyang napahawak sa tiyan ko.
"Oo nga, Ma... kaya nga kailangan na naman naming iwan muna sa'yo sina Hunter at Stella."
Bahagya akong nag-alangan bago nagtanong.
"Okay lang ba ulit?"
Hindi nag-atubili si Mama.
"Oo naman, anak."
Ngumiti siya nang malambing.
"Anytime. Ako pa ba?"
Lumapit naman si Daddy.
"Good morning, Ma."
"Good morning, anak."
Tinapik siya ni Mama sa balikat.
"Nakapagpahinga ka ba?"
Bahagya siyang ngumiti.
"Enough to drive safely."
Napailing si Mama.
"Typical answer."
Napatawa ako.
"Exactly."
Lumapit sina Hunter at Stella.
"Daddy."
Mahinang tawag ni Hunter.
"We behave."
"We'll wait."
Dagdag ni Stella.
Tumango si Daddy.
"We'll fetch both of you right after Mommy's checkup."
"Promise?"
"Promise."
Isa-isang niyakap ng kambal si Daddy.
Pagkatapos ako.
Marahang yakap.
Sanay na silang iwasan ang tiyan ko.
"Bye, Lyra."
Mahina nilang sabi sa tiyan ko.
"We'll see you later."
Makalipas ang ilang minuto...
Nasa sasakyan na kaming mag-asawa.
Tahimik ang biyahe.
Ang isang kamay ni Daddy ay nasa manibela.
Habang ang isa ay paminsan-minsang dumadapo sa kamay kong nakapatong sa tiyan.
"Ready?"
Tanong niya.
Tumango ako.
"Ready."
Pagdating sa ospital...
Pamilyar na sa amin ang prenatal clinic.
Ngumiti ang receptionist nang makita kami.
"Good morning, Mommy. Good morning, Daddy."
"Good morning."
Sabay naming bati.
Hindi nagtagal...
Tinawag din ang pangalan ko.
"Mrs. Tolentino?"
Tawag ng receptionist mula sa counter.
Napatingin ako kay Daddy bago kami sabay na tumayo.
"That's us."
Mahina niyang sabi habang inalalayan akong maglakad papunta sa nurse.
Ngumiti ang nurse nang makita kami.
"Good morning po, Mommy."
"Good morning."
Ngumiti rin ako.
"Mommy, since full prenatal check po tayo today, kailangan niyo pong magpalit into hospital gown."
Tumango ako.
"Okay."
"Samahan ko po kayo sa changing area."
Sabi ng nurse habang inaabot ang gown.
Tinulungan ako ni Daddy maglakad papunta sa maliit na cubicle.
Pagpasok namin...
Maingat kong hinubad ang lahat ng suot ko, ayon sa instruction ng nurse para sa full examination.
"Take your time."
Mahina niyang sabi.
Tumango ako habang inaayos ang sarili ko.
Ilang sandali lang...
Nakasuot na ako ng hospital gown.
Mas ramdam ko ang laki ng tiyan ko sa manipis na tela.
Lumapit si Daddy at inayos ang likod ng gown ko.
"Comfortable?"
"A little exposed."
Napangiti siya.
"I'll stay right here."
Mahina niyang sagot.
At gaya ng lagi...
Hindi niya ako iniwan.
"Mommy, higa po tayo."
Magalang na sabi ng nurse.
Maingat akong humiga sa examination bed.
Habang si Daddy ay nanatili sa tabi ko.
Hindi niya hinawakan ang kamay ko agad.
Tiningnan muna niya ako.
"Comfortable?"
"A little."
"Tell me anytime."
"I will."
Pumasok si Dr. Angeles.
"Good morning!"
Masigla niyang bati.
"Good morning, Doc."
Sabay naming sagot.
Ngumiti siya nang makita kaming dalawa.
"Kamusta na ang ating Mommy?"
Napangiti ako.
"Heavier every week."
"That sounds appropriate for this stage."
Natatawa niyang sagot.
Nagsimula siya sa mga routine questions.
"Any vaginal bleeding?"
"None."
"Fluid leakage?"
"None."
"Regular contractions?"
"Only occasional Braxton Hicks."
"Baby movements?"
"Very active."
Napangiti si Daddy.
"Especially under Mommy's ribs."
Napatawa ang doktor.
"Sounds like your baby is making herself comfortable."
Sinimulan ang fundal height measurement.
Inilagay ni Dr. Angeles ang measuring tape mula sa pubic bone hanggang sa tuktok ng matris.
Tahimik siyang nagsukat.
Pagkatapos ay ngumiti.
"Exactly where I expect her to be."
Napatingin ako.
"So she's growing well?"
"Very well."
Tumango siya.
"Fundal height matches your gestational age."
Sumunod ang palpation.
Maingat niyang hinawakan ang iba't ibang bahagi ng tiyan ko.
"Relax your abdominal muscles."
Mahina niyang sabi.
Huminga ako nang malalim.
Naroon lang si Daddy sa tabi ko.
Tahimik.
