
"You are my Destiny"
✍️ By MitzukoLoveNotes✍️Para sa kanila, ang kanilang relasyon ay isang …
"You are my Destiny" Chapter-9
☰ Chapters
"Tagpuan sa Nakaraan' ang madalas na sinasabi ni Ivan' Kay Evelyn, sa tuwing gigising sila Sa umaga, maayos at Payapa ang kanilang pagsasama bilang mag live-in partner,
Para sa kanila, ang kanilang relasyon ay isang pagpapatunay na ang tadhana na ang naglapit sa kanilang mga puso,
Ngunit sa kabila ng kanilang pagsasama, may isang mabigat na nakaraan ang unti-unting gumugulo sa kanilang mga gabi, paulit-ulit silang binabangungot ng kani-kanilang mga nakaraan,
Sa iisang panaginip na puno ng misteryo at takot, mga tunog ng yabag at baril sa madilim na silid,
at ang marahas na pagkakasawi mula sa kanilang nakaraan,"
Dahil sa takot na baka tuluyang maapektuhan ang kanilang katinuan at relasyon, nag-pasya si Evelyn na humingi Ng tulong sa kaibigan niyang si Maya, upang lumapit sa espiritistang kilala nito,
( Evelyn )
"Ivan nandito tayo sa bahay ng friend ko, siya si Maya, matutulungan niya tayo para ipakilala niya tayo sa espiritistang kilala niya,"
( Ivan )
"Sige, para malaman Kona rin ang nakaraan ko,"
Sa isang lumang silid, na tanging sindi lamang ng kandila ang nagbibigay ng liwanag, umupo si Ivan at Evelyn sa magkabilang gilid ng maliit na mesa, Tahimik na sinimulan ng matandang espiritista ang isang dasal at orasyon,"
Sa pagpikit' ng espiritista' hinawakan niya ang Kamay nina Ivan at Evelyn,
Maya-maya pa'y muling nagsalita ang matandang espiritista,"
( espiritista' )
"Hindi kayo pinagtagpo at nagkatuluyan sa nakaraan niyong buhay,
"matagal na kayong magkakilala, naging magkababata kayo' naglalaro ng isang kasal-kasalan,
"Ang larong iyon ang naging ugat upang kayo ay magkaigihan,
"Ikaw Evelyn ay ikalawang pinsan ni Ivan sa nakaraan!"
"At ang lalaking Naka itim ay kadugo ni Ivan, ang kanyang kapatid sa ama,
"Kayong tatlo ang palaging magkakasama, ang magkapatid ay parehong nagkagusto sa iyo Evelyn!"
"Kayo ni Ivan ay may espesyal na nararamdaman sa isat' Isa,"
"ngunit kayo ay nagpipigil sa inyong pagtitinginan,"
"Hanggang sa sumapit ang edad mo Evelyn ng ika labingwalong taong gulang kana, at si Ivan ay ika Dalawampu, muli kayong nagkita at ginawa ninyo ang isang Bawal na Pag-ibig,"
"Nangyari' ang hindi dapat na mangyari, nagtalik kayong dalawa sa isang madilim na silid, tanging ilaw ng isang kandila lamang ang nanduon,
"Nakikita ko ang lalaking nakaitim, ang kapatid sa ama ni Ivan, kitang-kita niya ang nangyayari sa Inyo!"
Kaya't agad niya Ito sinabi sa inyong ama Ivan,"
"Sa pag susumbong ng iyong kapatid,
agad na pinag-utos ng ama mo Ivan na paghiwalayin kayong dalawa,"
Ang Matandang espiritista' ay naduwal ng kulay berde,
( Evelyn )
"Paano namin matatakasan ang nakaraan? ano ba ang maidudulot ng panaginip na yon sa kasalukuyan?"
( Espiritista' )
"Nakikita ko at nararamdaman ko na buhay pa ang mismong pumatay kay Ivan sa nakaraan,"
"Sa pagkamatay ni Ivan ay hindi siya nabigyan ng katarungan,"
"At ikaw Evelyn, ang bintanang nakikita mo sa iyong panaginip ay mismong pinagtalunan mo!
"Nakikita kong nagdadalang tao kana nung mga panahon nayun, at sa pagkakalaglag mo ay natapos narin ang buhay mo' maging ang inyong' magiging anak sana ni Ivan sa nakaraang buhay ay natapos din,
"Ang inyong kaluluwa ay muling nagtagpo at sumumpang magkikitang muli sa ibang panahon at oras,.




next stepp poo ganda
Ang ganda next chapter po