📖 0%
Until We Became Five
Love StoryFamilyComedyDramaFriendship

Until We Became Five

✍️ By AlphaRomantiko
📖 General•Ongoing•Oct 2, 2026
ⓘ
Love Story•Family•Comedy•Drama•Friendship•⚠ Giving Birth, Intimacy
Charlotte "Cha" Tiu-Tolentino thought she already understood what motherhood meant after giving birth to her fraternal twins, Hunter Orion and Stella Athena. But when she and her husband, Francis "Kiko" Tolentino, discover they are expecting another child, they soon realize that no two pregnancies are ever the same.

As Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.

More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.

Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
📅 September 21, 2026👁 167 total reads📖 Chapter 37 of 60⏱ 11 min read
CHAPTER 37 OF 60

The Final Month

☰ Chapters
📖 Reading progress: 37 of 60 chapters · 62%
f Facebook

Nagsimula ang ika-siyam na buwan.

Mas mababa na ang pwesto ni Lyra.

Mas mabagal na ang bawat hakbang ko.

Mas madalas na ring naninigas ang tiyan ko dahil sa Braxton Hicks.

Sa bahay...

Patuloy pa rin naming ginagawa ni Daddy ang mga breathing exercises.

Minsan ay sa gilid ng kama.

Minsan ay nakatuwad ako habang nakaluhod—habang nakalabas ang aking puwitan pati ang namamaga kong pwerta—marahang iniindayog ang balakang para maibsan ang bigat at pressure sa ibaba, ramdam ang paninikip at pagod ng katawan habang unti-unting nararamdaman na bumababa na talaga si Lyra.

Minsan ay sapat na ang magkahawak-kamay habang sabay kaming humihinga.

Hindi na namin kailangang isipin kung tama ba ang bawat galaw.

Natutunan na ng katawan ko.

At sa bawat araw...

Mas malinaw na sa aming dalawa.

Malapit na.

Kasabay ng paglapit ng araw na iyon...

May unti-unti ring nagbabago sa loob ng bahay.

Hindi dahil gusto namin.

Kundi dahil kailangan.

Lately...

Hindi na ako ang nagbabasa ng bedtime stories.

Kapag sumasakit na ang likod ko sa gabi...

Hindi na iyon simpleng kirot lang.

Minsan ay bigla na lang akong napapahinto sa gitna ng paglalakad.

Napakakapit sa gilid ng kama.

Napapapikit habang pinipigilan ang luha.

"Daddy..."

Mahina kong tawag, halos pabulong.

At agad siyang lalapit.

Agad akong aalalayan.

Hahawakan ang likod ko.

Marahang minamasahe habang pinapaalala ang paghinga.

"Breathe, Cha... inhale... exhale..."

Minsan ay hindi ko na napipigilan.

Napapaluha na ako sa sakit.

At siya...

Hindi umaalis sa tabi ko.

Hanggang sa unti-unting humupa ang kirot.

Hanggang sa makabalik ako sa paghinga.

Hanggang sa makaupo ako nang maayos.

At sa mga gabing ganoon...

Ako na mismo ang humihingi ng paumanhin sa kambal.

"I'm sorry, babies."

"Mommy needs to rest tonight."

Ngumingiti sila, pero may bahid ng lungkot sa mga mata.

"It's okay, Mommy."

"We wait."

Saglit silang lalapit, yayakap nang mahigpit, parang ayaw bumitaw agad.

Si Daddy naman...

Halos hindi na umaalis sa tabi ko.

Sa tuwing sumasakit ang tiyan ko...

Sa tuwing bigla akong napapahinto...

Nandoon siya agad.

Handang sumalo.

Handang umalalay.

Handang magpaalala kung paano huminga.

Kahit madaling-araw pa iyon.

Kahit ilang beses na kaming nagising sa isang gabi.

Pinipili niyang manatili.

Dahil alam niyang kailangan ko siya.

Pero sa mga sandaling kaya ko pang tiisin ang sakit...

Kapag nakakahinga na ako nang maayos...

Kapag nakakatulog na ako kahit saglit...

Doon naman siya bumibigay.

Tahimik.

Biglaan.

Dahil sa sobrang pagod.

May mga pagkakataong naaabutan ko siyang nakatulog sa workstation.

Nakahawak pa rin sa mouse.

Nakabukas ang laptop.

May mga files na hindi pa tapos.

