
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Epilogue IV - You Never Left
☰ Chapters
Mahimbing pa rin ang tulog ng lahat.
Ang kambal...
Magkatabing natutulog sa sofa.
May tig-iisang librong nakapatong pa sa dibdib nila na hindi na nila natapos basahin.
At si Kiko...
Hindi ko na siya ginising.
Kailangan niya iyon.
Mas kailangan niya iyon kaysa kanino man.
Ngunit makalipas ang ilang minuto...
Narinig ko ang mahina at pamilyar na pag-iyak.
Si Lyra.
Hindi malakas.
Hindi hysterical.
Iyong iyak na unti-unting lumalakas habang naghahanap ng yakap at gatas.
Bago pa ako tuluyang makakilos...
Naramdaman kong bahagyang gumalaw si Kiko.
Hindi pa man niya lubusang namumulat ang mga mata...
Alam na agad niya.
Mahina siyang napabuntong-hininga.
"Lyra..."
Bulong niya habang inaabot si Lyra.
Maingat niyang binuhat ang bunso namin.
Parang hindi pa rin nawawala ang pag-iingat niya kahit kalahating tulog.
Lumapit siya sa akin.
Tahimik niyang inilagay si Lyra sa mga bisig ko.
Ngumiti ako.
"Thank you..."
Mahina kong sabi.
Tumango lang siya.
Wala na siyang lakas para magsalita nang marami.
Marahan kong ibinaba ang itaas na bahagi ng hospital gown ko, inilantad ang aking suso at utong upang mapasuso si Lyra.
Habang pinapadede ko si Lyra...
Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko.
Pinagmamasdan muna kaming dalawa.
Pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang buhok ko.
"Wake me up again if you need anything, okay?"
Mahina ang boses niya.
Halos pabulong.
Halos inaantok pa rin.
Napangiti ako.
Tumango ako.
"I will."
Humarap siya sa akin.
Kahit pagod na pagod...
Ngumiti pa rin siya.
At hindi ko napigilan.
Lumapit ako.
Marahan ko siyang hinalikan sa labi.
Isang maikling halik.
Punong-puno ng pasasalamat.
"I love you."
Mahina kong bulong.
Napangiti rin siya.
"I love you too..."
Halos hindi na marinig ang huling salita.
Unti-unti siyang bumalik sa tabi ko.
Muli niyang ipinalibot ang kanang braso niya sa balikat ko.
Marahan niyang hinalikan ang aking balikat bago isinandal ang ulo niya roon.
Huminga nang malalim.
At muling nakatulog.
Parang alam na ng isip niya...
Na ligtas kaming lahat.
At iyon na lamang ang kailangan niyang malaman.
Tahimik kong pinagmasdan ang mukha niya.
At kasabay ng mabagal na paghinga niya...
Unti-unti pa ring bumalik sa isip ko ang mga yugto ng paglalakbay naming dalawa
Kasama ang huling yugto
Ang pinakamahirap sa lahat
Nagsimula ang lahat sa bahay.
Tahimik na gabi.
Tahimik na bahay.
Tahimik na paghihintay.
Hanggang sa dumating ang unang kirot.
Noong una...
Hindi pa ako sigurado.
Braxton Hicks lang ba?
O iyon na?
Tahimik akong napahawak sa tiyan ko.
At agad akong napansin ni Kiko.
Hindi siya nagtanong ng marami.
Lumapit lang siya.
Hinawakan ang kamay ko.
Tumingin sa mga mata ko.
At doon ko nakita ang pamilyar na anyo niya—kalmado sa labas, pero sa ilalim nito ay ang pag-aalala sa mga mata niya.
Kilala ko siya.
Ganito rin siya noon nang ipinanganak ko ang kambal.
Tahimik.
Matatag.
Pero puno ng kaba na pilit niyang tinatago para sa akin.
At sinabi niya...
"We'll figure it out together."
Hindi niya ako iniwang mag-isa kahit isang segundo.
Habang papalapit nang papalapit ang pagitan ng bawat contraction...
Mas lalo niyang inaayos ang lahat.
Hospital bag.
Mga dokumento.
Tubig.
Mga kailangan ko.
Lahat handa—dahil isang linggo pa lang bago iyon, inilagay na niya ang lahat ng kailangan sa sasakyan para handa kami anumang oras.
Hindi nagmamadali.
Hindi rin nagpapanic.
Pero kilala ko siya.
Sa bawat kalmadong kilos niya...
May kaba siyang itinatago.
Pagdating namin sa ospital...
Parang bumilis ang lahat.
Mga nurse.
Mga doktor.
Mga kagamitan.
Mga tanong.
Mga pirma.
At sa gitna ng lahat ng iyon...
May isang kamay na hindi bumitaw sa akin.
Kay Kiko.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong pinisil ang kamay niya.
Kung ilang beses kong napasigaw.
Kung ilang beses kong sinabi...
"I can't..."
At sa bawat pagkakataon...
Isa lang ang sagot niya.
"You can."
"I'm here."
Noong sinabi niyang...
"Hold my wrists."
Hindi ko pa lubos noon nauunawaan kung bakit.
Hanggang sa makita ko na lamang pagkatapos ng lahat...
Ang mga marka ng mga daliri ko sa balat niya.
At kahit ganoon...
Hindi niya iyon kailanman pinagsisihan.
Hindi siya umalis.
Hindi siya lumabas para magpahinga.
Hindi siya naghanap ng upuan.
Hindi niya iniwan ang private delivery suite.
Nanatili siya.
Sa bawat contraction.
Sa bawat paghinga.
Sa bawat sandaling gusto ko nang sumuko.
Nandoon siya—kahit sa bawat pagbabago ng posisyon ko, habang kailangan kong igalaw ang balakang ko at panatilihing umaalon ang galaw para kayanin ang sakit, siya ang nasa likod ko, marahang hinahaplos ang likod ko, nagbibigay ng lakas sa bawat hagod.
Hindi niya ako binitawan kahit kailan.
Kahit noong kailangan ko nang umire...
Kahit noong halos mawalan na ako ng lakas...
Mas lalo ko siyang hinigpitan.
Mahigpit kong kinapitan ang mga pulso niya, halos mag-iwan ng marka sa balat niya.
At hindi siya umatras.
Hindi siya kumalas.
Nanatili siya roon—matatag, tahimik, at buong-buo para sa akin.
At noong dumating ang sandaling kailangan kong ibuka nang malapad ang aking mga hita, hayaang ang aking pwerta ay muling maging daanan ng aming anak mula sa aking sinapupunan...
Nandoon pa rin siya.
Hindi siya umiwas.
Hindi siya natakot.
Sa halip, patuloy ang kanyang paghalik sa aking balikat at noo—parang sinasabing hindi ko kailangang harapin iyon nang mag-isa.
Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin.
Parang gusto niyang akuin ang sakit kung puwede lang.
At nang marinig namin ang unang iyak ni Lyra...
Doon ko unang nakita ang mga luha niya.
Hindi niya itinago.
Hindi rin niya pinunasan agad.
Hinayaan lang niyang tumulo.
Habang nakangiti.
Habang nakatingin sa anak namin.
At sa akin.
Pagkatapos kong makatulog sa sobrang pagod...
Hindi siya nagpahinga.
Tumawag muna siya kay Mama.
Ibinalitang naipanganak na si Lyra.
Pagkatapos...
Sinundo ang kambal.
Gusto niyang kumpleto kami sa mahalagang sandali.
Ayaw niyang magising ako nang wala sina Hunter at Stella.
At nang magising nga ako...
Naroon silang lahat.
Naalala ko rin ang unang almusal naming lima.
Siya pa rin ang lumabas.
Siya pa rin ang bumili ng pagkain.
Siya pa rin ang nag-isip kung ano ang masustansiya.
At nang hindi pa ako makakain agad...
Hindi rin siya kumain.
"I'll wait."
Simple lang ang sinabi niya.
Pero ganoon naman siya palagi.
Hindi niya gustong mauna sa akin.
Pagkatapos...
Tinulungan niya akong makapaglinis at makapagpalit upang maging mas komportable ako.
Ginawa niya iyon nang may buong pag-iingat at paggalang—kahit sa mga pinaka-pribadong bahagi ng aking katawan, nanatili siyang maingat, mahinahon, at walang bahid ng anumang malisya. Para sa kanya, ako pa rin ang asawa niyang dapat alagaan at igalang sa bawat sandali.
Walang pag-aatubili.
Walang reklamo.
Walang kahit anong bakas ng pagpapahiya.
Pag-aalaga lang.
Pagmamahal lang.
At pagkatapos noon...
Siya naman ang naligo.
Nagpalit ng damit.
Ipinakita muli sa akin ang kanyang mga ngiti.
Na parang gusto niyang sabihin...
"We're okay now."
Hanggang sa dumating ang sandaling ito.
Mahimbing siyang natutulog sa balikat ko.
Si Lyra ay payapang sumususo ng gatas.
Ang kambal ay mahimbing na rin ang tulog.
At ako...
Tahimik lang.
Pinagmamasdan silang lahat.
Napangiti ako.
Marami ang nagsabing...
Matapang ako.
Dahil kinaya kong dalhin si Lyra, pati narin ang kambal noon.
Dahil kinaya ko ang hirap ng labor.
Dahil kinaya kong manganak.
At nagpapasalamat ako sa lahat ng nagsabi noon.
Pero sa kaibuturan ng puso ko...
May isang katotohanan na alam kong hindi mababago.
Hindi ko ginawa ang lahat ng iyon nang mag-isa.
Sa bawat contraction...
May kamay na hawak ko.
Sa bawat takot...
May boses na nagpapakalma sa akin.
Sa bawat luha...
May taong nagpupunas.
Sa bawat pagod...
May taong nagsasabing...
"Ako muna."
Kaya kung may isang bagay akong gustong sabihin sa lalaking mahimbing na ngayong natutulog sa balikat ko...
Ito iyon.
Maraming salamat.
Hindi lang dahil minahal mo ako.
Hindi lang dahil minahal mo sina Hunter, Stella, at Lyra.
Kundi dahil sa bawat yugto ng paglalakbay na ito...
Hindi ka umalis.
Hindi noong unang pagsusuka ko.
Hindi noong nahirapan akong maglakad.
Hindi noong naaksidente ka.
Hindi noong natakot ka para sa braso at kamay mo.
Hindi noong dumami ang trabaho.
Hindi noong kulang ang tulog mo.
Hindi noong nagsimula ang hirap ko sa labor.
Hindi noong sumisigaw ako sa sakit.
Hindi noong ipinanganak si Lyra.
Hindi noong nawalan ako ng lakas.
Hindi noong kailangan kong bumangon muli.
Hindi ka umalis.
At marahil...
Iyon ang pinakamagandang kahulugan ng pagmamahal.
Hindi ang mga salitang "I love you."
Kundi ang tahimik na pagpiling manatili...
Sa bawat araw.
Sa bawat hirap.
Sa bawat bagong simula.
Hanggang sa muli tayong makauwi.
Bilang isang pamilyang lima.




♥️