📖 0%
"You are my Destiny"
Love StoryRomanceHeartbreakMystery

"You are my Destiny"

✍️ By MitzukoLoveNotes✍️
📖 General•Ongoing•Oct 2, 2026
ⓘ
Love Story•Romance•Heartbreak•Mystery•
"Pasado alasdose ng Gabi, nang makatulog si Ivan, at sa kanyang pagtulog ay nasilayan niyang muli ang lalaking pumaslang sa Kanya,

Sa loob mismo ng kanyang kwarto, ang paligid ay nag iba' tila naging lumang kagamitan,…
📅 September 28, 2026👁 939 total reads📖 Chapter 7 of 9⏱ 2 min read
CHAPTER 7 OF 9

"You are my Destiny" Chapter-8

☰ Chapters
📖 Reading progress: 7 of 9 chapters · 78%
f Facebook

"Pasado alasdose ng Gabi, nang makatulog si Ivan, at sa kanyang pagtulog ay nasilayan niyang muli ang lalaking pumaslang sa Kanya,

Sa loob mismo ng kanyang kwarto, ang paligid ay nag iba' tila naging lumang kagamitan, maging ang kaniyang pananamit ay tila nag-iba narin,"

( Ivan )
"Nasaan Ako!"
Evelyn nariyan kaba? Evelyn?

Ilang beses tinawag ni Ivan si Evelyn,
Ngunit hindi niya ito nakikita sa kanyang panaginip,

( Evelyn )
"Wag,...pakiusap wag Mo siyang papaslangin, pangako' susundin ko ang inuutos Mo!"

Naririnig ni Ivan ang boses ni Evelyn,
Sinundan niya ang isang maliit na pasilyo' at duon nakita niya si Evelyn na Naka hubot' hubad,

Lalong tumindi ang takot ni Ivan nang makita niya ang kanyang kapatid sa ama, namay hawak na baril at nasa harapan ito ni Evelyn,"

ipinikit ni Ivan ang kaniyang mga mata' upang gisingin ang kaniyang sarili,

At sa kanyang pagmulat nakita nyang nakatutok na sa kaniya ang isang baril,

( Ivan )
"Roldan,,ako ito si Ivan, kapatid Mo ko, maari bang ibaba mo ang iyong baril,.

Ang nanginginig na boses ni Ivan,"

Sa bandang likuran nakita niya si Evelyn na muling nagmamakaawa habang nakakapit ito sa braso ng kinikilala niyang kapatid sa ama,"

Naging palaisipan kay Ivan' na Kung bakit tila hindi siya nakikita ni Evelyn,
At ang pangalan na binabanggit ni Evelyn ay naging iba, kaya't dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang likuran' at nakita niya mismo ang kanyang sarili mula sa nakaraang buhay,"

Maya-maya pa'y, nakita niya si Evelyn na sumisigaw ng "Tulong" ,

( Ivan )
"Evelyn,..nandito ako,..

Ngunit si Evelyn ay nakita niyang Tumalon Ito sa bintana habang Ito ay tumatakbo dahil sa paghabol sa Kanya ng kapatid sa ama ni Ivan' na si Roldan Gomez,"

Naging magulo ang sitwasyon, iniisip ni Ivan kung sino si Evelyn sa kanyang nakaraang buhay, at kung bakit sangkot rito ang kanyang kapatid na si Roldan,"

Makalipas lamang ng tatlong oras nagising si Ivan, tiningnan niya agad si Evelyn sa kwarto nito, at nakita niya si Evelyn na sobrang pawis na Ito habang nananaginip,

Kaya't ginising niya si Evelyn, at sa pag gising nito ay halos hindi siya makahinga, at hinahawakan ang kanyang sarili,

( Evelyn )
"Buhay ako! buhay na buhay Ako!"

( Ivan )
"Evelyn nananaginip ka,"

( Evelyn )
"Ivan,..buhay ka?"

"Nakita ko kung paano ka nila pinatay!

"Ivan natatakot ako!"

Kitang-kita ni Ivan ang nanginginig na katawan ni Evelyn, kaya't sinubukan niyang pakalmahin Ito,

( Ivan )
"Evelyn, nasa kasalukuyan tayo, ang mga panaginip natin ay bahagi yun ng ating nakaraang buhay,"

Niyakap ni Ivan si Evelyn' habang ito ay umiiyak sa takot,..

Reader Community

Comments 2

Comments are reviewed before appearing publicly.
T
troySep 11, 2026

next stepp poo ganda

S
StepSep 9, 2026

Ang ganda next chapter po

Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat →