
Until We Became Five
βοΈ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Waking Up
β° Chapters
Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog.
Wala akong napanaginipan.
Wala akong narinig.
Parang sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang paghihirap ng labor at panganganak...
Pinayagan na rin akong magpahinga ng katawan ko.
Unti-unti kong naramdaman ang sarili kong paghinga.
Mabagal.
Mabigat.
May kirot pa rin ang buong katawan ko.
Masakit pa ring igalaw ang balakang ko.
Ramdam ko pa rin ang pagod sa mga hita ko.
At may bigat pa rin sa puson.
Pero...
Wala na ang contractions.
Wala na ang matinding sakit.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Malabo pa ang lahat.
Unti-unti lamang luminaw ang kisame ng silid.
Napakurap ako.
Huminga nang malalim.
At saka ko naramdaman...
May humahawak pa rin sa kamay ko.
Mahina kong ibinaling ang ulo ko sa kaliwa.
At doon ko siya nakita.
Si Kiko.
Nakaupo pa rin sa kaliwang gilid ng kama ko.
Hindi man lang siya nakasandal nang maayos.
Halatang hindi komportable ang pwesto niya.
Bahagyang nakayuko ang ulo.
Ang kaliwang braso niya ay nakapatong pa rin sa kama habang hawak ang kamay ko.
Parang natakot siyang bitawan iyon kahit isang segundo.
Napangiti ako.
Tahimik.
Pagkatapos ay napansin ko ang mukha niya.
Mahimbing ang tulog niya.
Pagod na pagod.
At doon ko rin napansin...
Suot pa rin niya ang salamin niya.
Napahinto ako.
Hindi niya man lang naalala itong tanggalin.
Hindi niya man lang naisip na humiga nang maayos.
Basta...
Umupo lang siya sa tabi ko.
At nakatulog.
Habang hawak pa rin ako.
Unti-unti kong ibinaba ang tingin ko sa mga kamay niya.
At doon...
Parang may kumurot sa puso ko.
Mapupula.
Halos parehong pulsuhan.
May malalalim na pulang marka sa magkabilang braso niya.
May ilang manipis na bakas ng kuko ko.
Kitang-kita rin ang mga marka sa kanang braso niyang matagal nang puno ng mga peklat.
Sa mismong mga peklat na minsan nang naging paalala ng lahat ng pinagdaanan niya...
Naroon na naman ang panibagong bakas.
Ako ang may gawa.
Unti-unting bumalik sa isip ko ang bawat contraction.
Bawat pag-ire.
Bawat sandaling pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin.
At bawat pagkakataong sinabi niyang...
"Hold my wrists."
"As tight as you need."
Hindi siya bumitaw.
Kahit kailan.
Napuno ng luha ang mga mata ko.
"Kiko..."
Mahina kong bulong.
Hindi siya nagising.
Mas lalo akong napaluha.
Dahan-dahan kong iniangat ang kamay niyang hawak ko.
Maingat.
Ayokong magising siya.
Una kong hinalikan ang isa sa mga pulang marka.
Pagkatapos ang isa pa.
Kasunod ang manipis na bakas ng kuko ko.
At sa huli...
Ang mga lumang peklat sa kanan niyang braso.
Mahina akong napahikbi.
"I'm sorry..."
Halos walang boses ang lumabas.
"I held you that hard..."
Unti-unting gumalaw ang mga daliri niya.
Pagkatapos ay bahagya siyang napakunot-noo.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.
Saglit siyang napakurap.
Parang inaalala kung nasaan siya.
Hanggang sa nagtama ang mga mata namin.
Napangiti siya agad.
Pagod.
Pero totoo.
"Mommy.."
Mahina niyang sabi.
"Does something aches?"
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Napahikbi ako habang tumatango.
"Oo... masakit pa rin..."
"...pero mas nangingibabaw yung saya..."
Lumapit siya agad.
Kahit halatang masakit ang likod niya sa pagkakaupo.
Hinaplos niya ang buhok ko.
"How are you feeling"
Mas lalo akong napaiyak.
"Sobrang sakit pa rin..."
"...pero ang saya ko..."
"...hindi ko maipaliwanag..."
Napangiti rin siya.
Hindi ko agad sinagot ang iba pa.
Sa halip ay hinawakan ko ulit ang kanan niyang braso.
Pinagmasdan ko ang mga pulang marka.
Napansin niya kung saan ako nakatingin.
Mahina siyang natawa.
"Huh?"
"Superdad?"
"Hurt?"
"I doubt that."
Napatawa ako kahit umiiyak pa rin.
"Ang kulit mo..."
"...pero thank you..."
Tumango ako habang umiiyak.
"I'm sorry..."
Agad siyang umiling.
"Don't."
Mahina niyang pinisil ang kamay ko.
"What did I tell you even before?"
"Those were nothing compared to bringing another life into this world, right?"
Napaluha ako lalo.
"I hurt you..."
"No."
"You were bringing Lyra into the world."
"Those are nothing."
Mahina akong umiling.
"Your scars..."
Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay niya sa pisngi ko.
"They're still worth it."
"Every single mark."
Napapikit ako.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Iniangat ko ang kamay niya.
At muli kong hinalikan ang mapupulang marka.
Isa-isa.
Parang gusto kong burahin ang bawat bakas na naiwan ko.
Tahimik lang niya akong pinagmamasdan.
Pagkatapos ay marahan niya akong hinalikan sa noo.
"I love you."
Napangiti ako habang umiiyak.
"I love you too..."
At doon ko lamang napansin ang kabilang bahagi ng silid.
Sa sofa...
Magkatabing natutulog sina Hunter at Stella.
Pareho pa ring suot ang mga damit nila.
May kumot na nakatakip sa kanilang dalawa.
Nakakalat sa paligid nila ang ilan sa mga educational toys na malamang ay dinala nila para kay Lyra.
Nakahawak pa si Hunter sa isang maliit na spaceship.
Habang si Stella naman ay nakayakap sa plush toy niya.
Napangiti ako.
"They're here..."
Mahina kong sabi.
Tumango si Kiko.
"I picked them up."
"They wanted to wait for you."
Napuno ulit ng luha ang mga mata ko.
Tahimik kong pinagmasdan ang tatlong taong pinakamamahal ko sa silid.
Si Kiko.
Si Hunter.
Si Stella.
At kahit wala pa ulit si Lyra sa kwartong ito...
Ramdam ko pa rin ang presensya niya sa kabilang nursery room.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Mahina akong umusog.
Iniabot ko ang mga braso ko kay Kiko.
Agad niya akong niyakap.
Maingat.
Iniiwasang madaganan ang masakit kong katawan.
Isinandal ko ang noo ko sa balikat niya.
"Thank you..."
Mahina kong bulong.
"Thank you for staying..."
Naramdaman kong bahagya siyang huminga nang malalim.
"Always."
"Wala akong na-miss."
"Not a single second."
Mas lalo akong napaiyak.
Dahan-dahan akong kumalas sa yakap niya.
Hinawakan ko ang mukha niya.
At saka ko siya hinila palapit.
Mahigpit ko siyang niyakap.
Pagkatapos ay nagtagpo ang mga labi namin.
Mabagal.
Malalim.
Punong-puno ng damdamin.
Isang halik na hindi lang pagmamahal ang laman...
Kundi pasasalamat.
Pagod.
At ang tahimik na pagdiriwang...
Dahil magkasama naming dinala ang isa pang buhay sa mundong ito.
Pagkatapos ng halik, magkatabi kaming naupo habang sabay na tumingin kina Hunter at Stella, kapwa iniisip na siguradong sabik na sabik na ang dalawa na makilala ang kanilang baby sister.
At sa katahimikan ng silid...
Habang mahimbing na natutulog ang dalawa naming anak sa sofa...
Yumakap lang kaming dalawa sa isa't isa.
Walang ibang kailangan sabihin.
Dahil naroon na ang lahat ng gusto naming maramdaman.
Kompleto.
Sa wakas.




β₯οΈ