Hindi nakikialam.
Ngunit handang saluhin ang kamay ko kung kailangan.
Pagkatapos ng ilang sandali...
Tumango si Dr. Angeles.
"I can clearly feel her back."
Inilipat niya nang bahagya ang kamay.
"And these are likely the legs."
Napangiti ako.
"Those are the feet attacking my ribs."
Napatawa silang dalawa.
"Most likely."
Sagot ng doktor.
Kinuha naman ang handheld Doppler.
Ilang segundo lamang...
Pumuno sa silid ang mabilis na tibok ng maliit na puso.
Lub-dub.
Lub-dub.
Lub-dub.
Mas mabilis kaysa sa tibok naming dalawa.
Napangiti ako.
Kahit ilang beses ko na iyong narinig...
Hindi pa rin ako nagsasawa.
Tahimik kong hinawakan ang kamay ni Daddy.
Mas hinigpitan din niya ang hawak sa akin.
"Beautiful heartbeat."
Sabi ni Dr. Angeles.
"Strong and regular."
Pagkatapos nito...
Lumipat kami sa ultrasound.
Lumitaw muli si Lyra sa monitor.
Mas malaki na siya ngayon.
Mas kumpleto ang mga hugis.
Mas malinaw ang profile ng mukha.
"There she is."
Mahina kong sabi.
Ngumiti si Daddy.
"Hi, sweetheart."
Pinagmasdan ni Dr. Angeles ang screen.
Sinukat ang ilang bahagi.
Tinignan ang amniotic fluid.
Ang placenta.
At ang posisyon ni Lyra.
Makalipas ang ilang minuto...
Humarap siya sa amin.
"She's growing exactly as she should."
Parang kusang napabuntong-hininga kaming dalawa.
"It also looks like she's beginning to settle lower."
Sabi niya habang itinuturo ang monitor.
"Not fully head-down yet."
"But she's gradually moving toward that position."
Napatingin ako kay Daddy.
"Is that good?"
"Very good."
Sagot ng doktor.
"Most babies naturally move into a head-down position during the later part of pregnancy."
"She still has room to move."
"So don't worry if she changes position again."
"But this is a reassuring direction."
Ngumiti si Daddy.
"Thank you, Doc."
Matapos ang ultrasound...
Ipinaliwanag ng doktor ang susunod na bahagi.
"Mommy, we'll do a gentle cervical examination."
Tumango ako.
"Okay, Doc."
Maingat kong inihanda ang sarili ko ayon sa instruction ng nurse, bahagyang ibinuka ang mga hita ko habang inaayos ang posisyon ko sa examination bed.
Isinagawa ni Dr. Angeles ang examination nang mahinahon at propesyonal, maingat na sinusuri ang cervix sa bandang pwerta habang ipinapaliwanag ang bawat hakbang bago niya ito gawin.
Ilang sandali lamang...
Natapos din iyon.
Ngumiti siya.
"Cervix is still closed."
"Wala ring findings na nakakapag-alala."
Napahinga ako nang maluwag.
Habang inaayos ko ang sarili ko...
Naupo si Dr. Angeles sa harap namin.
"Overall..."
Ngumiti siya.
"I'm very happy with your progress."
Tumingin siya sa akin.
"Cha, your body is adapting well."
"You're experiencing the expected discomforts of the third trimester."
"Pelvic pressure."
"Back pain."
"Rib discomfort."
"Occasional Braxton Hicks."
"All consistent with where you are now."
Tumango ako habang nakikinig.
Tumingin naman siya kay Daddy.
"And Daddy..."
"Continue doing what you've been doing."
"Helping with positioning."
"Encouraging hydration."
"Supporting her rest."
"Listening whenever she tells you something feels different."
Ngumiti si Daddy.
"I will, Doc."
Ngumiti si Dr. Angeles, bahagyang napailing na parang may naaalalang maganda.
"I know you will."
"Nasaksihan ko na kung paano mo sinuportahan si Cha noong buntis siya sa twins—hanggang sa pag-aalaga ninyo sa kanila pagkatapos."
Tumingin siya sa aming dalawa.
"And look at Hunter and Stella now."
"So smart. So well-loved."
Napangiti kami ni Daddy, sabay kaming napatingin sa isa't isa.
"Thank you, Doc."
Masayang sabi ko.
"That means a lot."
Dagdag ni Daddy, may halong saya sa boses.
Bahagyang nag-isip si Daddy bago muling tumingin kay Dr. Angeles.
"Doc... may I ask something?"
Tumango ang doktor.
"Of course."
"About the Bump App."
Napangiti siya nang bahagya.
"The one I built for Cha's pregnancy tracking."
"Yes, I remember that."
Sagot ni Dr. Angeles, halatang interesado.
"Would it be okay if you access it as well?"
Dagdag ni Daddy.
"So you can monitor her progress in real time."
Saglit na natahimik ang doktor bago ngumiti nang mas malawak.
"That would actually be very helpful."
"Yes, of course."
Tumango si Daddy.