Mga clients na kailangan niyang asikasuhin para sa paparating na gastos sa panganganak ko.

Minsan naman...

Sa sofa siya nakakatulog.

Nakaupo lang.

Nakahilig ang ulo sa sandalan.

Hawak pa rin ang phone.

Parang hindi na niya namalayang nakapikit na pala siya.

At may mga gabing...

Habang sinasagot niya ang tanong ng kambal...

Bigla na lang siyang hihiga sa tabi ko.

Ilalapag ang ulo niya sa hita ko.

Patuloy pa ring nagsasalita.

"Because the moon reflects the sun's light..."

Hanggang sa unti-unting bumagal ang boses niya.

Hanggang sa tuluyan siyang makatulog.

Tahimik lang sina Hunter at Stella sa mga sandaling iyon.

Hindi sila nagrereklamo.

Hindi sila nanggugulo.

Minsan ay sila pa ang maghihinaan ng boses.

"Daddy is tired."

"Let him sleep."

Sa halip na magbasa ng kwento...

Naglalagay na lang siya ng video bedtime stories sa TV kapag hindi na niya kaya.

Inaayos ang volume.

Hinahalikan ang noo ng kambal.

"I'm just beside Mommy, okay?"

At kahit pagod na pagod na siya...

Sinisigurado pa rin niyang maramdaman ng kambal na nandiyan siya.

Sa ibang paraan man.

Tumatango ang dalawa.

"Okay, Daddy."

Sa sala...

Mas madalas ko silang makita na sila-sila na lamang ang naglalaro.

Ginagamit ang educational toys na ilang taon naming unti-unting binili ni Daddy.

May wooden puzzles.

May space cards.

May magnetic letters.

May building blocks.

Paminsan-minsan...

Naririnig ko si Hunter.

"Let's observe."

At si Stella naman.

"What do you think?"

Parang kami lang din.

Tahimik silang natututo.

Tahimik silang naghihintay.

Ngunit paminsan-minsan...

Napapatingin sila sa kwarto.

Parang umaasang lalabas kami.

Na sasagot ulit si Daddy.

Na magbabasa ulit si Mommy.

At sa tuwing nakikita ko iyon...

Parang may kumikirot sa dibdib ko.

Nang gabing iyon...

Tahimik ang buong apartment.

Mahimbing na ang tulog ng kambal.

Nasa kwarto kami ni Daddy.

Pareho kaming gising.

Pareho ring hindi nagsasalita.

Nakapulupot ang kanang braso ni Daddy sa akin, nakasandal ang likod ko sa dibdib niya habang nakaupo kami sa kama, ramdam ko ang init at tibok ng puso niya na nagsisilbing sandalan sa sumasakit kong likod, magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

"Daddy..."

Mahina kong tawag.

"Hm?"

Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming linggo...

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin ko.

"They're waiting for us."

Mahina kong sabi.

Hindi niya agad tinanong kung sino.

Alam na niya.

"Sina Hunter at Stella."

Tumango siya.

"I know."

Mahina rin ang sagot niya.

"They're trying so hard to understand."

Dagdag ko.

"They never complain."

"They entertain themselves."

"They wait."

"They always wait."

Naramdaman kong nangilid ang luha ko.

"And I hate that they have to."

Tahimik lang si Daddy.

Nakayuko.

Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

Hanggang sa siya na rin ang unang napaluha.

"I've noticed it too."

Paos niyang sabi.

"I answer less."

"I carry them less."

"I spend more time watching you."

"I keep checking if you're okay."

Napapikit siya.

"And every time I do..."

"I feel guilty."

Tumulo ang unang luha ko.

Hindi ko na napigilan.

"Me too."

Mahina kong sabi.

"I miss them even while they're inside the same house."

Tahimik kaming umiyak.

Walang humahagulhol.

Walang malakas na hikbi.

Mga luhang dahan-dahang bumabagsak lamang.

Luhang pareho naming matagal nang kinikimkim.

Matagal bago muling nagsalita si Daddy.

"Cha..."

"Hm?"

"I think..."

Huminto siya.

Parang kahit ang mga salita ay masakit bitawan.

"I think it's time."

Alam ko na agad.

Hindi ko na kailangang tanungin.

"Mama."

Mahina kong sabi.

Tumango siya.

"Just for a while."

"Until Lyra arrives."

"And until we settle."

Napahawak ako sa tiyan ko.

Parang biglang mas bumigat.

"I don't want them away from us."

"I know."

Mahina niyang sagot.

"I don't want to miss breakfast."

"I know."

"I don't want to miss bedtime."

"I know."

"I don't want them thinking we're replacing them."

Bigla niyang hinawakan ang mukha ko.

"Never."

Mahigpit ang boses niya.

"Never."

"They will know."

Dagdag niya habang pinupunasan ang luha ko.

"We'll explain everything."

"We'll tell them this is temporary."

"We'll tell them Mommy needs to give birth safely."

"We'll tell them Daddy will come back."

"We'll tell them we'll fetch them."

"We'll tell them they're still our babies."

Napaiyak ako nang tuluyan.

"Daddy..."

Mahina kong tawag.

"I don't want them to feel lonely."

Napaluha rin siya.

"I don't either."

Tahimik niyang isinandal ang noo niya sa noo ko.

"I already miss them."

Mahina niyang inamin.

"They're still here."

Sabi ko sa pagitan ng hikbi.

"I know."

"That's the painful part."

"And it hurts that we've come to this point... where it feels like we have to choose."

Napapikit siya, mas lalong bumigat ang boses.

"Like we have to sacrifice being with them just to make sure everything will be okay."

Huminga siya nang malalim, nanginginig.

"Sometimes I ask myself... if I'm being selfish."

"Selfish for not giving them enough time."

"Selfish for always choosing to stay beside you instead of playing with them."

Napatingin siya sa akin, puno ng sakit ang mga mata.

"Am I failing them, Cha?"

Hinawakan ko ang mukha niya, marahan.

"No."

Mahina pero matatag kong sagot.

"You're not failing them."

"You're loving them the best way you can right now."

"You're choosing what will keep all of us safe."

"You're choosing to be here because I need you... and because Lyra needs you."

Napaluha ako habang nakatingin sa kanya.

"And they will understand that."

"Maybe not perfectly... maybe not right away..."

"But they will feel it."

"They will know you never stopped choosing them."

Tahimik kaming umiyak.

Hindi dahil gusto naming ipadala ang kambal kay Mama.

Kundi dahil alam naming iyon ang pinakaligtas.

Kapag nagsimula ang labor...

Hindi namin alam kung gaano katagal kami mawawala.

Hindi namin alam kung ilang oras akong manganganak.

Hindi namin alam kung kailan kami makakauwi.

At sa panahong iyon...

Hindi namin kayang hatiin ang sarili namin.

Mas lalo akong umiyak.

"I feel guilty."

Hindi niya ako pinigilan.

Hindi niya sinabing huwag.

Hinayaan niya akong maramdaman iyon.

Pagkatapos ay hinigpitan niya ang yakap niya sa akin, mas inilapit ako sa dibdib niya habang marahan niyang hinahaplos ang likod ko, ang isang kamay niya ay dahan-dahang bumaba sa tiyan ko para suportahan si Lyra.

"Ssshh..."

Mahina niyang bulong malapit sa tenga ko.

"There's nothing to be guilty about."

"We're doing our best for all of them... three."

Niyakap ko rin siya.

Halos hindi ko na siya makita dahil sa luha.

"I'm scared they'll think we left them."

Humawak siya sa magkabilang pisngi ko.

"I think this is the right time to trust them, Mommy."

Mahina pero matatag ang boses niya, kahit nanginginig.

"To trust what their minds are capable of..."

Napapikit siya sandali, parang pinipilit maging matapang.

"Mommy... they are smartyheads like us."

Bahagya siyang ngumiti kahit may luha.

"Maybe let's hold on to that?"

"Let's hope that they will understand."

Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

"Mommy, they inherit their minds from us."

"So maybe they will..."

Huminga siya nang malalim, saka tumingin diretso sa mga mata ko.

"And I see that they both love us... and even Lyra."

Napahikbi ako, mas lalo akong napalapit sa kanya.

"I know..."

Mahina kong sagot, nanginginig.

"I know they're smart... I see it every day..."

Hinawakan ko ang kamay niya, mahigpit.

"But they're still our babies..."

"They're still so little..."

Napapikit ako, tumulo ang luha.

"I'm just scared that even if they understand... it will still hurt them."

Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili.

"But... if you believe in them..."

Tumingin ako sa kanya, puno ng tiwala at pagmamahal.

"Then I'll believe in them too."

Hinawakan ko ang mukha niya, marahan.

"We raised them with love... with honesty..."

"So maybe... they'll feel that."

Napangiti ako kahit umiiyak.

"And maybe... they'll wait for us not because they have to..."

"But because they know we're coming back."

Tahimik ulit.

Mahaba.

Masakit.

"Daddy?"

"Hm?"

"Promise me..."

"What?"

"The moment Lyra is safely born..."

Hindi ko naituloy agad.

Napahikbi ako.

"Bring our babies home."

Hindi na niya napigilan ang sarili niya.

Tumulo rin ang mga luha niya.

"You don't even have to ask me that..."

Paos niyang sabi, nanginginig ang boses habang umiiyak.

"Immediately, Charlotte."

Mas hinigpitan niya ang hawak sa akin, halos hindi na niya mapigilan ang hikbi.

"I promise."

"I'll bring Hunter home."

"I'll bring Stella home."

"I'll introduce them to their little sister."

"And we'll all come home together."

Hinawakan niya ang tiyan ko, kasabay ng kamay ko, ngunit bago pa man kami tuluyang kumalma, marahan niyang hinila ang mukha ko palapit sa kanya.

Nagtagpo ang mga labi namin.

Mabagal.

Mahaba.

Isang halik na may kasamang luha.

Ramdam ko ang panginginig niya.

Ramdam niya ang paghigpit ko sa kanya.

Hindi iyon simpleng halik.

Hindi iyon pagmamadali.

Bawat pagdikit ng labi namin ay parang panata.

Bawat pagbalik ng halik ay parang bulong na hindi na kailangang sabihin nang malakas.

"We'll be fine."

"I am here."

"I promise."

Paulit-ulit.

Hanggang sa halos mawalan kami ng hininga.

Hanggang sa pareho kaming napapikit, umiiyak pa rin habang magkadikit ang noo.

Parang lima kaming naroon sa yakap na iyon.

Ako.

Siya.

Si Lyra.

At ang dalawang batang tahimik na natutulog, may lungkot sa puso dahil nami-miss ang Mommy at Daddy nila.

Hindi ito katulad ng unang pagbubuntis ko.

Noon, kami lang ni Daddy ang iniisip namin.

Walang ibang pusong kailangang bantayan.

Walang ibang batang kailangang paliwanagan kung bakit may mga gabing hindi kami makapagkwento o makasagot sa mga tanong.

Ngayon...

May A-hiya at Achi na.

May dalawang batang marunong nang maghintay.

Marunong nang umintindi.

Pero marunong na ring masaktan.

At kahit anong pilit naming maging maingat...

May mga pagkakataong masasaktan pa rin sila.

Hindi dahil pinili namin iyon.

Kundi dahil pinipili naming maging ligtas silang lahat.

Dahil mahal namin sila nang sobra.

At may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng kahit anong bedtime story na binabasa ko.

May mga tanong na kahit si Daddy, hindi kayang sagutin nang buo.

May mga bagay na hindi tinuturo.

Hindi sinasabi.

Kundi nararamdaman lang.

Mas hinigpitan ni Daddy ang yakap niya.

"I already miss them."

Mahina niyang bulong.

Umiyak akong muli.

"Me too."

At sa tahimik na gabing iyon...

Hindi namin pinag-usapan ang hospital bag.

Hindi namin pinag-usapan ang contractions.

Hindi namin pinag-usapan ang labor.

Ang ikinalungkot namin...

Ay ang ilang gabing pansamantala kaming hindi magkakatabi ng kambal.

Isang maliit na paghihiwalay.

Na alam naming kailangan.

Ngunit hindi kailanman magiging madali.

Sa pagitan ng mga luha...

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Let's bring Lyra home safely."

Mahina kong sabi.

Pagkatapos...

Napatingin ako sa pinto ng kwarto.

"And then..."

Napangiti ako kahit umiiyak.

"We bring our whole family back together."

Mahigpit niya akong niyakap.

"Together."

"Always together."

At sa gabing iyon...

Pareho naming nalaman na ang pinakamahirap na paghahanda bago ang panganganak...

Ay hindi ang takot sa labor.

Kundi ang pansamantalang pagpapaalam sa dalawang batang unang nagturo sa amin kung paano maging Mommy at Daddy.

Reader Community

Comments 1

Comments are reviewed before appearing publicly.
C
CarlSep 21, 2026

♥️

Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat →