📖 0%
Until We Became Five
Love StoryFamilyComedyDramaFriendship

Until We Became Five

✍️ By AlphaRomantiko
📖 General•Ongoing•Oct 2, 2026
ⓘ
Love Story•Family•Comedy•Drama•Friendship•⚠ Giving Birth, Intimacy
Charlotte "Cha" Tiu-Tolentino thought she already understood what motherhood meant after giving birth to her fraternal twins, Hunter Orion and Stella Athena. But when she and her husband, Francis "Kiko" Tolentino, discover they are expecting another child, they soon realize that no two pregnancies are ever the same.

As Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.

More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.

Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
📅 September 21, 2026👁 168 total reads📖 Chapter 50 of 60⏱ 4 min read
CHAPTER 50 OF 60

Daddy's Next Job

☰ Chapters
📖 Reading progress: 50 of 60 chapters · 83%
f Facebook

Unti-unti nang humuhupa ang ingay sa paligid.

May mga boses pa rin ng mga nurse.

May mahinang usapan ang doktor at ang medical team habang tinatapos nila ang mga kinakailangang routine checks.

Pero para sa akin...

Parang palayo nang palayo ang lahat.

Ang katawan ko ay wala nang maibigay pa.

Mabigat ang bawat talukap ng mata ko.

Mabigat ang bawat paghinga.

Ngunit bago tuluyang bumigay ang pagod...

Narinig ko pa ang boses ni Kiko.

Mahina.

Kalmado.

Ngunit ngayon... nanginginig.

Punong-puno ng emosyon.

Kinuha niya ang cellphone niya.

Napangiti ako nang bahagya.

Kahit hindi ko na halos maimulat ang mga mata ko.

Narinig kong tumunog ang telepono.

Ilang segundo lamang...

May sumagot.

"Hello, anak?"

"Ma..."

Sandaling natahimik si Kiko.

Parang pinipigilan ang sarili.

Ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya.

"Nanganak na po si Cha..."

Bahagyang nabasag ang boses niya sa huling salita.

Napangiti ako.

May init na dumaloy sa dibdib ko.

Narinig ko ang malakas na hingang napakawalan ni Mama sa kabilang linya—parang hindi makapaniwala—kasunod ang masayang tawa na may halong iyak.

"Talaga?! Anak, totoo ba? Kumusta sila? Kumusta si Cha? Kumusta ang baby?"

Halos sabay-sabay ang tanong niya, puno ng excitement at saya.

Napatingin si Kiko kay Lyra.

Pagkatapos ay sa akin.

May luha na sa mga mata niya.

Ngunit ngumiti siya.

Isang ngiting puno ng pagmamahal.

"Ma..."

Mahina niyang sabi, halos pabulong.

"She's really pretty..."

Napaluha ako.

Kahit pagod na pagod...

Hindi ko mapigilang ngumiti.

Si Lyra.

Ang una niyang sinabi tungkol sa anak namin.

Hindi kung sino ang kamukha.

Hindi kung gaano siya kalaki.

Kundi...

Na maganda siya.

Narinig ko ang masayang tili ni Mama sa kabilang linya.

"Ay naku! May apo na naman ako! Ang saya-saya ko, anak!"

Halos hindi maitago ang tuwa sa boses niya.

"Kamukha ba ni Cha? O ikaw? Ay, gusto ko na siyang makita!"

Napangiti si Kiko kahit may luha pa rin sa pisngi niya.

"Ma..."

Mahina niyang ipinagpatuloy.

"I'll fetch the twins."

"Please let them be ready."

Agad na sumagot si Mama, puno pa rin ng sigla.

"Sige, anak! Gigisingin ko sila ngayon din! Naku, matutuwa 'yon! May baby sister na sila!"

"Thank you po."

"Walang anuman! Mag-ingat ka, ha? At sabihin mo kay Cha na proud na proud kami sa kanya. Napakatapang niya."

Napapikit ako.

Hindi ko na nagawang magsalita.

Pero sa isip ko...

Narinig kita, Mama.

"Love you po."

"Love you too, anak."

Natapos ang tawag.

Tahimik ulit ang silid.

May naramdaman akong marahang paghaplos sa buhok ko.

Pagkatapos ay isang halik sa noo.

"Rest muna, Mommy."

Mahina niyang bulong.

"I'll be back before you know it."

Hindi ko na naigagalaw ang katawan ko.

Pero nagawa kong bahagyang pisilin ang kamay niya.

Napangiti siya.

Isang maliit na ngiti.

Pagod na pagod.

Ngunit puno ng pagmamahal.

"I know."

Mahina kong bulong.

Halos hindi na marinig.

"I love you..."

"I love you too."

Unti-unti nang bumibigat ang paningin ko.

Narinig kong kinausap ni Kiko ang doktor at ang nurse.

"Doc, Nurse... okay lang po ba kung sunduin ko lang muna twins namin? Saglit lang po. Babalik agad ako."

Ngumiti ang doktor.

"Okay lang po, Daddy. Stable naman na si Mommy. Magpapahinga lang siya. Kami na muna ang bahala sa kanila ni Baby."

"Thank you, Doc."

Isa pa niyang hinalikan ang noo ko.

Pagkatapos ay lumapit siya kay Lyra.

Napakaliit pa niya.

Nakatulog na matapos ang unang iyak at unang mga pagsusuri.

Maingat niyang hinaplos ang maliit na kamay nito.

"Hi again, Princess."

Mahina siyang natawa.

"Daddy will just get A-hiya and Achi."

"So you'll meet the microbots... you wanna be one too?"

Napangiti ako kahit nakapikit na ang mga mata ko.

Alam kong seryoso siya.

Hindi niya gustong mahuli ang kambal sa pinakamahalagang araw ng pamilya namin.

Narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto.

Pagkatapos...

Ang mahinang pagsara nito.

Tahimik na ulit ang silid.

Sa kabilang bahagi ng isip ko...

Parang nakikita ko si Kiko.

Naglalakad sa pasilyo ng ospital.

Pagod.

Halos buong gabi nang gising.

May mga bakas pa ng luha sa pisngi.

Suot pa rin ang puting shirt na gusot na sa kakayakap sa akin.

Ang salamin niyang bahagyang dumudulas dahil ilang oras na niya itong suot.

Ngunit diretso pa rin ang lakad niya.

May isa pa siyang tungkuling gustong gawin.

Ang sunduin ang dalawa pa naming anak.

Upang kapag minulat ko ang mga mata ko...

Kumpleto na kaming lima.

At habang unti-unti akong nilalamon ng mahimbing na tulog...

Iisa lang ang nasa puso ko.

Hindi ako nag-iisa.

Hindi kailanman.

Dahil sa bawat yugto ng buhay namin...

Nandoon si Kiko.

At ngayon...

Papunta naman siya sa dalawa naming anak.

Para tipunin kaming lahat...

Reader Community

Comments 1

Comments are reviewed before appearing publicly.
C
CarlSep 21, 2026

♥️

Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat →