📖 0%
Until We Became Five
Love StoryFamilyComedyDramaFriendship

Until We Became Five

✍️ By AlphaRomantiko
📖 General•Ongoing•Oct 2, 2026
ⓘ
Love Story•Family•Comedy•Drama•Friendship•⚠ Giving Birth, Intimacy
Charlotte "Cha" Tiu-Tolentino thought she already understood what motherhood meant after giving birth to her fraternal twins, Hunter Orion and Stella Athena. But when she and her husband, Francis "Kiko" Tolentino, discover they are expecting another child, they soon realize that no two pregnancies are ever the same.

As Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.

More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.

Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
📅 September 21, 2026👁 179 total reads📖 Chapter 39 of 60⏱ 13 min read
CHAPTER 39 OF 60

The First Night Without Them

☰ Chapters
📖 Reading progress: 39 of 60 chapters · 65%
f Facebook

Unang gabi namin sa bahay nang wala sina Hunter at Stella.

Bedtime na.

Ngunit walang batang kailangang paliguan ni Daddy.

Walang maliliit na damit na inilatag sa kama.

Walang basang buhok na kailangan niyang patuyuin.

Walang dalawang pares ng paa na tatakbo sa hallway habang sinasabihang—

"Slowly, microbots."

Walang magtatanong kung anong kuwento ang babasahin ko.

Walang hihiling na—

"Both Mommy and Daddy."

Walang sisiksik sa pagitan namin para sa huling yakap bago matulog.

Tahimik ang apartment.

Napakatahimik.

At sa unang pagkakataon...

Hindi nakaginhawa ang katahimikan.

Masakit iyon.

Parang may dalawang mahahalagang tunog na biglang tinanggal sa bahay.

Dalawang boses.

Dalawang tawag ng—

"Mommy."

"Daddy."

Dalawang batang madalas naming sinasabihang hinaan ang boses...

Na ngayon ay gagawin namin ang lahat marinig lamang silang muli sa kabilang kwarto.

Katatapos lamang ng video call namin kay Mama.

Nabasa ko ang bedtime story nila sa phone.

Ginamit ko ang parehong boses.

Ang parehong expressions.

Ang parehong lambing.

Tinapos ko sa parehong paraan—

"And they all went home safely."

Ngunit nang sabihin kong—

"Goodnight, babies."

Hindi ko sila nahalikan sa noo.

Hindi ko sila nayakap.

Hindi ko naayos ang kumot nila.

Screen lamang ang nasa harap namin.

Dalawang munting mukha na pilit ngumiti habang sinasabing—

"Goodnight, Mommy."

"Goodnight, Daddy."

Pagkatapos mawalan ng ilaw ang screen...

Nanatili kaming nakaupo ni Daddy sa kama.

Hindi siya nagsalita.

Hindi rin niya ibinaba agad ang phone.

Tinitigan lamang niya ang madilim na screen na para bang kapag naghintay siya nang sapat...

Babalik ang mukha ng mga anak namin.

Hindi pa talaga tumigil sa pag-iyak si Kiko mula nang makauwi kami.

Minsan ay tuloy-tuloy ang luha.

Minsan naman ay humihinto nang ilang minuto.

Ngunit sapat lamang ang isang bagay upang bumalik iyon.

Isang block sa sahig.

Ang dalawang baso ng kambal sa kitchen counter.

Ang maliit na towel ni Hunter na nakasabit pa sa banyo.

Ang hair clip ni Stella sa gilid ng sofa.

Ang nakabukas na space book na hindi niya natapos basahin sa kanila.

Pagpasok pa lamang namin kanina...

Tiningnan niya agad ang kwarto ng kambal.

Hindi niya binuksan ang ilaw.

Tumayo lamang siya sa may pintuan.

Tumingin sa dalawang kama.

Sa mga unan.

Sa mga stuffed toys na hindi nila naisama.

Sa night lamp na hindi na kailangang buksan.

At pagkatapos...

Tahimik niyang isinara muli ang pinto.

Ngunit nang humarap siya sa akin...

Basa na naman ang mukha niya.

Ngayon...

Nasa gilid siya ng kama.

Nakayuko.

Nasa magkabilang tuhod ang mga siko.

Nakatakip ang mga kamay sa mukha.

Tahimik na nanginginig ang mga balikat niya.

Umupo ako sa likod niya.

Mabagal.

Maingat sa tiyan kong mababa na ang bigat.

Ipinatong ko ang kamay ko sa likod niya.

"Daddy..."

Hindi siya sumagot.

Hinaplos ko ang pagitan ng mga balikat niya.

Mula sa leeg.

Pababa.

Paulit-ulit.

"Kiko."

Mahina kong tawag.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kamay niya.

Namumugto ang mata.

Namumula ang ilong.

Basang-basa ang pisngi.

Hindi ko na matandaan kung kailan ko siya huling nakitang umiyak nang ganito katagal.

Hindi noong mga sugat niya.

Hindi noong hindi niya maigalaw ang kanan niyang kamay.

Hindi noong natatakot siyang baka hindi na siya makapagtrabaho nang maayos.

Ngayon lamang.

Ngayong pansamantala naming kinailangang bitawan ang dalawang batang araw-araw naming kasama.

"I'm sorry, Cha."

Paos niyang sabi.

Napakunot ang noo ko.

"For what?"

Hindi siya agad tumingin sa akin.

Sa sahig lamang.

Sa bakanteng bahagi ng kwarto.

"Because I couldn't manage anymore."

Nanginginig ang boses niya.

"If only I can..."

Napapikit siya sandali.

"Then they don't have to be away from us... even for a while."

Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib ko.

Agad kong hinawakan ang mukha niya.

"Look at me."

Umiling siya.

"Daddy."

Marahan ngunit matatag kong tawag.

"Look at me."

Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin.

At sa sandaling nagtagpo ang mga mata namin...

Muling bumagsak ang luha niya.

"You needed me."

Sabi niya.

"Lyra needs me."

"The twins needed me too."

"But every time they asked something..."

Napapikit siya.

"I was already checking your pain."

"Every time they wanted to play..."

"I was helping you stand."

"Every time they waited for an answer..."

"I was too exhausted to finish it."

Napalunok siya.

"And now they're sleeping somewhere else because I couldn't keep doing everything."

"No."

Agad kong sagot.

Ngunit mas lalo siyang umiyak.

"I should have managed it."

"Hindi, Kiko."

"I used to."

Basag ang boses niya.

"I used to take care of them while you worked."

"I used to answer every question."

"I used to sit with them for hours."

"I used to carry both of them."

"I used to—"

"Because our needs were different then."

Mahina ngunit buo kong putol.

Hindi siya nakasagot.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

Pinunasan ang luha gamit ang mga hinlalaki ko.

"You are still taking care of us."

Mahina kong sabi.

"All of us."

Umiling siya.

"They're with Mama."

"Because you took care of them enough to recognize when they needed more than we could safely give here."

Napatingin siya sa akin.

Mas lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya.

"That is care, Daddy."

"Not failure."

Nanginginig pa rin ang labi niya.

"But I sent them away."

"We asked Mama to hold them for us."

Pagwawasto ko.

"We did not throw them away."

"We did not choose to stop being their parents."

"We did not decide they were too much."

"We chose a safe pair of arms because right now..."

Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay sa mababa kong tiyan.

"The need is bigger than two people can physically answer at once."

Saktong gumalaw si Lyra sa ilalim ng palad niya.

Mababa.

Mabigat.

Napasinghap ako nang bahagya.

Agad nagbago ang mukha niya.

"Pressure?"

Tumango ako.

"A little."

Automatic niyang inilagay ang kabilang kamay sa ilalim ng tiyan ko.

Sinupportahan ang bigat.

"Lean back."

Mahina niyang sabi.

