
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
This Time, It's Labor
☰ Chapters
Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatulog.
Ang alam ko lang...
Nagising ako sa isang sakit na parang may unti-unting humihigpit sa buong katawan ko.
Napapikit ako.
Hindi na ito katulad ng mga naunang paghilab.
Mas malalim.
Mas mabigat.
Mas matagal.
"...Ah..."
Hindi ko namalayang napahawak ako sa braso ni Kiko.
Agad siyang nagising.
Hindi man lang siya nagtanong kung bakit.
Isang tingin lang sa mukha ko ay alam na niya—parang bumalik sa kanya ang alaala ng gabing kasama niya ako sa panganganak ng kambal.
"Mommy?"
Hindi ako agad nakasagot.
Huminga lang ako nang malalim habang hinihintay na humupa ang sakit.
Maya-maya pa...
Unti-unti rin itong lumuwag.
"Another one?" mahina niyang tanong.
Tumango ako.
"...It hurts..."
Lumapit pa siya.
Hinaplos niya ang noo ko.
"I know."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"We'll just observe first."
Tumango ako.
Pero sa loob-loob ko...
May kakaiba na talaga.
Hindi pa man kami tuluyang nakakatayo ay muli na namang umatake ang panibagong paghilab.
Mas mabilis.
Mas malakas.
Napayuko ako habang napakapit nang mahigpit sa balikat ni Kiko—halos hindi ko na makontrol ang lakas ng kapit ko sa kanya.
"Kiko..."
"I'm here."
Mas lalo akong kumapit sa kanya habang sumasabay ang sakit sa bawat paghinga ko.
Naramdaman kong inalalayan niya agad ang likod ko, hinayaan akong halos sumandal nang buo sa kanya.
Hindi niya ako minadali.
Hindi niya ako pinilit maglakad.
Hinayaan niya lang akong kumapit nang kumapit habang dahan-dahan akong humihinga.
"Breathe with me, Mommy."
Kasabay niya akong huminga, kahit nanginginig na ang mga binti ko at halos mawalan na ako ng lakas sa bawat paghilab.
Kahit pakiramdam ko ay hinihila pababa ang buong balakang ko.
Sa bawat pag-atake ng sakit, mas humihigpit ang kapit ko sa kanya—parang doon lang ako nakakakuha ng lakas para kayanin ito.
Nang humupa ang contraction, marahan niya akong inalalayan patungong kama habang hindi pa rin niya inaalis ang kamay ko sa kanya.
Umupo siya sa harapan ko.
Tahimik.
Nakatingin lang.
Hindi sa oras.
Hindi sa telepono.
Sa akin.
Pinagmamasdan niya ang bawat paghinga ko habang hawak pa rin niya ako, handang saluhin ako sa susunod na paghilab.
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto...
May naramdaman akong kakaiba.
Mainit.
Biglaan.
At tuluy-tuloy.
Napamulat ako.
"Daddy..."
Napatingin siya agad.
"...I think..."
Hindi ko naituloy ang sasabihin.
Pareho kaming tumingin sa sahig.
At doon namin nakita.
May malinaw na likidong patuloy na dumadaloy.
Napahawak ako sa tiyan ko.
"My water..."
Mahina akong napaiyak.
"...It broke."
Isang segundo.
Dalawa.
Tahimik lang si Kiko.
Pagkatapos...
Huminga siya nang malalim.
Tumango.
"Okay."
Napakakalma ng boses niya.
"Mommy... this is it."
Alam kong kinakabahan siya.
Kilalang-kilala ko siya.
Sa labas...
Kalmado.
Organisado.
Pero sa mga mata niya—kahit pilit niyang pinapanatiling steady ang tingin—nakikita ko ang takot na pilit niyang kinokontrol.
Alerto siya sa bawat galaw ko.
Sa bawat paghinga.
Sa bawat paghilab.
Handa sa kahit anong hilingin ko.
Handang sumalo sa kahit anong kailangan ko.
Alam kong natatakot din siya.
Hindi para sa sarili niya.
Para sa akin.
Para kay Lyra.
Pero kahit gano'n...
Pinipili niyang manatiling matatag.
Dahil alam niyang ito ang kaya niyang gawin para sa akin—
Habang ako ang gagawa ng pinakamahirap na bahagi para maipanganak ang anak namin.
"Let's clean you up first."
Tumango lang ako.
Sa bawat hakbang papuntang banyo ay napapahinto ako.
Minsan ay kailangan kong yumuko.
Minsan ay kailangan kong humawak sa kanya.
At sa bawat pagkakataon...
Hindi niya ako binitawan.
Pagdating namin sa banyo ay muli na namang umatake ang contraction.
Napayakap ako sa kanya.
Napangiwi.
Napaluha.
"Mommy..."
Mahina niyang hinaplos ang likod ko.
"You're doing so well."
Napailing ako.
"It hurts..."
"I know."
"And I'm staying right here."
Nang humupa nang bahagya ang sakit, inalalayan niya akong umupo sa toilet cover.
Maingat niya akong pinaupo, saka bahagyang inayos ang posisyon ko.
