
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Meeting Their Sister
☰ Chapters
Tahimik pa ring dumedede si Lyra.
Paminsan-minsan ay gumagalaw ang maliit niyang kamay, tila kusang hinahanap ang init ng dibdib ko.
Habang pinagmamasdan ko siya...
Narinig ko ang mahihinang yabag nina Hunter at Stella.
Hindi sila tumakbo.
Hindi sila nagsiksikan.
Dahan-dahan silang lumapit.
Parang natatakot silang mag-ingay.
Parang alam nilang may napakahalaga silang makikilala.
Tumigil sila sa magkabilang gilid ng kama.
Pareho silang nakatingala kay Lyra.
Walang nagsasalita.
Mahigit isang minuto rin silang nakatingin lamang.
Napangiti ako.
Si Hunter ang unang bumasag sa katahimikan.
"...She's tiny."
Napatawa ako nang mahina.
"She is."
Pagkatapos ay si Stella naman.
"...She's really our sister?"
Tumango ako.
"Yes."
"Our baby sister."
Napangiti silang dalawa.
Parang ngayon pa lamang tuluyang nagsi-sink in sa kanila ang ibig sabihin noon.
Tatlo na silang magkakapatid.
Bahagyang yumuko si Hunter.
Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ni Lyra.
Tapos ay tumingin siya sa akin.
Pagkatapos kay Kiko.
Pagkatapos ulit kay Lyra.
"Daddy..."
"Hmm?"
"Who does she look like?"
Napangiti si Kiko.
Napatingin siya sa akin.
Sabay kaming tumingin kay Lyra.
Ako ang unang nagsalita.
"She has Mommy's eyes."
Tumango si Kiko.
"And Daddy's nose."
"...and Daddy's chin."
Nanlaki ang mga mata ni Stella.
Agad siyang lumingon kay Hunter.
"Wait..."
Tiningnan niya ang mukha ng kakambal niya.
Pagkatapos ay ang mukha ni Kiko.
"...Hunter also Daddy nose."
Napatawa kami.
Tumango si Kiko.
"That's right."
Tumingin naman si Hunter kay Stella.
"...Stella Mommy eyes."
Napangiti ako.
"Yes."
"You both noticed."
Tahimik silang nag-isip.
Parang may binubuong puzzle sa isip nila.
Muling nagsalita si Hunter.
"So..."
"If Daddy looks like me..."
"And Mommy looks like Achi..."
"...Lyra looks like..."
Napatingin silang dalawa sa isa't isa.
"...both of us?"
Napatawa kaming dalawa ni Kiko.
Tumango ako.
"A little bit."
Mahina ring tumawa si Kiko.
"Exactly."
"She's a little bit of Mommy."
"A little bit of Daddy."
"And a little bit of both of you too."
Napangiti ang kambal.
Parang ipinagmamalaki nilang may bahagi rin sila sa kanilang bunso.
Tahimik ulit silang tumingin kay Lyra.
Pinagmasdan ang maliliit nitong daliri.
Ang ilong.
Ang baba.
Ang maliliit na pilikmata.
Hanggang sa muling nagsalita si Stella.
"She's learning already?"
Napangiti ako.
"Learning?"
Tumango siya.
"How to drink."
Napatawa ako nang mahina.
"Yes."
"She is."
Tahimik silang tumango.
Parang may naalala.
Nagkatinginan silang dalawa.
Pagkatapos ay sabay na tumingin sa amin.
"Daddy..."
"We want tell."
Napangiti si Kiko.
"What is it, microbots?"
Napakamot si Hunter sa ulo.
Parang iniisip kung paano sasabihin.
"The milk..."
"...it has something."
Napakunot ang noo ni Kiko.
"What do you mean?"
Nagpatuloy si Stella, maingat ang bawat salita.
"It's called..."
"...colostrum."
Napakurap si Kiko.
Bahagya siyang napaatras.
"Colostrum?"
Napatingin siya sa akin, halatang nagtataka.
Pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa kambal.
"Where did you learn that?"
Hindi niya iyon kailanman nabanggit sa kanila.
Ngumiti si Hunter.
"When you and Mommy..."
"...not around..."
"...when we stay with Lola..."
"...we read books."
Tumango si Stella.
"And sometimes..."
"...we see you reading too."
"Books..."
"...and laptop."
Napangiti si Hunter.
"You know many things."
"So..."
"...we want learn too."
Tahimik kaming nakinig.
Patuloy si Stella.
"If Lyra asks someday..."
"...we help."
Tumango si Hunter.
"We answer first."
"If we know."
"If we don't..."
"...then Daddy and Mommy."
Napuno ng luha ang mga mata ko.
Napatingin ako kay Kiko.
Tahimik lang siyang nakatingin sa kambal.
Ngunit kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
Lumuhod siya sa harap nilang dalawa.
"You've been learning all this on your own?"
Tumango si Hunter.
"We want to be like you."
Tumango rin si Stella.
"You know a lot..."
"...and you share."
"So..."
"...we want share too."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Napangiti ako habang pinagmamasdan sila—hanggang sa hindi ko na rin napigilan ang sarili kong mapaluha.
Napailing ako habang tumatawa, saka tumingin kay Kiko.
"Anak mo nga talaga 'to!"
Napatingin ang kambal sa akin, parehong nagtataka.
"What does that mean?" tanong ni Stella.
Napakamot si Hunter sa ulo. "Why?"
Nagkatinginan kami ni Kiko at sabay nalang natawa.
At kahit hindi pa lubos na naiintindihan ng kambal, napangiti na rin sila, nadadala sa saya ng lahat.
Nang kumalas si Kiko sa yakap ay lumapit naman sila sa kama.
Maingat na hinawakan ni Hunter ang maliit na kamay ni Lyra.
Napakaliit kumpara sa kanya.
Samantalang si Stella ay marahang humalik sa noo ng bunso.
"Hi, Lyra."
Mahina niyang bulong.
"I'm Achi."
Ngumiti si Hunter.
"And I'm A-hiya."
"We'll help you."
Napahikbi ako.
Hindi ko na napigilang umiyak.
Agad na lumapit si Kiko.
Inakbayan niya ako.
Mahina niya akong hinalikan sa noo.
Pagkatapos ay pinunasan ang mga luha ko.
"You're crying again."
Napatawa ako habang umiiyak.
"I know..."
"...I just..."
"...love this family so much."
Tahimik siyang ngumiti.
"I know."
Pagkatapos ay tumingin siya sa tatlo naming anak.
Sa kambal.
Kay Lyra.
At muli siyang tumingin sa akin.
"I do too."
Tahimik na nagsama-sama kaming lima.
Ako sa kama, yakap si Lyra.
Si Kiko sa tabi ko, isang braso sa likod ko.
Si Hunter sa kanan ko.
Si Stella sa kaliwa.
Walang nagsasalita sa loob ng ilang sandali.
Hindi iyon dahil wala nang gustong sabihin.
Kundi dahil sapat na ang sandaling iyon.
Sapat na ang makita naming kumpleto na kami.
Isang pamilya.
Isang Mommy.
Isang Daddy.
Isang A-hiya.
Isang Achi.
At isang maliit na batang nagsimula ng panibagong yugto ng buhay naming lahat
Sa unang pagkakataon...
Nandito na kaming lima.
Magkakasama.
At buong-buo.




♥️