
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
The Night Shift Wins
☰ Chapters
Huwebes ng madaling-araw.
Tahimik ang apartment.
Mahimbing parin ang tulog nina Hunter at Stella sa sarili nilang kwarto.
Patay na ang ilaw sa sala.
Wala nang tunog mula sa kusina.
Tanging ang malamlam na liwanag mula sa workstation ni Daddy ang natitirang gising sa buong bahay.
At siya.
Ilang gabi na siyang ganoon.
Work shift mula alas-nuwebe ng gabi hanggang alas-singko ng umaga.
Pagkatapos ay may kaunting oras para tulungan akong maghanda sa pagpasok.
Minsan ay ihahatid pa niya ako sa trabaho kapag mas mabigat ang pressure sa balakang ko.
Pag-uwi ko...
Gising na naman siya.
May inaayos na records.
May binabasa tungkol sa labor.
May tinitingnan sa Bump App.
May bagong notes mula sa prenatal checkup.
May listahan ng mga sintomas na kailangang bantayan.
At sa pagitan ng lahat ng iyon...
May dalawang batang gustong magtanong.
May asawa siyang kailangang alalayan sa pagbangon.
May anak sa loob ng tiyan kong kailangan niyang kamustahin bago siya tuluyang pumikit.
Tatlong gabi ko nang napapansin na hindi na siya nakakatulog nang maayos.
Hindi niya na kailangang sabihin.
Alam ko sa paraan ng paglakad niya.
Mas mabagal.
Mas tahimik.
Sa paraan ng paghikab niyang pilit niyang tinatago sa likod ng kamay niya.
Sa paraan ng pag-ipit niya sa nosebridge niya habang nakaharap sa monitor.
Sa paraan ng pagsagot niyang—
"I'm okay."
Kahit malinaw na hindi.
Nang gabing iyon...
Nagising ako dahil kailangan kong pumunta sa banyo.
Alas-kuwatro pasado.
Maingat akong bumangon.
Isang kamay sa ilalim ng tiyan.
Ang isa ay nakakapit sa gilid ng kama.
Hindi agad umikot ang office chair ni Daddy.
Karaniwan...
Kaunting galaw ko lamang ay napapansin niya na.
"Mommy?"
"Do you need help?"
"Pressure?"
Ngunit ngayon...
Walang tanong.
Walang paggalaw.
Walang kahit mahinang pag-click ng mouse.
Napatingin ako sa workstation.
Nandoon siya.
Nakaupo sa office chair.
Nakasandal ang katawan nang bahagya sa mesa.
Ang noo ay nakapatong sa kaliwang braso.
Ang kanan niyang kamay ay nasa ibabaw pa rin ng mouse.
Nakasalamin pa siya.
Nakasabit ang headset sa isang tainga.
At sa monitor...
Naka-open ang isang labor support document.
May highlighted sections tungkol sa contraction timing.
May notes tungkol sa breathing.
May listahan ng mga dapat dalhin sa ospital.
At sa gilid ng screen...
Naka-open din ang client project na dapat niyang tinatapos.
Nakatulog na siya
Hindi iyong tulog na pinili.
Kundi iyong tulog na dumating dahil wala nang pahintulot na hinihingi ang katawan niya.
Nanalo na ang pagod.
Nanalo na ang night shift.
Nanatili akong nakatayo roon nang ilang segundo.
Tinitingnan siya.
At sa halip na mainis...
May kung anong sakit ang bumalot sa dibdib ko.
Dahil kilala ko ang lalaking iyon.
Kapag natatakot siya...
Hindi siya madaling umamin.
Nag-aaral siya.
Gumagawa ng sistema.
Naglalagay ng safeguards.
Nagpaplano ng bawat posibleng scenario.
Sinusubukan niyang gawing predictable ang isang bagay na alam niyang hindi niya kayang kontrolin nang buo.
At ngayong malapit na ang labor ko...
Mas lalo siyang kumakapit sa kaalaman.
Parang kung sapat ang mababasa niya...
Kung sapat ang maihahanda niya...
