
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
What Labor May Ask From Us
☰ Chapters
Sabado ng gabi.
Mahimbing na ang tulog nina Hunter at Stella.
Katatapos lamang naming dalawa sa sariling paliligo.
Nasa kwarto kami ni Daddy.
Sarado ang pinto.
Mababa ang ilaw.
At sa gitna ng kama...
Nakalapag ang papel na ibinigay ni Dr. Angeles tungkol sa mga posibleng maranasan habang papalapit ang labor.
Hindi checklist.
Hindi schedule.
Kundi mga paalala.
Contractions.
Pressure.
Pagbaba ni Lyra.
Pagbuka ng cervix.
Pagbabago ng posisyon.
Pagkapagod.
Takot.
At ang posibilidad na hindi eksaktong masunod ang anumang planong ginawa namin.
Nakasandal ako sa headboard.
May unan sa likod.
May isa sa ilalim ng tiyan.
Si Daddy ay nakaupo sa tabi ko, ang isang kamay ay nakapatong sa hita ko habang tahimik na binabasa ang papel.
Mas maayos na ang itsura niya kaysa noong gabing nadatnan ko siyang tulog sa workstation.
Nakapagpahinga siya.
Hindi lubos.
Pero sapat upang bumalik ang linaw sa mga mata niya.
"Dr. Angeles said labor may feel different this time."
Mahina niyang sabi.
Tumango ako.
"Because one baby lang ngayon."
"And because your body has experienced labor before."
Dagdag niya.
"But that doesn't mean it will be easy."
Napatingin ako sa kanya.
"Or predictable."
Tumango siya.
"Exactly."
Hinawakan ko ang tiyan ko.
Gumalaw si Lyra sa ilalim ng palad ko.
Isang mabagal na pag-unat.
Parang wala siyang pakialam sa seryosong usapan ng mga magulang niya.
"She might come faster than the twins."
Sabi ko.
"Possibly."
"Or slower."
"Also possible."
Napangiti ako nang bahagya.
"So the accurate answer is—"
"We don't know."
Sabay naming sinabi.
Napatawa kami nang mahina.
Ngunit agad ding bumalik ang katahimikan.
Hindi mabigat.
Totoo lamang.
"Daddy..."
"Hm?"
"What do you think labor will ask from me?"
Hindi siya sumagot agad.
Tiningnan niya ang tiyan ko.
Pagkatapos ang mukha ko.
"Everything you can give."
Mahina niyang sagot.
"Your strength."
"Your patience."
"Your breathing."
"Your trust in your body."
"Maybe your tears."
"Maybe your voice."
"Maybe moments when you think you have nothing left."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"But never your dignity."
Napalunok ako.
Naalala ko ang labor sa kambal.
Ang sakit na parang walang pahinga.
Ang paulit-ulit na examinations.
Ang pakiramdam ng katawan kong hindi na kayang itago ang anumang bahagi nito.
Ang paulit-ulit kong pagbuka ng mga hita ko dahil kailangan.
Ang sakit sa paulit kong pagtuwad at pagindayog ng aking balakang habang sinusubukan kong sundan ang bawat contraction.
Ang pakiramdam ng paulit-ulit na pag-check sa aking pwerta—mga kamay na sumusukat, sumusuri, naghahanap ng progreso.
At sa gitna ng lahat ng iyon...
Ang sandaling ang aking katawan ay hindi na lamang akin.
Ang sandaling ang aking pwerta ay naging daan—isang pintuan para sa pagdating nila sa mundong ito.
Ang pag-ire kahit pakiramdam ko ay wala nang natitirang lakas.
At ang boses ni Daddy sa tabi ko.
May bahid ng takot.
Halos hindi maitago.
Ngunit pilit niyang pinapakalma ang sarili niya sa bawat contraction ko.
"You're doing good, Mom... breathe... that's it..."
Mahina ngunit matatag.
Paulit-ulit.
Sa bawat pag-ire ko, naroon siya—
"Push, Cha... you can do it... I'm here..."
Kahit nanginginig ang boses niya sa ilalim ng kontrol.
Kahit ramdam kong natatakot siya para sa akin.
Hindi niya iyon hinayaang maging hadlang.
Nanatili siya.
"I might not be calm."
Mahina kong sabi.
"You don't have to be."
"I might cry."
"I'll wipe your tears."
"I might shout at you."
Bahagya siyang ngumiti.
"I'll evaluate whether the criticism is clinically relevant later."
Napatawa ako.
"Daddy."
"I'm serious."
Hinaplos niya ang likod ng kamay ko.
"You don't need to protect my feelings while you're in labor."
"You only need to tell me what you need."
Dahan-dahan niyang itinaas ang dalawang kamay niya sa harap ko.
Ipinakita ang mga palad.
Ang mga pulso.
Tahimik.
Ngunit may laman ang kilos.
"Mommy..."
Mahina niyang tawag.
Napatingin ako sa kanya.
"Just like before."
Mas lumapit siya.
Inilapit ang mga kamay niya sa akin.
"Hold onto these hands."
Bahagya niyang inikot ang pulso niya, parang inaalala ang dati.
"And these wrists."
Napalunok ako.
Naalala ko.
Kung paano ko siya hinawakan noon.
Kung paano ko halos durugin ang kamay niya sa bawat contraction.
Kung paano namula ang balat niya.
Kung paano siya hindi bumitaw.
"I won't care how red this will be again."
Mahina ngunit matatag niyang sabi.
Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
"But I know..."
Bahagya siyang yumuko, halos magdikit ang noo namin.
"If you hold onto something as strong as this..."
Dahan-dahan niyang pinisil ang kamay ko.
"You can survive the labor."
Isang sandali.
Isang paghinga.
"And give birth to Lyra."
Napapikit ako.
Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.
At sa simpleng alok na iyon—
Hindi lang lakas ang ibinigay niya.
Kundi pahintulot na kumapit.
At hindi bumitaw.
Napatingin ako sa kanya.
"And what will labor ask from you?"
Huminga siya nang malalim.
"To stay."
Direkta niyang sagot.
"To listen."
"To not panic when you're in pain."
"To know when to speak and when to stop talking."
"To let the medical team do their work."
"And to remember that your labor is not something I can solve."
Sandali siyang tumahimik.
"I can only go through it beside you."
Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.
"That's enough."
"I hope so."
"It was enough before."
Napatingin siya sa akin.
"You were there when I delivered Hunter."
"You were there when I delivered Stella."
"Even when you were terrified."
"Even when I was exhausted."
"Even when everything felt too much."
Huminga ako nang malalim.
"I still found you."
Bahagya siyang umatras, ngunit hindi binitiwan ang kamay ko.
May kakaibang lambing sa mga mata niya—may halong alaala, may halong biro.
"Cha..."
Mahina niyang tawag.
Napatingin ako sa kanya.
"Diba you just asked one thing when the labor started before?"
Napakunot ang noo ko, pero agad ding bumalik ang alaala.
Mahina akong tumango.
"'Never leave.'"
Mahina kong sagot.
Ngumiti siya.
Yung pamilyar na ngiti niya—yung may konting yabang, pero mas nangingibabaw ang lambing.
"Here I am, Charlotte."
Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
"Still here."
Bahagya siyang ngumiti ulit, mas playful ngayon.
"Still your handsome husband."
Napalunok ako.
Hindi ko napigilang ngumiti kahit bahagya.
"You safely gave birth already with the twins."
Patuloy niya, mas malambot ang boses.
"You went through postpartum..."
Bahagya niyang hinaplos ang likod ng kamay ko.
"All those sleepless nights just so they could grow."
Napatingin siya sa pinto, kung saan natutulog ang kambal.
"And now look at them."
Mahina siyang natawa.
"Curious kids."
Napangiti ako.
"Last time..."
Bumalik ang tingin niya sa akin.
"We just knew you were pregnant again."
Bahagya siyang umiling, parang hindi pa rin makapaniwala.
"But now..."
Dahan-dahan niyang inilapit ang noo niya sa noo ko.
"Soon you're giving birth to Lyra."
Tahimik akong napapikit.
Ramdam ko ang init ng hininga niya.
Ang bigat ng mga salitang hindi kailangang ipilit.
"and I'm still here, Cha"
Mahina niyang sabi.
Pagmulat ko ng mata...
Nandoon siya.
Nakatingin sa akin.
Yung playful at guwapong ngiti—
Pero sa ilalim noon...
Buong-buo ang pangako.
Hindi siya aalis.
Lumapit siya.
Hinalikan ang noo ko.
Pagkatapos ang labi ko.
Mabagal.
Malambing.
