
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
A Quiet Kind Of Love
☰ Chapters
Tahimik na ang silid.
Busog na kaming lahat.
Maging sina Hunter at Stella ay tahimik nang nagbabasa ng mga librong dala nila, paminsan-minsan ay napapatingin sa bassinet kung saan mahimbing na natutulog si Lyra.
Napangiti ako.
Hindi ko akalaing ganito pala ang magiging unang umaga naming lima.
Hindi magulo.
Hindi maingay.
Kundi...
Payapa.
Tahimik na tumayo si Kiko.
Kinuha niya ang mga pinagkainan.
"Okay..."
"I'll throw these away first."
Napatingin ako sa kanya.
"Daddy..."
Ngumiti siya.
"Don't move too much yet, Mommy."
"I'll be right back."
"I'll be quick."
"Please look after them na lang muna."
Napangiti ako.
"I always do."
Lumapit si Hunter.
"We'll help."
Tumango si Stella.
"We'll watch Lyra."
Napangiti si Kiko.
"I know you will."
Bago siya lumabas ay yumuko muna siya.
Hinalikan niya ako sa noo.
Pagkatapos ay hinimas ang ulo ng kambal.
"I'll be right back."
Hindi nga siya nagtagal.
Pagbalik niya ay inayos muna niya ang silid.
Inalis ang ibang kalat.
Inilapit ang upuan.
Inayos ang mga unan ko.
Pagkatapos ay lumapit sa akin.
"Ready?"
Tumango ako.
Kahit masakit pa rin ang katawan ko.
Mas maayos na ang pakiramdam ko kumpara kanina.
"Take it slowly."
Marahan niya akong inalalayan paupo.
"Lean on me."
Agad akong sumandal sa kanya.
"I've got you."
Naramdaman kong muli ang lakas ng braso niyang sumusuporta sa akin.
"Tell me if something hurts."
Tumango ako.
"It still does..."
"...but it's manageable."
Mahina siyang ngumiti.
"Easy..."
"One step."
Isa-isa kaming naglakad.
Hindi mabilis.
Hindi rin mabagal.
Sakto lamang sa kaya ng katawan ko.
Sa bawat hakbang...
Naroon siya.
Handang sumalo.
Handang umalalay.
"You're doing great."
Napatingin ako sa kanya.
"Bare minimum?"
Napatawa siya.
"Impossible."
"You're amazing."
Napailing ako habang natatawa.
Pagdating sa banyo, maingat niya akong inalalayan.
Tinulungan niya akong makapaglinis nang mabilis at ligtas, sinisigurong komportable ako sa bawat galaw.
Walang kahit anong pag-aalinlangan sa pagitan namin.
Sanay na kami sa isa't isa—sa lahat ng kahinaan at lakas—kaya ang sandaling iyon ay puno lamang ng pag-aalaga at tiwala.
Pagkatapos ng kaunting paglilinis at pagpapalit sa mas komportableng damit, mas magaan na ang pakiramdam ko.
Napatingin siya sa akin.
"Better now?"
Tumango ako, may ngiti sa labi.
"Yes..."
"Thank you."
Ngumiti siya nang mas malambot.
"Always."
Makalipas ang ilang minuto...
Ako naman ang nakaupo ulit sa kama.
Si Kiko naman ang kumuha ng pamalit niyang damit.
"Okay..."
"My turn."
Napatawa ako.
"Finally."
Napakamot siya sa ulo.
"I think I smell like two days of coffee."
Napatawa ako.
"You do."
Bahagya siyang napangiwi.
"Sorry na..."
"I probably smell really bad already."
Napailing ako habang natatawa.
"Hey..."
"I'm just joking."
"It's fine."
"Sanay na ako sa'yo."
Napangiti siya, halatang gumaan ang loob.
"Still..."
"I'll be quick."
Nang maisara ang pinto ng banyo ay narinig ko ang mahina niyang pagkanta.
Ed Sheeran.
Napangiti ako.
Napatawa ako nang mahina.
Napatingin ang kambal sa akin.
"Daddy singing?"
Mahinang tanong ni Stella.
Tumango ako, natatawa pa rin.
"Oo."
Maya-maya ay narinig namin ang mas malinaw niyang boses mula sa loob.