Kung sapat ang oras na ibibigay niya...
Walang masamang mangyayari sa amin.
Lumapit ako nang dahan-dahan.
Inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya.
"Daddy."
Hindi siya gumalaw.
Mas hinaplos ko iyon.
"Kiko."
Bahagya siyang napasinghap.
Biglang iniangat ang ulo.
Nalito ang tingin.
Parang hindi niya agad alam kung nasaan siya.
"Cha?"
Paos ang boses niya.
Agad siyang tumingin sa tiyan ko.
"Are you okay?"
Napangiti ako nang malungkot.
"Yes."
"Any contraction?"
"None."
"Pressure?"
"Manageable."
"Then why are you standing?"
Bago pa man niya tuluyang maipon ang sarili niya...
Ako na naman ang iniisip niya.
Hinubad ko ang headset niya.
Pagkatapos ay maingat kong inalis ang salamin niya.
Inilapag ko iyon sa mesa.
"Come to bed."
Napatingin siya sa monitor.
"I need to finish this."
"No."
"Mommy—"
"You fell asleep on your mouse."
Bahagya siyang tumingin sa kanang kamay niya.
Parang doon lamang niya napansing hawak pa rin niya iyon.
"I was just resting my eyes."
"Daddy."
Mahinahon ang boses ko.
Hindi galit.
Hindi mapanumbat.
Kilala niya ang tono.
Alam niyang wala nang negosasyon.
Pinatay ko ang unang monitor.
Pagkatapos ang pangalawa.
Nang aabutin ko ang pangatlo...
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Wait."
Napatingin ako sa kanya.
"I haven't saved—"
Tinuro ko ang screen.
"Auto-saved."
Tahimik siya.
Napangiti ako nang kaunti.
"I learned from the engineer."
Bahagya siyang natawa.
Mahina.
Pagod.
"Manager Mom."
"Correct."
Inalalayan ko siyang tumayo.
Kabaligtaran ng karaniwan.
Madalas...
Siya ang humahawak sa siko ko.
Siya ang nag-aadjust ng mga unan.
Siya ang naglalagay ng kamay sa ilalim ng tiyan ko habang bumabangon ako.
Ngunit ngayon...
Ako ang nakahawak sa kanyang braso.
Ako ang naghihintay bago kami gumawa ng susunod na hakbang.
Ako ang nagmamasid kung stable ang tayo niya.
"Slowly."
Mahina kong paalala.
"Accurate data?"
Tanong niya.
"Very accurate."
Ilang hakbang lamang ang pagitan ng workstation at kama.
Sadyang inilagay niya iyon malapit sa side niya upang kahit nagtatrabaho...
Nakikita niya pa rin ako.
Ngunit nang gabing iyon...
Parang napakalayo ng ilang hakbang na iyon para sa katawan niyang ilang gabi nang kulang sa pahinga.
Pagdating sa gilid ng kama...
Umupo siya agad.
Napayuko.
Hinaplos ko ang likod niya.
"Lie down."
"I'm okay."
"You're not."
Hindi siya nakipagtalo.
Iyon ang pinakamatibay na patunay na tama ako.
Umupo ako sa tabi niya.
Maingat dahil sa bigat ng tiyan ko.
Hinawakan ko ang mukha niya.
Sa ilalim ng mahina naming bedside lamp...
Mas malinaw ang pagod.
Namumula ang paligid ng mata.
May marka ng salamin sa ilong.
Magulo ang buhok.
At parang mabigat maging ang paghinga niya.
"Daddy..."
Mahina kong sabi.
"Look at me."
Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin.
"What are you trying to finish?"
Tanong ko.
"Work."
"That's not all."
Tahimik siya.
Hinintay ko lamang.
Hindi ko siya pinilit.
Hindi ko pinalitan ang katahimikan ng lecture.
Hanggang sa tuluyan siyang napabuntong-hininga.
"I'm scared I won't be prepared enough."
Iyon lang.
Maikli.
Direkta.
Ngunit ramdam ko ang lahat ng nasa likod nito.
Hinaplos ko ang pisngi niya.
"You are prepared."
"I can still miss something."
"Then we'll handle it together."
Napatingin siya sa tiyan ko.
"What if—"
"Rest is preparation too, Kiko."
Mahina kong pinutol.
Hindi para patahimikin siya.
Kundi para ibalik siya sa akin.
"Come here."
Hinila ko siya papunta sa kama.
Umupo siya, halatang mabigat ang katawan.
"Headache?"
"Yeah."
"Shoulder?"
"Still aches."
"Eyes?"
"Heavy."
Tahimik akong tumango.
Kilala ko na ang sagot na iyon.
Kinuha ko ang maliit na menthol ointment sa bedside drawer.
Binuksan ko iyon.
Agad kumalat ang malamig na amoy.
"Daddy, relax."
Mahina kong sabi.
Pinahiga ko siya nang bahagya.
Inilagay ko ang mga daliri ko sa noo niya.
Dahan-dahan.
Paikot.
Mula gitna pababa sa pagitan ng kilay.
Sinundan ko ang sinus line niya.
Pababa sa gilid ng ilong.
Paakyat sa temples.
Mahinang diin.
Eksaktong paraan na gusto niya.
Napapikit siya agad.
"More?"
Mahina kong tanong.
Bahagya siyang tumango.
Hinawakan ko ang buhok niya.
Marahang hinila.
Hindi masakit.
Sapat lang para ma-release ang tension.
Paulit-ulit.
Noo.
Temples.
Hairline.
Sinus.
Hanggang sa maramdaman kong bumagal ang paghinga niya.
"Daddy..."
Mahina kong bulong.
"Remove your shirt."
Hindi siya nagtanong.
Tahimik niyang hinubad iyon.
Pinahiga ko siya nang nakadapa.
Maingat.
Inayos ko ang unan sa ilalim ng dibdib niya.
Para hindi maipit ang paghinga.
Nilagyan ko ng kaunting ointment ang palad ko.
Pinainit ko iyon sa pagitan ng mga kamay ko.
Pagkatapos ay inilapat ko sa likod niya.
Diretso sa kaliwang shoulder blade.
Alam ko na.
Doon lagi.
Doon siya laging nagrereklamo.
"Frozen shoulder" daw.
Dahan-dahan kong pinisil ang muscle.
Paikot.
Pababa.
Paakyat sa leeg.
Mas madiin sa kaliwa.
Mas mabagal.
Mas intentional.
Napabuntong-hininga siya.
Mahaba.
Malalim.
"Like this?"
Mahina kong tanong.
"Yeah."
Tinuloy ko.
Mula shoulder blade.
Pababa sa kaliwang bahagi ng likod.
Paakyat ulit sa leeg.
Hinagod ko ang spine niya.
Pagkatapos ay bumalik sa masakit na bahagi.
Pinisil.
Hinagod.
Pinakawalan.
Unti-unting bumigat ang katawan niya.
Hindi na siya sumasagot.
Hindi na siya gumagalaw.
Tinapos ko ang masahe sa leeg niya.
Mahinang pressure.
Paikot.
Hanggang sa tuluyan siyang huminga nang pantay.
Nakatulog na siya.
Hindi pilit.
Hindi pagod na bagsak.
Kundi tulog na inalagaan.
Maingat kong hinila ang kumot.
Tinakpan ko ang likod niya.
Hanggang balikat.
Humiga ako muli sa tabi niya.
Maingat.
Dahan-dahan.
Isang kamay sa tiyan ko.
Ang isa ay hinanap ang kamay niya sa ibabaw ng kama.
Hinawakan ko iyon.
Mahigpit.
Parang ayaw ko siyang pakawalan.
Napapikit ako sandali.
At doon ko naramdaman ang bigat.
Hindi ng katawan ko.
Kundi ng puso ko.
Masakit sa damdamin na makita siyang ganoon kanina.
Kung gaano siya ka-ubos na.
Kung paano siya natutulog nang hindi niya pinipili.
Kung paano niya inuubos ang sarili niya para lang siguraduhin na okay kami.
Hinaplos ko ang kamay niya gamit ang hinlalaki ko.
Mabagal.
Paulit-ulit.
Parang pinapakalma ko rin ang sarili ko.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, Daddy..."
Mahina kong bulong.
Hindi galit.
Hindi reklamo.
Kundi puno ng lambing.
Alam ko kung bakit niya ginagawa lahat ng iyon.
Hindi dahil kailangan niyang patunayan ang sarili niya.
Hindi dahil may kulang.
Kundi dahil mahal niya kami.
Sobra.
Minsan... sobra pa sa kaya ng katawan niya.
Napangiti ako kahit may kirot sa dibdib ko.
"Thank you..."
Mahina kong sabi.
Para sa lahat ng gabing pinili niyang hindi matulog.
Para sa bawat detalye na hindi niya pinalampas.
Para sa bawat takot na hindi niya sinabi pero pinaghahandaan niya.
Para sa bawat paraan na pinipili niyang mahalin kami.
Mas inilapit ko ang kamay niya sa tiyan ko.
Parang instinct.
Parang gusto kong ipaalala sa kanya kahit tulog siya—
nandito kami.
Kasama niya.
Hindi niya kailangang mag-isa sa lahat ng iyon.
"I love you, Daddy..."
Mahina kong bulong.
"Pero hindi mo kailangang ubusin ang sarili mo para sa amin."
Bahagya siyang gumalaw sa tulog.
Dahan-dahan siyang lumapit sa likod ko, niyakap ako mula sa likuran.
Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko—ang posisyong lagi niyang hinahanap tuwing natutulog kami, para maramdaman ako.
Ramdam ko ang init ng hubad niyang dibdib na dumikit sa likod ko, pati ang banayad na tigas ng kanyang mga kalamnan habang nakayakap siya sa akin.
Marahan niyang hinalikan ang balikat ko.
At pagkatapos...
bumalik siya sa mahimbing na tulog.
Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.
At doon ko naramdaman—
kahit gaano siya kapagod...
kahit gaano siya kaubos...
bumabalik pa rin siya sa amin.
At iyon ang mas masakit.
At mas mahalaga.
Huminga ako nang malalim.
Unti-unting kumalma ang dibdib ko.
At sa wakas...
pinayagan ko rin ang sarili kong magpahinga.
Marahan kong pinikit ang mga mata ko.
Sa lahat ng gabing siya ang nagbantay sa akin...
Sa lahat ng oras na pinili niyang manatiling gising upang siguraduhing maayos kami...
Ngayon...
Ako naman.
Ako ang magbabantay sa kanya.
Ako ang hahawak sa kamay niya.
Ako ang magsisigurong hindi siya babalik sa workstation.
At ako ang magpapaalala—
Hindi siya mas mabuting asawa dahil ubos siya.
Hindi siya mas mabuting ama dahil hindi siya natutulog.
Hindi niya kailangang sirain ang sarili niya upang patunayang mahal niya kami.
Dahil alam na namin.
Ramdam na ramdam namin.
Sa bawat unan na inaayos niya.
Sa bawat basong tubig.
Sa bawat checkup.
Sa bawat tanong.
Sa bawat gabing binabantayan niya ang paghinga ko mula sa workstation.
Napangiti ako habang hinihimas ang kamay niya.
"I love you, Kiko."
Mahina kong bulong.
"Even when the night shift wins."
"Especially when it finally lets me bring you home to bed."
At sa tahimik na umagang iyon...
Habang nakapatay ang workstation at mahimbing na ang tulog ng lalaking pinakamamahal ko...
Naramdaman kong handa kami nang kaunti pa.
Hindi dahil may nadagdag sa listahan.
Kundi dahil natutunan naming ang paghahanda...
Ay hindi lamang paghawak sa isa't isa kapag may takot.
Minsan...
Ito rin ay ang pagmamahal na sapat ang tapang upang sabihing—
Tama na muna.
Halika rito.
Pahinga ka.
Ako naman ang hahawak sa'yo.




♥️