"I'll give you access."
Sandali siyang nag-pause bago muling nagsalita.
"And... if you think it can help your other patients too..."
Bahagya siyang ngumiti.
"You can let them know about it."
Napatingin ako sa kanya, may halong paghanga.
"It's designed to track symptoms, movements, patterns..."
Dagdag niya.
"And if you ever need help navigating it or customizing anything..."
"You can freely reach out to me."
Tahimik na napangiti si Dr. Angeles.
May halong tuwa at pasasalamat ang mga mata niya.
"Thank you, Kiko."
Mahina niyang sabi.
"That's very generous of you."
Napailing siya nang bahagya, parang hindi pa rin makapaniwala.
"You know... you're not just a good husband and father."
Tumingin siya kay Daddy nang diretso.
"You're really kind."
Saglit siyang ngumiti.
"And obviously very smart."
Napatawa ako nang mahina, hindi maitago ang pride.
"Of course he is."
Sabi ko, may lambing sa boses.
Napatingin si Daddy sa akin, bahagyang napangiti.
"It's also his way of saying thank you, Doc."
Dagdag ko habang hinahaplos ang tiyan ko.
"For taking care of us... ever since."
"From the twins..."
Napangiti ako habang naaalala ang mga panahong iyon.
"And now with baby number three."
Tahimik na tumango si Dr. Angeles.
Mas lalong lumambot ang ekspresyon niya.
"I appreciate that."
Mahina niyang sabi.
"More than you know."
Saglit kaming tatlo na natahimik.
Ngunit sa katahimikang iyon...
Ramdam ang tiwala.
At ang koneksyon na nabuo sa pagitan namin—
Hindi lang bilang doktor at pasyente...
Kundi bilang mga taong sabay-sabay na naglalakbay sa isang napakahalagang yugto ng buhay.
Bago kami tuluyang umalis...
Hinaplos ko ang tiyan ko.
"She's really getting ready."
Mahina kong sabi.
Tumango si Dr. Angeles.
"She is."
"Not today."
"Maybe not even in the next few weeks."
"But little by little..."
"Baby number three is preparing for birth."
Tahimik akong napangiti.
Hindi lamang pala kami ang naghahanda.
Pati ang maliit naming anak.
Sa sarili niyang paraan.
Marahil sa bawat pag-ikot niya, sa bawat pag-unat, sa bawat sipa...
Parang ipinapaalam niya sa amin na malapit na.
Unti-unti na rin siyang naghahanap ng tamang posisyon...
Para sa araw na magkikita na kaming lahat.
Paglabas namin ng clinic...
Agad hinawakan ni Daddy ang kamay ko.
"So..."
Ngumiti siya.
"Our little astronaut is getting into position."
Napatawa ako.
"Apparently."
"Hunter will definitely ask how gravity works."
"And Stella will ask if Lyra can hear them already."
Napangiti ako.
"Then let's go get A-hiya and Achi."
Tumango siya.
"Let's bring the good news home."
Magkahawak-kamay kaming naglakad palabas ng ospital.
Mas mabagal pa rin ang hakbang ko.
Mas mabigat pa rin ang tiyan ko.
Ngunit mas magaan ang dibdib ko.
Dahil sa bawat checkup...
Mas lalo naming nakikita na ang bawat pagbabago ng katawan ko ay may dahilan.
At ang bawat linggong lumilipas...
Ay unti-unting inilalapit si Lyra sa aming mga bisig.
Habang nasa biyahe kami papunta kila Mama...
Tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana.
Ngunit ang isip ko ay bumabalik sa sinabi ni Doc kanina.
"You're really kind."
Mahina akong napangiti.
Totoo iyon.
Hindi lang dahil sinabi ng doktor.
Kundi dahil ako mismo ang unang nakaranas ng kabutihang iyon.
Ako ang unang minahal niya nang ganito.
Ako ang unang inalagaan niya nang walang hinihinging kapalit.
Ngunit hindi doon nagtatapos si Kiko.
Hindi niya itinatago ang kabutihan niya para sa akin lang.
Ibinabahagi niya ito sa iba.
Sa pamilya namin.
Sa mga taong nakapaligid sa amin.
At kahit sa mga taong hindi niya kailangang tulungan...
Pinipili pa rin niyang maging mabuti.
Tahimik akong napahawak sa kamay niya.
Mas hinigpitan ko ang hawak.
Napatingin siya sa akin sandali.
"Are you okay?"
Mahina niyang tanong.
Tumango ako, may ngiti sa labi.
"Yeah."
Ngunit sa loob-loob ko...
Alam kong hindi sapat ang simpleng sagot na iyon.
Dahil ang totoo—
Napakaswerte ko.
Sa mundong napakalupit...
May isang taong piniling maging mabuti—napakabuti
At higit sa lahat...
Pinili niya akong mahalin.
Isang pusong tulad ng kay Kiko...
Bihira.
At sa lahat ng taong puwede niyang piliin...
Ako ang pinili niya.




♥️