
Until We Became Five
✍️ By AlphaRomantikoAs Cha's body changes once again, so does the rhythm of their family. Between sleepless nights, demanding careers, curious little twins, prenatal appointments, unexpected trials, and the quiet fears that only parents truly understand, Cha and Kiko continue choosing each other every single day.
More than a story about pregnancy, Until We Became Five is a story about marriage-about the kind of love that remains gentle through exhaustion, patient through uncertainty, and steadfast through every challenge. It is about a husband who never stops seeing the beauty in his wife, a mother who learns to embrace every change in her body, two children preparing to become the best older siblings they can be, and a little girl who is loved long before she takes her first breath.
Filled with tenderness, hope, quiet sacrifices, and everyday moments that shape a family, this novel cel
A New Rhythm
☰ Chapters
May mga pagkakataon talagang mararamdaman mong...
May hangganan ang isang yugto.
At may panibagong nagsisimula.
Hindi mo man mapansin sa unang araw.
Hindi man sa ikalawa.
Pero isang umaga...
Gigising ka na lang at mapapansin mong...
Hindi ka na katulad ng dati.
Apat na buwan na.
Four months.
Tuwing gigising ako ngayon...
Hindi na ang pagduduwal ang unang bumabati sa akin.
Hindi ibig sabihin na tuluyan na itong nawala.
May mga araw pa ring sinusubukan ako ng katawan ko.
May mga pagkaing bigla kong hindi kayang tikman.
May mga amoy pa ring nagpapahinto sa akin.
Pero...
Mas marami nang umagang kaya ko nang ngumiti.
Mas marami nang almusal na natatapos ko.
Mas marami nang oras na kaya ko nang maglakad nang hindi kinakailangang huminto para makahinga.
Unti-unti...
Pakiramdam ko ay bumabalik ako.
Hindi bilang dati kong sarili.
Kundi bilang isang bagong bersyon ng sarili ko.
Isang Mommy...
Na muling may batang lumalaki sa sinapupunan.
Nagising ako dahil sa marahang halik sa noo.
Hindi ko pa man iminumulat ang mga mata ko...
Kilalang-kilala ko na kung sino iyon.
"Good morning, Mommy."
Napangiti ako.
"Good morning, Daddy."
Pagmulat ko ng mga mata...
Naroon na naman siya.
Nakasandal sa gilid ng kama.
Katatapos lang ng isa na namang mahabang gabi ng pakikipag-usap sa mga kliyente niya sa iba't ibang bansa.
May bahagyang bakas ng pagod sa ilalim ng mga mata.
Pero...
Pareho pa rin ang ngiti.
Pareho pa rin ang init ng mga mata niyang nakatingin sa akin.
"How are you feeling?"
I took a slow breath.
"I actually slept well."
His shoulders visibly relaxed.
"Any nausea?"
"A little."
"Vomiting?"
I shook my head.
"Not today."
"Back pain?"
"A little."
"Anything else?"
Napatawa ako.
"Daddy."
"Hm?"
"You're doing your morning assessment again."
He smiled sheepishly.
"I guess I am."
I reached for his hand.
"And I appreciate every single question."
Marahan niyang hinalikan ang likod ng kamay ko.
"I just want to know how my loves are doing."
My loves.
Hindi niya sinabing...
"My wife."
Hindi niya rin sinabing...
"The baby."
Pinagsama niya kami.
Parang iisa kaming mundo.
Pagkatapos kong maghilamos...
Lumabas ako ng kwarto.
Naamoy ko agad ang paborito niyang iced coffee beans.
Napangiti ako.
Ito ang isa sa mga paborito kong bahagi ng bawat umaga.
Tahimik.
Simple.
Pero puno ng pagmamahal.
Sa mga nakaraang buwan, mas marami siyang tinanggap na clients sa iba't ibang bansa para siguradong sapat ang kita namin—lalo na ngayon na mas marami ring kailangan para sa pagbubuntis ko. Gusto rin niyang manatiling gising kasama namin nang mas matagal, kahit halatang pagod na pagod na siya sa sunod-sunod na meetings, at trabaho.
Kaya habang inaayos ko ang kaniyang iced coffee blend...
Narinig kong bumukas ang refrigerator.
"Daddy!"
Maliit na boses ni Stella.
"Daddy! Milk!"
"I know, sweetheart."
Hunter followed behind him.
"My milk too."
"You'll both have yours."
Narinig ko ang mahinahon niyang pagtawa.
"I made Mommy's pregnancy milk first."
I smiled without turning around.
"You always do."
He looked at me.
"You first."
"And you?"
"You'll make my coffee."
"Always."
Nagkatinginan kami.
Hindi na namin kailangang sabihin pa.
Ilang taon na kaming ganito.
Siya ang nagbibigay sa akin ng pregnancy milk.
Ako ang gumagawa ng paborito niyang iced coffee.
Hindi ito obligasyon.
Hindi rin routine lang.
Ito ang paraan naming sabihin araw-araw...
"I love you."
Pagkatapos ng almusal...
Nasa sala kaming apat.
Katulad ng nakasanayan.
Inilatag ni Daddy ang malaking mattress.
Isinandal sa sofa.
Ako naman ang nag-ayos ng mga unan.
Tinulungan pa ako ni Daddy kahit paulit-ulit kong sinasabing kaya ko naman.
"Mommy."
"I'm only fixing pillows."
"I know."
"Then why are you helping me?"
"Because I can."
Napailing ako habang natatawa.
"You never stop."
"I don't plan to."
Pagkatapos...
Dumating na sina A-hiya at Achi.
Bitbit ang mga libro.
Wooden blocks.
Stuffed dinosaur.
At isang maliit na telescope toy.
"Daddy!"
Hunter smiled.
"Question time."
"I expected that."
Tumawa si Daddy.
Makalipas ang ilang minuto...
Nakahiga na siya sa kandungan ko.
Ang ulo niya ay nasa hita ko.
Ako naman ay nakasandal sa sofa.
Habang marahan kong sinusuklay ng mga daliri ang buhok niya...
Sunod-sunod na naman ang tanong ng kambal.
"Daddy."
"Hm?"
"When baby hear us?"
"Around this stage, our little one is beginning to hear sounds more clearly."
Stella's eyes widened.
"So... baby hear me?"
"I think our baby does."
Stella immediately scooted closer to me.
She carefully rested both little hands on my tummy.
"Hi, baby."
"I am Achi."
"I wait for you."
My heart melted.
Hunter followed.
"I'm A-hiya."
"I teach science."
Daddy chuckled.
"I have no doubt you will."
Napatawa kaming lahat.
Lumipas ang buong maghapon nang payapa.
Mas marami na akong nagagawa ngayon.
Nakakalakad na ako nang mas matagal.
Nakakatulong na ako sa bahay.
At kahit may mga araw pa ring sinusubukan ako ng katawan ko...
Mas madalang na ngayon ang pagduduwal at pagsusuka.
Hindi na sila kasing tindi gaya noon.
Mas manageable na.
Pero...
May mga pagkakataon pa ring pinapaalala ng katawan ko...
Na buntis ako.
Ramdam ko ulit ang bigat ng mga dibdib ko, at halos palagi ring nakausli ang mga utong ko, na para bang unti-unti na naman akong inihahanda ng katawan ko para sa gatas na darating.
Habang nag-aayos ako ng ilang gamit sa sala...
Bigla akong napahinto.
Napaupo ako nang bahagya at mahigpit na napakapit sa kamay ni Kiko.
Napasinghap ako.
Hindi dahil masakit.
Kundi dahil...
May kakaiba akong naramdaman.
Napakurap ako.
Parang...
May napakagaan na pagpitik.
Huminga ako nang dahan-dahan.
Naghintay.
Pagkatapos...
Naramdaman ko ulit.
Napakaliit.
Napakahina.
Pero naroon.
Parang may munting isdang dumaan sa ilalim ng balat ko.
"Kiko..."
Kaagad siyang lumingon.
Ano mang ginagawa niya...
Huminto agad.
Lumapit siya sa akin nang mabilis pero maingat.
"Mommy?"
"I think..."
Napatingin ako sa kaniya, nangingilid ang luha sa mga mata ko habang napapangiti ako.
"I think our baby just moved."
Hindi siya nagsalita agad.
Nanlaki lang ang mga mata niya.
"Really?"
"I think so."
"May I?"
Napangiti ako nang mas malawak.
"Always."
Marahan niyang itinupi paitaas ang laylayan ng maluwag kong maternity dress hanggang sa lumitaw ang hubad kong tiyan.
Mas bilog na ito ngayon.
Mas prominente.
Mas malinaw na may batang lumalaki roon.
Lumuhod siya sa pagitan ng mga hita ko.
Parang lagi niyang ginagawa.
Hindi nagmamadali.
Hindi rin basta hahawak.
Una niyang hinaplos ang magkabilang hita ko nang marahan.
Pagkatapos ay ipinatong ang dalawang palad niya sa balat ng tiyan ko.
Tahimik.
Napakatahimik.
Parang ayaw niyang istorbohin ang munting buhay na nasa loob.
I rested one hand on his shoulder.
The other gently cradled the back of his head.
Habang nakalapat ang mga kamay niya sa tiyan ko, marahan kong hinaplos ang buhok niya at hinawakan ang batok niya nang may paghanga at buong lambing.
"Can you feel anything?"
He smiled softly.
"Not yet."
"The baby will get stronger."
"I know."
His thumbs slowly caressed the curve of my bump.
"I've been waiting for this."
"You have?"
He looked up at me.
"Every day."
"I wanted to be there the first time our baby lets us know she's growing."
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Marahan siyang yumuko.
Isang banayad na halik ang idinikit niya sa tiyan ko.
"Hello, little one."
"Daddy's here."
"You don't have to rush."
"We'll wait for you."
Hindi ko maipaliwanag...
Kung bakit sa simpleng mga salitang iyon...
Pakiramdam ko ay mas lalo kong naramdaman ang tibok ng puso ng pamilya namin.
Kinagabihan...
Pagkatapos naming mapatulog sina A-hiya at Achi sa pamamagitan ng isa na namang bedtime story...
Bumalik kami sa kwarto.
Tahimik.
Mahina ang ilaw.
Umupo ako sa kama habang hinihintay si Daddy matapos ang mabilis niyang pagligpit ng mga baso ng gatas.
Pagbalik niya...
Hindi siya dumiretso sa workstation niya.
Sa halip...
Lumapit siya sa akin.
Pareho niyang kamay ang marahang pumalibot sa bewang ko.
Automatic kong ipinalibot ang mga braso ko sa mga balikat niya.
Forehead against forehead.
Tahimik.
"I love you, Mommy."
"I love you too."
Marahan niya akong hinalikan.
Hindi nagmamadali.
Punong-puno ng lambing.
Paglayo niya...
Muli niyang hinaplos ang tiyan ko.
"You're getting bigger."
I laughed softly.
"I know."
"You look beautiful."
"I've changed so much."
"You have."
I looked at him.
"You agree?"
"I do."
Napakurap ako.
He smiled so gently that it almost made me cry.
"You've become even more beautiful."
"Why?"
"Because every change I see..."
His hand rested over my bump.
"...means our baby is growing."
Bago pa ako makasagot, hinapit niya ako sa bewang at marahan akong hinalikan sa labi—mahaba, mainit, at puno ng lambing. Napapikit ako habang ang mga kamay ko ay umakyat sa kaniyang ulo, marahang hinahaplos ang buhok at batok niya habang lalo pang lumalim ang halik namin. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang ko, parang ayaw akong pakawalan, at isang mahina at pabulong na ungol ang kumawala sa akin bago pa kami tuluyang maghiwalay.
Hindi niya kailanman tiningnan ang mga pagbabago ng katawan ko bilang pagkawala ng dati kong anyo.
Sa kaniya...
Mas malaking dibdib.
Mas malapad na balakang.
Mas mabagal na paglakad.
Mas malaking tiyan.
Lahat ng iyon...
Ay hindi bagay na dapat ikahiya.
Mga patunay iyon...
Na may batang lumalaki sa loob ko.
Na muli na namang pinipili ng katawan kong ito...
Na maging tahanan ng isa pang munting buhay.
At habang nakayakap ako sa lalaking walang sawang humahalik sa noo ko, humahawak sa kamay ko, at marahang humahaplos sa tiyan kong unti-unting lumalaki...
Mas lalo kong naiintindihan...
Na ang pagbubuntis ay hindi lang paglalakbay ng isang ina.
Ito rin ay paglalakbay ng isang ama...
Na araw-araw...
Pinipiling samahan ang asawa niyang magdala ng mundo.




♥️