Nanatili ang noo niya sa noo ko.
"You will never have to look for me, because I am just here."
Mahina niyang sabi.
"That's a promise, okay?"
Muling gumalaw si Lyra.
Mas mababa ngayon.
Napahawak ako sa ilalim ng tiyan ko.
Agad bumaba ang tingin niya.
"Pressure?"
"A little."
"Pain?"
"No."
Inilagay niya ang palad sa ilalim ng tiyan ko upang suportahan ang bigat.
"Breathe."
Sabay kaming huminga.
Mabagal.
Papasok.
Papalabas.
Ilang segundo lamang...
Gumaan ang pressure.
"That."
Mahina kong sabi.
"What?"
"That's what I need."
Hinawakan ko ang kamay niyang sumasalo sa tiyan ko.
"Not perfect answers."
"Not every possible scenario."
"Just you noticing."
"You holding me."
"You reminding me to breathe."
Tumango siya.
"Then that's what I'll do."
Inayos niya ang mga unan at tinulungan akong humiga sa kaliwang tagiliran.
Humiga siya sa likod ko.
Ang kaliwang braso ay ipinalibot sa baywang ko.
Ang kamay ay inilagay sa ibabaw ng tiyan.
Agad sumipa si Lyra.
Napangiti siya laban sa balikat ko.
"She has an opinion again."
"She always does."
Napatawa siya nang mahina.
"Nothing to doubt there."
Bahagya niyang hinaplos ang tiyan ko.
"She's definitely my child."
Napatingin ako sa kanya, nakataas ang kilay.
"Excuse me?"
Ngumiti siya, yung tipong alam niyang aasarin niya ako.
"That attitude? The timing? The way she kicks exactly when she wants attention?"
Bahagya siyang natawa.
"That's all me."
Napailing ako, pero hindi ko napigilang ngumiti.
"Wow, ang yabang."
"Just stating observable facts."
Dagdag niya, kunwari seryoso.
Napatawa ako nang mahina habang hinahaplos ang tiyan ko.
"Lyra, narinig mo 'yan?"
Mahina kong sabi.
"Your daddy is already claiming you."
Agad siyang sumipa.
Napatawa kami pareho.
"See?"
May halong tuwa ang boses niya.
"Confirmed."
Tahimik kaming nanatili roon.
Wala nang binasang papel.
Wala nang dinagdag na notes.
Hindi namin kailangang sagutin lahat ng maaaring mangyari.
Dahil kahit gaano karami ang alam namin...
May bahagi ng labor na kailangan lamang naming harapin sa sandaling dumating iyon.
Contractions.
Breathing.
Pagbabago ng potitions.
Pag-ire.
Isang sandali sa bawat pagkakataon.
Hindi ko alam kung ano ang hihingin ng panganganak sa katawan ko.
Hindi ko alam kung gaano kasakit.
Kung gaano katagal.
Kung gaano karaming beses kong sasabihing hindi ko na kaya.
Pero alam kong hindi ako haharap doon nang mag-isa.
May lalaking mananatili sa tabi ko.
Hindi para alisin ang sakit.
Kundi para ipaalala sa akin na ligtas ako habang dinaraanan ko iyon.
Hinawakan ko ang kamay niya sa tiyan ko.
"Daddy?"
"Hm?"
"When I say I can't..."
Hinalikan niya ang balikat ko.
"I'll remind you that you only need to do the next breath."
"And the next contraction."
"And the next push."
Napapikit ako.
"Good... and Daddy?"
Mahina kong dagdag, mas lumambot ang boses ko habang hinahaplos ang kamay niya.
"Thank you... for staying... for choosing me every time."
Bahagya akong lumingon para masilip siya.
"I love you... so much."
Unti-unting bumigat ang yakap niya sa likod ko.
Mas naging mabagal ang paghinga.
Ngunit bago siya tuluyang makatulog...
Narinig ko ang mahina niyang bulong.
"Whatever labor and giving birth asks from us..."
Mas inilapit niya ako sa dibdib niya.
"We'll answer together."
At sa ilalim ng kamay niya...
Marahang gumalaw si Lyra.
Parang tahimik na paalala—
Malapit na.
Ngunit hindi pa namin kailangang harapin ang lahat ngayong gabi.
Sa ngayon...
Sapat nang magpahinga.
Magkahawak.
Magkasama.




♥️