
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
The First Signs
☰ Chapters
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napapahinto sa paglalakad ngayong araw.
Akala ko dati, pare-pareho lang ang mga paghilab. Pero iba na ito.
May mga sandaling bigla na lang hihigpit ang buong tiyan ko hanggang sa halos hindi ako makahinga. Napapapikit na lang ako habang hinihintay itong lumuwag.
"Mommy..."
Narinig kong mahina ang boses ni Kiko.
Lumapit agad siya.
Hindi siya nagsalita ng marami.
Isang kamay niya ang marahang humawak sa likod ko, habang ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko.
"Lean on me."
Ginawa ko.
Pagkalipas ng ilang minuto, unti-unti ring humupa ang sakit.
Pero alam naming pareho...
Mas malakas iyon kaysa sa mga naramdaman ko nitong mga nakaraang linggo.
...
Mas mabigat na rin ang pakiramdam sa bandang puson at pwerta ko.
Parang may tuloy-tuloy na puwersang humihila pababa.
Pakiramdam ko ay mas mababa na ang pwesto ni Lyra.
Mas mabagal akong maglakad.
Mas maikli ang bawat hakbang.
At bawat pagtayo mula sa sofa o kama ay kailangan ko nang pag-isipan muna.
Napansin agad iyon ni Kiko.
Hindi niya sinabi ang obvious.
Tahimik lang niyang inilapit ang upuan.
Tahimik niyang inilabas ang unan para sa likod ko.
Tahimik niyang inalalayan ang bawat pagtayo at pag-upo ko.
Parang alam na niya ang kailangan ko bago ko pa masabi.
...
Napansin ko rin ang pagbabago sa discharge.
Mas marami na.
Hindi naman nakakabahala.
Isa lang itong paalala na unti-unti nang naghahanda ang katawan ko.
Hindi ko maiwasang mapahawak sa tiyan ko.
"Lyra..."
Mahina akong napangiti.
"You're getting ready too, aren't you?"
...
Nang gabing iyon, magkatabi lang kaming nakaupo ni Kiko.
Tahimik.
Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang oras.
Minsan ang tiyan ko.
Minsan ang mukha ko.
"How's the pain now?"
"A little better."
"Contractions?"
"Irregular."
Tumango lang siya.
Walang panic.
Walang assumption.
Hindi namin alam kung ito na ba talaga.
Baka ngayong gabi.
Baka bukas.
Baka ilang araw pa.
Hindi namin kayang hulaan.
Kaya ang ginawa na lang namin...
Ay ang manatiling magkasama.
Habang tahimik naming hinihintay kung kailan pipiliin ni Lyra na makilala na kami.
Napahigpit ang kapit ko sa kamay niya nang biglang umatake ulit ang sakit.
Mas malakas.
Mas buo.
Napapikit ako, napayuko, at halos kusa na lang akong sumandal sa kanya.
Agad siyang gumalaw.
Lumipat siya sa likod ko, isang braso niya ang sumuporta sa likod ko habang ang isa ay marahang humawak sa tiyan ko.
"Mommy... breathe ka lang lagi ah?"
Mahina akong tumango kahit hirap akong magsalita.
"Slow... inhale... exhale..."
Sinundan ko siya.
Kahit nanginginig ang hininga ko.
"Andito lang ako."
Mas lalo akong sumandal sa kanya.
"Maybe we can just think for now is..." marahan niyang sabi, halos bulong sa tenga ko, "she's excited to meet us."
Napangiti ako kahit may kirot.
"Yeah..." mahina kong sagot, halos pabulong.
Nararamdaman ko ang kamay niya sa tiyan ko.
Marahan.
Maingat.
"Anak... gently please okay?" bulong niya kay Lyra.
Napahinga ako nang malalim habang unti-unting humuhupa ang contraction.
"You and Mommy are doing great," dagdag niya, mas kalmado na ang boses.
Napapikit ako, ramdam ang init ng katawan niya sa likod ko.
"You'll meet your beautiful Mom soon."
Napangiti ako kahit may luha na sa gilid ng mata ko.
"Kiko..." mahina kong tawag.
"Hm?"
"Thank you..." halos pabulong, nanginginig pa rin ang boses ko.
Mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
"Always, Mommy."
At sa gitna ng sakit...
Mas naging malinaw sa akin—
Hindi ako nag-iisa.
Hindi ko namalayan kung kailan kami tuluyang natahimik.
Nakasandal ako sa dibdib niya, ramdam ko ang steady niyang paghinga sa likod ko.
Mainit.
Sigurado.
Parang doon lang umiikot ang mundo ko.
Unti-unti kong napansin na bumigat ang ulo niya sa balikat ko.
Bahagyang dumampi ang labi niya sa gilid ng ulo ko—halos parang halik na hindi niya sinasadyang ibigay.
Napangiti ako kahit pagod.
Nakatulog siya.
Sa wakas.
Buong araw siyang gising.
Sa bawat kirot na nararamdaman ko, bawat tawag ko, bawat maliit na galaw ko—nandiyan siya agad.
Hindi siya lumayo.
Hindi siya nagreklamo.
Hindi siya nagpahinga.
Kahit ngayon...
Nasa akin pa rin ang kamay niya.
Nakahawak sa ibabang bahagi ng tiyan ko.
Maingat.
Parang kahit tulog siya, alam pa rin niya kung saan ako kailangan suportahan.
Napatingin ako sa kanya nang bahagya.
Nasa mukha niya pa rin ang salamin niya.
Hindi niya naalis.
Hindi niya naalala.
Hindi niya naisip.
Kasi mas inuna niya ako.
Mas inuna niya kami.
Napahigpit ang kapit ko sa kamay niya.
Ang dami kong gustong sabihin.
Pero wala akong lakas magsalita.
Kaya sa isip ko na lang.
Kiko...
Pagod ka na.
Alam ko.
Nakikita ko.
Nararamdaman ko.
Pero nandito ka pa rin.
Para sa akin.
Para sa amin.
Hindi ko alam kung sapat ba ang "thank you."
Hindi ko alam kung kaya kong ibalik lahat ng ginagawa mo.
Pero alam ko—
Hindi kita iiwan.
Hindi kita bibitawan.
Hindi kita hahayaang mapagod mag-isa.
Napapikit ako, mas sumiksik sa kanya.
Ramdam ko ang kamay niya sa tiyan ko.
Ramdam ko si Lyra.
Ramdam ko siya.
Ramdam ko kami.
Ito na ba talaga?
Malapit na ba?
Handa na ba ako?
Hindi ko alam.
Pero kung kasama ko siya...
Kung ganito niya ako hawakan...
Kung ganito niya ako alagaan...
Siguro...
Kaya ko.
Siguro...
Kaya namin.
At sa unang pagkakataon ngayong gabi—
Hindi ako natatakot.
Hindi na masyado.
Kasi kahit anong mangyari...
May uuwian ako.
May hahawak sa akin.
May magpapaalala na hindi ako nag-iisa.
At habang unti-unti akong inaantok sa init ng yakap niya...
Isang bagay lang ang malinaw sa isip ko—
Mahal ko siya.
Sobra.
At handa na akong harapin ang kahit ano...
Basta kasama ko siya.
Hindi na kami humiga sa kama.
Nanatili lang kaming nakaupo, magkadikit ang katawan.
Nakasandal ako sa dibdib niya, habang ang mga braso niya ay nakapulupot sa akin—isang kamay sa tiyan ko, at ang isa ay sumusuporta sa likod ko para hindi ako mahirapan.
Ganun kami nakatulog.
Magkayakap.
Magkasandal.
Tahimik.
At sabay naming hinaharap ang kung ano mang darating.




♥️