
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Closer
☰ Chapters
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas.
Sa labor...
Parang nawawala ang kahulugan ng oras.
Ang alam ko lang...
Paikli nang paikli ang pagitan ng bawat contraction.
At palakas nang palakas ang bawat isa.
Hindi na ako halos makapagpahinga sa pagitan nila.
Pakiramdam ko ay hindi na nawawala ang mabigat na pressure sa pinakailalim ng katawan ko.
Mabigat ang balakang ko.
Nanginginig ang loob ng mga hita ko.
May malalim na pagtibok ng sakit sa puson na halos hindi na humuhupa.
At sa tuwing hihigpit ang tiyan ko...
Parang may puwersang humihila pababa sa buong katawan ko.
"Daddy..."
Mahina kong tawag.
Agad siyang lumapit.
Hindi ko na kailangang hanapin.
Nandoon na siya.
"Breathe."
Huminga ako kasabay niya.
"Slow inhale."
Sinundan ko siya.
"Slow exhale."
Unti-unti kong inilabas ang hangin.
Muli niyang pinunasan ang pawis sa noo ko.
Kasunod ang luha sa pisngi ko.
Pagkatapos ay marahan niya akong hinalikan sa noo.
"I'm right here."
Napapikit ako.
"I know..."
Lumapit ang nurse.
"Mommy, subukan po natin ang side-lying position."
Tumango ako.
Tinulungan ako ni Kiko na dahan-dahang humiga nang patagilid.
Maingat niyang inalalayan ang balakang ko.
Naglagay ang nurse ng unan sa pagitan ng mga tuhod ko upang maging mas komportable ang posisyon.
Hindi pa man ako tuluyang nakakarelaks...
Muli na namang dumating ang contraction.
Napakapit ako agad sa kamay niya.
"It hurts..."
"I know."
Lumapit siya sa likod ko.
Isang kamay ang marahang nagmasahe sa balakang ko.
Ang isa naman ay nakahawak sa kamay kong nanginginig.
"Breathe more."
Napapikit ako.
Mas lalo niyang dinagdagan ang diin ng masahe.
Hindi sapat para mawala ang sakit.
Pero sapat para maramdaman kong may sumusuporta sa akin.
Unti-unting humupa ang contraction.
Napahinga ako nang mabigat.
"That helped..."
Mahina kong sabi.
Mahina siyang ngumiti.
"We'll keep doing what helps."
Lumipas pa ang ilang contraction.
Iminungkahi ng doktor na subukan naming magpalit ng posisyon.
Tinulungan ako ni Kiko na makabangon.
Halos wala na akong lakas.
Agad niya akong sinalo.
"I've got your weight."
Napahawak ako sa magkabilang balikat niya.
Pagkatapos ay isinandal niya ako sa nakataas na bahagi ng kama na may mga unan sa harapan ko.
Bahagya akong nakayuko.
Nakahilig ang dibdib ko sa mga unan habang hawak pa rin niya ako mula sa gilid.
"Lean on me."
Ginawa ko.
Halos buong bigat ko ay nasa kanya na.
Hindi siya umatras.
Hindi siya nagreklamo.
Isang contraction na naman.
Mas malakas.
Napangiwi ako.
"Daddy..."
"Breathe."
"In..."
"Two..."
"Three..."
"Four..."
"Out..."
Kasabay niya akong huminga.
Nararamdaman ko ang kamay niyang paikot na minamasahe ang ibabang bahagi ng likod ko.
Minsan ang balakang.
Minsan ang tagiliran.
Patuloy.
Maingat.
Tahimik.
Makalipas pa ang ilang oras...
Isa na namang posisyon ang sinubukan namin.
Sa pagkakataong ito ay nakatayo ako sa tabi ng kama.
Bahagya akong nakasandal kay Kiko.
Magkaharap kami.
Nakahawak ako sa magkabilang balikat niya habang marahan kong iniindayog ang balakang ko sa pagitan ng mga contraction.
Mas komportable iyon.
Kahit kaunti.
"Does this feel better?"
Tumango ako.
"A little..."
"Then stay here."
Hindi niya inalis ang mga kamay niya sa baywang ko.
Patuloy niya akong sinusuportahan habang dahan-dahan kong iniindayog ang balakang ko.
Ngunit hindi nagtagal...
Isa na namang contraction.
Napahinto ako.
Napayuko.
Napahigpit ang kapit ko sa kanya.
"Daddy..."
"It hurts..."
"I know."
"Look at me."
Pinilit kong tumingin.
"You're relaxing your body."
"You're helping Lyra."
"You're doing exactly what she needs."
Napaluha ako.
"I'm trying..."
"I know you are."
Maya-maya pa ay bumalik ang doktor.
"Mommy, iche-check lang po natin ulit ang progress."
Napahinga ako nang malalim.
Alam ko na ang susunod.
Tinulungan ako ng nurse na humiga nang maayos.
Dahan-dahan kong ibinuka ang mga hita ko, ramdam ang bigat at kirot sa pagitan ng mga ito habang inihahanda ang sarili para sa pagsusuri sa aking pwerta. Muling susuriin ang cervix ko—kung gaano na ito kabukas, kung gaano na kami kalapit sa paglabas ni Lyra.
Napakapit agad ako sa kamay ni Kiko.
Mahigpit.
Halos hindi ko na namalayang nasasaktan ko na siya.
Pero hindi niya binawi ang kamay niya.
"Look at me."
"I've got you."
Habang tahimik na isinasagawa ng doktor ang pagsusuri, ang tanging naririnig ko ay ang boses ni Kiko.
"Breathe."
"In..."
"Out..."
Huminga ako.
Unti-unti ring natapos ang pagsusuri.
Ngumiti ang doktor.
"Mommy, tuloy-tuloy po ang progress natin."
Napahinga ako nang malalim.
Paglabas ng doktor ay agad akong hinalikan ni Kiko sa noo.
Pagkatapos ay sa balikat.
Saka marahang dumampi ang labi niya sa akin.
Isang maikling halik.
Punong-puno ng pag-asa.
"You're okay."
"You're doing amazing."
"A little more... we'll meet her soon."
Napapikit ako.
Ramdam ko ang isa na namang contraction na unti-unting dumarating.
Mas malakas na naman.
Mas mabigat.
Mas mahaba.
At sa unang pagkakataon...
Naisip ko...
Na baka malapit na talaga ang pinakamahirap na bahagi ng paglalakbay naming tatlo.




♥️