Inalalayan niya ako hanggang makasandal ako sa dibdib niya.

Isang braso niya ang nakapalibot sa akin.

Ang dalawang palad ay sumasalo kay Lyra.

"Slow breath."

Sabay kaming huminga.

Papasok.

Papalabas.

Hanggang sa unti-unting gumaan ang pressure.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"See?"

Mahina kong sabi.

Napatingin siya sa akin.

"You're taking care of me."

Hinaplos ko ang palad niya sa tiyan ko.

"You're taking care of Lyra."

Pagkatapos ay itinuro ko ang phone sa tabi namin.

"You called Mama three times to check if Hunter drank his milk."

Bahagyang nanginig ang labi niya.

"And twice to ask if Stella's blanket was warm enough."

Napaluha siyang muli.

"You're still taking care of them."

"But not with my own hands."

Mahina niyang sagot.

"No."

Umamin ako.

"Not tonight."

Hindi ko siya binigyan ng maling comfort.

Hindi ko sinabing pareho lang iyon.

Dahil alam kong hindi.

Ang pag-aalaga sa phone ay hindi kapalit ng paghawak.

Ang video call ay hindi kapalit ng paghalik sa noo.

Ang update mula kay Mama ay hindi kapalit ng makita niyang ligtas na natutulog ang mga anak niya.

Kaya hinawakan ko siya nang mas mahigpit.

"Not tonight."

Inulit ko.

"But that doesn't erase every night you were there."

Tahimik siyang nakinig.

"You were the one who held them when I had to work."

"You taught them while I was away."

"You answered questions I wouldn't even know how to begin answering."

"Planets."

"Numbers."

"Shapes."

"Why bodies sleep."

"Why rain falls."

"Why stars look small."

"Why Daddy has scars."

Napalunok ako.

"You never treated their questions as interruptions."

"You made them feel that their minds were welcome."

Pumikit siya.

Patuloy ang luha.

"You played with them even after working all night."

Dagdag ko.

"You moved the mattress every weekend."

"You let them scatter their toys around you."

"You became their book, their teacher, their climbing space, their safest nap spot."

Napangiti ako sa gitna ng pag-iyak.

"You call them microbots."

"And they follow you everywhere because they know Daddy will always make room."

Huminga siya nang putol-putol.

"I miss them following me."

"I know."

"I miss Hunter asking the same question in five different ways."

"I know."

"I miss Stella correcting me when she thinks my answer doesn't feel right."

Napatawa ako nang mahina sa gitna ng luha.

"I know."

"I miss them lying on me."

"I know, Daddy."

Doon muli siyang napahagulgol.

Hindi na niya pinilit pigilan.

Humawak siya sa akin.

Maingat sa tiyan.

Ngunit desperado ang yakap.

Ibinaon niya ang mukha sa balikat ko.

"I miss my twins."

Basag niyang sabi.

"I know."

Paulit-ulit kong sagot habang hinahaplos ang buhok niya.

"I know."

Hindi lahat ng ama ay may ganoong attachment sa mga anak nila.

Hindi lahat ng ama ang nakakaalam kung aling stuffed toy ang kailangang nasa kaliwang bahagi ni Stella bago siya matulog.

Hindi lahat ng ama ang natatandaan kung aling tanong ni Hunter ang hindi pa niya nasasagot nang buo.

Hindi lahat ng ama ang nakakapansin kapag may bagong salita ang mga anak nila.

Kapag nagbago ang paraan ng pagbuo nila ng pangungusap.

Kapag may konseptong hindi nila maunawaan.

Kapag tahimik sila hindi dahil antok...

Kundi dahil may iniisip.

Ngunit si Kiko...

Alam niya.

Dahil hindi siya simpleng kasama lamang sa bahay.

Hindi siya ama na dumarating upang maglaro kapag convenient.

Hindi siya ama na hinihintay lamang sabihan kung ano ang kailangan.

Nandoon siya sa mismong rhythm ng buhay nila.

Sa pagkain.

Sa paliligo.

Sa tanong.

Sa laro.

Sa takot.

Sa pagkatuto.

Sa pagtulog.

At marahil iyon ang dahilan kung bakit ganito kasakit para sa kanya ang unang gabing ito.

Hindi lamang niya nami-miss ang mga anak niya.

Parang nawala rin ang bahagi ng araw-araw niyang pagkatao.

Walang tatawag sa kanya upang magpaliwanag.

Walang maliit na kamay na hihila sa shirt niya.

Walang batang hihiga sa braso niya habang nagtatanong pa rin kahit kalahati na ang tulog.

Walang—

"Daddy, look."

"Daddy, why?"

"Daddy, is this accurate?"

Hinawakan ko ang mukha niya.

"Do you know why this hurts you this much?"

Hindi siya sumagot.

"Because you love them in a way they feel every day."

Napapikit siya.

Muling tumulo ang luha.

"Then why did I let them go?"

"Because love is not always holding someone in the same room."

Mahina kong sagot.

"Sometimes love is trusting the person who can hold them safely while your hands are needed somewhere else."

Tumingin siya sa tiyan ko.

Agad kong nakita ang guilt sa mukha niya.

Parang nahihiya siyang may bahagi sa kanyang gustong makasama ang kambal kaysa manatili rito.

Kaya inangat ko ang baba niya.

"Don't feel guilty for missing them while you're taking care of us."

Sabi ko.

"And don't feel guilty for taking care of us while you miss them."

"You don't have to divide your heart correctly every minute."

Napalunok siya.

"I don't want Lyra to feel like I resent her."

"You don't."

Agad kong sagot.

"You love her."

Hinawakan ko ang kamay niya sa tiyan ko.

"And you love Hunter and Stella."

"Love for one child does not cancel the ache for another."

Muling gumalaw si Lyra.

Bahagyang kumalma ang mukha niya.

Hinaplos niya ang bahagi kung saan naramdaman ang galaw.

"Hi, sweetheart."

Paos niyang bulong.

"I'm not blaming you."

Napahikbi ako.

Hinalikan ko ang pisngi niya.

"She knows."

Nanatili kaming magkayakap.

Ako sa pagitan ng mga hita niya.

Nakasandal ang likod ko sa dibdib niya.

Ang mga kamay niya ay nasa tiyan ko.

Ang mga kamay ko ay nasa ibabaw ng kanya.

"I'm sorry I couldn't carry all of you."

Mahina niyang ulit.

Lumingon ako hangga't kaya ng tiyan ko.

Hinalikan ko ang noo niya.

Pagkatapos ang kaliwang pisngi.

Ang kanan.

At ang labi niya.

Mabagal.

Basang-basa ng luha.

"You have been carrying us for years."

Mahina kong sabi nang magkalapit pa rin ang mukha namin.

"Not alone."

"Not perfectly."

"But faithfully."

Huminga siya nang nanginginig.

"You carried me when I was pregnant with the twins."

"You carried the fear when I gave birth."

"You carried newborn nights."

"You carried bottles."

"Baths."

"Questions."

"Work."

"Your own pain."

"You carried them while I built my career."

"You stayed awake while I slept."

"You made this home intelligent, warm, and safe."

Mas lalo siyang napaluha.

Hinawakan ko ang pisngi niya.

"One season of needing help does not erase the father you have always been."

Tahimik siya.

Parang unti-unting ipinapasok sa loob ang bawat salita.

"The need is so much right now."

Mahina kong paliwanag.

"Lyra is low."

"My body can change at any moment."

"I might need you without warning."

"You still have work."

"You still need sleep."

"The twins still deserve play, attention, food, routine, and someone who is fully available."

Huminga ako nang malalim.

"No person can do all of that alone, Kiko."

"Not even you."

Bahagya siyang ngumiti sa gitna ng luha.

"You make that sound like a design-capacity issue."

"Because it is."

Sagot ko.

