
The day you chose her
βοΈ By HirayaHindi ko alam kung kailan eksaktong nagsimula ang lahat.
Ang alam ko lang, isang araw, ikaw na ang naging daβ¦
Chapter 1
"Some heartbreaks don't begin with goodbye, they begin the day you're no longer the one they choose."
Hindi ko alam kung kailan eksaktong nagsimula ang lahat.
Ang alam ko lang, isang araw, ikaw na ang naging dahilan kung bakit gusto kong gumising nang maaga at matulog nang may ngiti.
Ikaw ang naging pahinga ko.
Akala ko, ako rin ang pahinga mo.
Hindi ko inakalang darating ang araw na ang taong pinakamamahal ko, siya ring dudurog sa akin.
Noong gabing iyon, naghihintay lang ako ng reply mo.
Paulit-ulit kong tinitingnan ang phone ko, umaasang sasagot ka. Hanggang sa may dumating na litrato mula sa kaibigan ko.
Ikaw.
Kasama ang ibang babae.
Magkahawak ang kamay.
Masaya.
Paulit-ulit kong tiningnan ang litrato, umaasang may ibang paliwanag.
Umaasang edited lang. Umaasang hindi ikaw.
Pero habang tumatagal.........
Mas lalo kong nararamdaman na unti-unting nababasag ang puso ko.
Tinawagan kita.
Nang sinagot mo ako, nanginginig na ang boses ko.
"Bakit?"
Iyon lang ang naitanong ko.
Tahimik ka.
Tapos narinig ko ang salitang ayokong marinig.
"Sorry."
Isang "sorry."
Ganun lang ba kadaling burahin ang lahat?
'Yung mga pangarap natin?
'Yung mga pangakong sabay nating binuo?
'Yung pagmamahal na buong-buo kong ibinigay sa'yo?
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Hindi dahil may iba ka.
Kundi dahil ginawa mo akong maniwalang ako lang, habang may iba ka na palang pinipili.
Ang sakit pala ng lokohin.
Parang buhay ka pa, pero bawat paghinga mo, parang may kasamang kirot.
Araw-araw kong tinatanong ang sarili ko,
"Saan ba ako nagkulang?"
"Hindi ba ako sapat?"
Hanggang sa napagod na rin akong sisihin ang sarili ko.
Doon ko na-realize na,
Hindi ako ang nagkulang, ikaw ang piniling sirain ang tiwalang buong puso kong ibinigay.
Ngayon, kaya na kitang maalala nang hindi umiiyak.
Hindi dahil wala na akong naramdaman.
Kundi dahil natutunan kong mahalin ang sarili ko higit sa taong paulit-ulit akong sinaktan.
At kung sakaling magkita man tayong muli, ngingitian pa rin kita.
Hindi dahil gusto pa kita.
Kundi dahil sa wakas,
Malaya na ako sa pagmamahal na ako lang pala ang lumalaban.




Comments 0