
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Learning Again
☰ Chapters
Natapos ang ultrasound.
Tinulungan akong makabangon ni Kiko bago niya inayos ang hospital gown ko upang maging komportable akong makalakad pabalik sa changing room.
Pagkatapos kong makapagpalit ng damit, magkahawak-kamay kaming bumalik sa consultation area.
Ngumiti ang OB sa amin.
"Congratulations ulit. So far, maganda po ang progress ng pregnancy ninyo."
"Thank you, Doc," sabi ko.
Ipinaliwanag ng doktor ang mga dapat naming asahan sa mga susunod na linggo.
Mas matinding nausea.
Pagkapagod.
Pagbabago sa hormones.
Mga pagkain.
Bitamina.
Schedule ng susunod na check-up.
Habang nagsasalita ang doktor...
Napansin kong tahimik na nakikinig si Kiko.
Hindi lang basta nakikinig.
May maliit siyang notebook.
Isa-isa niyang isinusulat ang mga paalala.
Paminsan-minsan ay nagtatanong siya.
"Doc, for this second pregnancy, if the nausea becomes more frequent, aside from small frequent meals, are there other evidence-based strategies we can safely try? I know we discussed some options during the twins' pregnancy, but I want to make sure we're following the right approach this time."
"Opo. We'll review the options again and adjust based on how your wife doing now..."
Sunod pa.
"Doc, since this is her second pregnancy, if she develops food aversions again, should we prioritize total calorie intake first or specific food groups? I remember we had a different routine when she was carrying the twins, so I just want to clarify what's best for this pregnancy."
Napangiti nang banayad ang doktor.
"Very good question, Daddy. Kita ko talaga how much you love and care for Cha and the children. Ang attentive mo."
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang nakitang ganito.
Kapag mahal niya...
Nag-aaral siya.
Kapag may gusto siyang alagaan...
Mas lalo siyang nag-aaral.
Hindi para magmukhang matalino.
Kundi para may maisagot kapag ako ang nangangailangan.
Paglabas namin ng clinic, automatic niyang hinawakan ang kamay ko.
"How are you feeling?"
"Tired."
"I know."
Huminto siya sa paglalakad.
Lumapit.
Pareho niyang kamay ang marahang pumalibot sa bewang ko.
Napangiti ako.
"Public place, Daddy."
"So?"
Napatawa ako.
"So nothing."
Isinandal ko ang mga braso ko sa balikat niya.
Marahan niya akong hinalikan sa noo.
"You did so well today."
"We both did."
"We did."
Saglit lang kaming nanatili roon.
Hindi kami nahihiyang magpakita ng lambing.
Hindi dahil gusto naming mapansin.
Kundi dahil iyon na ang normal sa amin.
Pagkabalik namin sa bahay ni Mama, nadatnan namin sina Hunter at Stella na abala sa pagguhit sa sala.
"Mommy!"
"Daddy!"
Tumakbo silang dalawa.
Automatic na yumuko si Kiko para salubungin sila.
Mahigpit silang niyakap.
"Did you help Lola today?"
"Yes!"
"I cleaned."
"I put toys back."
"Good job."
Nakangiting pinanood ko silang apat.
Minsan...
Hindi ko pa rin maisip na ito na ang buhay namin.
Isang tahanang puno ng tawanan.
At ngayon...
May isa na namang batang magdadagdag ng ingay rito.
"Twins, come on," sabi ni Kiko sa dulo. "We'll go home na. Say thank you to Lola."
________________________________________________________________________________
Lumipas ang mga linggo.
At hindi humupa ang hirap.
Mas lalo pang tumindi ang pagduduwal at pagsusuka. May mga umagang hindi pa sumisikat ang araw, napapabangon ako dahil sa biglaang hilo at pagsusuka. May mga sandaling halos wala na akong mailabas kundi hangin at luha. May mga gabing umiiyak ako dahil gusto kong kumain pero wala akong maibigan, o dahil kahit ang simpleng pag-upo ay parang napakahirap na.
At sa bawat pagkakataon...
Naroon si Kiko.
Mabilis siyang lumalapit kapag nararamdaman niyang hindi na ako okay, inaagapan ako bago pa ako tuluyang bumigay. Yayakapin niya ako nang mahigpit, hihimasin ang likod ko, at marahang sasabihing, "You survived another one, Mommy." Sa mga mas delikadong araw, hindi siya nagrereklamo kahit kailangan niyang baguhin ang sarili niyang iskedyul para sa akin. Tahimik lang siyang aayusin ang lahat, yayakapin ako, hahalikan sa noo, at bubulong ng, "You'll be fine," habang pinupunasan ang mga luha ko.
Pagkatapos ng night shift niya, sa halip na matulog agad...
Makikita ko siyang nagbabasa.
Medical guidelines.
Nutrition.
Pregnancy books.
Mga bagong pag-aaral.
At ngayon, dahil pangalawang pagbubuntis na ito, mas lalo pa siyang masinsin.
Hindi lang siya basta naghahanap ng impormasyon.
Nagba-browse pa siya ng mga articles na mas malalim tumatalakay sa mga posibleng risk at kung paano ito mababantayan nang maaga.
May mga sticky notes sa mesa niya.
May checklist sa laptop.
May calendar na puno ng reminders.
Hindi niya sinasabing, "Hayaan mo ako."
Hindi rin siya nagsasabing, "Ako na lahat."
Ginagawa niya lang.
Tahimik.
Tuluy-tuloy.
Isang umaga, nadatnan niya akong nakaupo sa kama habang yakap ko ang unan.
Lumapit siya.
Lumuhod sa pagitan ng mga tuhod ko.
"May I?"
Napangiti ako.
"Always."
Marahan niyang iniangat nang kaunti ang laylayan ng maluwag kong shirt hanggang lumitaw ang balat ng tiyan ko.
Napakaliit pa ng pagbabago.
Halos ako nga lang ang nakakapansin.
Pero para sa kanya...
Parang napakalaking milagro na.
Dahan-dahan niyang ipinatong ang dalawang palad niya sa hubad kong tiyan.
Tahimik lang.
Pinagmamasdan.
Parang gusto niyang isaulo ang bawat pagbabago.
"I think our little one is already making Mommy even more beautiful."
Napailing ako, natatawa.
"You always say that."
"Because it's always true."
Hinaplos niya nang marahan ang tiyan ko.
"I loved you before this."
Tumango siya.
"I love you now."
Isa pa.
"And I'll still love you after this."
Hindi ko napigilang maiyak.
"Daddy..."
Lumapit siya at marahang hinalikan ang tiyan ko bago muling tumingala sa akin.
"Thank you for taking care of our baby."
Umiling ako.
"We're taking care of our baby."
Ngumiti siya.
"You're right."
Pagkatapos ay tumayo siya, yumuko, at marahang hinalikan ang labi ko.
Maikli.
Punô ng lambing.
Paglayo niya, idinikit niya ang noo niya sa noo ko.
"I'll keep learning, Mommy."
"Bakit?"
"So every time pregnancy gives you a new challenge..."
Mahina siyang ngumiti.
"...I'll already be looking for the next solution."
Napatawa ako habang pinupunasan ang luha ko.
At sa sandaling iyon...
Naalala kong minsan ay tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung ano ang pinakaespesyal kay Kiko.
Hindi lang dahil matalino siya.
Hindi lang dahil maalaga siya.
Kundi dahil ang paraan niya ng pagmamahal ay hindi lang mula sa puso.
Nakaayon din iyon sa isip niya.
Iyon ang matagal ko nang hinahangaan sa kanya.
Kapag mahal niya, buong-buo.
Kapag nag-aalaga siya, may lalim.
Kapag may problema, hindi lang damdamin ang pinapairal niya.
Kasabay ng puso niya, gumagana rin ang isip niya.
At sa aming dalawa, parang doon kami lalong nagtatagpo.
Ako ang sumasalo sa bigat ng nararamdaman.
Siya naman ang naghahanap ng paraan para gumaan ang lahat.
Kapag may problemang dumating sa pamilya namin, hindi niya ako tinatanong kung bakit nangyari iyon.
Una niyang iniisip...
"Ano ang magagawa ko para gumaan ang dinadala mo?"
At sa bawat araw ng pagbubuntis na ito...
Paulit-ulit niya iyong pinapatunayan.




♥️