"Demand temporarily exceeded available resources."

Napatawa siya nang mahina.

Isang basag ngunit totoong tawa.

"So we added external support."

"Exactly."

"Mama is not replacing Daddy."

"Never."

"She's increasing system capacity."

Napangiti ako.

"Very Industrial Engineer."

Sandaling gumaan ang hangin.

Ngunit hindi nawala ang lungkot.

Hindi naman kailangang mawala agad.

Inilapat niya ang labi niya sa balikat ko.

"I really didn't want to do it."

"I know."

"I wanted them here."

"I know."

"I wanted to keep answering them."

"I know."

"I wanted to prove I could still manage."

Doon ako muling lumingon.

"You don't need to prove love by collapsing."

Mahina kong sabi.

"You already learned that."

Napapikit siya.

Naalala niya marahil ang mga gabing nakatulog siya sa workstation.

Ang katawan niyang sumuko bago niya payagang magpahinga.

"I know."

Mahina niyang sagot.

"But it still feels like I gave up."

"You didn't give up."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"You chose us."

Mahina ngunit buo kong sabi.

"You chose to keep everyone safe—even if it meant hurting yourself tonight."

Napapikit siya.

Mas lalo siyang napaluha.

"Thank you, Daddy."

Mahina kong bulong.

Napatingin siya sa akin.

May pagtataka sa gitna ng sakit.

"For what?"

"For doing this."

Hinaplos ko ang pisngi niya.

"For letting them go for now."

"For trusting Mama."

"For choosing safety over pride."

"For choosing us... even when it hurts this much."

Nanginginig ang labi niya.

Hindi siya agad nakasagot.

"I know it hurts."

Dagdag ko.

"I know this isn't easy."

"I know this feels like something is missing."

Hinawakan ko ang kamay niya at inilapat sa dibdib ko.

"But this..."

Mahina kong sabi.

"This is still love."

Napapikit siya.

Tumulo ang luha niya sa pagitan namin.

"And I know you."

Mahina kong dagdag.

"After all of this..."

Hinaplos ko ang kamay niya sa tiyan ko.

"You're going to get them back."

Napatingin siya sa akin.

Tahimik.

Nakikinig.

"Because it's you."

Ngumiti ako nang bahagya sa gitna ng luha.

"You always keep your word."

Nanginginig ang paghinga niya.

Parang may unti-unting bumabalik na lakas sa loob niya.

Hindi sapat para mawala ang sakit.

Ngunit sapat para kumapit.

"This isn't goodbye."

Mahina kong sabi.

"It's just..."

Hinawakan ko ang kamay niya nang mas mahigpit.

"A good night."

Napapikit siya.

Huminga nang malalim.

At sa wakas...

Bahagyang tumango.

"I'll get them."

Mahina niyang sabi.

Hindi na basag.

Hindi na desperado.

Kundi tahimik na pangako.

"I know."

Ngumiti ako.

Hinalikan ko ang labi niya.

Mabagal.

Mahina.

Puno ng paniniwala.

"I trust you, Daddy."

At sa unang gabing wala sina Hunter at Stella sa bahay...

Hindi namin pinilit punuin ang katahimikan.

Hinayaan namin itong manatili.

Kasama ang sakit.

Kasama ang pangungulila.

Kasama ang pangako.

Dahil alam namin—

Hindi ito pagtatapos.

Hindi ito pagkawala.

Hindi ito pagkukulang.

Isa lamang itong gabi.

Isang pahinga.

Isang pagitan.

Isang "good night."

At may bukas na..

Babalik ang tawag.

Babalik ang mga tanong.

At balang araw—

Babalik din sila sa mga bisig ni Daddy.

Gaya ng lagi niyang ginagawa.

Gaya ng lagi niyang tinutupad.

Gaya ng lagi niyang ipinapangako.

Reader Community

Comments 1

Comments are reviewed before appearing publicly.
C
CarlSep 21, 2026

♥️

Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat →