πŸ“– 0%
Until We Became Five
Love StoryFamilyComedyDramaFriendship

Until We Became Five

✍️ By AlphaRomantiko
πŸ“– Generalβ€’Ongoingβ€’Oct 2, 2026
β“˜
Love Storyβ€’Familyβ€’Comedyβ€’Dramaβ€’Friendshipβ€’βš  Giving Birth, Intimacy
Charlotte "Cha" Tiu-Tolentino thought she already understood what motherhood meant after giving birth to her fraternal twins, Hunter Orion and Stella Athena. But when she and her husband, Francis "Kiko" Tolentino, discover they are expecting another child, they soon realize that no two pregnancies are ever the same.

As Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.

More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.

Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
πŸ“… September 21, 2026πŸ‘ 156 total readsπŸ“– Chapter 47 of 60⏱ 4 min read
CHAPTER 47 OF 60

Push

☰ Chapters
πŸ“– Reading progress: 47 of 60 chapters Β· 78%
f Facebook

Parang tumigil ang buong mundo.

Hindi ko na marinig ang ingay sa paligid.

Ang naririnig ko na lang...

Ang mabilis kong paghinga.

Ang tibok ng puso ko.

At ang boses ni Kiko.

Tinulungan ako ng mga nurse na mailagay sa posisyong napag-usapan nila.

Umupo si Kiko sa likuran ko sa labor bed.

Sumandal ako sa dibdib niya.

Ramdam ko ang mabilis din niyang paghinga.

Inalalayan niya akong maigi habang nakapuwesto ako sa pagitan ng mga hita niya.

Ang magkabilang braso niya ay nasa gilid ko, handang sumuporta sa bawat galaw ko.

"Daddy..."

Mahina kong tawag.

"I'm right behind you."

Mas lalo akong sumandal sa kanya.

Pakiramdam ko ay wala na akong lakas.

Ngunit ang init ng dibdib niya sa likod ko...

Parang nagsasabing hindi niya ako hahayaang bumagsak.

Lumapit ang doktor.

"Mommy, sa susunod na paghilab, sabayan natin ng pag-ire, ha? Sasabihin ko kung kailan."

Tumango ako.

Halos hindi ko na maramdaman ang leeg ko sa pagod.

Isang nurse ang marahang nagpahid ng pawis sa noo ko.

Si Kiko naman...

Siya ang nagpunas ng luha ko.

Pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ko.

Kasunod ang balikat ko.

Saka marahang dumampi ang labi niya sa akin.

"I love you."

Napapikit ako.

"I love you..."

Mahina kong sagot.

Hindi pa man ako nakakabawi...

Dumating na naman ang contraction.

Mas malakas kaysa sa lahat ng nauna.

Napasinghap ako.

"Ahhh..."

Agad kong hinawakan ang magkabilang pulsuhan ni Kiko.

Mahigpit.

Buong lakas.

Hindi niya ito binawi.

Sa halip...

Mas inilapit pa niya ako sa dibdib niya.

"Hold my wrists."

"As tight as you need."

Napapikit ako.

"Daddy..."

"Breathe."

"In..."

Kasabay niya akong huminga.

"Two..."

"Three..."

"Four..."

"Out..."

Unti-unti kong inilabas ang hangin.

Ngunit halos kasabay nito...

Narinig ko ang doktor.

"Mommy, ito na po. Ready... ire."

Napahigpit ang kapit ko kay Kiko.

"Daddy!"

Napasinghal ako.

Ramdam ko ang buong katawan kong kumikilos kasabay ng paghilab.

"Good, Mommy," sabi ng doktor. "Very good. Tapos na ang contraction. Relax muna tayo."

Napahinga ako nang mabilis.

Hindi pa man ako nakakabawi...

Muli na namang dumating ang kasunod.

Mas mabigat.

Mas mahaba.

Mas matindi.

"Kiko..."

Mahina kong tawag.

"I can't..."

"I know."

"Look at me."

Pinilit kong iminulat ang mga mata ko.

"I believe in you."

"You can do this."

"We can do this."

Napaluha ako.

"It hurts..."

"I know."

"This is for Lyra."

Huminga ako nang malalim.

Muli kong narinig ang doktor.

"Mommy... heto na ulit. Ready... ire."

Napapikit ako.

Napahigpit ang kapit ko sa magkabilang pulsuhan ni Kiko.

"Ahhh..."

Ramdam ko ang kamay niyang marahang humahaplos sa gilid ng braso ko sa pagitan ng mga paghilab.

"You're doing it."

"You're bringing our daughter to us."

Napaluha ako.

"Daddy..."

"I'm so tired..."

"I know."

"Rest while you can."

"Then we'll do the next one together."

Makalipas ang ilang sandali...

Humupa ang contraction.

Hinahabol ko ang hininga ko.

Halos wala na akong masabi.

Si Kiko ang nagsalita.

Tahimik.

Kalmado.

Punong-puno ng paniniwala.

"Great, Cha."

"You got this one."

Napangiti ako kahit umiiyak.

Pagkatapos...

Isa na naman.

Mas malakas.

Halos wala nang pagitan.

Napasinghal ako.

"Daddy!"

Naramdaman kong bahagya niya akong niyakap mula sa likod nang hindi naaabala ang ginagawa ng medical team.

"I'm holding you."

"Stay with me."

"No giving up, please."

Napapikit ako.

"I can't..."

Mahina kong bulong.

Parang wala na talaga akong maibigay.

Ngunit naramdaman ko ang halik niya sa gilid ng ulo ko.

"I know."

"Just one more."

"Then another."

"One contraction at a time."

Napaluha ako.

Parang ibinalik niya ako sa biyahe papunta rito.

Isang contraction lang.

Hindi lahat nang sabay-sabay.

Huminga ako.

Mabagal.

Kasabay niya.

"In..."

"Two..."

"Three..."

"Four..."

"Out..."

Tumango ang doktor.

"Very good, Mommy. Ganyan lang. Kapag dumating ang susunod na contraction, ire ulit tayo."

Napahawak akong muli sa mga pulsuhan ni Kiko.

Mas mahigpit pa.

At sa pagkakataong iyon...

Hindi na ako nagsalita.

Huminga lang ako.

At hinintay...

Ang susunod na paghilab na maglalapit pa sa amin kay Lyra.

Reader Community

Comments 1

Comments are reviewed before appearing publicly.
C
CarlSep 21, 2026

β™₯️

Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat β†’