Napatawa si Hunter.
"That's Daddy song!"
Sumabay siya sa tono.
Kasunod si Stella.
Mahina pero sabay silang kumanta.
Napuno ng mahihinang tawa ang silid.
Kahit pagod.
Kahit halos walang tulog.
May gana pa rin siyang kumanta.
At ngayon...
May kasama na siya.
Parang bumalik kami sa mga panahong naggi-gig pa siya—
Pero mas masaya.
Mas buo.
Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto.
Nakalabas siya.
Suot ang hoodie na dala niya at malinis na shorts.
Basang-basa pa ang buhok.
"Whew..."
"That feels much better."
Napatawa ako.
"I almost forgot what clean clothes feel like."
Lumapit siya.
Iniunat nang kaunti ang magkabilang braso.
"Better smell?"
"Smells like Engineer Daddy again?"
Napatawa ako.
"Hmm..."
Lumapit ako nang kaunti.
Sinadya kong amuyin ang balikat niya.
"Much better."
"Approved."
Napangiti siya na parang batang pinuri.
"How do I look?"
Napangiti ako nang mas malawak.
"My favorite."
Ngumiti siya nang may halong kayabangan.
"I know, right?"
Sabay kindat niya sa akin nang mapaglaro.
Napatawa ako.
Napatingin ang kambal sa amin.
"Sweet!"
Mahinang sabi ni Stella.
"Super sweet!"
Dagdag ni Hunter habang natatawa.
Sa tawa nila ay bahagyang gumalaw si Lyra sa bassinet.
Agad kaming napatingin.
"Shhh..."
Mahina naming sabay-sabay na sabi.
Napigil ang tawa ng kambal, pero hindi tuluyang nawala.
Nagpatuloy sila sa pagtawa—mahina na lang, halos pabulong.
At kami rin ni Kiko ay napangiti habang pinipigilan ang sarili.
Umupo siya sa tabi ko.
Kinuha ang cellphone niya.
"Hm..."
Napakunot ang noo niya.
"Oh..."
Napatingin siya sa akin.
"Mommy."
"I think you should see this."
Iniabot niya ang cellphone.
Nakangiti siya habang isa-isang ipinapakita ang mga mensahe.
"Your restaurant family already knows."
Napangiti ako.
Isa-isang bumungad ang pagbati.
Congratulations.
Welcome, Lyra.
Take care, Manager Cha.
Pagkatapos ay isa pang notification.
"They've been sending congratulations."
Nag-scroll siya.
"Carla messaged."
Lumitaw ang mahabang mensahe ni Carla.
Kasunod nito...
"Anne too."
Isa pang pagbati.
At pagkatapos...
"And Faith."
Napangiti ako lalo.
Mahaba rin ang mensahe ni Faith.
Puno ng pagmamahal.
At excitement.
"Look."
"They're really happy for us."
Tahimik kong pinagmasdan ang screen.
"I think everyone's already in love with Lyra."
"They can't wait to meet her."
Napuno ulit ng init ang puso ko.
"They've been with us..."
"...through every chapter."
Mahina siyang tumango.
"They really have."
Pagkatapos naming basahin ang lahat ng mensahe ay ibinaba niya ang cellphone.
Napatingin siya sa akin.
"Can I sit beside you?"
Napatawa ako.
"Daddy..."
"You don't even have to ask."
Ngumiti siya.
"There."
"Much better."
Marahan niyang ipinalibot ang kanang braso niya sa balikat ko.
Agad akong sumandal sa dibdib niya.
Mainit.
Komportable.
Pamilyar.
"Just lean on me."
Ginawa ko.
Parang doon talaga ang pwesto ko.
"I missed this."
Napangiti ako.
"So did I."
Tahimik kaming nanatili roon.
"I love you."
Mahina niyang sabi.
Napapikit ako.
"I love you too."
"Let's both get some rest."
Tumango ako.
Ilang sandali pa...
Napatingin siya sa kambal.
"Look at our microbots."
Napalingon ako.
Tahimik nga silang nagbabasa.
Pero halos bawat ilang segundo...
Napapatingin sila kay Lyra.
Napatawa ako.
"They're really reading."
Napangiti si Kiko.
"Engineer Daddy move?"
Napatawa ako.
"Baka."
Ngunit maya-maya ay muling napatingin si Stella kay Lyra.
Kasunod si Hunter.
Ngumiti si Kiko.
"But every few seconds..."
"...they're checking on Lyra."
Napatingin ako sa kambal.
Tama nga siya.
"And that one was..."
"...Manager Cha move actually."
Napatawa ako.
"Combination."
Tumango siya.
"They're already protective."
"I knew they would be."
Napatingin siya sa akin.
"Anak natin 'yan, no?"
Napatawa kaming dalawa.
"Oo."
"Evidently."
Tahimik kaming nanood sa kanila.
Maya-maya...
Narinig kong bumuntong-hininga si Kiko.
"Hm..."
Napatingin ako sa kanya.
"I'm just resting my eyes..."
Ngumiti ako.
"Sige."
Mahina siyang tumango.
"Wake me if..."
"...if anyone needs..."
Hindi na niya natapos ang sinasabi niya.
Unti-unting bumigat ang ulo niya.
Hanggang sa tuluyan itong sumandal sa balikat ko.
Narinig ko ang mahina niyang bulong.
"I'm here..."
"Always..."
"Love you, Cha..."
Hindi na natuloy ang huling salita.
Mahimbing na siyang nakatulog.
Tahimik kong pinagmasdan ang mukha niya.
Kahit ang dalawang espresso...
Hindi na kinaya ang pagod na ilang araw niyang dinala.
Napansin iyon ng kambal.
Mahina silang lumapit.
"Daddy sleeping?"
Mahina ang tanong ni Hunter.
Tumango ako.
"He is."
Napatingin si Stella kay Lyra.
"Baby sleeping."
Pagkatapos ay kay Kiko.
"Daddy sleeping."
Ngumiti ako.
"Oo."
"So..."
Mahina kong bulong.
"Let's help Daddy rest."
Tumango agad silang dalawa.
"We'll play quietly."
"And read."
"So Daddy and Lyra can sleep."
Napuno ng init ang puso ko.
Tahimik silang bumalik sa sofa.
Binuksan muli ang kanilang mga libro.
Paminsan-minsan ay sumusulyap kay Lyra.
Paminsan-minsan ay ngumingiti kay Daddy.
Samantalang ako...
Nanatiling nakasandal sa dibdib ni Kiko.
Ramdam ang mabagal niyang paghinga.
At sa isip ko...
Noon... akala ko iyon na ang buong pangarap ko.
Iyong buhay naming apat.
Ako, si Kiko, si Hunter, at si Stella.
Iyong mga araw na puno ng pagod pero may kasamang tawa.
Iyong mga gabing kahit mag-isa akong gising, sapat na ang makita silang mahimbing na natutulog.
Akala ko iyon na ang kumpleto.
Akala ko iyon na ang pinakamalaking pagmamahal na kaya kong maranasan.
Hindi ko na inisip na may darating pang mas lalalim.
Mas lalawak.
Mas magiging buo.
Hindi ko na inisip na maaari pa itong madagdagan...
...na may darating pang isa na magpapabago sa lahat.
At ngayon...
Ganito pala ang pagmamahal na pinapangarap ko noon.
Hindi iyong maingay.
Hindi iyong ipinagmamalaki sa buong mundo.
Kundi iyong tahimik na nagsasabing, "Pahinga ka. Ako muna."
At kahit ang taong iyon ay ubos na ubos na rin... pipiliin pa rin niyang manatili.
Hanggang sa katawan na niya mismo ang magsasabing sapat na.
Marahil iyon ang dahilan kung bakit lalo ko siyang minamahal.
Dahil hindi lang siya naging mabuting asawa.
Hindi lang mabuting ama.
Kundi naging tahanan namin.
At marahil... iyon din ang dahilan kung bakit kahit mayroon na kaming kambal...
...ang pagmamahal ni Kiko ay nagbunga pa ng isa.
Napatingin ako sa tatlo naming anak.
Pagkatapos ay sa lalaking mahimbing na natutulog sa balikat ko.
At mahina akong napangiti.
Pahinga ka muna, Daddy.
Ako naman ang magbabantay sa ating lima.
Katulad ng pagbabantay mo sa amin... araw-araw.




♥️