📖 0%
Until We Became Five
Love StoryFamilyComedyDramaFriendship

Until We Became Five

✍️ By AlphaRomantiko
📖 General•Ongoing•Oct 2, 2026
ⓘ
Love Story•Family•Comedy•Drama•Friendship•⚠ Giving Birth, Intimacy
Charlotte "Cha" Tiu-Tolentino thought she already understood what motherhood meant after giving birth to her fraternal twins, Hunter Orion and Stella Athena. But when she and her husband, Francis "Kiko" Tolentino, discover they are expecting another child, they soon realize that no two pregnancies are ever the same.

As Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.

More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.

Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
📅 September 21, 2026👁 153 total reads📖 Chapter 44 of 60⏱ 5 min read
CHAPTER 44 OF 60

The Labor Room

☰ Chapters
📖 Reading progress: 44 of 60 chapters · 73%
f Facebook

Pagkapasok pa lang ng sasakyan sa emergency entrance...

Muli na namang dumating ang paghilab.

Mas malakas.

Mas buo.

Napayuko ako habang napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Kiko.

"Daddy..."

Huminto pa lamang ang sasakyan ay agad na siyang lumabas.

Umikot siya sa kabilang pinto.

Binuksan niya agad ang pinto ng passenger seat.

"Easy..."

Napapikit ako.

Hindi ko maigalaw agad ang mga paa ko.

Pakiramdam ko ay mabigat ang buong balakang ko.

Parang may malaking puwersang patuloy na tumutulak pababa.

"Daddy... I can't walk..."

"I know."

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

"Don't rush."

Hindi na niya ako pinilit tumayo.

Sa halip ay maingat niya akong binuhat—isang braso sa likod ko, isa sa ilalim ng mga tuhod ko.

Napasinghap ako sa biglang pag-angat.

Napahawak ako agad sa leeg niya.

"Shh... I got you."

Mahigpit ngunit maingat ang hawak niya sa akin habang dinadala niya ako palabas ng sasakyan.

Ramdam ko ang bawat hakbang niya.

Matatag.

Sigurado.

Parang walang kahit anong bigat ang dala niya.

Nasa tabi na ang hospital staff na may nakahandang gurney.

"Careful," sabi ng isa sa kanila.

Dahan-dahan siyang yumuko.

"On three," bulong niya sa akin.

"One..."

"Two..."

"Three..."

Maingat niya akong ibinaba sa gurney.

Napangiwi ako sa bahagyang paggalaw ng katawan ko.

Masakit.

Mabigat.

Pero hindi niya binitiwan ang kamay ko kahit nakahiga na ako.

"That's it."

Hanggang sa tuluyan akong nakahiga sa gurney.

Huminga ako nang malalim.

Hindi pa man ako tuluyang nakakarelax...

Muli na namang humigpit ang tiyan ko.

"Ah..."

Agad na lumapit si Kiko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"I'm not going anywhere."

Napapikit ako habang sinusundan ang paghinga niya.

"Breathe."

"In..."

"Two..."

"Three..."

"Four..."

"Out..."

Unti-unti kong inilabas ang hininga.

Dahil matagal nang inihanda ni Kiko ang lahat ng kailangan...

Hindi na kami nagtagal sa admission.

Diretso kaming dinala sa private labor suite.

Tahimik ang kwarto.

Malinis.

Maliwanag.

Nandoon na ang mga kagamitan na kakailanganin para sa labor.

Lumapit ang nurse.

"Mommy, need lang po natin magpalit ng hospital gown."

Tumango ako.

Pero bago pa ako makakilos...

Muli na namang umatake ang contraction.

Napayuko ako.

"Kiko..."

"I got you."

Agad niya akong inalalayan paupo.

Hinayaan niyang sumandal ako sa balikat niya hanggang sa humupa ang sakit.

Pagkatapos noon ay maingat niya akong tinulungang magpalit.

Hindi niya ako minadali.

Inalalayan niya ang bawat galaw ko.

"I got you."

"Lean on my shoulder."

Napahawak ako sa kanya habang isa-isang naisuot ang hospital gown.

Pakiramdam ko ay mabigat na mabigat ang puson ko.

Hindi lang iyon.

May tuloy-tuloy na pagtibok ng sakit sa pinakailalim ng balakang.

Parang may pababang puwersang hindi na nawawala kahit wala ang contraction.

Maging ang mga hita ko ay parang pagod na pagod na.

Halos ayaw nang tumayo.

"It hurts..."

Mahina akong napapikit.

Kiko agad ang lumapit.

"It's okay."

"You never have to feel embarrassed with me."

Napatingin ako sa kanya.

"I've seen every version of you."

"And every version is beautiful."

Napangiti ako kahit may luha.

"I love you."

"I love you too..."

Matapos akong maihiga sa labor bed ay ikinabit ng nurse ang fetal monitor.

Tahimik naming narinig ang mabilis at regular na tibok ng puso ni Lyra.

Napaluha ako.

"She's okay..."

Mahina akong napabulong.

Lumapit si Kiko.

Hinalikan niya ang noo ko.

"She's doing well."

Humawak siya sa kamay ko.

"And so are you."

Hindi ko pa man nasasagot iyon...

Isa na namang contraction ang dumating.

Mas mahaba.

Mas matindi.

Pakiramdam ko ay umiikot ang buong balakang ko sa sobrang higpit.

Napakapit ako sa kamay niya.

"Daddy..."

"Breathe."

"Slow inhale."

Kasabay niya akong huminga.

"Slow exhale."

Hindi ko alam kung gaano katagal ang paghilab.

Pakiramdam ko ay walang katapusan.

Pagkatapos nitong humupa ay napahinga ako nang mabigat.

Ramdam ko ang pawis sa noo ko.

Tahimik siyang kumuha ng maliit na tuwalya.

Marahan niya akong pinunasan.

Kasunod ang mga luha sa gilid ng mata ko.

Pagkatapos ay inilagay niya ang isang kamay sa bandang balakang ko.

Dahan-dahan.

Paikot.

Minamasahe ang bahagi ng likod ko.

"Breathe more."

Napapikit ako.

"That helps..."

Mahina kong sabi.

"Tell me if you want more pressure."

Napakagat ako sa labi.

"A little more..."

Tahimik niyang dinagdagan ang diin ng masahe.

Hindi sapat para mawala ang sakit.

Pero sapat para maramdaman kong hindi ko ito hinaharap nang mag-isa.

Makalipas ang ilang oras ay pumasok ang obstetrician.

Ngumiti ito sa amin.

"Mommy, titingnan lang natin kung gaano na po kalaki ang opening ng cervix ninyo."

Tumango ako.

Kinabahan.

Napahawak ako agad sa kamay ni Kiko.

Lumapit siya.

"Look at me."

"I've got you."

Dahan-dahan kong ibinuka ang mga hita ko ayon sa utos ng nurse, inilalantad ang aking pwerta upang masuri ng doktor. Maingat na ipinasok ng doktor ang kanyang mga daliri upang suriin ang cervix ko habang patuloy akong humihinga nang malalim.

Huminga ako nang malalim.

Sinusundan ang boses ni Kiko.

Hindi ko iniisip ang pagsusuri.

Ang iniisip ko lang...

Ang kamay niyang mahigpit kong hawak.

Matapos ang maikling assessment ay ngumiti ang doktor.

"Mommy, may progress na po tayo."

Napaluha ako.

Lumapit agad si Kiko.

"You're okay."

"You're doing amazing."

"Every centimeter means you're closer to meeting her."

Napahinga ako nang malalim.

"We're making progress."

"One step closer."

"That's all this is."

Napangiti ako sa gitna ng pagod.

At sa unang pagkakataon mula nang makarating kami sa ospital...

Hindi ko na lang naramdaman ang sakit.

Naramdaman ko rin...

Na bawat paghilab ay unti-unti kaming inilalapit sa araw na unang yayakapin namin si Lyra.

Reader Community

Comments 1

Comments are reviewed before appearing publicly.
C
CarlSep 21, 2026

♥️

Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat →