
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Epilogue V - We Made It Here Together
☰ Chapters
Makalipas ang ilang minuto...
Unti-unting bumagal ang pagsuso ni Lyra.
Ang maliit niyang kamay na kanina ay bahagyang gumagalaw ay tuluyan nang nagpahinga laban sa akin.
Pumikit na rin ang mga mata niya.
Mahimbing.
Payapa.
Busog.
Napangiti ako habang pinagmamasdan siya.
Parang hindi ko pa rin kayang magsawa.
Ilang buwan ko siyang hinintay.
Ilang buwan kong naramdaman ang maliliit niyang sipa.
Ilang gabing ang bawat paggalaw niya sa loob ko ang naging patunay na naroon siya.
At ngayon...
Narito na siya sa mga bisig ko.
Hindi na lamang isang larawan sa ultrasound.
Hindi na lamang isang tibok na pinakikinggan namin sa prenatal checkups.
Hindi na lamang isang pangalang paulit-ulit naming binabanggit habang inaayos ang maliit niyang espasyo sa bahay.
Hindi na lamang isang munting galaw sa ilalim ng palad ni Kiko.
Siya na talaga.
Si Lyra.
Ang ikatlo naming anak.
Ang bunso namin.
Ang pinakabagong bahagi ng pamilyang minsan ay akala ko ay kumpleto na.
Mahina kong tiningnan si Kiko.
Nakasandal pa rin ang ulo niya sa balikat ko.
Mahimbing ang tulog.
Bahagyang nakabuka ang labi.
Ang kanang braso niya ay nakapalibot pa rin sa akin, kahit halos wala na siyang kamalayan sa ginagawa niya.
Parang hindi na iyon isang desisyon.
Instinct na niya.
Hanapin ako.
Yakapin ako.
Siguraduhing naroon siya.
Dahan-dahan kong hinaplos ang kamay niya.
"Daddy..."
Mahina kong tawag.
Hindi siya agad nagising.
Bahagya ko siyang tinapik sa braso.
"Kiko..."
Unti-unti siyang gumalaw.
Bahagyang kumunot ang noo niya bago niya iminulat ang mga mata.
Malabo pa ang tingin niya.
Halatang hindi pa tuluyang bumabalik ang isip niya mula sa mahimbing na tulog.
"Hm...?"
Mahina niyang tugon.
"Lyra's done."
Saglit siyang napakurap.
Pagkatapos ay agad siyang tumingin kay Lyra.
Kahit antok na antok...
Parang may bahagi sa kanya na mabilis na nagising nang marinig ang pangalan ng anak namin.
Tumango siya.
"I'll take her."
Marahan niyang inalis ang braso niya sa akin.
Maingat niyang tinanggap si Lyra mula sa mga bisig ko.
Hindi siya nagmamadali.
Isang kamay ang sumuporta sa ulo nito habang ang isa ay maingat na humawak sa maliit nitong katawan.
Napatingin ako sa kanila.
Sa aming bunso...
At sa Daddy niyang halos hindi na maimulat nang maayos ang mga mata, ngunit nanatiling napakaingat sa bawat galaw.
Dahan-dahan niyang inilapat si Lyra sa dibdib niya at marahang tinapik ang likod nito.
Hinintay niyang makapag-burp ito, maingat at puno ng pag-aalaga kahit antok na antok na siya.
Nang masigurado niyang okay na si Lyra, saka siya lumapit sa bassinet.
Maingat niyang ibinaba si Lyra.
Inayos ang kumot.
Tinitigan ang mukha nito nang ilang segundo.
Pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang maliit nitong ulo.
"Sleep well, bunso..."
Halos pabulong niyang sinabi.
Bahagyang gumalaw si Lyra.
Ngunit hindi na siya nagising.
Nang masigurado ni Kiko na maayos ang pagkakahiga niya, bumalik siya sa tabi ko.
Hindi pa siya tuluyang nakaupo ay hinanap na agad ng kamay niya ang akin.
Hinawakan niya iyon.
Mainit.
Pamilyar.
Matatag kahit pagod na pagod na.
Tumingin siya sa akin.
"Mommy..."
Mahina ang boses niya.
"Sleep ka, please?"
Napangiti ako.
May pag-aalala pa rin sa mukha niya.
Kahit siya ang halos hindi na makatayo sa pagod...
Ako pa rin ang iniisip niya.
"I will."
Mahina kong sagot.
Ngunit nanatili lang akong nakaupo.
Parang hindi pa kayang sumunod ng katawan ko.
Parang ayokong pumikit.
Ayokong mawala kahit isang segundo ng sandaling iyon.
Napansin iyon ni Kiko.
Bahagya siyang umusog palapit.
"Lean on me."
Simple lang.
Tatlong salita.
Ngunit parang kabuuan na iyon ng lahat ng ginawa niya para sa akin sa mga nakaraang buwan.
Lean on me.
Noong nagsimula ang nausea.
Lean on me.
Noong bumigat ang katawan ko.
Lean on me.
Noong hindi ako makatulog.
Lean on me.
Noong dumating ang contractions.
Lean on me.
Noong kailangan kong umire.
Lean on me.
Noong wala na akong lakas.
At ngayon...
Matapos ang lahat...
Iyon pa rin ang iniaalok niya.
Ang sarili niya.
Ang dibdib niya.
Ang mga braso niya.
Ang pahinga na palagi kong natatagpuan sa tabi niya.
Dahan-dahan akong lumapit.
Ngunit bago niya tuluyang mailagay ang ulo ko sa dibdib niya...
Hinawakan niya muna ang pisngi ko.
Marahan niya akong nilapitan.
At hinalikan sa labi.
Mabagal.
Malambot.
Maikli lamang dahil pareho na kaming pagod.
Ngunit sapat upang sabihin ang lahat.
Salamat.
Nandito ako.
Ligtas na tayo.
Mahal kita.
Nang maghiwalay ang mga labi namin...
Nananatili pa rin ang noo niya sa noo ko.
"I love you..."
Mahina kong bulong.
Bahagya siyang ngumiti.
"I love you too."
Pagkatapos ay marahan niyang inilagay ang ulo ko sa dibdib niya.
Inayos niya ang pwesto ko upang hindi sumakit ang katawan ko.
Hinila niya ang kumot pataas.
At muling ipinalibot ang kanang braso niya sa akin.
Ang kamay niya ay huminto sa gilid ng baywang ko.
Hindi mahigpit.
Hindi mabigat.
Sapat lang upang ipaalalang naroon siya.
Isang pamilyar na yakap.
Ang yakap na ilang taon ko nang inuuwian.
Ang yakap na kasama kong nagising sa maraming umaga.
Ang yakap na kumumpleto sa mga gabing nagtatrabaho siya habang ako ay natutulog.
Ang yakap na humawak sa akin noong una naming nalaman na magkakaroon kami ng kambal.
Ang yakap na hindi bumitaw noong ipinanganak ko sina Hunter at Stella.
Ang yakap na pinanindigan ang pangakong muli naming bubuo ng panibagong buhay.
At ngayon...
Ang yakap na sumasalo sa akin matapos maipanganak si Lyra.
Huminga ako nang malalim.
Naamoy ko pa rin ang malinis niyang hoodie.
Narinig ko ang tibok ng puso niya.
Mabagal.
Matatag.
Pamilyar na pamilyar.
Unti-unti ring bumigat ang mga talukap ng mata ko.
Ngunit bago ako tuluyang makatulog...
Muli kong tiningnan ang paligid.
Sa sofa...
Magkatabing natutulog sina Hunter at Stella.
Magkalapit ang mga ulo nila.
Ang mga librong binabasa nila ay nakapatong pa rin sa tabi nila.
Mukhang napagod silang bantayan ang lahat.
Ngunit kahit tulog...
Nakaharap pa rin sila sa direksiyon ng bassinet.
Parang kahit sa kanilang pahinga...
Alam pa rin nilang naroon ang baby sister nila.
Sa bassinet...
Mahimbing na natutulog si Lyra.
Maliit.
Tahimik.
Walang kaalam-alam sa lahat ng pinagdaanan namin upang makarating siya rito.
Walang kaalam-alam kung ilang gabi siyang hinintay.
Kung ilang luha ang tumulo dahil sa takot at saya.
Kung ilang oras nagtrabaho ang Daddy niya.
Kung ilang beses akong napahawak sa tiyan ko upang masiguradong gumagalaw pa siya.
Kung ilang beses siyang kinausap ng A-hiya at Achi niya bago pa man nila nakita ang mukha niya.
Wala pa siyang alam.
Ngunit balang araw...
Sasabihin namin sa kanya.
Sasabihin naming matagal na siyang minahal bago pa siya ipinanganak.
Sasabihin naming may dalawang batang naghihintay na maging A-hiya at Achi niya.
Sasabihin naming ang pangalan niya ay paulit-ulit naming binanggit habang inaayos ang espasyong paghihigaan niya.
Sasabihin naming ang Daddy niya ay nagtrabaho kahit pagod.
Nagpagaling kahit nasasaktan.
Nagbuhat kahit may mga peklat.
At hindi kailanman tumigil sa paghahanda para sa araw na makikilala siya.
Sasabihin naming ang Mommy niya ay natakot.
Napagod.
Nasaktan.
Ngunit pinili pa ring magpatuloy dahil naramdaman niyang lumalaban din ang maliit na batang nasa loob niya.
At sasabihin naming...
Sa araw na una siyang umiyak...
May isang buong pamilya ring sabay-sabay na muling nabuhay.
Napapikit ako.
Lima na kami.
Hanggang ngayon...
Parang hindi pa rin kapani-paniwala.
Ako.
Si Kiko.
Si Hunter.
Si Stella.
At si Lyra.
Limang magkakaibang tibok ng puso.
Limang buhay na pinagdikit ng napakaraming desisyon.
Ng napakaraming hirap.
Ng napakaraming araw na kinailangan naming piliin ang isa't isa.
Noon...
Akala ko mahirap nang isipin kung paano namin palalakihin ang kambal.
Dalawang sanggol nang sabay.
Dalawang iyak.
Dalawang feeding.
Dalawang batang kailangang buhatin.
Dalawang munting buhay na sabay naming kailangang kilalanin.
At nagawa namin iyon.
Hindi perpekto.
Hindi palaging maayos.
May mga gabing pareho kaming pagod.
May mga araw na hindi namin alam kung tama ba ang ginagawa namin.
May mga pagkakataong sabay na umiiyak ang kambal habang pareho rin kaming halos maiyak.
Ngunit lumipas ang bawat araw.
Lumaki sila.
Natuto silang magsalita.
Natuto silang magtanong.
Natuto silang magbasa.
Natuto silang magsabi ng...
"We'll help."
At ngayong narito na si Lyra...
Parang bumalik sa akin ang parehong takot.
Paano namin kakayanin?
Paano namin hahatiin ang oras?
Paano namin masisigurong hindi mararamdaman nina Hunter at Stella na napalitan sila?
Paano namin aalagaan ang isang bagong silang habang mayroon kaming dalawang batang sabik malaman ang buong mundo?
Paano kami matutulog?
Paano kami magtatrabaho?
Paano namin pagsasabayin ang lahat?
Napakaraming tanong.
Napakaraming bagay na hindi pa namin alam.
Ngunit nang maramdaman kong bahagyang humigpit ang braso ni Kiko sa akin...
Parang may sumagot sa lahat.
Hindi ko kailangang malaman agad kung paano.
Hindi namin kailangang maging handa sa bawat posibilidad.
Hindi namin kailangang maging perpekto.
Kailangan lang naming gawin ang ginawa namin noon.
Magkasama.
Dahil iyon naman ang dahilan kung bakit kami nakarating dito.
Hindi dahil hindi kami nahirapan.
Kundi dahil sa bawat hirap...
May isa sa aming nagsabing...
"Ako muna."
Kapag ako ang mahina...
Si Kiko ang tumayo.
Kapag siya ang nasasaktan...
Ako ang humawak sa kanya.
Kapag pareho kaming pagod...
Ang kambal ang nagbigay sa amin ng dahilan upang tumawa.
At ngayong narito si Lyra...
May isa na naman kaming dahilan upang piliing bumangon.
Hindi namin nalampasan ang lahat dahil palagi kaming malakas.
Nalampasan namin iyon dahil pinayagan naming saluhin kami ng isa't isa.
Pinayagan kong buhatin ako ni Kiko.
Pinayagan niya akong makita ang takot niya.
Pinayagan naming matuto ang kambal na ang pamilya ay hindi lamang tungkol sa pagtanggap ng pag-aalaga.
Tungkol din iyon sa pagbibigay.
At marahil...
Iyon ang pinakamatibay na uri ng pagmamahal.
Hindi iyong walang kahinaan.
Kundi iyong walang nahihiyang magsabing...
"Kailangan kita."
Naramdaman kong marahang gumalaw ang hinlalaki ni Kiko sa gilid ng baywang ko.
Hindi ko alam kung gising pa siya.
O kung reflex na lamang iyon ng katawan niyang nakasanayang pakalmahin ako.
Ngunit lalo akong sumiksik sa yakap niya.
Isinandal ko nang mas maayos ang pisngi ko sa dibdib niya.
Narinig ko muli ang tibok ng puso niya.
At parang bumalik sa akin ang lahat ng bersiyon namin.
Si Kiko noong una ko siyang minahal.
Si Kiko noong una niyang hinawakan ang kamay ko bilang asawa niya.
Si Kiko noong una niyang nalaman na magiging Daddy siya.
Si Kiko na natakot habang ipinapanganak ko ang kambal ngunit hindi bumitaw.
Si Kiko na natutong palitan ang takot ng praktikal na solusyon.
Si Kiko na nagtrabaho sa gabi habang binabantayan kaming natutulog.
Si Kiko na tumanggap ng bigat ng bumagsak na cabinet upang mailigtas ang kambal.
Si Kiko na natakot na baka hindi na gumalaw ang kanang kamay niya.
Si Kiko na nagpapagaling habang patuloy kaming inaalagaan.
Si Kiko na sumama sa bawat checkup.
Si Kiko na naghintay sa bawat ultrasound.
Si Kiko na nagbilang ng contractions.
Si Kiko na nag-alok ng mga pulso niya nang kailangan kong kumapit.
Si Kiko na umiyak nang marinig ang unang iyak ni Lyra.
Si Kiko na sinundo sina Hunter at Stella upang kumpleto kami sa paggising ko.
Si Kiko na naghanda ng unang almusal naming lima.
Si Kiko na tumulong sa akin nang hindi ako kayang tumayo nang maayos.
At si Kiko ngayon...
Mahimbing na natutulog habang ako ay nasa loob pa rin ng yakap niya.
Napuno muli ng luha ang mga mata ko.
Ngunit hindi na iyon luha ng takot.
Hindi na rin luha ng sakit.
Luha iyon ng isang taong sa wakas ay nakatingin na sa kabilang dulo ng napakahabang paglalakbay.
Nagawa natin.
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi iyon sa isip ko.
Ngunit ngayon ko lamang lubos na naramdaman.
Nagawa natin.
Nalampasan natin ang pagsusuka.
Ang pagod.
Ang pagbabago ng katawan ko.
Ang prenatal checkups.
Ang takot sa bawat kakaibang pakiramdam.
Ang aksidente.
Ang mga sugat niya.
Ang kawalan ng galaw ng kamay niya.
Ang recovery.
Ang therapy.
Ang dagdag na trabaho.
Ang kulang na tulog.
Ang paglayo muna sa kambal.
Ang mga gabing pareho kaming umiiyak.
Ang Braxton Hicks.
Ang early labor.
Ang contractions.
Ang pagbiyahe patungo sa ospital.
Ang private delivery suite.
Ang pag-ire.
Ang panganganak.
Ang unang iyak.
Ang unang yakap.
Ang unang pagpapakain.
Ang unang almusal naming lima.
At ngayon...
Narito kami.
Hindi na naghihintay.
Hindi na nangangamba kung kailan siya darating.
Hindi na iniisip kung kakayanin ba namin ang araw ng panganganak.
Tapos na iyon.
Nakalampas na kami.
At sa kabila ng lahat ng sakit...
Kapag tinitingnan ko silang apat...
Hindi ko pagsisihan ang kahit isang araw.
Hindi ko pagsisisihan ang bawat gabing hindi ako makatulog.
Hindi ko pagsisisihan ang bawat pagbabagong iniwan ng pagbubuntis sa katawan ko.
Hindi ko pagsisisihan ang bawat luha.
Dahil ang lahat ng iyon...
Ay nagdala sa amin dito.
Sa isang tahimik na silid.
Sa dalawang batang mahimbing na natutulog sa sofa.
Sa isang bagong silang na ligtas sa bassinet.
At sa isang lalaking nakayakap sa akin na para bang ako pa rin ang pinakamahalagang bagay na kailangan niyang protektahan.
Napangiti ako.
Ito pala ang lima.
Hindi lamang dagdag na isang pangalan sa pamilya.
Hindi lamang isa pang higaan.
Hindi lamang isa pang bote ng gatas.
Hindi lamang isa pang batang tatawag sa amin ng Mommy at Daddy.
Ang pagiging lima...
Ay panibagong paraan ng pagmamahalan.
Mas maraming kamay na hahawakan.
Mas maraming tanong na sasagutin.
Mas maraming gabi na mapupuyat.
Mas maraming laruan sa sala.
Mas maraming yakap sa kama.
Mas maraming halik bago matulog.
Mas maraming alaala.
Mas maraming dahilan upang bumalik sa bahay.
Mas maraming buhay na iingatan namin.
At oo...
Mas magiging mahirap.
Alam ko iyon.
Hindi ako bulag sa kung ano ang darating.
May postpartum recovery pa ako.
May sleepless nights pa.
May mga araw na sabay-sabay silang mangangailangan sa amin.
May trabaho pa.
May follow-up checkups pa para kay Kiko.
May mga araw na maaaring manakit muli ang kanan niyang braso.
May mga pagkakataong kailangan naming muling humingi ng tulong kay Mama.
May mga oras na maaaring maramdaman naming kulang ang oras, lakas, at tulog.
Ngunit hindi na ako natatakot gaya ng dati.
Dahil ngayon...
May ebidensiya na ako.
Nagawa na namin.
Hindi lang minsan.
Maraming beses.
Sa bawat pagkakataong inakala naming hindi na namin kaya...
May sumunod na umaga.
At sa bawat umaga...
Naroon pa rin kami.
Magkakasama.
Mahal pa rin ang isa't isa.
Pinipili pa rin ang isa't isa.
Naramdaman kong bahagyang yumuko ang ulo ni Kiko.
Marahan niyang idinikit ang pisngi niya sa ibabaw ng ulo ko.
Tulóg pa rin.
Ngunit parang lalo niya akong niyakap.
Napapikit ako.
At doon ko naalala kung ano ang pakiramdam ng unang yakap niya noong nalaman naming buntis ako.
Parehong braso.
Parehong init.
Parehong pangakong hindi sinabi nang mahaba.
Ang kaibahan lamang...
Noon, tatlo ang anak naming iniisip.
Dalawa sa labas.
Isa sa loob ko.
Ngayon...
Lahat sila ay narito na.
Lahat ay nakikita ko na.
Lahat ay maaari na naming yakapin.
Marahan kong inilagay ang kamay ko sa ibabaw ng kamay ni Kiko.
Pinagtagpo ko ang mga daliri namin.
At sa huling sandaling nanatili akong gising...
Isa lang ang nasa isip ko.
Ito ang tahanan ko.
Hindi ang apartment.
Hindi ang silid.
Hindi ang kama.
Hindi ang bassinet.
Kundi sila.
Ang dalawang batang mahimbing na natutulog sa sofa.
Ang maliit na sanggol sa tabi namin.
At ang lalaking ang dibdib ay patuloy na tumitibok sa balikat ko.
Sila ang tahanan ko.
At ako rin...
Ay tahanan nila.
Napangiti ako habang tuluyang bumibigat ang mga mata ko.
Lima na tayo, Daddy.
Hindi ko pa rin lubos na mapaniwalaan.
Pero narito tayo.
Hindi tayo nakarating dito dahil madali.
Nakarating tayo rito dahil kahit ilang beses tayong nasaktan...
Hindi natin hinayaang mapagod ang pagmamahal natin.
Kapag mahina ang isa...
Mas humigpit ang yakap ng isa.
Kapag natakot tayo...
Mas lumapit tayo.
Kapag hindi natin alam ang susunod na gagawin...
Magkahawak-kamay nating hinanap ang sagot.
At nang wala na tayong ibang kayang gawin...
Nanatili lang tayo.
Magkasama.
Iyon pala ang dahilan kung bakit nakalampas tayo.
Hindi dahil ang pagmamahal natin ay sapat upang alisin ang lahat ng sakit.
Kundi dahil sapat ito upang hindi natin kailangang harapin ang sakit nang mag-isa.
Huminga ako nang malalim.
Ang huling nakita ko bago tuluyang pumikit...
Ay ang mahinang ilaw sa tabi ng bassinet ni Lyra.
Ang mga anino nina Hunter at Stella sa sofa.
At ang kanang braso ni Kiko na nakayakap sa akin.
Ang brasong may mga peklat.
Ang brasong minsang nanghina.
Ang brasong muling natutong gumalaw.
Ang brasong ngayon ay muli akong pinatutulog.
At sa loob ng yakap na iyon...
Nawala ang huling takot ko.
Dahil naalala ko...
Hindi ko kailangang maging matapang sa lahat ng oras.
Hindi ko kailangang buhatin ang buong pamilya namin nang mag-isa.
Hindi ko kailangang malaman agad kung paano magiging Mommy ng tatlo.
May kasama ako.
May partner ako.
May asawa akong ang unang instinct ay palaging lumapit.
May mga anak kaming unti-unti nang natututong mag-alaga sa isa't isa.
May pamilya kaming hindi perpekto...
Ngunit marunong manatili.
At sapat na iyon.
Higit pa sa sapat.
"I love you..."
Halos walang tunog kong bulong.
Hindi ko alam kung narinig iyon ni Kiko.
Ngunit bahagyang humigpit ang yakap niya.
At iyon na ang naging sagot ko.
Dahan-dahan akong nilamon ng antok.
Sa unang pagkakataon matapos ang maraming buwan...
Hindi ako natulog habang naghihintay.
Hindi ako natulog habang nag-aalala.
Hindi ako natulog habang binibilang ang pagitan ng contractions o iniisip ang susunod na checkup.
Natulog ako...
Dahil tapos na ang paghihintay.
Narito na kaming lahat.
Magkakasama.
Ligtas.
Buong-buo.
At sa tahimik na silid na iyon...
Sa ilalim ng yakap ng lalaking hindi kailanman bumitaw...
Sa tabi ng tatlong anak na bunga ng lahat ng pinili naming lampasan...
Natulog akong may isang katotohanang nakaukit sa puso ko.
Hindi lang namin ito nakayanan.
Hindi lang namin ito nalampasan.
Binuo namin ito.
Sa pagod.
Sa luha.
Sa sakripisyo.
Sa paghilom.
Sa pananatili.
At higit sa lahat...
Sa pagmamahal.
Kami noon.
Kami ngayon.
At mula sa araw na ito...
Kami nang lima.
Magpakailanman.




♥️