
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Second Prenatal
☰ Chapters
May kakaibang saya kapag pangalawang beses mong nararanasan ang isang bagay.
Hindi dahil mas bago ito.
Kundi dahil mas nauunawaan mo na kung gaano ito kahalaga.
Ilang linggo na ang lumipas mula nang sabihin namin kina Hunter at Stella na magkakaroon sila ng baby sister o baby brother—kahit kami mismo ay hindi pa alam noon.
Mas madalas na rin silang lumapit sa tiyan ko.
Minsan hahalikan.
Minsan kakausapin.
Minsan naman...
Tahimik lang nilang hahawakan.
At sa tuwing nakikita ko iyon...
Pakiramdam ko, mas lalo pang lumalawak ang puso ko.
Weekend na naman.
Araw ng prenatal check-up.
Katulad ng naging routine namin nitong mga nakaraang linggo, maaga akong nagising.
Tahimik akong bumaba ng kama.
Paglingon ko...
Mahimbing nang natutulog si Kiko.
Nakabukas pa ang laptop niya sa workstation sa tabi ng kama.
May mga notes.
May pregnancy books.
May checklist.
Mukhang pagkatapos ng night shift niya ay nagbasa pa siya bago tuluyang nakatulog.
Napailing ako.
Halatang pagod na pagod siya.
Sa mga nakaraang linggo, mas lalo siyang nagsikap sa trabaho—parang mas lalo pa siyang ginanahan ngayon na may isa na naman kaming baby na darating.
"Daddy..."
Mahina akong ngumiti, pero hindi ko siya ginising.
Lumapit ako at marahang hinaplos ang buhok niya.
Tahimik lang siyang huminga, tuloy pa rin ang mahimbing na tulog.
Kaya imbes na istorbohin siya, maingat kong inayos ang kumot sa balikat niya.
Hinayaan ko siyang magpahinga.
Mahal na mahal ko ang lalaking ito.
At mas lalo ko siyang minahal dahil kahit pagod na pagod na siya, patuloy pa rin siyang nagsisikap—para sa akin, para sa mga bata, at para sa baby naming darating.
Habang naghahanda ako ng almusal, ginawa ko ang paborito niyang iced coffee.
Nang maabot ko iyon sa kanya, ngumiti siya.
"Perfect timing."
"I know how much you need it."
"Especially after my shift."
Pagkatapos ay siya naman ang naghanda ng tatlong baso ng gatas.
Isa para sa akin.
Dalawa para kina Hunter at Stella.
Lumapit siya sa akin.
"Mommy."
Inabot niya ang pregnancy milk.
"Breakfast first."
Ngumiti ako.
"Thank you."
"Always."
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam kami sa kambal.
"Lola's house first?" tanong ni Stella.
"Yes," sagot ni Kiko. "Doon muna kayo kay Lola habang magpapa-check up kami ni Mommy."
Hunter nodded.
"We behave."
"I know you will."
Lumuhod si Kiko sa harap nilang dalawa.
"Take care of Lola too. We'll fetch you after the prenatal checkup."
"Yes!"
Mahigpit niya silang niyakap bago niya ako inalalayan papunta sa sasakyan.
Automatic na hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami.
Hindi niya ako minamadali.
Hindi rin niya ako pinabubuhat ng kahit ano.
Pati handbag ko...
Siya ang may dala.
Tahimik ang biyahe papunta sa bahay ni Mama.
Pagdating namin doon, maingat naming inihatid ang kambal at nagpaalam muna sa kanila bago kami dumiretso sa clinic.
Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ako.
"You okay?"
"I'm okay."
"After this, fetch natin sila."
Napangiti ako.
"Okay."
"If you feel nauseous, tell me immediately."
"I will."
"And if you need to stop, we'll stop."
Napangiti ako.
"You always have a plan."
"I always try."
Pagdating namin sa clinic, matapos ang registration at routine measurements, tinawag na ang pangalan ko.
"Mommy Cha?"
Tumayo kami.
Magkahawak-kamay.
Pagpasok namin sa consultation room ay agad kaming sinalubong ng OB.
"Good morning! Kumusta tayo?"
"Medyo may nausea pa rin po, Doc," sagot ko.
Tumango ang doktor.
"Common pa rin po iyon sa stage ng pregnancy ninyo. Tingnan natin si baby today."
Pagkatapos ng maikling consultation, ngumiti siya.
"Mommy, magpapalit lang po tayo ulit ng hospital gown."
"Sige po."
Tahimik kaming pumasok ni Kiko sa changing room.
Inilapag niya ang bag namin sa isang upuan, pagkatapos ay humarap siya sa akin nang may maingat na lambing sa mga mata.
"May I help you?"
Ngumiti ako, kahit medyo nahihiya.
"Please."
Tumango siya agad at bahagyang umiwas ng tingin para mabigyan ako ng privacy habang dahan-dahan kong hinubad ang lahat ng suot ko, pati ang underwear ko. Maingat kong inilapag ang mga iyon sa gilid, habang siya ay tahimik lang na naghihintay at nakabantay, handang tumulong kapag kailangan ko na.
Pagkatapos ay inabot niya ang hospital gown at tinulungan niya akong isuot iyon.
Maingat niyang inayos ang tela sa balikat ko at ang mga tali sa likod.
Hindi siya nagmamadali.
Comfortable muna bago siya umatras.
"Too loose?"
"No."
"Too tight?"
"No."
"Perfect?"
"Perfect."
Ngumiti siya.
"You still look beautiful."
Napailing ako.
"You've been saying that every day."
"I'll probably keep saying it every day."
Lumapit siya.
Pareho niyang kamay ang marahang pumalibot sa bewang ko.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.
Mahina niya akong hinalikan sa noo.
Pagkatapos ay sa labi.
"Ready?"
"I am."
Humiga ako sa examination bed.
Si Kiko ay nasa ulunan ko, sapat ang lapit para maabot ko ang kamay niya.
Mahigpit ang hawak namin sa isa't isa.
Ngumiti ang doktor.
"Mommy, higa ka na po."
"Okay po."
"Expose natin ang tummy ninyo."
Dahan-dahang inangat ko ang gown upang mailantad ang tiyan ko para sa pagsusuri, at mas kapansin-pansin na ngayon ang maliit na umbok kaysa noong huling check-up.
"Unahin natin ang palpation," sabi niya habang maingat na kinapa ang aking tiyan. "Titingnan natin kung saan nakaposisyon si baby at kung okay ang pagkakalagay niya sa loob."
Tahimik kaming dalawa ni Kiko habang isinasagawa ang abdominal examination.
Dahan-dahan niyang pinisil at kinapa ang magkabilang bahagi ng tiyan ko, pagkatapos ay ang itaas at ibabang bahagi nito.
"Okay naman po ang pakiramdam ng uterus," sabi niya. "At mukhang nasa tamang posisyon si baby."
Naramdaman kong bahagyang huminga nang maluwag si Kiko.
Pagkatapos ay kumuha ang doktor ng measuring tape.
"Next, fundal height tayo."
Maingat niyang sinukat mula sa pubic bone hanggang sa tuktok ng matris ko.
"Good," sabi niya matapos tingnan ang sukat. "Appropriate ang fundal height para sa edad ng pregnancy ninyo."
Ngumiti ako nang bahagya.
Tumingin si Kiko sa akin.
"You heard that?"
"I did."
"Baby's growing well."
"So is Mommy."
Napangiti ako.
"Because Daddy never lets Mommy face this alone."
Mahina siyang tumawa.
"I have the easier job."
Napailing ako.
"No."
Hinaplos ko ang likod ng kamay niya.
"We're carrying this differently."
Tumingin siya sa akin.
"You're carrying our baby."
"And you're carrying us."
Sandali siyang natahimik.
Pagkatapos ay yumuko at marahan akong hinalikan sa noo.
"That's the nicest thing anyone has ever told me."
Pagkatapos ay kinuha ng doktor ang Doppler.
"Makikinig naman tayo sa heartbeat ni baby."
Nang ilapat niya iyon sa tiyan ko, sabay kaming napatingin ni Kiko sa monitor at sa mukha ng doktor.
Ilang sandali lang ay napuno ng mabilis at malinaw na tunog ang silid.
Lub-dub. Lub-dub. Lub-dub.
Napahigpit ang hawak ni Kiko sa kamay ko.
Ngumiti ang doktor.
"Very good. Strong and regular ang fetal heartbeat."
Napapikit ako saglit.
Hindi ko alam kung bakit, pero sa bawat pagkakataong naririnig ko ang tibok na iyon, pakiramdam ko ay mas lalo akong napapakalma.
Mas lalo akong naniniwalang okay lang kami.
Mas lalo akong naniniwalang okay si baby.
Tumingin ako kay Kiko.
Nakangiti siya habang nakatitig sa tiyan ko, saka marahang kinuskos ang mga knuckles ko gamit ang hinlalaki niya. Pag-angat niya ng tingin sa akin, mas lalo pang luminaw ang saya sa mga mata niya.
"Okay siya," mahina niyang sabi, puno ng tuwa.
"You're doing it beautifully," sabi niya sa akin bago niya ako hinalikan sa noo.
Pagkatapos ay ibinaba ng doktor ang Doppler at inayos ang gloves niya.
"Since nasa tamang stage na tayo, gusto ko ring i-check ang cervix ninyo."
Bahagyang tumango ako.
"Okay po."
Lumapit si Kiko sa ulo ko at mas mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Tell me if you feel uncomfortable," mahinang sabi niya.
"I will."
Maingat akong inihanda ng doktor para sa cervical check, at inutusan akong ibuka nang sapat ang mga hita ko para maayos na masuri ang puwerta at cervix.
Tahimik lang si Kiko sa tabi ko, pero ramdam ko ang pag-aalala niya sa bawat galaw.
Hindi siya nagsalita.
Hindi rin siya umalis sa tabi ko.
Nang matapos ang pagsusuri, mahinang ngumiti ang doktor.
"Closed and okay naman po ang cervix ninyo. Walang concerning signs today."
Napahinga ako nang malalim.
Si Kiko naman ay agad na yumuko at hinalikan ang noo ko.
"You really are so great, Cha," bulong niya.
Ngumiti ako kahit pagod.
"Thank you."
"Overall," sabi ng doktor habang isinusulat ang findings, "maganda ang resulta ng prenatal check-up natin today. Normal ang palpation findings, okay ang fundal height, strong ang fetal heartbeat, at stable ang cervix."
Naramdaman kong unti-unting lumuwag ang dibdib ko.
Paglabas namin ng clinic, magkahawak pa rin ang mga kamay namin habang dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa parking area.
Tahimik lang muna ako, pero ramdam ko ang gaan sa dibdib ko.
Hindi dahil wala nang pagod.
Hindi dahil biglang nawala ang lahat ng sintomas.
Kundi dahil sa bawat check-up, sa bawat maingat na pagtingin ng doktor, at sa bawat tibok na naririnig naming malinaw...
Mas lalo kong nararamdaman na totoo na talaga ito.
At habang magkatabi kaming naglalakad, biglang huminto si Kiko at tiningnan ako nang buong lambing.
"You really are so beautiful, you know that?"
Napangiti ako agad.
"Daddy..."
Umiling siya, parang hindi pa rin siya kuntento sa sinabi niya.
"I mean it."
Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.
"Ikaw talaga," mahina kong sabi. "Sa bawat araw na kasama kita, mas lalo mo lang pinaparamdam na kaya ko ito."
Ngumiti siya nang malambing, tapos marahang pinisil ang kamay ko.
"Come on, let's stop by some ice cream house."
Napatingin ako sa kanya.
"Why?"
Ngumiti siya na parang matagal na niyang alam ang sagot.
"Cha, I know you are craving one."
Napatawa ako nang mahina, sabay iling.
"Halata ba?"
"Very."
Mas lalo akong napangiti.
"Ang sweet mo talaga."
Hindi siya agad sumagot. Sa halip, mas lumapit siya sa akin habang naglalakad kami.
"Also, the twins deserve some," dagdag niya, may halong lambing at saya sa boses. "Let's give them some so they have something to eat along the way."
Napahawak ako sa dibdib ko, touched na touched sa sinabi niya.
"Daddy..."
Tumingin siya sa akin na parang wala siyang ibang gustong marinig kundi ang boses ko.
"Thank you," sabi ko nang buong puso. "For always noticing what I need, even before I say it. For always taking care of me like this. Sobrang na-appreciate ko 'yan."
Ngumiti siya nang mas malawak, tapos bahagyang yumuko para mas mapalapit sa akin.
"You don't have to thank me for loving you."
Napangiti ako, ramdam na ramdam ang init ng mga mata ko.
"Well, I still will."
"Good," sabi niya. "Because I plan to keep doing it."
Hindi ko napigilang matawa nang mahina.
Pagdating namin sa kotse, pinagbuksan niya ako ng pinto gaya ng lagi niyang ginagawa. Pagkaupo ko, maingat niyang inayos ang seatbelt ko bago siya umikot sa driver's side.
Pagkaupo niya, sandali siyang lumingon sa akin, may ngiting hindi ko mapigilang suklian.
"Tara?"
Bago pa ako makasagot, yumuko siya at marahang hinalikan ako sa labi.
At sa sandaling iyon, habang nakaupo kami sa loob ng kotse at handa nang umalis, pakiramdam ko ay mas lalo na namang naging magaan ang buong araw namin.




♥️