
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Epilogue III - Neither of Us Slept Anymore. We Simply Waited Together
☰ Chapters
Tahimik pa rin ang silid.
Sa wakas...
Mukhang napagod na rin sina Hunter at Stella.
Dahan-dahan nilang isinara ang mga libro.
Nagkatinginan silang dalawa.
Pagkatapos ay sabay na lumapit sa akin.
"Mommy..."
Mahina ang boses ni Hunter.
"We're sleepy."
Napangiti ako.
"I know, A-hiya."
Lumapit naman si Stella sa bassinet.
Marahan niyang hinaplos ang kumot ni Lyra.
Hindi siya ginising.
Hindi rin niya hinawakan.
Tiningnan lang niya ang bunso niyang kapatid.
Mahina siyang ngumiti.
"Lyra..."
"We'll sleep too."
"So..."
"...you sleep well too, okay?"
Tumango si Hunter.
"We'll be here."
"You don't have to be scared."
Napuno ng init ang dibdib ko.
Hindi nila alam...
Na sila ang dahilan kung bakit mas lalo akong naging matapang.
Dahan-dahan silang bumalik sa sofa.
Hinila ang maliit na kumot.
Nagtabi.
Katulad ng ginagawa nila sa bahay.
Bago pumikit si Stella ay sumilip pa ulit siya kay Daddy.
Pagkatapos kay Lyra.
"Good night..."
Mahina niyang bulong.
Hindi nagtagal...
Mahimbing na rin silang nakatulog.
Ngayon...
Apat na silang natutulog.
Si Lyra.
Ang kambal.
At si Kiko.
At ako na lang ang gising.
Tahimik kong pinagmasdan silang lahat.
Unti-unting paring bumalik sa isip ko ang mahihirap na mga buwan.
Kasama ang pinakamahabang tatlong buwan ng buong pagbubuntis ko.
...
Noong pumasok ako sa ikatlong trimester...
Pakiramdam ko...
Biglang bumigat ang lahat.
Hindi lang ang tiyan ko.
Kundi pati ang bawat galaw.
Mas mabagal akong tumayo.
Mas mabagal akong umupo.
Mas mabagal akong maglakad.
Minsan...
Ang simpleng pagkuha ng baso ng tubig...
Parang kailangan ko pang pag-isipan kung paano ko gagawin.
At sa gabi...
Lalo akong natatakot.
Dahil alam kong hindi na naman ako makakatulog nang maayos.
Kapag nakatagilid ako nang matagal...
Masakit.
Kapag nakatihaya...
Hindi komportable.
Kapag lilipat ako ng pwesto...
Parang isang buong proyekto.
Hindi na puwedeng basta-basta gumulong.
Kailangan kong alalayan ang tiyan ko.
Itulak ang sarili ko.
Huminga.
Huminto.
Huminga ulit.
May mga gabing napapaluha na lang ako.
Hindi dahil sa sakit.
Kundi dahil sa frustration.
"Hindi na naman ako makahanap ng pwesto..."
At sa tuwing maririnig iyon ni Kiko...
Hindi siya magtatanong kung ano ang kailangan ko.
Alam na niya.
Tahimik niyang aayusin ang mga unan.
Isa sa likod ko.
Isa sa pagitan ng mga tuhod ko.
Isa sa ilalim ng tiyan ko.
Isa sa likod ko ulit kapag gusto kong lumingon.
Pagkatapos...
Hahaplusin niya lang ang buhok ko.
"Better?"
At kahit hindi pa rin nawawala ang discomfort...
Mas gumagaan ang pakiramdam ko.
Hindi dahil sa mga unan.
Kundi dahil kasama ko siya.
...
Dumating ang mga Braxton Hicks.
Noong una...
Kinabahan ako.
Akala ko...
Labor stage na.
Naalala kong napatingin agad ako sa kanya.
At nakita kong namutla rin siya.
Pero imbes na mag-panic...
Kinuha niya agad ang tablet.
Binuksan ang app na siya mismo ang gumawa—Bump.
Isang app na pinagpuyatan niya ng maraming gabi.
Doon niya chineck ang mga sintomas.
Ang pagitan ng contractions.
Ang mga posibleng dahilan.
At ang mga inirekomendang gawin.
Nandoon lahat—data, guides, at mga solusyon na pinag-aralan niya mismo.
Tahimik siyang nag-scroll.
Kalmado.
Sigurado.
Parang may hawak siyang mapa sa gitna ng kaba.
Habang ako ang kinakabahan...
Siya ang naging sandigan.
Hindi dahil wala siyang takot...
Kundi dahil pinili niyang maging handa.
At ang app na iyon...
Hindi lang para sa amin.
Ibinahagi niya rin iyon sa OB namin.
Para makatulong din sa ibang buntis.
Para hindi sila mangapa sa gitna ng takot.
Para may gabay sila—katulad ng ginawa niya para sa akin.
At sa sandaling iyon...
Mas lalo kong naramdaman kung gaano ako kaswerte.
Hindi lang dahil mahal niya ako.
Kundi dahil ginagamit niya ang talino niya...
Para alagaan kami.
Para protektahan kami.
Para siguraduhing hindi ako nag-iisa sa bawat kaba.
...
Habang papalapit ang due date...
Mas lalo ring dumami ang trabaho niya.
Noong una...
Akala ko normal lang.
Hanggang sa napansin kong mas marami na siyang meeting.
Mas marami na siyang client.
Mas madalas siyang nasa workstation.
Mas madalas kong marinig ang keyboard niya hanggang madaling-araw.
Hindi pala iyon dahil gusto niyang magtrabaho nang sobra.
Ginagawa niya iyon...
Dahil may mga kailangan kaming paghandaan.
Ang follow-up checkups ng kanang braso niya.
Ang therapy.
Ang mga gamot.
Ang prenatal appointments ko.
Mga laboratory.
Mga vitamins.
Mga gamit ni Lyra.
At higit sa lahat...
Ang panganganak.
Hindi niya kailanman sinabi sa akin...
"Kailangan kong kumita."
Hindi niya ipinaramdam sa akin na pabigat ang pagbubuntis kong ito.
Tahimik niya lang iyong ginawa.
May mga gabing gigising ako para uminom ng tubig.
Makikita ko siyang nakaupo pa rin.
Nakaharap sa monitor.
Suot ang salamin niya.
Tahimik na nagtatrabaho.
May hawak na tumbler ng kape.
Kapag tatawagin ko siya...
Ngingiti lang siya.
"Go back to sleep, Mommy."
"I've got this."
Pero alam kong...
Hindi niya rin kayang matulog.
...
May mga pagkakataon ding gigising ako sa umaga...
Nasa workstation pa siya.
Hindi dahil natapos na.
Kundi dahil nakatulog na pala siya roon.
Nakayuko sa desk niya.
May salamin pa rin.
May headset pa minsan.
May kamay pa rin sa mouse.
At kung hindi sa workstation...
Sa sofa.
Minsan...
Nakaupo.
Minsan...
Halos nakahiga na.
Napahimbing na lang siya sa sobrang pagod.
At kapag gigising siya...
Ang una niyang tanong ay hindi...
"Anong oras na?"
Kundi...
"Mommy, kumain ka na ba?"
...
Mas dumami rin ang kape.
Noong una...
Isang iced coffee lang.
Pagkatapos...
Dalawa.
Hanggang sa dumating ang mga gabing kailangan na niyang uminom ng mas matapang na espresso.
Hindi dahil gusto niya.
Kundi dahil kailangan niyang manatiling gising.
Para matapos ang trabaho.
Para may pambayad sa ospital.
Para may pambayad sa therapy.
Para may pambili ng kailangan ko.
Para may maihanda para kay Lyra.
At sa bawat dagdag na tumbler ng kape...
Pakiramdam ko...
May isa na namang gabing isinuko ni Kiko.
...
May isa pang alaala...
Na hanggang ngayon ay kumikirot pa rin.
Noong napagdesisyunan naming pansamantalang iwan muna sina Hunter at Stella kay Mama.
Hindi dahil gusto namin.
Kundi dahil kailangan.
Papalapit na ako sa punto na kailangan nang maipanganganak si Lyra.
At si Kiko...
Hindi na kayang pagsabayin ang pag-aalaga sa akin at sa kambal.
Halos araw-araw akong nasasaktan.
May mga oras na hindi ako makatayo.
May mga gabing hindi ako makagalaw.
At sa mga sandaling iyon...
Ako ang kailangan niyang unahin.
Habang ang kambal...
Unti-unting nabawasan ang oras na naibibigay namin sa kanila.
Ang mga bedtime stories...
Naging videos na lang na pinanonood ng kambal.
Isang paraan na naisip ni Kiko...
Para kahit papaano...
Maramdaman pa rin nila ang routine namin.
At dumating ang araw na kailangan na talaga naming umalis.
Isa iyon sa pinakamahirap na desisyon na ginawa namin.
Bago kami tuluyang makasakay muli sa sasakyan...
Mahigpit kaming niyakap ng kambal.
Halos ayaw na nilang bumitaw.
Paulit-ulit nilang sinasabi—
"We'll behave."
"We won't ask too many questions."
"We'll just stay here."
Para hindi kami umalis.
At iyon ang mas lalong nagpabigat sa dibdib ko.
Hindi lang ako ang umiiyak noon.
Tahimik lang si Kiko...
Pero ramdam ko ang bigat sa kanya.
Pagpasok namin sa sasakyan...
Hindi agad siya umandar.
Sa halip, hinila niya ako papalapit sa kanya.
Mahigpit niya akong niyakap.
Parang doon niya ibinuhos ang lahat ng pinipigilan niyang emosyon.
Mahigpit ko rin siyang niyakap pabalik.
Pareho kaming nanginginig.
Pareho kaming nahihirapan.
Dahil pareho naming ayaw pumili.
Ayaw naming maramdaman ng kahit isa sa mga anak namin na may mas matimbang.
Ayaw naming iwan ang kambal.
Pero kailangan naming unahin si Lyra.
At sa yakap na iyon...
Pareho naming inamin sa isa't isa ang sakit ng desisyong iyon.
Pagkatapos ng ilang sandali...
Mahina siyang nagsalita.
"I'm sorry..."
"I can't manage everything anymore."
Napalingon ako sa kanya.
At doon ko nakita...
Kung gaano siya napagod.
Kung gaano siya nasaktan sa desisyong iyon.
Hindi dahil ayaw niyang alagaan ang kambal...
Kundi dahil kailangan niyang piliin kung saan siya mas kailangan sa sandaling iyon.
At noong gabing iyon...
Ang unang gabi na wala ang kambal sa tabi namin...
Hindi kami nakatulog.
Hindi dahil sa ingay.
Kundi dahil sa katahimikan.
At doon...
Hindi na niya napigilan.
Tahimik siyang umiyak.
Hanggang sa tuluyan na siyang humagulgol.
Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad.
"I'm sorry..."
"I'm sorry..."
"I should be there..."
"I should be with them..."
Hindi iyon ang iyak ng isang ama na nagkulang.
Kundi ng isang ama na sanay na laging nandoon.
Siya ang kasama ng kambal kapag nagtatrabaho ako.
Siya ang nagtuturo sa kanila.
Siya ang kalaro nila.
Siya ang kasama nila sa bawat gabi.
Hindi siya yung ama na nagbibigay lang.
Siya yung ama na naroon.
Sa bawat sandali.
Sa bawat tawa.
Sa bawat iyak.
At sa unang pagkakataon...
Napilitan siyang lumayo.
At doon siya mas lalong nasaktan.
Hinawakan ko ang mukha niya.
Pinunasan ang luha niya.
Mahigpit ko siyang niyakap.
"This is just like a Good Night"
"And our Good Morning will be on Lyra's Birth."
Dahan-dahan siyang kumalma.
Pero hindi tuluyang nawala ang sakit.
At sa gabing iyon...
Mas lalo kong naintindihan...
Kung gaano niya kamahal ang mga anak namin.
...
Sa mga huling linggo...
Hindi na talaga kami natutulog.
Ako...
Dahil sa discomfort.
Siya...
Dahil sa trabaho at sa pagaasikaso.
At kapag pareho kaming gising sa kalagitnaan ng gabi...
Hindi na kami nag-uusap minsan.
Magkatabi lang kami.
Ako...
Nakahawak sa tiyan ko.
Siya...
Nasa likuran ko, ang dibdib niya ang sumusuporta sa likod ko habang nakasandal ako sa kanya.
Nakapalibot ang mga braso niya sa akin, mahigpit ngunit maingat.
Ang mga kamay niya ay nakahawak sa ibabang bahagi ng tiyan ko, marahang sinusuportahan ang bigat nito.
Tahimik.
Walang kailangang sabihin.
Pareho naming alam...
Na papalapit na.
Papalapit na ang araw na makikilala namin si Lyra.
At marahil...
Iyon ang pinakamagandang paglalarawan sa huling trimester namin.
Hindi kami parehong nagpapahinga.
Hindi rin kami parehong natutulog.
Hindi na.
Hindi na talaga.
Sa halip...
Magkasama lang kaming naghihintay.
Magkahawak-kamay.
Magkadikit.
Magkasama sa bawat gabi.
Hanggang sa dumating ang araw...
Na ang paghihintay naming dalawa...
Ay siya na ngayong isang maliit na batang mahimbing na ngayong natutulog sa bassinet sa tabi namin.
At saka ko napagtanto...
Hindi pala kami puyat dahil sa hirap.
Puyat kami...
Dahil pareho naming minahal ang darating na buhay...
Bago pa man namin siya unang mayakap.




♥️