
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
Finally Breathing Again
☰ Chapters
May mga araw na hindi mo namamalayang nagbabago na pala ang lahat.
Hindi biglaan.
Hindi dramatic.
Unti-unti.
Parang pagsikat ng araw.
Hindi mo nakikitang gumagalaw...
Hanggang sa mapansin mong maliwanag na pala ang paligid.
Ganito ang unang trimester ko.
Hindi lang simpleng pagduduwal ang naranasan ko.
Lumala iyon.
Halos araw-araw akong sinusuka ng katawan ko kahit kaunti lang ang nakain ko.
May mga umagang hindi ko pa naaabot ang banyo ay ramdam ko na agad ang bigat sa sikmura ko.
May mga gabing ilang beses akong sumusuka hanggang manginig ang tuhod ko sa pagod.
May mga sandaling umiiyak ako dahil gusto kong kumain pero kahit amoy ng pagkain ay nagpapasuka na sa akin.
At sa bawat pagkakataong iyon...
Laging mabilis si Kiko sa likod ko.
Kapag tumatakbo ako papuntang banyo, kasunod niya ako.
Kapag nakaluhod ako sa harap ng inidoro, agad niyang hinahaplos ang likod ko nang paulit-ulit, parang sinusubukan niyang pakalmahin ang katawan kong halos ayaw nang sumunod sa akin.
Kapag tapos na akong sumuka at nanginginig pa ang buong katawan ko, yayakapin niya ako mula sa likod o hahawakan ang balikat ko hanggang sa makahinga ako nang maayos.
Hindi niya ako hinahayaang mag-isa kahit isang segundo.
At pagkatapos...
Isang umaga...
Nagising akong iba ang pakiramdam.
Marahan kong hinaplos ang pisngi ni Kiko.
Tahimik ang kwarto.
Alas-singko pa lang ng umaga, at kakatapos lang niya magtrabaho sa workstation niya. Magdamag siyang gising para sa iba't ibang international clients niya—may database, may design, may music, may legal, at may mga research na kailangang tapusin bago sumikat ang araw sa ibang bansa. Halatang pagod na pagod siya—may bahagyang pamumula pa ang mga mata niya, at mabigat ang paghinga niya habang mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Hindi ko siya ginising.
Gusto ko lang sanang damhin sandali ang mukha niya sa ilalim ng palad ko.
Pero kahit gaano ako kaingat, napamulat pa rin siya.
Napakurap siya nang ilang beses bago tuluyang tumingin sa akin.
Agad akong ngumiti.
"Good morning, Mommy."
"Good morning."
Napansin ko agad ang pagod sa boses niya.
Hindi pa man siya tuluyang nakakabangon ay hinaplos ko na ulit ang pisngi niya.
"You just got home."
Tumango siya, bahagyang napangiti.
"Five in the morning."
"You're exhausted."
"A little."
Hindi iyon totoo.
Halata sa kanya na sobra siyang pagod.
At alam ko kung bakit.
Mas lalo siyang nagsisikap ngayon para sa amin.
Para sa pamilya namin.
Para sa mga gastusin.
Para sa paparating naming baby.
Para sa lahat ng bagay na kailangan naming paghandaan.
Kaya kahit gusto kong sabihing magpahinga muna siya, alam kong hindi ganoon kadali.
Hindi pa man siya tuluyang nakakabangon ay napansin na niya ang mukha ko.
"You're smiling."
"I am."
"Less nausea?"
Tumango ako.
"I think..."
Huminga ako nang malalim.
"...I think this is the first morning I don't feel like throwing up."
Hindi nawala ang ngiti niya.
Sa halip...
Mas lalo pa itong lumawak.
"Really?"
"I think so."
Hindi siya nagsalita.
Lumapit lang siya.
Marahan niya akong hinalikan sa noo.
Pagkatapos ay sa labi.
"I'm happy."
"So am I."
Pagkatapos niyang makapagpahinga nang kaunti mula sa trabaho niya sa home office, sabay kaming lumabas ng kwarto.
Habang ginagawa ko ang paborito niyang iced coffee, bigla siyang tumayo mula sa dining table at lumapit sa likod ko.
Hindi ko na siya narinig na nagsalita.
Ramdam ko na lang ang mga braso niyang yumakap sa baywang ko mula sa likod, ang dibdib niyang dumikit sa akin, at ang mga palad niyang marahang dumapo sa tiyan ko.
Napasinghap ako.
"Kiko..."
Mahina siyang tumawa, mainit ang hininga sa batok ko bago niya ako hinalikan sa balikat.
Isa pa sa kabila.
Pagkatapos ay dahan-dahan niyang inilapat ang labi niya sa leeg ko.
Napahawak ako sa countertop.
"Ah—"
Mas lalo siyang dumikit sa akin, parang sinasadya niyang guluhin ang paghinga ko habang marahang hinahaplos ang tiyan ko mula sa likod.
Nang muli niyang halikan ang leeg ko, napasinghap ako nang mas malalim, kasunod ang mahinang ungol na hindi ko na napigilang mapakawala.
"Kiko..."
Hindi ko na alam kung galit ba ako o natutunaw na lang ako sa ginagawa niya.
Natawa siya nang mahina, saka ko naramdaman ang mga daliri ko na kusang humawak sa buhok niya nang bahagya ko siyang hilahin palapit.
"You're distracting me."
"Good," bulong niya sa balat ko.
Napailing ako, pero hindi ko siya itinulak palayo.
Sa halip, hinayaan ko siyang manatili roon, nakayakap sa akin mula sa likod, habang ginagawa ko ang iced coffee na para sana sa kanya.
Nang mailapag ko ang baso sa harapan niya, ngumiti siya na parang walang nangyari.
"This already tastes better."
I laughed softly.
"You haven't even tasted it."
"I know."
"Then how?"
"Because you made it while smiling."
Napailing ako.
"You're unbelievable."
"So I've been told."
Napatawa kaming dalawa.
Pagkatapos ay tumayo siya upang ihanda ang tatlong baso ng gatas.
Isa para sa akin.
Dalawa para kina A-hiya at Achi.
Lumapit siya sa akin.
"Mommy."
Inabot niya ang pregnancy milk.
"Breakfast first."
I smiled.
"Thank you."
Bago pa siya makasagot, yumuko ako at marahan siyang hinalikan sa labi.
"Always."
Pagkatapos ng almusal...
Nasa sala kaming apat.
Busy sina A-hiya at Achi sa paggawa ng tower gamit ang wooden blocks.
Pero hindi nagtagal, napansin kong pareho silang napatingin sa akin.
Sa tiyan ko.
Sa munting umbok na mas halata na ngayon kahit sa maluwag kong damit.
Lumapit si Achi nang dahan-dahan.
"Mommy."
"Yes, sweetheart?"
"Baby inside?"
Napangiti ako.
"Yes. Baby is inside Mommy's tummy."
Napakurap siya, parang sinusubukang intindihin iyon nang mabuti.
"Baby hear us?"
"Maybe yes."
"Maybe?"
Tumawa ako nang mahina.
"Baby is still very small, so we have to keep talking and saying hello."
Lumapit naman si A-hiya at tumabi sa kapatid niya.
"Can baby know us?"
Napatingin ako kay Kiko.
Tahimik lang siyang nakaupo sa sofa, nakasandal nang bahagya habang pinagmamasdan kaming tatlo na may malambing na ngiti sa labi.
Lumapit siya sa amin at marahang tinapik ang gilid ng sofa.
"Come here, Mommy."
Sumunod ako.
Maingat akong umupo sa tabi niya at bahagyang humiga nang pahilis sa sofa para mas komportable ako.
Dahan-dahan niyang hinila nang kaunti ang laylayan ng damit ko hanggang sa mas lumitaw ang tiyan ko.
Hindi pa ito malaki.
Pero mas halata na ngayon.
Mas bilog.
Mas buhay.
Napatingin agad sina A-hiya at Achi.
"Wow," bulong ni Achi.
Napangiti si Kiko.
"You can say hi to our baby."
Napatingin sa kanya ang kambal.
"Hi?" tanong ni A-hiya.
"Yes," sabi ni Kiko. "You can say hi. You can talk to the baby."
Lumapit si Achi nang mas malapit at marahang inilapag ang maliit niyang palad sa tiyan ko.
Sumunod si A-hiya.
Pareho nilang hinawakan nang maingat ang umbok ng tiyan ko, parang natatakot silang baka masira iyon kung masyadong madiin.
Napahawak ako sa kamay ni Kiko nang kusa.
Tahimik lang siyang nakatingin sa kanila.
"Hello, baby," mahinang sabi ni Achi.
"Baby, wake up," dagdag ni A-hiya.
Napangiti ako.
"Maybe sooner, the baby can recognize us."
Napatingin silang dalawa sa akin.
"Recognize?" tanong ni Achi.
"Yes," sagot ko. "Maybe if you keep talking to baby, baby will know your voices."
Napakurap si A-hiya.
"Just always try?"
Tumango ako.
"Just always try."
Napatingin siya kay Kiko.
"Repetition is the key to learn right?"
Napatawa nang mahina si Kiko.
"Yes, exactly."
Lumawak ang ngiti ni Achi.
"So we'll talk to the baby always."
"Yes," sabi ko, habang hinahaplos ang buhok niya. "We'll talk to the baby always."
Napatingin si A-hiya sa tiyan ko at marahang kinatok iyon gamit ang dulo ng daliri niya.
"Hello, baby."
Sumunod si Achi.
"Hello, baby."
Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa.
Si Kiko naman ay nakasandal lang sa sofa, tahimik na nakatingin sa amin na para bang gusto niyang itago sa alaala ang bawat segundo ng eksenang iyon.
Pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang tiyan ko mula sa gilid.
"Good job," mahina niyang sabi sa kambal.
Napatingin sila sa kanya.
"Baby happy?" tanong ni Achi.
"Maybe," sagot niya. "Because baby can hear you."
Napangiti si A-hiya.
"Then we talk more."
"Yes," sabi ni Kiko. "Talk more. Say hello every day."
Lumapit pa lalo ang kambal at sabay na idinikit ang mga noo nila sa tiyan ko.
"Hello, baby," sabay nilang bulong.
Napapikit ako.
Sa simpleng sandaling iyon, parang mas naging totoo ang lahat.
Hindi lang ako ang may nararamdaman.
Hindi lang ako ang naghihintay.
May dalawang munting kapatid na sabik nang makilala ang batang nasa loob ng tiyan ko.
At may isang lalaking tahimik na nakamasid sa amin, na para bang bawat salitang lumalabas sa bibig ng mga anak namin ay isa ring pangakong hindi niya kailanman bibitawan.
Kinagabihan...
Pagkatapos naming patulugin ang kambal, bumalik kami sa kwarto.
Tahimik lang.
Pareho kaming pagod.
Ngunit magaan.
Habang inaayos ko ang mga unan sa headboard, lumapit si Kiko.
"Mommy."
"Hm?"
"May I?"
Ngumiti ako.
"Always."
Marahan niyang hinila nang kaunti paitaas ang laylayan ng maluwag kong pambahay hanggang sa lumitaw ang balat ng tiyan ko.
Mas halata na ngayon.
Hindi pa malaki.
Ngunit hindi na rin maikakailang may munting umbok na.
Lumuhod siya sa pagitan ng mga hita ko habang nakasandal ako sa headboard.
Maingat niyang ipinatong ang dalawang palad niya sa hubad kong tiyan.
Tahimik.
Wala muna siyang sinabi.
Pinagmamasdan lang niya.
Parang bawat araw ay gusto niyang kabisaduhin ang pagbabago.
Napababa ang tingin ko sa kanya.
"You're looking at me again."
He smiled without taking his eyes off my tummy.
"I'm looking at both of you."
Marahan niyang hinaplos ang balat ng tiyan ko.
"Hhhmn... You really are eating more," he murmured, his hands still resting on my belly.
Napangiti ako.
"That's because our baby is making me eat for two."
He chuckled softly.
"I'm just saying that surface area wise, the answer became higher," he said, still looking at my tummy. "Tell me it's wrong?"
Napatawa ako, with affection and appreciation.
"You're ridiculous."
"That's not a no."
I laughed again, shaking my head.
"Fine. You're right."
Unti-unti niyang hinaplos ang tiyan ko.
Hindi minamadali.
Hindi sinusukat.
Pinagmamasdan lang.
Parang isa iyong tahimik na pag-uusap nilang mag-ama.
Mahalaga...
May batang hinihintay.
At may amang hindi mapigilang mahalin ang bawat pagbabago ng katawan ko.
"Daddy."
"Hm?"
I looked down at him.
"Can I ask you something?"
"Always."
"Were you ever... scared?"
Ngayon lang siya tumingin sa akin.
Hindi agad sumagot.
"I still am, Mommy."
Napakurap ako.
"You are?"
He gave a small, honest nod.
"Never a time I am not."
Bahagya akong natahimik.
Hindi iyon ang sagot na inaasahan ko.
Pero iyon ang mas totoo.
Ngumiti siya nang mahina, may halong pagod at lambing sa mga mata niya.
"Maybe I am just distracting myself from the researches I am doing."
Napatingin ako sa kanya.
He let out a soft breath, then continued, as if he wanted me to understand every piece of him.
"Besides, I should keep going..."
Marahan niyang hinaplos ang kamay ko.
"I have a reason every single day to get up."
Napakagat ako sa labi ko.
"Especially now?"
He looked at me for a moment, then lowered his hand to my tummy, warm and careful.
"..with our third baby."
His palm rested there protectively, as if he was already greeting the little life growing inside me.
At doon na tuluyang lumambot ang puso ko.
I reached for his face, my fingers brushing his cheek with so much tenderness.
"You don't have to hide that from me," I whispered. "You never have to pretend with me."
His eyes softened.
"I know."
"And thank you," I added, my voice trembling with affection. "For still standing, even when you're scared. For still choosing to keep going. For loving our babies this much."
He leaned into my touch, closing his eyes for a brief moment.
"Always, Mommy."
I smiled through the tears gathering in my eyes.
"You're doing so well."
His lips curved into the smallest, most tired smile.
"Only because you and the babies make it worth it."
I cupped his face with both hands, my heart overflowing with gratitude and love.
"And because you keep loving us like this," I said softly, "I know we'll be okay."
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Lagi siyang ganito.
Hindi niya sinasabing magiging madali.
Hindi niya sinasabing walang mangyayaring mahirap.
Ang sinasabi niya lang...
Hindi niya ako hahayaang harapin iyon nang mag-isa.
Yumuko siya.
Marahan niyang hinalikan ang tiyan ko.
Pagkatapos ay marahan siyang naupo sa gilid ng kama.
Bago pa ako makagalaw, maingat niya akong binuhat at inilapag sa harap niya, saka ipinaikot ang mga binti at hita ko sa bewang niya.
Automatic kong ipinalibot ang mga braso ko sa mga balikat niya.
Nagtagpo ang mga noo namin.
"I love you, Mommy."
"I love you too."
Mahina niya akong hinalikan.
Maikli.
Punô ng lambing.
Paglayo niya ay muli niyang hinaplos ang pisngi ko.
"You know..."
"Hm?"
"I've always thought you were beautiful."
Napangiti ako.
"But seeing you carry our child again..."
Bahagya siyang napailing na para bang hindi sapat ang mga salita.
"...made me admire you even more."
He leaned in again, this time with even more tenderness, and I felt my breath catch as he kissed my shoulder, then the side of my neck, then the nape. My fingers found his hair on instinct, holding him close as a shiver ran through me.
He stayed there for a moment, his arms firm around me, his warmth steady and familiar. I could feel my heart beating faster, my whole body leaning toward him without thought, drawn by the quiet intensity of the way he touched me.
And when he finally looked up, his eyes were soft, full of love, as if he was reminding me without words that I was cherished, desired, and never alone.
Naramdaman kong uminit ang mga mata ko.
Hindi dahil sinabi niyang maganda ako.
Kundi dahil...
Hindi niya kailanman tiningnan ang mga pagbabago ng katawan ko bilang pagkawala ng dati kong anyo.
Sa mga mata niya...
Bawat paglapad ng balakang ko.
Bawat paglaki ng dibdib ko.
Bawat pag-usli ng tiyan ko.
Lahat ng iyon ay patunay ng pagmamahal.
Patunay na may buhay na lumalaki.
Patunay na ang katawan kong ito ay tahanan ng anak naming pareho.
At sa bawat pagkakataong mabilis siyang sumusunod sa akin kapag sumusuka ako, hinahaplos ang likod ko hanggang kumalma ako, at niyayakap ako pagkatapos, ramdam ko ang init ng pag-aalaga niya.
Hindi ko nakikita ang isang lalaking natatakot sa pagbabago ng katawan ng asawa niya.
Nakikita ko...
Ang isang ama.
Tahimik na umiibig sa bawat araw na mas lumalaki ang mundong kinalalagyan ng anak niya.




♥️