📖 0%
Until We Became Five
Love StoryFamilyComedyDramaFriendship

Until We Became Five

✍️ By AlphaRomantiko
📖 General•Ongoing•Oct 2, 2026
ⓘ
Love Story•Family•Comedy•Drama•Friendship•⚠ Giving Birth, Intimacy
Charlotte "Cha" Tiu-Tolentino thought she already understood what motherhood meant after giving birth to her fraternal twins, Hunter Orion and Stella Athena. But when she and her husband, Francis "Kiko" Tolentino, discover they are expecting another child, they soon realize that no two pregnancies are ever the same.

As Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.

More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.

Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
📅 September 21, 2026👁 148 total reads📖 Chapter 8 of 60⏱ 9 min read
CHAPTER 8 OF 60

Daddy

☰ Chapters
📖 Reading progress: 8 of 60 chapters · 13%
f Facebook

May mga pagkakataong iniisip ko...

Kung paano kaya nakikita ng ibang tao si Kiko.

Baka ang unang mapansin nila ay kung gaano siya kahilig mag-research.

Kung gaano siya kadalas magtanong.

Kung gaano siya kadetalye magplano.

Kung gaano siya kaseryoso kapag may problemang kailangang lutasin.

At lahat naman iyon ay totoo.

Pero...

Hindi iyon ang unang pumapasok sa isip ko kapag tinitingnan ko ang asawa ko.

Ang una kong naiisip...

Ay ang salitang Daddy.

Hindi dahil tatlo na ang magiging anak namin.

Kundi dahil araw-araw niyang pinipiling maging ama—kahit wala namang nakakakita.

Unang trimester pa lang.

Pero pakiramdam ko, parang pareho kaming buntis.

Ako...

Dinadala ko ang anak namin.

Siya...

Dinadala niya ako.

Matindi ang pagduduwal ko sa unang buwan.

May mga araw na halos hindi ako makabangon nang maayos.

May mga sandaling bigla na lang akong susuka kahit wala namang babala.

At sa bawat pagkakataong iyon...

Hindi niya ako pinapabayaan kahit isang segundo.

Kapag tumayo ako nang mabilis at tumakbo papuntang banyo...

Kasunod ko agad siya.

Kapag halos hindi ko na kayang tumayo dahil sa hilo at panghihina...

Naroon na agad ang mga braso niya para saluhin ako.

Kapag tapos na akong sumuka at nanginginig pa ang buong katawan ko...

Yayakapin niya ako nang mahigpit at marahang hahaplusin ang likod ko hanggang sa kumalma ako.

Hindi niya kayang alisin ang pagduduwal ko.

Hindi niya kayang akuin ang pagsusuka ko.

Hindi niya kayang akuin ang pagod ng katawan ko.

Pero ginawa niya ang lahat ng kaya niyang gawin.

At para sa akin...

Sapat na sapat iyon.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong sinundan papuntang banyo.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses niya akong hinintayang makahinga ulit bago niya ako inalalayan pabalik sa kama.

May mga umagang halos hindi pa siya nakakatulog matapos ang night shift.

Alas-singko pa lang ng umaga, katatapos lang niyang magtrabaho.

May database.

May design.

May reports.

May music projects.

May meetings sa iba't ibang time zone.

At ngayon, mas marami pa siyang tinatanggap na clients kaysa dati.

Hindi dahil gusto niyang mapagod nang sobra.

Kundi dahil alam niyang mas lalaki pa ang gastos ngayon.

Tatlo na ang anak namin.

May dagdag na pangangailangan para sa pagbubuntis ko.

May mga check-up.

May mga gamot.

May mga kailangang ihanda para sa panganganak.

At alam kong gusto niyang siguraduhin na wala akong dapat isipin pa tungkol doon.

Pagkatapos ng lahat ng trabaho niya...

Hindi siya didiretso sa kama.

Dahil kapag narinig niyang tumatawag ako sa kanya dahil kailangan ko siya...

Naroon na agad siya.

Minsan hindi pa ako nakakalapit sa lababo, hawak na niya agad ang buhok ko.

Minsan hindi pa ako tuluyang nakaupo sa sahig ng banyo, nakaluhod na siya sa tabi ko para alalayan ako.

At pagkatapos kong sumuka...

Hindi niya ako tatanungin agad kung okay lang ako.

Hindi niya ako pagmamadaliin.

Yayakapin muna niya ako.

Mahigpit.

Mainit.

Parang gusto niyang ipaalala sa katawan ko na ligtas ako.

Pagkatapos ay marahan niyang hahaplusin ang likod ko, paikot-ikot, hanggang sa bumagal ang paghinga ko at bumalik ang lakas ko kahit kaunti.

"Mommy."

"I'm here."

Dalawang simpleng salita.

Pero sa tuwing maririnig ko iyon...

Parang gumagaan ang lahat.

Isang umaga, matapos akong makatulog ulit, nagising ako nang wala si Kiko sa tabi ko.

Tahimik akong lumabas ng kwarto.

Naroon siya sa kusina, nakaupo sa dining table, nakaharap sa laptop.

May bukas na mga tab sa screen.

May listahan ng mga pagkain.

May nutritional values.

May iba't ibang artikulo.

Hindi niya ako napansin.

Nakakunot ang noo niya habang seryosong nagbabasa.

Natural na ganoon ang mukha niya kapag tutok na tutok siya sa ginagawa niya—parang laging may iniisip na kailangang ayusin, kalkulahin, o planuhin nang maayos.

Narinig ko siyang mahina ang boses.

"She managed to eat eggs yesterday... maybe we'll try a different protein today."

May tina-type siya sa notes app sa laptop.

Breakfast.

Snack.

Lunch.

Hydration.

Vitamins.

Possible cravings.

Possible food aversions.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Hindi niya alam na pinagmamasdan ko siya.

Hindi niya ginagawa iyon para purihin.

Hindi niya ginagawa iyon para makita ko.

Ginagawa niya iyon...

Dahil mahal niya kami.

Lumapit ako.

Tahimik.

Pagdating ko sa likuran niya, marahan ko siyang niyakap.

Nagulat siya nang bahagya.

Pagkatapos ay lumingon siya sa akin, at kahit nakakunot pa rin ang noo niya kanina, agad ding lumambot ang mukha niya.

"Morning, Mommy."

I rested my cheek against his back.

"What are you doing?"

He tilted the laptop slightly so I could see the screen.

"Planning."

"You've been planning for us every day."

"I know."

"You don't have to carry everything on your own."

Dahan-dahan siyang lumingon hanggang magkaharap kami.

Pareho niyang kamay ang pumalibot sa bewang ko.

"I know."

"Then why do you keep doing so much for us?"

He smiled gently.

"Because every day your body is doing something amazing."

His eyes softened.

"So the least I can do is make your day a little easier."

Hindi ko napigilang mapaluha.

I wrapped my arms around his shoulders.

"You make it so much easier than 'a little.'"

Marahan niya akong hinalikan sa noo.

"Then I'm glad."

Mas lalo kong napansin ang pagod niya habang lumilipas ang mga linggo.

Hindi na kasing gaan ang bawat umaga para sa kanya.

Kapag natutulog siya pagkatapos ng night shift, mas mahaba at mas mabigat ang tulog niya.

Minsan, kahit nakaupo lang siya sa sofa habang nanonood kami ng kambal, napapapikit na siya sandali, parang sinusubukan niyang habulin ang pahinga na hindi niya nakuha.

Pero kahit halatang mas pagod siya ngayon, kaya pa rin niya.

Kapag may kailangan ako, may paraan pa rin siyang bumangon, lumapit, at alalayan ako.

Parang may natutunan na naman siyang bagong klase ng tiyaga—yung parehong tahimik na pag-aalaga na ginawa niya noong buntis pa ako sa kambal.

Hindi siya nagrereklamo noon, at hindi rin siya nagrereklamo ngayon.

Gising agad.

Present agad.

Ready agad.

Hindi dahil hindi siya napapagod.

Kundi dahil alam niyang kailangan namin siya.

At iyon ang malaking pagkakaiba.

Isang Sabado pagkatapos ng almusal...

Katulad ng nakasanayan namin noong buntis pa ako sa kambal...

Inilipat niya ang mattress sa sala.

Ginawang sandalan ang sofa.

Ako ang nag-ayos ng mga unan.

Si A-hiya at Achi naman ang nagdala ng mga libro at laruan.

Makalipas ang ilang minuto...

Nakahiga na si Kiko sa kandungan ko.

Tahimik siyang nakatingin sa kisame, pero ramdam ko ang bigat ng pagod niya sa bawat hininga.

Habang ang dalawa naming anak ay sunod-sunod ang tanong.

"Daddy."

"Hm?"

"Why moon change shape?"

"Because of how sunlight reaches the part we see from Earth."

Achi tilted her head.

"So... moon not broken?"

He chuckled softly.

"No."

A-hiya nodded.

"I understand."

I smiled, gently combing my fingers through Kiko's hair.

Habang sumasagot siya sa bawat tanong...

Napansin kong unti-unti nang pumipikit ang mga mata niya.

Mas pagod siya lately, oo.

Pero kaya pa rin niya.

Kaya pa rin niyang makinig.

Kaya pa rin niyang sumagot nang mahinahon.

Kaya pa rin niyang gawing espesyal ang mga simpleng sandali na ito, tulad ng ginawa niya noong ako ang nagdadala ng kambal.

Hindi niya pinuputol ang usapan.

Hindi niya sinasabing mamaya na.

Hindi niya pinaparamdam sa kambal na istorbo sila.

At iyon...

Isa na namang dahilan kung bakit lalo ko siyang hinahangaan.

Kinagabihan...

Pagkatapos naming mapatulog sina A-hiya at Achi...

Tahimik kaming bumalik sa kwarto.

Umupo ako sa kama.

Lumapit siya.

"May I?"

I smiled.

"Always."

Marahan niyang inilantad ang tiyan ko.

Mas bilog na ito kaysa noong mga nakaraang linggo.

Lumuhod siya sa pagitan ng mga tuhod ko.

Maingat niyang ipinatong ang dalawang palad niya sa balat ng tiyan ko.

Tahimik.

Pinagmamasdan lang.

Parang iyon ang paborito niyang bahagi ng bawat araw.

Hindi niya kailanman hinawakan ang tiyan ko nang nagmamadali.

Hindi rin ito parang simpleng routine lang.

Bawat haplos...

May paghanga.

May pag-iingat.

May pasasalamat.

"I think our little one grew a little more."

I laughed softly.

"You notice every little change."

"Because every night I get to see something new."

I looked at him.

"You really love caring for us like this."

"I do."

"Why?"

He finally looked up at me, his eyes warm and full of tenderness.

"Because I just don't want to miss a single thing."

His thumb brushed gently across my tummy.

"Besides, you are carrying the baby beautifully."

My breath caught.

Before I could say anything, he leaned in and kissed me softly.

When he pulled back, his forehead rested against mine.

"I love you," he whispered.

My heart melted.

"And until that day comes..."

He smiled.

"...I don't want to miss a single moment."

Hindi ko na napigilang umiyak.

Hindi dahil sa hormones.

Hindi lang dahil buntis ako.

Kundi dahil sa lalaking nasa harapan ko.

Maraming tao ang nagsasabing ang pagbubuntis ay sakripisyo ng isang ina.

Totoo iyon.

Nararamdaman ko araw-araw.

Pero sa mga panahong ito, mas malinaw kong nakikita na may isa pang uri ng sakripisyo na tahimik lang na ibinibigay ni Kiko.

Hindi siya ang may dalang bigat ng tiyan ko.

Hindi siya ang sumusuka sa umaga.

Hindi siya ang kinakapos sa hininga kapag masyado nang mabigat ang katawan.

Hindi siya ang araw-araw na nakikipaglaban sa pagod, hilo, at biglang pagbabago ng pakiramdam.

Pero siya ang kusang bumabangon kahit kulang ang tulog.

Siya ang nag-aadjust ng buong schedule niya para lang masamahan ako.

Siya ang nag-aaral ng mga pagkain na pwede at bawal sa akin.

Siya ang naghahanap ng sagot kapag may kinatatakutan ako.

Siya ang tahimik na nag-aalaga sa kambal kapag kailangan kong humiga.

Hindi siya nagrereklamo kahit halatang pagod na pagod na mula sa trabaho.

Inuuna niya kaming lahat bago ang sarili niya.

At sa gitna ng pagluha ko, marahan niyang pinunasan ang mga pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

"It's fine," sabi niya nang mahina. "You can cry. I understand why. Just go on. It's not the kind of tears that stress you, I know."

Napasinghot ako, at lalo lang bumigat ang dibdib ko sa lambing ng boses niya.

"Sorry," mahina kong sagot, habang pinipilit kong ngumiti sa pagitan ng mga luha. "Hindi ko lang mapigilan. Sobra lang kitang mahal."

Ngumiti siya nang banayad, saka hinaplos ang pisngi ko.

"I know," sabi niya. "And I'm here."

At sa bawat araw ng unang trimester na ito...

Mas lalo kong nakilala si Kiko.

Hindi lang bilang lalaking mahal ko.

Hindi lang bilang matalik kong kaibigan.

Hindi lang bilang pinakamabuting partner na maaari kong hilingin.

Kundi bilang Daddy.

Ang amang tahimik magtiis.

Ang amang hindi kailangang magsalita nang malakas para maramdaman ang pagmamahal niya.

Ang amang kahit pagod na pagod mula sa magdamag na trabaho...

Ay pipiliin pa ring ngumiti, yakapin ako, halikan ako sa noo, at sabihing,

"I'm here, Mommy."

At sa tuwing maririnig ko ang mga salitang iyon...

Alam kong hindi lang ako ang nagdadala ng anak namin.

Dahil habang dinadala ko ang sanggol namin...

May taong buong puso ring dinadala ang lahat para sa amin.

Reader Community

Comments 1

Comments are reviewed before appearing publicly.
C
CarlSep 21, 2026

♥️

Para sa iyo

Recommended Stories

Tingnan lahat →