
Until We Became Five
βοΈ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Transition
β° Chapters
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang lahat.
Basta isang sandali...
Nakakaya ko pang magsalita.
Sa sumunod...
Halos wala na akong mailabas kundi ang pangalan niya.
"Daddy..."
Napapikit ako nang muling humigpit ang tiyan ko.
Hindi na ito katulad ng mga nauna.
Parang wala nang pagitan.
Parang hindi pa tuluyang nawawala ang isang contraction ay nagsisimula na ang kasunod.
Nanginginig ang mga hita ko.
Mas mabigat ang pakiramdam sa balakang.
May malalim at tuloy-tuloy na pressure na halos hindi na umaalis.
Napakapit ako sa kamay ni Kiko.
Mahigpit.
Sobrang higpit.
Pero wala akong narinig na reklamo.
Sa halip...
Mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa akin.
"Mommy..."
"Look at me."
Pinilit kong iminulat ang mga mata ko.
Malabo ang lahat.
Pero malinaw ang mukha niya.
"I know."
"I know this hurts."
Napaluha ako.
"I know."
"But you're not alone."
Hindi ko na napigilang umiyak.
"It hurts..."
Mahina kong bulong.
"It hurts so much..."
"I know."
"Stay with me."
"Don't let go of my voice."
Tumango ako kahit nanginginig.
Muli na namang dumating ang contraction.
Napayuko ako.
"Daddy..."
Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.
Pakiramdam ko ay hinihiwalay ang buong katawan ko sa tindi ng paghilab.
Hindi na ako makahanap ng komportableng posisyon.
Parang kahit saan ako humiga o sumandal...
Masakit.
Lumapit ang nurse.
"Mommy, tutulungan po namin kayong magpalit ulit ng position."
Tinulungan nila akong makabangon.
Agad akong sinalo ni Kiko.
Halos buong bigat ko ay nasa kanya.
Inalalayan niya akong sumandal sa kanya habang nakaupo ako sa gilid ng kama.
Isang unan ang inilagay sa likod ko.
Isa pa sa tagiliran.
Patuloy niyang hinihimas ang likod at balakang ko.
Paikot.
Mabagal.
Pare-pareho ang ritmo.
"Breathe."
Sinubukan kong sundan siya.
"Slow inhale."
Huminga ako.
"Slow exhale."
Dahan-dahan kong inilabas ang hangin.
Saglit akong nakahinga nang mas maayos.
Pero ilang segundo lang...
At bumalik na naman ang sakit.
"Kiko..."
"I can't..."
Napailing ako habang umiiyak.
"I don't think I can do this anymore..."
Hindi siya nag-atubiling lumapit.
Marahan niyang hinawakan ang mukha ko.
Pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.
Pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ko.
Kasunod ang balikat ko.
At saka ang mga labi ko.
Isang maikli.
Tahimik.
Ngunit punong-puno ng pagmamahal.
"I love you."
"I'm so proud of you."
Napapikit ako.
"I can't..."
Mahina kong ulit.
Hindi siya umalis.
Hindi siya bumitaw.
"You are the strongest woman I know."
"Lyra is almost here."
"Just a little longer."
"You're almost there."
Makalipas pa ang ilang contraction ay muling pumasok ang obstetrician.
Ngumiti ito nang marahan.
"Mommy, titingnan po natin ulit ang progress ninyo."
Huminga ako nang malalim.
Tinulungan akong humiga nang maayos.
Muli kong ibinuka ang mga hita ayon sa gabay ng nurse habang marahang ipinasok ng doktor ang kanyang daliri sa pwerta ko para sa isa pang cervical examination.
Napahawak agad ako sa magkabilang pulsuhan ni Kiko.
Hindi na kamay.
Pulsuhan na niya.
Mahigpit.
Halos buong lakas ko.
"Hold my wrists."
"As tight as you need."
Napapikit ako habang isinasagawa ng doktor ang pagsusuri.
Ang tanging naririnig ko...
Ang paghinga naming dalawa.
At ang boses ni Kiko.
"Breathe."
"In..."
"Out..."
Pagkatapos ng ilang sandali ay ngumiti ang doktor.
"Mommy, fully dilated na po tayo."
Napamulat ako.
Narinig kong huminga nang malalim si Kiko.
Hindi ko man siya tiningnan...
Ramdam kong nanginginig nang bahagya ang hawak niya.
Ngunit nanatiling kalmado ang boses niya.
"We'll do it again."
Napaluha ako.
Tumango ako nang mahina.
Ngumiti ang doktor.
"Mommy, ready na po tayong manganak."
Tahimik na nagsimulang ihanda ng mga nurse ang silid.
Mas naging abala ang paligid.
May mga kagamitang inilapit.
May mga paalalang ibinibigay.
Pero para sa akin...
Isa lang ang malinaw.
Ang mukha ni Kiko.
At ang mga mata niyang hindi kailanman umalis sa akin.
Habang papalapit ang susunod na contraction...
Napahawak akong muli sa kanya.
Mas mahigpit pa kaysa dati.
"Daddy..."
Mahina.
Basag.
Halos pabulong.
At alam naming dalawa...
Na ang susunod na yugto ang magiging pinakamahirap.
Pero ito rin...
Ang magdadala sa amin kay Lyra.




β₯οΈ