"Spread your legs a bit, Mommy," mahina niyang sabi, kalmado pa rin ang boses.
Sumunod ako kahit nanginginig pa ang katawan ko.
Lumuhod siya sa harapan ko.
"Hold my shoulders," dagdag niya.
Agad akong kumapit sa kanya, halos doon na ako kumukuha ng lakas habang pinipilit kong kontrolin ang paghinga ko.
Maingat niyang nilinis ang pagitan ng mga hita ko, pababa, hanggang sa pwerta ko—walang bahid ng pag-aalinlangan, puro pag-iingat at respeto.
Napapikit ako, nahihiya, nasasaktan, at sabay na napapaiyak.
"Sorry..." mahina kong sabi, halos pabulong.
Agad siyang umiling kahit hindi tumitingin sa akin.
"Nothing to apologize for."
"This is normal."
Huminga siya nang malalim bago muling magsalita, mas marahan.
"Remember... it's just like before, okay?"
Napahigpit ang kapit ko sa balikat niya habang may panibagong sakit na dumarating.
"Sa akin ulit kakapit... again."
Napaluha ako lalo.
"Until we see Lyra, okay?"
Tumango ako kahit nanginginig.
"O-okay..."
"Thank you..."
"Sorry..."
"I love you..."
Halos magkakahalong emosyon ang lumabas sa boses ko—pasasalamat, pagmamahal—habang pilit kong kinakaya ang sakit.
Hindi siya tumigil.
Hindi siya nagmadali.
Tinapos niya ang paglilinis nang maingat bago niya ako tinulungan tumayo at inalalayan pabalik sa kama.
"Mommy," mahina niyang tawag habang inaabot ang maternity dress.
"No undies muna... so easier, okay?"
Napatingin ako sa kanya, bahagyang nahihiya pero tumango rin.
"O-okay..." mahina kong sagot, sabay pilit na ngiti sa gitna ng sakit.
Maingat niya akong tinulungan magsuot ng maluwag na maternity clothes, sinisigurong komportable ako at hindi ako mahihirapan sa bawat galaw.
"I've got you," mahina niyang sabi habang sinusuportahan ang likod ko.
Habang ako'y nakaupo muna sa gilid ng kama at pilit na kinokontrol ang paghinga sa pagitan ng mga paghilab...
Mabilis na kumilos si Kiko.
Hindi siya nagpa-panic.
Alam niyang handa na ang lahat—isang linggo pa lang ang nakalipas ay nailagay na niya sa sasakyan ang hospital bag at lahat ng kakailanganin namin.
Kaya ang kinuha na lang niya ngayon ay ang susi ng sasakyan.
Cellphone.
Wallet.
At ang hoodie niya.
At bago tuluyang lumabas ng kwarto...
Huminto muna siya.
Lumapit ulit sa akin.
Lumapit siya at niyakap ako nang mahigpit.
Marahan niyang hinalikan ang noo ko.
"You can do this... again," mahina niyang sabi.
Napangiti ako kahit may luha.
"Daddy... we..." mahina kong pagwawasto.
Sandali siyang natahimik, saka tumango.
"Yeah... we can do this again," sagot niya, mas buo ang loob.
Muli na namang dumating ang isang napakalakas na contraction.
Napakapit ako sa balikat niya.
Nanginginig ang buong katawan ko.
Hindi siya umalis.
Hindi siya bumitaw.
Tahimik lang niya akong inalalayan hanggang sa humupa ito.
Pagkatapos...
Dahan-dahan niya akong inakay palabas ng bahay.
Magkasabay kaming lumabas, mabagal pero sigurado ang bawat hakbang.
Nakahanda na ang sasakyan.
Nasa loob na ang lahat ng kailangan.
At habang isinasara niya ang pinto ng bahay...
Huminga siya nang malalim.
Sa unang pagkakataon ngayong gabi...
Inamin niya sa sarili niya ang matagal na niyang nararamdaman.
Takot siya.
Takot na baka masaktan ako
Takot na may mangyaring hindi maganda kay Lyra.
Takot na may mangyaring hindi namin inaasahan.
Pero mas malaki ang isang bagay kaysa sa takot.
Ang determinasyon niyang bawasan ang kahit anong kaya niyang ibawas na kirot mula sa akin—katulad ng ginawa niya noon, at mas lalo pa ngayon bilang magiging ama sa ikatlong pagkakataon.
Alam ko iyon.
Mula pa noong nalaman namin ang pangalawang pagbubuntis ko, ramdam ko na kung paano niya inalagaan ang bawat detalye—kung paano niya inalagaan ang kambal, hanggang sa kung paano siya nag-aalala para sa amin ngayon.
Kaya ngayong gabi...
Halo-halo ang emosyon.
Takot.
Pag-aalala.
Pagmamahal.
At isang matibay na paniniwala na hindi niya ako iiwan sa kahit anong mangyari.
At magkasabay naming tinahak ang biyahe...
Papunta sa ospital.
Papunta sa araw na makikilala na namin si Lyra.




♥️